Chapter 2 The Bad Boy’s Revenge
Patuloy ang buhay, magbunhi! tatlong araw na simula ang ingkwentro namen nung mayabang nall Amiel, Ariel, Aviel or so what ever ang pangalan nya. Bakit hindi pa din matanggal ang takot sa puso ko? Akalain mo na anak pala siya nang may ari nang school? And so what? alam kong nasa tama ako kaya baket ako matatakot?
Pero nakakatakot talaga!
Naglalakad ako ngaun papasok nang English101 ko. Kumukuha nga pala ako nang Bachelor of Science in Tourism. Plano ko kasing maging flight attendant someday. Kaya nga laking swerte ko ng nakakuha ako nang scholarship dito sa LS. Papasok palang ako nang room nang napansin ko na nakatingin sa akin ang mga classmate ko. Okay, medyo weirdo. Nagkibit balikat lang ako at diretsong umupo sa upuan ko. Pagka upo ko ang ko ay panay na ang bulungan nang mga kaklase ko. Napansin ko si Klaus. Isa sa mga kaklase ko na kasundo ko. Mabaet kase siya kahit anak mayaman. Napansin ko na parang may gusto siyang sabihin sa akin. Tatayo nga sana siya pero may isang kaklase akong lalake na hinawakan siya sa magkabilang balikat dahilan para hindi siya makagalaw.
"Julia, alis jan!" sigaw ni Klaus sa akin. Hindi pa ako nakakatayo ay narinig ko nalang ang pagsinghap nang mga kaklase ko, ang iba naman ay nagtawanan. Urrghh! Akalain mong bago ako makatayo ay napaliguan na ako nang isang timbang arina. Tumayo ako at nagpagpag nang katawan. Nakakainis! Gusto kong pumatay! Mabilis akong lumabas nang kwarto at nagmamadaling pumunta sa cr. Gusto kong umiyak dahil sa pagkapahiya pero hindi ko ginawa. Ayoko maging mahina. Alam na alam ko naman kung sino ang may pakana nito eh. Humanda sa akin yung lalake na iyon. Alam na alam kong siya lang ang may kagagawan nito.
"Shock! bessy, ayos ka lang?" tanong sa akin ni Trixie pagbalik ko nang room. Muntanga naman si Trixie! Siya kaya paliguan ko ng arina tapos tanungin ko kung ayos lang siya? Ang nakakairita pa ay yung mga kaklase kong mga nakangising aso pa din.
"Ayos lang ako, Trixie." Pilit akong ngumiti. Ang totoo, nanginginig ang laman ko sa galit. Natigil ang pag uusap namin nang lumapit si Klaus.
"Sorry, Juls.. wala along nagawa.." nakatungong sabi ni Klaus. Hindi ko alam pero napangiti ako bigla. Biruin mo, ang isang gwapo at mayaman na lalake magsasalita sayo nang ganito? ang ganda ko talaga.. Tumayo ako at hinawakan ang balikat niya. Natutuwa kasi ako at concern siya.
"Ano kaba, Klaus. Okay na Okay lang ako." sabi ko habang nakangiti. umikot pa nga ako para ma assure na okay ako. "tignan mo, buhay pa din ako." I smiled at him geniunely. Bahagyang ngumiti si Klaus at nag iwas ng tingin. Bigla kasing namula ang pisngi niya.
Nagsimula na ang klase. Seryoso kaming nakikinig sa aming professor nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang nilalang na ayaw ko makita buong buhay ko. Napatingin agad siya sa akin at tsaka ngumisi. Nahighblood ako bigla.
"You're late, Mr. Silvero." sabi nang aming professor.
"Seriously, Mr. Acosta?" Iritableng sagot niya sa prof. Aba't napakasama talaga nang ugali. Si Mr. Acosta naman ay hindi na nagsalita. Bakit ganoon? at baket ang sama nang ugali nang lalake na ito? ibinalik ko ang atensyon ko sa nagtuturo naming prof. Nadidistract pa nga ako dahil ramdam ko ang titig nung badboy sa gilid ko. Napasinghap pa ako ng lumipat siya sa tabi ng upuan ko.
"You smell like, shit." pabulong na sa niya. Gusto ko siyang sapakin pero pinigilan ko lang sarili ko. Hindi ka papaapekto! ayokong paapekto! nakakabawas ganda. Panay ang bulong ko.
Nagbigay nang tanong ang aming prof. Sabay pa nga kami nagtaas ng kamay ni Mr. Demons (short for demonyo). Ako ang tinawag kaya tinignan ko siya at nginisihan. Nakakainis kasi ngumisi din siya. Isang nakakatakot na ngisi ang binigay niya. Pagkatapos kong sumagot at diretso na akong umupo sa aking upuan.
Nag bell na hudyat na tapos na ang klase namin sa subject na ito. Nag-ayos ako nang gamit para lumipat sa susunod na klase ko. Tsaka, baket ba naging kaklase ko ang demonyong ito? eh last week hindi naman. Ang daya talaga! porket anak siya nang may-ari nagagawa niya ang gusto niya? Papatayo na ako sa ako ng upuan nang namataan ko na nandito pa din ang demonyo. Wala nang tao sa loob maliban sa amin kaya kinilabutan ako.
"Let's go, Julia. Male-late na tayo." Preskong sabi niya. Kumunot ang noo ko. Nakangiti kasi siya sa akin. Kumalabog ang puso ko sa ngiti niya na iyon. Parang hindi kasi maganda ang nararamdaman ko.
"Maka, Julia ka jan. Close tayo?" masungit na sabi ko. Pero may kaba talaga ako sa dibdib na hindi ko maipaliwanag. Narinig ko ang pagtawa niya at tsaka mabilis na lumabas nang room. Ako naman at tatayo na sana pero hindi ako makatayo. Ano na naman nangyari? Aaarrrrghhh!!!! ano na naman ang ginawa nung demonyo na iyon?
"Mamatay ka na, Silverio!"