Chapter 45
DAHIL walang sumasagot sa kaniyang pagkatok sa pintuan ay aalis na sana siya. Paghakbang niya ay bumukas ang pinto at may mga lumabas na lalaki. May dalang binalot na paintings ang mga ito. "Hi! Is Ivana inside?"
"Yes. She's waiting for you." Hinawakan oa ng huling lumabas na lalaki ang pintuan para makapasok siya. Naisipan niyang samantalahin ang pagkakataon.
Wala siyang nadatnang tao sa loob. Lalabas sana siya pero napalingon siya sa isang painting na nakasabit sa dingding. Isa itong life size painting ng isang babae at lalaki na parehong nakahubad at magkayakap. Natatakpan lang ng tela ang puwet ng lalaki.
Sumikdo ng malakas ang dibdib ni Jemima. Lumapit siya sa painting. Gusto niyang matiyak kung hindi ba siya nagkakamali sa nakikita niya. Napamaang siya at napahawak sa dibdib nang makumpirma niya na tama siya. Si Ivana nga ang babae sa painting na iyon, at si Harry ang kayakap nito.
Pakiramdam niya ay papanawan siya ng ulirat. Pinagpawisan siya ng malamig. Nanginig ang buo niyang katawan.
"So, you're here already!" Masayang bati ng boses ng babae mula sa kaniyang likuran. Nilingon niya ito. Si Ivana. Nagulat ito nang mapagsino siya.
"Jemima!" Hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ang asawa ng lalaking kasama niya sa natirang nakasabit na painting sa kaniyang dingding.
Hindi niya maunawaan kung bakit hindi siya makapagsalita sa harap ng babaing ito. Samu't sari ang damdaming nararamdaman niya ngayon. Ang malamig na pawis ay napalitan ng pag-iinit ng kaniyang mukha. Hindi na yata niya kakayanin, masyadong bumigat ang kaniyang dibdib na tila gusto nang sumabog. Walang imik siyang lumabas ng pinto.
"Jemima!"
Binilisan ni Jemima paghakbang pero determinado si Ivana na habulin siya. Hinawakan nito ang bisig niya nang maabutan siya nito. "Jemima, let's talk!"
"Let go of me!" Ipinagpag niya ang kamay nitong nakahawak sa kaniya kaya siya nito nabitiwan. Nagpatuloy siya sa paghakbang kaya nilakihan ni Ivana ang paghakbang para harangin siya.
"We have to talk."
Hahawakan sana siya ni Ivana pero umiwas siya dito. Hindi siya makatingin ng diretso sa mukha nito. Ayaw niyang lumala ang hatred na nararamdaman niya. Baka hindi siya makapagpigil. "Don't touch me! I don't want to talk!" Pero dahil sa ginawa niyang pagkibo ay nahirapan na siyang i-contain ang nararamdaman niya. Hindi niya napigilan ang pagtakas ng mga luha niya sa kaniyang mga mata. "I don't like you! No!... I hate you!"
Nangilid na rin ang luha sa mga mata ni Ivana. Ramdam niya ang sakit na nararamdaman ng babaing itinuring niyang pinakamalaki niyang karibal.
"We could hate each other. But we have to talk. You must know the truth."
The truth? Ito ang dahilan kung bakit siya pumunta sa building na ito, ang alamin ang totoo. Ayaw na niyang makaharap ang babaing ito, but she could spend time with her now.
BUMABA sila sa isang restaurant. Magkaharap sila sa isang maliit na mesa.
Tahimik na naghihintay si Jemima sa katotohanang isisiwalat ng kaniyang kaharap. Nakatingin naman sa kaniyang mukha si Ivana, inoobserbahan siya nito, binabasa ang pagkainis na pinipigilan niyang ihayag pero lumatay pa rin sa kaniyang mukha.
"You must love him."
Hindi inaasahan ni Jemima na marinig iyon mula sa kaniyang karibal. Pakiramdam niya ay nag-blush siya dahil sa sinabi nito.
"I thought he was just a husband on paper to you."
Napatda siya sa tinuran nito. Maging siya ay iyon din ang inisip.
Napatingin si Ivana sa umbok ng tiyan ng kaharap. Mapakla siyang napangiti. Tiningnan niya sa mata si Jemima. "I'm sorry for your tears back there. But I'm not sorry for what I did." Tumuwid siya ng pagkakaupo. "I gave him my body, my attention,... He gave me hope, until you came. So, can you blame me?"
Hindi siya umimik. Nakaramdam siya ng pagkaawa sa kaharap. Maging siya ay hindi sang-ayon sa ginawa ni Harry kay Ivana. Pero bahagi na lang ng nakaraan ni Harry ang babaing ito, hindi na puwedeng magkaroon pa ng puwang sa kasalukuyan. Siya na ang kasalukuyan ni Harry.
"You were hurt when you saw the painting, but it was created years ago."
Napahinga ng malalim si Jemima sa narinig. Absuwelto ang dalawa sa pagtataksil kung ang pagbabasehan ay ang painting na6 iyon. Pero ano ba ang bagay na dapat niyang malaman kung kaya't nandito sila ngayon? Pinag-isipan naman ni Ivana ang mga susunod na sasabihin sa kaharap. Sa hinuha niya ay wala itong alam sa pinag-usapan nila ni Harry. Hindi kaya niya masira ang plano ng lalaki kung sasabihin niya ito kay Jemima? "That was it? Is that all you wanted to say?" Napansin niya kasing nagdadalawang-isip nang magsalita ang kausap. "What truth were you saying earlier?"
Lumunok muna ng laway ang babae. Sasabihin na niya sa asawa ni Harry ang naging usapan nila. "Harry,... Harry and I talked about my unit. He asked me to sell it to him." Kumunot ang noo ni Jemima sa narinig.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"So I could forget him completely." Hindi pa siya kumbinsido na makakatulong nga sa kaniya ang plano ni Harry para tuluyan na siyang makapag- move on. Ramdam pa niya ang sakit ng biglaang pag-iwan nito sa kaniya sa ere. "You should" sasabihin ba niya sa kaharap na alam niyang hindi official ang relasyon nito kay Harry noon? Basang-basa niya sa mukha nito ang nararamdamang sakit. Hindi na niya nagawang dugtungan ang sasabihin kay Ivana. "I don't want to be a homewrecker. I just loved him. I thought I did'nt," mapakla itong ngumiti sa huli nitong tinuran, "but I did. I guess it was too late for me."
"Did he love you?" She bit her lip for her question.
"He might have loved me if he saw me with pure love in my eyes,..." napatungo siya sa sumunod na naisip, "... or not." Hindi niya napigilan ang paglatay ng luha mula sa kaliwa niyang mata. Agad niyang pinahiran ng tissue ang mga mata niya.
Naisip niya, siguro kung hindi sila kasal ni Harry, baka isuko niya ito sa babaing kaharap niya. Ayaw niyang manakit ng kapuwa. Nakikita niya ang paghihirap ng kalooban nito. Pero, isusuko ba niya ang taong mahal niya? Mahal na nga ba niya si Harry?
Wala naman pala siyang dapat na alalahanin pa kay Ivana. For now. Sana lang ay hindi na magbago ang isip nito at tuluyan na nitong kalimutan si Harry.
KUMUNOT ang noo ni Harry nang makita ang isang susi sa ibabaw ng mesita sa harap niya. Agad kasi siyang umupo sa couch pagdating niya ng bahay. Dito niya kasi tinatanggal ang medyas niya. Dito muna siya madalas na nagpapahinga kapag galing siya sa labas, bago siya pumasok ng kuwarto. Pamilyar sa kaniya ang naturang susi. Kinabahan siya. Tiningnan niya ang asawa na kasalukuyang abala sa paghahanda ng hapunan sa kusina. Nag-i- slice ito ng karne. Magluluto kasi siya ng tinolang manok.
"I will stew this one. I want something hot inside me." Biniro niya ang asawa pero walang natawa ni isa sa kanila. Muli niyang ibinaling ang tingin sa ini-slice niyang manok.
Nilapitan niya ang asawa. Lalo niyang naramdaman ang tension na namamagitan sa kanila. "What happened?"
Huminga muna ng malalim si Jemima bago siya nagsalita. "She finally said yes to you." Walang katuwaang makikita sa kaniyang mukha.
Napatungo si Harry. Hindi niya inasahan ang pangyayaring ito. Hindi niya sigurado kung nagkasakitan ang dalawang babae. Gosh! Hindi na yata siya lulubayan ng mga problema. Tiningnan niya ang mukha ng asawa. "Did she tell you her reasons?"
"It was you who wanted this to happen," aniya na nakatingin sa susi sa ibabaw ng mesa habang patuloy na gumagawa.
"1"
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! "You wanted her to forget you, but why buy her condo? Do you want to cherish the memories?"
"No," agad niyang sagot. "You know I don't."
Does she really know?
Nanghihina ang tuhod ni Harry dahil sa nararamdamang tension kaya humakbang siya pabalik ng couch.
Nang tingnan ni Jemima ang karne ay saka niya na-realize na natadtad na niya ito ng pino. "Oh, my tinola!"
Tahimik nilang kinakain ang niluto niyang chicken stew. Nakita niya ang pagtataka ni Harry sa maliliit na slice ng manok. Nasarapan naman ito sa paghigop.
"I'm glad that you both are good now." He was trying to lighten the mood. Ipinakita niya sa asawa na nasarapan siya sa niluto nito kaya panay ang higop niya kahit na mainit pa ang sabaw. "I went there... and I saw your butt."
Nabahin si Harry sa narinig sa asawa. Biglang lumabas sa bibig ang kinain niya. Naalarma naman si Jemima sa nangyari sa kaniya.
"Harry!" Bigla itong tumayo para lapitan ang lalaki pero napa-aray siya dahil tumama ang tiyan niya sa mesa.
Naalarma naman si Harry nang makitang nasaktan ang asawa. "No! Stay there!" Sinikap niyang lapitan ang asawa kahit na inuubo siya. Tila may naiwang pagkain sa lalamunan niya.
"Be careful," aniya sa asawa nang malapitan niya ito. Hinimas-himas nito ang kaniyang tiyan. Umubo ito ng malakas. Sinikap nitong mahinto sa pag-ubo, at lumuhod. "Are you alright, my baby?" Idinikit niya ang tenga sa tiyan ni Jemima. Gusto niyang haplusin ang mukha ng asawa. Natutuwa siya dahil sa pagmamahal ni Harry sa anak nila. Pero mahal din ba naman siya nito?
Kakayanin ba niyang manatili sa isang pamilya na naiiwan siyang mag-isa sa isang tabi? Napaluha siya sa kaniyang naisip na pag-iisa.