The Perfect Bad Boy

Chapter 17 Nagseselos ako



"Hi, Julia." Bungad sa akin ni Klaus pag pasok ko sa room. As usual nakatingin na naman sila sa akin. Hindi ko na nga masyadong iniinda sila kase nasanay na din ako. Simula kase nang napalapit ako kay Glen ganyan na sila sa akin, kahit hindi ko naman classmate ganyan saken. Kaya nga nasasanay na din ako.

"Oh, here comes the first runner up.."sabi ni Kristele sabay flip nang hair. Napairap ako dahil duon. Seriously? till now di pa nakakamove on sa Ms. LSU thingy na yan. Yung price ko nga napambayad na nang kuryente at tuition ni Kimmy tas siya naman yun pa din ang issue? Unbelievable.

Nasa likod niya si Trixie na nakatitig lang sa akin. Napakunot ang noo ko dahil duon. What's wrong with Trixie? hindi ko na siya maintindihan. I tried to smile at her pero inirapan niya ako.

"Loser hanggang sa kaibigan, Julia." sagot ni Kristele. Nagkibit balikat na lang ako upang lampasan siya pero agad niyang hinigit ang siko ko.

"Anu ba?"sinubukan kong bawiin ang braso ko pero hindi nagpatalo si Kristele.

"Kristele! leave. Julia. alone." pareho kaming napasinghap nang lumapit si Klaus sa amin at sigawan siya. Ramdam ko ang pagluwag nang pagkakahawak saken ni Kristele. Kitang kita ko ang pag kayamot sa mukha ni Klaus.

"Ano ba meron kay Julia at nagfefeeling super hero kayo sa kanya?! urrgh!!" Inis na sagot ni Kristele. Hinawakan ni Klaus ang braso ko upang tuluyan makawala kay Kristele. Hindi ako makasagot. Para kasing may pinaguhugutan ang galit saken ni Kristele. Anu paba kulang sa kanya? ikumpara man saken walang wala ako. She's pretty, rich, tsaka bitch! Umiling lang si Klaus.

"Everything you don't have Kristele. Yun ang mayroon si Julia na wala ka.."Nalaglag ang panga ni Kristele nang bigla nalang sumulpot si Glen..

Bigla bigla na naman bumilis ang tibok nang puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung baket ganun ang nararamdaman ko kay Glen. Siya lang kase ang nakakagawa saken niyan. Kitang kita ko ang pagyuko ni Kristele. "We're not yet finish, Julia." Iritableng sabi niya sabay labas ng room. Ang mas nagulat ako ay ang pagirap na ginawa ni Trixie sa akin.

"Are you ok?" "Are you ok?"

Sabay na tanong ni Glen at Klaus. Wala akong ginawa kundi kumurap at magpalipat lipat nang tingin sa kanila. Nakakabinging katahimikan. Nabalik yata kami sa earth nang bigla nalang sumigaw ang isang kaklase kong lalaki.

"Haba nang buhok mo Julia, natatapakan ko." Tapos nagtawanan sila nang mga kabarkada niya.

"Shut up!" Halos mapahawak ako sa dibdib ko nang biglang sumigaw si Glen. Instantly, natahimik yung mga kaklase ko at umayos nang upo. Halos madurog ang mga upuan na dinaanan ni Glen nang pagsisipain niya ito isa-isa. Mabilis siyang umupo sa usual na upuan niya sa dulo. Ako naman ay inalalayan ni Klaus patabi sa kanya. Isang row ang layo kay Glen.

Napatingin ako sa gawi niya. I saw pain. Baket ganuon yung mata niya? Masyadong puno nang emosyon kaya hindi ko kayang makipagsabayan. Ako na ang unang umiwas. Nang pag ka upong pag kaupo namin ni Klaus ay kumuha siya nang alcohol sa bag niya at marahan dinampian ang kalmot na nakuha dulot sa mahigpit na pagkakahawak ni Kristele.

"ARAY!" halos mapatayo ako sa upuan dahil sa hapdi. Kitang kita ko ang pagkataranta ni Klaus kaya naman agaran niya itong hinipan. Halos dumampi na ang labi niya sa braso ko kaya naman nagtayuan na ang balahibo ko at bahagya akong umatras.

"Okay na."sagot ko kahit medyo mahapdi pa. Sobra sobrang pagka ilang kase ang nararamdaman ko.

Umayos ako nang upo at ganoon din lahat nang pumasok na ang aming prof.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

"Damn it!" Narinig kong sabi ni Glen. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Meron kasing katangian si Glen na talagang ma iintimidate ka.

Tapos bigla nalang siyang nasa harap ko na tas hinila ako patayo at palabas nang room.

"Where are you going, Trinidad?" May diin tawag nang aming prof pero parang wala siyang naririnig. Ako naman ay napayuko nalang habang nag lalakad kami. Kase naman! ano ba poblema nang Glen na 'to? Bigla bigla nalang nangangaladkad. Halos lahat nang classmate ko nakatingin na naman samen. Tapos patuloy yung prof namen sa pagtawag pero nahila na ako ni Glen.

"Ano ba?" Pag dating namen sa parking lot. Medyo hingal pa nga ako tas hawak ko yung braso ko kase naman ang higpit nang hawak niya.

"Hoi! Glen. Nawiwili ka na kinakaldkad ako ah.." iritableng sabi ko.

Nakatingin lang siya saken habang ako naman ay salita nang salita kaya naman medyo naconcious ako.

"Baket ba ganyan ka makatingin ha!" Matapang na sabi ko.

"Manhid kaba, Julia?" Seryosong seryoso siya sa pagkakasabi niya. Kaya naman yung balahibo ko isa isang nagtayuan. Yung tono kase niya hindi mo malaman kung nananakot ba siya or nagtatanong lang. "Manhid?"natawa ako nang bahagya.

"Hindi ako manhid.. Tignan mo tong braso ko, ang saket, e. Damang dama ko yung higpit nang paghila mo saken.." naiiling ako tapos bigla nalang siya pumwesto sa harap ko. Nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. Yung tapat na tapat talaga sa akin. Napapa atras pa nga ako pero nakulong niya ako sa braso niya. Nakasandal kase kame sa sasakyan niya.

"Naiintindihan mo ba sinasabi ko, Julia?" ayan na naman siya. Pag ganyan si Glen di ko alam mararamdaman ko pero kinakabahan ako. Halos magkaka amuyan na nga kami nang hininga. Buti nalang kumain ako nang fresh candy kanina. "Adik kaba, Glen? a-ano ba problema mo?" halos mautal ako kase naman ang lapit lapit niya sa mukah ko. Yung tipong nag aagawan na kami nang oxygen para makahinga. Tapos itong puso ko ang bilis pa nang tibok. "Ikaw problema ko, Julia. Damn!" Tas bahagya siyang umatras kaya naman nakahinga agad ako nang maluwag.

"Ano ba kasi ang problema mo saken?" sigaw ko.

"Manhid ka kase!"sigaw niya pabalik.

Buti nalang walang tao kase pareho na kaming nag iiskandalo.

"Ano?"

"Nagseselos ako, Julia! I don't want anyone to be near you.. I don't want anyone to touch you.. Nakaka tangina kase!" tapos ginulo niya yung buhok niya halatang halata na inis na inis siya. Ako naman naiwan nakabuka yung bibig. "Makamura ka naman. Shota mo ba ako? Kung maka angkin ka kala mo naman tayo.." Napaka possesive eh hindi naman kami. Napailing ako. Tapos napatingin ako kay Glen kita ko na naman na nasaktan siya sa sinabi ko. Nakaramdam naman ako nang guilt. Ayoko naman maging rude pero jusko naman! umayos siya.

I'm not even sure kung ano nga nararamdaman ko para sa kanya. Hindi din naman niya dinedirekta saken yung feelings niya. Basta alam ko lang pag kasama ko siya ang bilis nang tibok nang puso ko.

"Nagseselos ako, Julia. Alam kong walang tayo. Pero sana naman, wag mong iparamdam sa akin na wala lang ako seyo."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.