The Possessive Prince

Chapter CHAPTER 17



Skyler's Pov

"Alex pwede mag tanong?" sabi ko sa kaniya

"You're already asking" walang ganang sagot nito.

Narito kami sa balcony ng silid niya at heto kami masayang pinapanood ang pag lubog ng araw, dito agad kami dumiretso ni prince Alex matapos namin pumunta sa mall. "Diba nung nag-inom kayo nila prince Khalix at prince Zamuel, bakit hindi niyo kasama si prince Claude" bigla niya naman ako binigyan ng seryosong tingin dahil sa sinabi ko. "Bakit mo tinatanong yan? May gusto ko ba sa lalaking yon?" sambit nito sa akin na ikinabigla ko.

"W-wala no, curious lang ako kasi lagi naman kayong magkakasamang tatlo kapag nag-iinuman kayo" paliwanag ko sa kaniya

Mukhang naniwala naman siya doon sa sinabi ko kaya binaling niya muli ang kaniyang mga tingin sa sunset.

"Hindi ko din alam, sabi nila Khalix at Zamuel ay may inaasikaso raw ito at ayaw naman nitong sabihin kung ano" sagot niya sa akin

"Ahh Okay" sabi ko habang tumatango

Di na siya umimik pa at parehas na naming tinoon ang aming mga atensyon sa paglubog ng araw.

"Sky Salamat ha❞ biglang saad nito sa akin

"Para saan naman?" takang tanong ko sa kaniya

"Sa lahat❞ simpleng sambit niya sa akin

"Sa lahat?" tanong ko

"Kasi na-realized ko lang na napaka swerte ko sayo, hindi mo ako iniwan at natitiis mo yung ugaling meron ako" wika nito

"Hindi mo naman ako kailangang pasalamatan, ginawa ko yun dahil gusto ko at isa pa ako nga dapat ang mag pasalamat sa pamilya niyo eh kasi kinupkop niyo ako dito simula nung mamatay yung mga magulang ko❞ seryosong litanya ko sa kaniya

"Wala eh matalik na magkaibigan ang mga pamilya natin kaya sino pa ba ang magtutulungan?" sagot niya sa akin

"Tama ka, alam mo sobrang namimiss ko na yung mga magulang ko❞ malungkot na banggit ko at napansin kong napatingin siya sa akin dahil doon

"Hinding hindi ko sila malilimutan kasi sila yung unang tao na nagparamdam sa akin ng pagmamahal" wika ko

"Sky, kapag nalulungkot ka lagi mong tandaan na nandito lang ako ha" napatingin naman ako sa kaniya dahil doon.

"Salamat Alex" wika ko at di ko napigilang yakapin siya.

Di naman niya tinanggal ang pagkakayakap ko sa kaniya at ginantihan niya pa iyon, masaya ako dahil dumating siya sa buhay ko di niya lang alam kung gaano siya kahalaga para sa akin pero sana mahalaga rin ako sa mga paningin niya. Hindi ko muna iisipin ang mga ganoong bagay para hindi ako malungkot, naputol ang pagyayakapan naming dalawa ni prince Alex ng may kumatok sa pinto.

Tumayo kaming dalawa at siya na ang nag bukas ng pinto, sumalubong naman sa amin si kuya Berto.

"Mahal na prinsipe gusto ko lang sabihin na pinapaalam ng mahal na hari na gusto niya kayong makasabay mamaya sa hapunan" magalang na sambit ni kuya Berto

"Sige kuya Berto, bababa na lang kami ni Sky mamaya" sagot ni prince Alex at umalis na si kuya Berto.

"Anong meron?" tanong ko sa kaniya pagkasara niya ng pinto.

"Hindi ko rin alam pero baka may mahalaga siyang sasabihin sa akin" wika niya at tinanguan ko ito.

*********

Kinagabihan ay sabay kaming bumaba ni prince Alex papunta sa kainan nila, napakalaki nito at meron din itong mahabang lamesa na pwedeng magkasiya ang ilang tao. Nadatnan namin doon ang mahal na hari at nasa kaliwa niya naman ang mahal na reyna, napansin ko ring napakaraming pagkain na nakahain dito.

"Alexander maupo na kayo ni Sky" sabi ng hari at umupo si prince Alex sa kanan ng hari habang ako naman ay nasa tabi niya umupo

"Ano pong meron ama?" tanong ni prince Alex pagka-upo namin.

"Kumain muna tayo Alexander bago ka magtanong" sambit sa kaniya ng hari

Minsan lang naman magyaya ang hari na magsama sama kami sa hapunan kaya sigurado ako na may ipapagawa ito kay prince Alex o kaya may mahalaga itong sasabihin.

Sinimulan na naming kumain at sa bawat likod namin ay mayroong mga katulong na silang nagbibigay sa amin ng tubig.

Mabait ang hari at reyna sa kanilang mga nasasakupan kaya naman labis na gusto sila ng mga naninirahan dito sa kaharian ng Monte Verde.

Pero sadyang may mga tao talaga na dahil sa sobrang kabaitan mo sa kanila ay nagawa ka pa nilang abusuhin katulad na lamang ng sitwasyon doon sa bayan.

Masakit iyon para sa akin dahil labis na naghihirap ang mga tao doon sa bayan para may maiuwi silang pagkain para sa kanilang pamilya tas kukuhanan pa ng bayad sa pwesto nila na sinaad na ng hari na ito ay libre. "Alexander gusto kong isama mo si Sky" biglang sambit na ikinataka naming dalawa.

"Saan naman po ito Ama?" tanong ni prince Alex

"Gusto kong tumira muna kayo ng isang linggo sa bayan" parehas kaming nabigla ni prince Alex dahil sa sinabi ng amang Hari

"Ha? Sigurado ka ba diyan ama?" gulat na tanong ni prince Alex

"Oo Alexander, gusto kong tumira kayo doon ng isang linggo para malaman niyo kung sino ang umaabuso doon" paliwanag ng hari

"Pero ama hindi po ba inatasan niyo na si kuya Berto para ayusin ang anumalya doon sa bayan" litanya ni prince Alex

"Tama ka diyan Alexander pero hindi nila iyon nagawa at gusto ko kayo ni Sky ang umayos noon dahil kayo rin naman ang nakatuklas ng ganong kalakaran sa bayan" sagot ng hari

"Saan naman sila tutuloy doon lisandro?" tanong ng Reyna sa Hari.

"Silang dalawa na ang bahala doon Amalia" wika ng hari

"Pero Am-"

"Wala ng pero-pero Alexander! Tingnan mo na lang ito bilang pagsasanay tutal malapit ka na maging ganap na prinsipe, ok lang ba ito sayo Sky?" sambit ng hari "Ah-eh Opo ok lang po❞ magalang na sagot ko rito

"Oh tularan mo si Sky walang reklamo" nakangiting saad ng hari.

Wala ng nagsalita sa amin at pinagpatuloy na namin ang pagkain, hindi naman maipinta ang mukha ni prince Alex dahil alam ko namang hindi siya sanay sa ganoong pamumuhay. Masaya naman ako dahil sa wakas ay makakatulong kami sa mga tao roon sa bayan.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.