The Perfect Bad Boy

Chapter 1 Meeting the Bad Boy



Hi! Ako nga pala si Julia Montes. Hehe! Hindi, joke lang. Ako si Julia Samantha Trinidad, 18 years old, maganda at sexy. Totoong maganda ako pero yung sexy? hindi ko alam kung san hinugot 'yon. Anyway, nag aral ako sa La Soledad. Ang pinaka mamahaling school dito sa lugar namen. Pero, hindi ako mayaman ah, scholar kase ako.

Naglalakad ako ngaun papasok nang La Soledad. Grabe! ang ganda talaga nang school namen. Ang dame pang gwapo dito. Oh! wag kang judgemental, ah! alam ko iniisip niyo. Hindi ako flirt, NBSB nga diba? sadyang madami lang magandang nilalang dito. Ehem!

"Julia!" tawag sa akin ni Trixie ang bestfriend ko. Magkababata kami nyan kaya mahal ko yan kahit medyo may pagkalukaret yan. Lumapit ako sa kanya nang nakangiti. Kinapit niya ang kanyang braso sa akin. Napapailing nalang ako. Mayaman yang si Trixie, maganda at kilala sa school. Boy magnet yan, she gets what she wants. Sarap maging mayaman noh?

"Julia, lets eat sa cafeteria. I'm hungry na kase.." maarteng sabi niya. Wala naman akong magawa kundi sumunod sa kanya. Habang naglalakad kami ay hinigit ko siya. Tumingin siya sa akin na para bang nagtataka. "Libre mo ako wah!"sabi ko dahilan para mapa irap siya sa hangin.

"Whats new? lets go.." maarteng sabi niya at hinila ulit ako. Baet talaga nang bff ko hehe. Kulang kase budget ko kaya tipid tipid muna.

Habang naglalakad kami papunta duon ay nalaglag ang panga ko nang huminto ang tatlong naga-gwapuhang nilalang sa harap namen sila Maico, Zion at Enzo. Ang hearthrob nang La Soledad. Agad lumapit si Maico kay Trixie at inakbayan, hindi ko alam pero parang kiti-kiti ang bff ko. Hay! for sure abot outerspace ang kilig nyan. Yung dalawang kasama niya naman ang snob. Yaan na, bahala nga sila kahit gwapo sila. Ala akong panahon sa kanila. Mga ten years akong nakatayo dito nang magpaalam ang tatlo. Kahit naiirita ako ay hindi ko na pinakita kay Trixie.

"See you later babe.." sabi ni Maico kay Trixie sabay kindat. Errr! ang flirt niya ah.

Pagdating namen sa cafeteria ay madaming nang studyante. Pumila kami ni Trixie para maghintay sa turn namen. Nagulat naman ako nang biglang may sumingit na magandang nilalang sa harapan ko.

"Excuse me!" Iritableng sabi ko habang hinarap ang lalaking sumingit sa harap ko. Baket may adonis sa harap ko? Erase! Ngumisi lang siya pero hindi pa din umalis sa pwesto niya. Si Trixie naman ay nandun na sa harap at bumibili na kaya hindi niya napansin na may kaguluhan na nangyayari dito. Actually, nakatingin na samin ang mga studyante dito, yung iba nga ang sama nang tingin lalo na yung mga babae.

"Nauna ako! singit ka nang singit jan! alis!" mataray na sabi ko. Nagulat ako nang hinarap niya ako na nakakunot ang noo. Gusto ko sanang matulala sa kanya pero hindi pwede. Ang sama ng ugali niya, gwapo pa naman sana. "Nag mamadali ako miss, pwede ako muna mauna?"sabi niya sabay balik ang tingin sa pila. Aba't!!! nakakakulo nang dugo ito ah. Nagulat ako lalo nang bigla niyang tinulak ang nerd na babae sa harap niya. Aba't nang bully pa ang hampas lupang ito ah.

Sa sobrang gigil ko ay bigla ko siyang sinuntok sa mukha dahilan para mapa atras siya. Narinig ko pa ang pagsinghap nang mga tao sa paligid. Agad umayos nang tayo ang badboy na lalaki at ginalaw ang panga. Nagulat ako nang lumapit sa akin si Trixie na nanlalake ang mata.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

"What happened here, Julia?" tanong niya pero sa tono nang boses niya ay natatakot siya. Tsk.. baket ako matatakot eh ako ang tama, diba? ang taong masama ang ugali dapat pinaparusahan.

"Tanong mo jan sa hambog na iyan!" sabi ko habang nangigigil at dinuduro-duro ko siya. Yung lalake naman ay nakatingin sa akin nang masama kaya sinamaan ko din nang tingin. Yung tingin na parang may kuryente na nag kikislapan sa paligid. Akala ba niya matatakot niya ako kahit lalake siya? No way! pag-alam kong nasa tama ako, lumalaban ako.

"You dont know him, Julia?" tanong ni Trixie.

"Of course I dont. Sino ba yang hambog na iyan?" nang-gagalaiting sagot ko. Nakita ko naman yung tinulak niya na nerdy girl na humahakbang palayo habang namumutla ang mukha. Halata sa mukha niya ang takot. Baket ganun? kaya may mga naapi kase ang daming nagpapaapi. Pwes, ibahin niyo ako. Nagulat naman ako nang biglang tumawa yung badboy na lalake. Yung nakakakilabot na tawa kaya bumaling ako sa kanya.

"You dont know me? for real?"pinaghalong gulat at pagkamangha yung makikita mo sa mukha niya.

"Baket? sino kaba? dapat ba kilala kita?" matapang na sagot ko. Napangiwi ako nang bigla akong hampasin ni Trixie.

"OMG! Julia! he's Glen Aviel Silverio.." hysterical na sabi ni Trixie.

"And so?" sagot ko. Kumunot pa ang noo ko ng makita ko ang pag-iling ni Trixie kaya medyo naguluhan ako. Sino ba siya at napaka bigdeal naman nang ginawa ko?

"He's the son of the owner of La Soledad." diretsong sabi niya na ikinalaglag nang panga ko. Tapos biglang nanlamig ang buong katawan ko. Shocks! ang scholarship ko.

Natahimik ako bigla. Actually, lahat kami natahimik nang naglakad si Glen papunta sa harap ko. Inilapit niya ang mukha niya na lalong ikinanigas nang katawan ko.

"Now you know me, miss.." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako kasi may pagbabanta yung salita niya. Nakakatakot na siya ngaun. Hindi pa din ako makahanap nang tamang salita kaya nakatitig lang ako sa kanya. Akmang aalis na siya nang iritable siyang nagsalita.

"Ang lakas nang suntok mo ah." nag igting ang panga niya. "You'll pay for this.." Nakakalibot na sabi niya at tuluyan na siyang lumabas nang cafeteria. At ako? Eto, naiwan nakanganga.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.