Chapter CHAPTER 18
Skyler's Pov
Tanghali kinabukasan ay heto kami sa silid ni prince Alex dahil tinutulungan ko siyang ayusin ang kaniyang mga dadalhin na damit.
Ngayong araw gusto ng hari na pumunta na kami sa bayan para daw ay mabilis kaming maka-uwi ka agad at maayos na namin ang anumalya roon.
Hindi pa nga namin alam ni prince Alex kung saan kami tutuloy doon pero maghahanap na lang kami ng may mabuting loob na handa kaming patuluyin sa kanilang tirahan.
Meron namang dalang pera si prince Alex pero gusto ng hari na manirahan kami kasama ng isang pamilya para makausap namin ito at malaman namin ang mga bagay na nangyayari sa bayan. "Alex ayos na to, wala ka na bang ibang dadalhin?" tanong ko sa kaniya
"Oo wala na, yung mga damit mo ayos na ba?" balik na tanong niya sa akin
"Ah oo kagabi ko pa iyon inayos at saktong mga damit lang dinala ko para hindi naman nakakahiya doon sa titirahan natin" wika ko sa kaniya
"Buti pala Alex pumayag ka sa gusto ng hari" dugtong ko pa
"Mabuti na rin iyon at matutulungan natin ang mga tao sa bayan at isa pa kasama naman kita kaya alam kong hindi ako malulungkot" nakangising saad nito sa akin "Puro ka talaga biro kahit kailan" sabi ko sa kaniya
"Hindi naman ako nagbibiro eh" napatigil naman ako dahil sa sinabi nito, namula naman ang mga pisngi ko dahil doon kaya iniwas ko agad ang tingin ko sa kaniya. "Ah-eh tara na baka naghihintay na si Manong Henry sa baba" sabi ko sabay buhat sa bag ko.
Hindi na siya sumagot pa at binuhat niya na rin ang bag niya at sabay kaming bumaba.
Sinalubong naman kami ng Hari at Reyna pagkababa namin.
"Anak mag-iingat kayo doon ha wag kayo papagutom" nag-aalalang sambit ng reyna kay prince Alex.
Natutuwa naman ako sa nakikita ko at bigla kong naalala ang aking ina, ganito rin siya kabait sa akin at ayaw na ayaw niya akong nasasaktan.
"Ina malaki na po ako kaya ko na po ang sarili ko" sabi ni prince Alex sa Reyna
"Oo nga naman Amalia hayaan na natin sila ni Sky at alam kong kayang kaya nila ang pinapagawa ko sa kanila" sambit ng hari
"Oh siya sige umalis na kayo Alexander mag-ingat kayo ha at sana matapos niyo ng maaga ang pinapagawa ko sa inyo para maka-uwi kayo agad" litanya ng hari
"Opo ama alis na po kami ni Sky" banggit ni prince Alex at tsaka niya binigyan ng yakap ang kaniyang mga magulang.
Nang matapos ang yakapan ay sabay kaming pumunta ni prince Alex sa garahe ng palasyo kung saan naroon si manong Henry.
"Mahal na prinsipe tara na ho" sabi ni manong Henry kaya pumasok na kami sa kotse at sa likod kami pumwesto pareho ni prince Alex at si Manong Henry ang nag maneho.
Tahimik lang kaming dalawa ni prince Alex, iniisip ko kung saan kami maninirahan doon sana lamang ay marami paring mababait na tao sa panahon ngayon.
"Mahal na prinsipe narito na ho tayo" pagkasabi nun ni manong Henry ay agad naming kinuha ang mga gamit namin bago lumabas ng sasakyan.
"Manong salamat po ha, mag-ingat po kayo pa-uwi" sabi ni prince Alex habang ako naman ay sumenyas lang ng ba-bye.
Iniwan na kami ni manong Henry at heto na kami sa bayan kung saan naririnig namin ngayon ang mga boses ng mga tao na nag-aalok ng kanilang paninda at yung ibang tao naman na namimili at nakikipag tawaran. Malayong malayo talaga ang pamumuhay dito kesa doon sa palasyo.
"Halika at maglakad lakad na tayo baka sakaling makahanap tayo ng pwedeng tuluyan" yaya ni prince Alex kaya nagsimula na kaming mag lakad.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Pinagtitinginan kami ng mga tao marahil siguro sa aming kasuotan dahil hindi ito pareho sa kanila na ang mga kabataan nga ay halos wala ng kasuotan.
"Kuya palimos po" biglang sabi ng batang lalaki na nasa harapan namin.
Naawa naman ako dito dahil halata sa kaniyang mukha na gutom na gutom na siya, naisip ko bigla ang tinapay na nilagay ko sa bulsa ng bag ko yun na lang ibibigay ko sa kaniya.
"Ah bata sandali lang ha" sabi ko at kinuha ko yung tinapay sa bulsa ng bag ko.
"Oh heto oh, pasensya ka na dahil pagkain lang ang meron ako" sabi ko sa kaniya
"Ayos na po ito kuya maraming salamat po❞ masaya ako sa ngiti na nakikita ko mula sa batang ito.
Umalis na ang bata kaya nilingon ko na si prince Alex at nakita kong nakangiti na naman siya.
"Laki ng ngiti natin ha?" nang-aasar na sabi ko sa kaniya.
"Natutuwa lang ako kasi ang bait mong tao" seryoso nitong sabi sa akin.
"Naawa kasi ako doon sa bata at isa pa tinapay nga lang nabigay ko eh wala kasi akong pera" kahit naman kasi na nakatira ako sa palasyo ay wala naman akong pera dahil si prince Alex naman ang gumagastos ng lahat sa akin. “Malaking bagay na iyon Sky kaya wag kang magsisi na iyon lang ang nabigay mo❞ saad nito sa akin
"Salamat ha! Tara na maglakad na ulit tayo" wika ko at naglakad na muli kami.
Sa aming patuloy na paglalakad ay hindi ko namalayan na may nabangga na pala akong isang matandang babae.
"Ay pasensya na po manang hindi ko po kasi kayo nakita" nagulat naman ako ng nagkatinginan kaming dalawa.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Manang?" gulat na sambit ni prince Alex dahil siya yung matanda na nakausap namin dito nung nakaraan.
"Oh mga iho kayo pala" sabi ni manang
"Opo manang pasensya na po kung nabangga kita ha di ko po kasi kayo nakita eh" paghingi ko ng tawad sa kaniya.
"Ayos lang iho di rin naman ako nakatingin sa dinadaanan ko hinahanap ko kasi yung maliit kong anak pero mukhang nauna na atang umuwi iyon sa akin" paliwanag ni manang "Ay pauwi na ho ba kayo manang?" tanong ni prince Alex
"Oo iho, kayo ba saan ang punta niyo at naka bag pa kayo?" tanong sa amin ni manang.
"Eh totoo po niyan manang eh naghahanap po kami ng matutuluyan pansamantala habang narito kami sa bayan" sabi ko sa kaniya
"Totoo ba iyan?" tanong sa amin ni Manang
"Opo manang totoo po iyon" sagot ni prince Alex
"Edi mas mabuti siguro kung sa bahay na lang namin muna kayo tumuloy pansamantala" nagulat naman kami sa alok ni manang
"Sigurado po ba kayo manang baka po maka istorbo kami sa inyo" wika ni prince Alex
"Ano ka ba iho may utang na loob nga ako sa inyo kasi binigyan niyo ako ng malaking halaga ng salapi nung nakaraan" sambit ni manang "Naku manang hindi na po namin iyan tatanggihan, maraming salamat po" sabi ko
"Oh ano pang hinihintay niyo? Tara na!" masayang saad nito at nagsimula na kaming maglakad patungo sa bahay nila manang.
Napagtanto ko na meron pa rin talagang mga tao na mabubuti ang puso at isa na si manang doon.