The Perfect Bad Boy

Chapter 18 First date



"Nagseselos ak, Julia. Alam kong walang tayo, pero sana naman wag mong iparamdam sakin na wala lang ako seyo."

Natigilan agad ako nang sinabi niya yan. Pakiramdam ko kase may mali akong nagawa sa kanya. Ay! takte ka Silverio! Nagseselos? hindi ko kase alam kung baket siya ganyan. Nililigawan daw niya ko? pero kase ngaun ko lang din naranasan ang mga ganyang bagay kaya ako mismo walang alam.

"Tatanga ka nalang jan?" Nabalik ako sa katinuan nang nagsalita siya. Gustong gusto ko magsalita pero wala akong mahanap na tamang salita.

Tapos nakatapat siya sa driver seat ako naman sa passenger. Nauna siyang pumasok sa loob nang sasakyan.

"Hindi bubukas yan mag-isa..." binuksan niya yung window para sabihin yan? eh malay ko ba na isasama pala niya ko? Umirap lang ako tsaka binukasan yung front seat sa tabi niya. Agad niyang binuhay yung makina. Leche nato! "Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko pero di ako tumingin sa kanya. Paano napaka ungentleman. Nanliligaw pa siya nang lagay na yan ah.

"Basta!" Sagot niya.

"Teka, may klase pa tayo diba?"

Hindi na siya sumagot tas pinaandar na niya yung sasakyan. Gustuhin ko man mag protesta ay wala na akong magawa. Alangan naman lumundag ako sa sasakyan niya. At baket ba sumama ako?

"Are you hungry?" Matigas na ingles na sabi niya. Pag ganyan si Glen pakiramdam ko ang baet baet at talino niya. Pag naman tagalog yan magsalita, hala, sablay na. Gulo na ang sunod na mangyayari.

"Hindi nama-" hindi ko na natapos kase biglang tumunog yung tiyan ko. Bigla akong napatingin ako sa kanya. Bahagya pa nga siyang natawa. Pero ang kinagulat ko yung tawa niya. Iyon yung ang nakita kong tawa niya nang si Maggie ang kasama niya sa mall. Genuine. Napairap ako sa sariling naiisip ko. Baket ba nasali yung Maggie savor na yun dito? Tsaka totoo na naiirita ako. Hindi ako nagseselos ah. Pero ewan ko pag may ibang dumidikit kay Glen naiirita ko. Talagang walang selos. Promise.

"Your stomach is telling the opposite." Bigla siyang lumiko sa isang fast food chain. Pumunta siya sa drive thru tsaka pumili ng pagkain. Dapat pala palaging nag-eenglish si Glen kase ang baet niya pag ganyan. Dudukot sana ako sa bag nang pera kaso naiwan ko nga pala sa room yung bag ko. Kainis! bigla nalang kase ko kinaladkad diba? Anu naman ngaun pambabayad ko? wala pa naman sa budget ko gumastos dito. Nagsimula nang umorder si Glen ang dami dami niya ngang inorder eh. Magkakasya ba lahat nang ito sa bituka niya? Mukhang pang sampung katao na eh..

"Ah-- eh.."sagot ko.

"What?" Nangingiting sagot niya. Hala, ang puso ko! Ayan na naman. Ang bilis nang tibok.

"Ano kase.. naiwan ko yung bag ko! wala akong pera na dala." Medyo nahiya pa ako kaya nag-iwas ako nang tingin.

"Tsk.. Tingin mo ba pagbabayarin kita?"

Nakakunot na naman noo niya. Nagtagalog siya! Jusmio! Napakamainitin nang ulo. Eh malay ko ba diba?

Tuluyan na niyang pinaandar yung sasakyan niya. Ako naman hindi ko alam yung gagawin ko kung kakain ba ako or ano. Kase naman, pinatong niya sa lap ko lahat eh. Paano nalang kung magtauban to?

"Eat." Kahit yan lang sinabi niya puno nang authority kaya yung kamay ko bigla nalang gumalaw at kumuha nang fries. Napapalingon pa nga ako sa kanya. Alam ko naman nagugutom siya kaya nga nag order siya nang food diba? Eh nagdadrive siya kaya naman di ko alam kung aalukin ko siya or susubuan ko nalang. Wait! Susubuan? ramdam ko ang paginit nang pisngi ko. Umayos ka Julia!

"Mind if subuan mo ako?" Natigil ako sa paglapang nang burger nang nagsalita siya. Yung mata niya nasa daan pa din. Bigla nga akong napalunok nang laway kase feeling ko nabilaukan ako bigla. Huminga ako nang malalim, kaya mu Julia. Kumuha ako nang isang burger alangan naman yung may kagat ko ang ipakain ko sa kanya diba?

"Say---- aaaaaahhhhh!" Pinilit kong maging jolly kahit ang totoo nangangatog yung kamay ko. Unti-unti kong nilapit yung burger. Tas ayun kumagat siya. Nakahinga ako agad. Nakatitig ako sa kanya habang nginunguya niya yung burger. Hindi ko alam magiging reaksyon ko sa bawat pag galaw nang panga niya. Grabe ang gwapo gwapo niya! Nag iwas agad ako nang tingin dahil baka si Glen na makain ko eh.

"Julia.." bahagya akong napadilat. Nakatulog pala ako, sa tagal nang pag dadrive ni Glen ni hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Bigla akong napaayos nang upo nang nakita ko ang pagtitig niya sa akin. Tapos napatingin ako nang orasan halos mag aalas onse na.

"Laway mo, Julia." Natatawa pa siya kaya naman napaayos ako nang upo tas sinuklay ko yung buhok ko gamit ang kamay ko. Grabe nakakahiya.!

"Grabe ka saken! Wala naman eh.." napasimangot ako at inayos ang sarili. Ang sama, akala ko talaga meron.

"Ano ginagawa naten dito?" Napakunot noo ko kase naman nasa theme park kame. Pero sa kaloob looban ko ay nagagalak. First time ko kase makaputa sa theme park. Yung sayang nararamdaman ko pakiramdam ko para akong limang taong gulang na bata.

"Wala naman. I just wanna bring you here." Tapos tinangal na niya yung seatbelt niya. "And consider this as our first date." Tapos umiwas agad siya nang tingin at lumabas sa sasakyan niya. Date??? Hala hindi ako prepared. Lols! Pero hindi mo alam ang tuwa sa kaloob looban ko.

"Sakay tayo dun?" Halos hilahin ko na si Glen para maka sakay sa Space Shuttle. Pero mas malakas siya kaya di ko mahila. Tapos medyo namutla siya. Hala baket?

"Wag na jan, Julia. " hindi ko alam kung tatawa ba ako or ano. Ang mais naman kase niya nakasakay kame sa rides puro pambata. Hello!? First time ko kaya dito, kaya I want to experience lahat.

"Sige na, Glen. please..." pinaglapat ko yung kamay ko tapos ayun nag-puppy eyes pa ako. Natawa nga agad siya sa ginawa ko kaya nagpahila na siya sa akin.

"Sa gitna tayo ah.." mahinang sabi niya. Nadissapoint ako bigla kase naman gusto ko sa una. Pero abusado naman ako pag pinilit ko pa eh halata naman sa kanya na napipilitan lang siya.

"12:45" bulong niya sa akin. I don't know what does it means. Umandar na kase yung Space Shuttle...

"Wooooh!!!" Tataas ko sana kamay ko pero ang higpit nang hawak ni Glen. Seriously? takot siya? Pagkatapos nang ilang ikot-ikot eh nakababa na kami. Ayun si Glen hindi ko maipinta yung mukha. Kaya natawa nalang ako. "Ayos ka lang?" Hindi pa din maipinta yung mukha niya.

"Don't talk to me, Julia." Mahinahon naman ang sabi niya pero nakakirita nagsusungit na naman siya. Nakakatawa kasi mukhang constipated ang mukha niya.

"Okay." tas bigla nalang akong naglakad at iniwanan siya. Hindi ko na inintindi siya paano naman nakakainis. Pa don't talk to me, don't talk to me pa.

Mabilis lakad ko kase naiirita talaga ko. Nakakainis! Tapos nagulat ako nang may nakabungo ako.

"Ouch!"

"Aray!"

Sabay sabi namen. Halos mapa-upo pa nga ako eh.

"Look who's here?" Umangat agad tingin ko sa nagsalita. I was about to say sorry nang nakita ko kung sino. Aaminin ko kung napapabilis ni Glen ang tibok nang puso ko. Nadoble ngaun dahil sa nakita ko.

"Long time no see, Julia.." sagot ni JD. Yung lalakeng kulot na nang bully saken at hinubadan ako sa cafeteria sa school.. yung lalaking kulot. Yung tingin niya tsaka nung tatlong kasama niya parang manglalapa. Literal na hindi ko magalaw yung paa ko. Oh no! Glen nasan ka?

"Ano? wala kang kasama?"sabi niya tapos ngumisi sila sabay sabay. Gusto kong sumigaw pero wala yatang lumabas sa bibig ko. Ang totoo takot ang nararamdaman ko.

Bigla niya akong inakbayan kaya naman nagsitayuan ang balahibo ko sa takot.

"Don't you dare to shout, Julia. Lalo ka lang mapapasama."sagot niya. Ni hindi ko nga mahakbang yung paa ko kase naman sa takot pero hinila niya ako.

"Anu ba!!" Pinilit kong pinalakas yung loob ko. Nasa labas na kase kami nang theme park. Tapos hinihila nila ako papasok sa kotseng kulay black.

"Na kick out kami sa LSU dahil seyo!! kaya wag ka nang mag inarte." Agaran ko siyang sinampal. Kaya naman lalong nag alab ang galit niya.

"Ga-" bago pa siya magsalita ay bumagsak na siya sa sahig. Isa isa nang nagtuluan ang luha ko dahil sa kaba. Then I saw him..

"Glen"


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.