Chapter 44
DAHIL hindi na nagre-report sa opisina si Jemima, mag-isa si Harry sa loob ng kaniyang kotse. Malalim ang iniisip niya. "Tooooot! Toooot!"
Nagulantang siya sa malakas na pagpito ng mga sasakyan sa likuran niya. Hindi niya kasi namalayan na nag go signal na pala ang traffic light. Napapahiyang tinunton niya ang daan papuntang opisina. Muntik pa siyang lumampas sa standard speed. Hanggang 70 kilometer per hour lang kasi ang maximum speed limit sa daang iyon.
Hindi niya makalimutan ang nangyari kagabi. 'Damn!'
Mahirap para sa kaniya na aminin na nangyari iyong bagay na iyon sa kanilang mag-asawa. Masakit ito para sa kaniyang pride. "Harry,..."sambit ni Jemima habang hinuhubaran niya ito ng damit.
"I can do this." Agad niyang hinawakan ang dede ng asawa nang makita niya ang utong nito. Inihiga niya ito sa kama at isa-isang tinanggal ang mga saplot nito. Inamoy-amoy niya ang bawat saplot na mahubad sa katawan ng asawa bago ito tuluyang ihagis sa sahig.
Ang panty ni Jemima ang huling saplot na hinawakan niya. Sininghot-singhot niya ito. Gusto niya ang amoy ng pagkababae ng asawa. Natural ang amoy nito. Hindi kasi ito naglalagay ng pabango sa kaniyang hiyas.
Napakunot ng noo si Harry nang makita ang maselang bahagi ng katawan ng asawa. Uminit ang kaniyang pakiramdam. Tila may namuong kung ano sa kaniyang puson. Pero napatda siya nang mapatingin sa mukha ni Jemima. Naalala niya ang kaniyang ama.
"You don't have to, Harry."
Tila nagising siya sa saglit na pagkatulog dahil sa boses ng babae. Kinubabawan niya ang asawa. Idiniin niya ang kaniyang ari sa hubad nitong kaselanan. Ibinukaka niya ang mga hita ni Jemima at patuloy na idiniin ang harapan sa asawa. Napakagat naman ng labi si Jemima nang maramdaman ang naninigas na ari ng asawa. Kung puwede lang ay idiin niya ito para mapasok na ang kaniyang hiyas. Pero nakadamit pa ang lalaki. Inumpisahan na ni Harry na hubaran ang sarili. Nang mahubad ang kaniyang brief ay sinapo niya ang ari at idinikit ito sa ari ng asawa. Hinalikan niya sa leeg ang babae. Nilamas niya ang dibdib nito. "Hunhh!" Tila nangangarap ang mga mata ng babae habang ini-enjoy ang ginagawa sa kaniya ng asawa.
Bumaba ang ulo ni Harry. Dinilaan niya ang naninigas na utong ng asawa. Napasinghap naman si Jemima. Tinalunton ng dila niya ang katawan ng babae. Pababa. Nilaro ng dila niya ang pusod nito. Napakilos si Jemima dahil sa naramdamang kiliti. Napangiti siya sa asawa na tumingin sa kaniya. Bumaba ang bibig ni Harry sa puson ng asawa at marahan nitong sinipsip ang balat. Jemima was anticipating, pero huminto si Harry at tiningnan siya sa mukha.
"Harry, I'm already wet. I want you now." halos pabulong nitong sambit. Humawak pa ito sa gilid ng headboard ng kama.
Dahil sa narinig ay hinawakan niya ang ari ng asawa. Kinumpirma niya ang sinabi nito. Napakislot pa ito nang bahagya niyang ipinasok ang isang daliri sa basang lungga nito. "Harry!..."
Ibinigay niya ang gusto ng kaniyang asawa. Pinasok niya ang naghihintay nitong lungga. Napaawang ang bibig ng babae sa kasiyahan.
Wala pa yatang dalawang minuto mula nang magsanib ang kanilang katawan ay naghiwalay na ang mga ito. The shortest lovemaking in their entire marriage!
Nakaramdam siya ng pagkapahiya sa asawa. Alam niyang nabitin ito sa pakikipag-sex sa kaniya.
Kinubabawan niya itong muli. Nang hinalikan niya ang babae sa leeg ay umiwas ito.
"Let's do it again. I'll make it up to you."
"No, Harry. You have to rest.” Tumayo ito at pinulot ang mga saplot niya sa sahig.
NA-REALIZE niya na sobra na siyang stressed out. Dati naman ay kaya niyang pagsabayin ang mga problema niya. Nagiging weak na yata siya. Sabagay, halos puro work-related ang mga naging problema niya noon, maliban sa naging paghahanap niya sa kaniyang ina.
Naalala niya ang mukha ng kaniyang ina nang huli silang nagkita nito. May gumuhit na kurot sa kaniyang dibdib.
Naalala niya ang itsura ng asawa nang magising siya kanina. Bagama't inasikaso nito sa hapag ang pagkain niya ay halos hindi siya nito tiningnan. Umalis siya na hindi sila nagkibuan. Ano pa ba ang sasabihin niya sa nangyari kagabi? Mas mahaba pa ang foreplay. Less than two minutes! Iyon ang tantiya niya sa naging performance niya. 'Dammit!'
Nangyari na ang nangyari, nagmarka na iyon sa history ng pagkalalaki niya. Siya na sanay sa matagalang pakikipagtalik, ilang ulit na 'binubuhay' at 'pinapatay' ang babae habang kasama niya ito sa kama, ay biglang nagkaroon ng nagong record. Nawala na lang ng ganoon ang ipinagmamalaki niyang skill in bed!
Ah! Kailangan niyang mag-focus muna sa trabaho. Malaki ang nakaatang na responsibilidad sa balikat niya. Gusto niyang makuha ng kumpanya ang People's Choice Award. Kailangan niyang masolusyunan ang intrigang ibinabato ngayon sa Good Era Tire and Rubber Company.
Pero nang maalala niya ang hindi makapaniwalang mukha ng asawa kagabi ay napakagat siya ng labi. "Tsk!" Napailing siya. Paano kaya mabubura ang shortest record niya?
Uunahin niyang hanapan ng solusyon ang naging dahilan ng sobrang stress niya ngayon.
NANG makapasok sa kaniyang opisina ay agad na dumayal sa telepono si Harry. Desidido siyang alamin ang katotohanang umiikot sa intriga ngayon sa kumpanya. Matapos niyang makipag-usap sa telepono ay kinausap niya ang secretary. "Tell them it's urgent."
"Okay, sir." Agad na tumalima ang secretary niya at lumabas ito ng opisina niya.
HABANG nakikipag-meeting si Harry sa mga personnel na ipinatawag niya sa conference room ay naiwan niya ang kaniyang cellphone sa opisina niya. Tumunog ito. Tiyempo namang dumating si Jemima may dalang bento para sa asawa. Kumunot ang noo ni Jemima nang makita ang nakarehistrong tumatawag kay Harry. Si Ivana Smith. Napahawak siya sa dibdib. Hindi siya mapanghimasok na tao pero mukhang kailangan na niyang pakialaman ang cellphone ng asawa kung gusto niyang matuklasan ang bagay na dapat niyang malaman.
"Hello, Harry!" Agad na nagsalita si Ivana sa kabilang linya nang tinanggap ni Jemima ang tawag nito. Pinigilan niya ang sarili na magsalita. "I just arrived, I followed you. I was thinking about it. You can come here anytime. I will leave the door open in case I'm out."
Nagtagis ang bagang ni Jemima sa narinig. Walang salitang gustong mamutawi mula sa bibig niya kaya ini-off na lang niya ang cellphone.
May usapan pala ang dalawa. Pinagtataksilan ba siya ng asawa?
Iniwan niya sa mesa ang bento. Susugod siya sa condominium unit ni Ivana. Hindi niya sigurado kung ano ang gagawin niya doon. Bahala na. Gusto niyang malaman kung may makikilala pa bang ama ang ipinagbubuntis niya.
Payag siya na kung minsan ay lutang ang asawa niya dahil sa laki ng pinoproblema nito. Payag din siyang mabitin dito paminsan-minsan. Kaya niya itong unawain. Hindi siya mapaghanap na uri ng asawa. Pero hindi siya makapapayag na pagtaksilan ng asawa. Ayaw niyang may kahati kay Harry.
Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib dahil sa kaniyang naisip. Hindi niya bibigyan ng chance si Ivana na muling mapalapit sa asawa niya. Siya lang ang puwedeng umangkin kay Harry. Siya lang ang asawa nito. At magiging ina siya ng anak nito. Siya ang kasama ni Harry sa pagbuo ng pamilya. Hindi ito puwedeng sirain ni Ivana.
Legality lang ba ng kasal nila ang pinanghahawakan niya kay Harry? Hanggang pirmahan lang ba sa papel at pagniniig bilang mag-asawa ang role nila sa isa't isa?
NASA tapat na siya ng pintuan ng unit ni Ivana. Napahawak siya ng dibdib. Huminga siya ng malalim bago kumatok.