Chapter 30
KINAKABAHAN si Jemima, may pagdududa siya sa motibo ni Ivana sa kaniya, pero nagpaunlak siya sa imbitasyon nito. Nasa loob sila ngayon ng coffee shop. Magkaharap sila habang kumakain ng cake si Ivana. "They serve great coffee here," Ivana said with a friendly smile. "You only ordered water. Healthy habits?"
Ngumiti naman ng matipid si Jemima. "I'm still full."
Natuon ang paningin ni Ivana sa umbok sa tiyan ng kaharap. "You're a catcher, I guess." Ngumiti siya ng matipid. Matapos niyang humugot ng hininga ay tumingin siya uli sa tiyan nito. "I envy you," aniya sa malungkot na boses. "Ivana,..." hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin sa babae. Sa itsura nito ngayon na tila pinagsakluban ng langit ay nawalan siya ng ganang makipagmatigasan dito.
"I guess you own Harry now, huh!" Her lips thinned. Nang nagtagpo ang kanilang paningin ay muli siyang nalungkot. "Those years of waiting, he finally ended it with you carrying his child." Pinahiran nito ng tissue ang naluluha niyang mga mata. "Congratulations."
Inaapuhap ni Jemima ang sasabihin sa kaharap. "Thank you. I know you will find a better man someday."
"There's no man better than Harry."
Nagulat sila pareho sa nanulas sa bibig ni Ivana.
"I mean, at least, in my experience, he's the best. That's why I consider him my best man, and I was his best girl, until you came."
Nahalata ni Ivana na uncomfortable si Jemima sa kanilang pinag-uusapan.
"I'm sorry, how rude of me." Ipinatong niya ang kaniyang palad sa ibabaw ng kamay ng kaharap. "I now understand why they chose you. You're his old friend, a family friend, in fact. You're handy in their business," at muling lumungkot ang kaniyang mukha "unlike me. I only have my beauty and my love for Harry. I've waited too long to be recognized, but he just left me without proper closure. Isn't it sad?" Tuluyan nang umiyak si Ivana.
Naiinis si Jemima sa babaing kaharap. Pero naaawa rin siya rito. Masakit nga naman ang naging sitwasyon nito. Umasa pala si Ivana ng utmost recognition sa pakikisama niya kay Harry noon, bagay na hindi ibinigay ni Harry. Para kasi kay Harry, fling lang si Ivana, gaya ng iba pang mga babaing nakasiping niya.
"I still can't forgive Harry for hurting me. Maybe in the future, but not while I can feel the pain he's caused me." Muli siyang nagpahid ng luha. "But we're not enemies, right? We're two girls linked to him. I can move on, yes. But will you help me?" Ginagap niya ng dalawang kamay ang kamay ni Jemima. "I need your help. Help me forget, Jemima."
"I can't help you " halos hindi ito lumabas sa bibig niya. Nasasaktan siya para sa kaharap, pero paano niya ito matutulungan? Siya man ay nangangailangan din ng emotional help.
"You can. Help me see the reasons to forget him. Help me mend."
Tumayo si Jemima para umalis pero pinigilan siya sa kamay ni Ivana.
"I have nobody to lean on. I have no friends."
Naantig ang kaniyang damdamin sa pagmamakaawa ni Ivana. "I don't know how to help you," paanas niyang sabi.
"Be my friend."
INIHATID ni Ivana si Jemima sa parking lot ng condominium unit nito. Nang makaibis si Jemima sa kotse ay maagap na binitbit ni Ivana ang ibang grocery bags ng mga pinamili niya. "You don't have to. Put it down."
"It's bad for your belly," at nagpatiuna siyang pumasok ng building. Hindi na niya nilingon si Jemima.
Habang nasa loob ng elevator ay nginingitian siya ni Ivana. Alanganin man ay sinasagot niya rin ito ng ngiti. Pinag-iisipan niya kung paano makukumbinsing huwag nang tumuloy ang babae sa unit nila. Kakausapin na sana niya si Ivana. Sasabihin niyang hindi sila dapat na magpang-abot ni Harry, pero bumukas na ang elevator at excited na lumabas si Ivana. Nauna pa itong naglakad patungo sa unit nina Jemima. Huminto si Ivana sa harap ng pinto nina Jemima. "Did I get it right?" wika niyang nakangiti.
Tipid na ngiti at tango ang isinagot ni Jemima.
Pagpasok sa loob ng unit ay napahinto sa may pinto si Ivana. Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib nang makita ang loob ng condominium unit. May nabago sa interior decoration nito. Dati ay halos wala itong kurtina pero ngayon ay halos meron na sa bawat sulok nito. Pero doon pa rin nakalagay sa dati nitong kinalalagyan ang couch. Bukod sa kama, dito sila noon naglalagi ni Harry.
Napansin ni Jemima ang tila pagka estatuwa ni Ivana nang matuon ang pansin nito sa couch. Gumuhit ang kirot sa puso niya. May bumara sa kaniyang lalamunan kaya iniubo niya ito.
"Oh, I...," sinikap niyang ngumiti pero napansin niya ang namumulang mga mata ni Jemima. "I guess I have to go."
Tumango lang si Jemima sa kaharap. Hindi ito tumitingin kay Jemima.
"Please tell Harry I dropped by," wika niya habang papalabas ng pinto. "No, don't tell him."
Nang makalabas si Ivana ay tinungo ni Jemima ang pinto para i- lock ito, pero narinig niyang may kumalabog sa pasilyo. Sinilip niya ito.
"No, no, no, no, no, don't..." pero wala siyang nagawa nang tinulungan siya ni Jemima na tumayo. "I just fell, how clumsy of me."
Napansin ni Jemima na hindi maituwid ni Ivana ang isang paa nito.
"You're in pain."
"Oh, dear, I eat pain for breakfast," aniya at tumawa ng pagak. "Don't mind me. Go home, go on with your happy life. I have a shitty life to enjoy." Iika-ika siyang naglakad patungo sa elevator. Napansin ni Jemima ang pagkunot ng mukha ni Ivana. "I can massage it before you see a doctor. You might fall again if you will not let me help you."
Sa loob ng condominium unit, nagpalinga-linga si Ivana habang nakaupo siya sa couch at hinihilot ni Jemima ang kaniyang paa. "Does it still hurt?"
"Yes."
"Of course. It won't mend overtime. You need to see a therapist." Binalot niya ng tela ang paa nito. "Less movement, less pain." Tinititigan ni Ivana ang mukha ni Jemima. "Thank you!"
Matipid na ngiti lang ang isinagot ni Jemima. Tumayo siya para iligpit ang bote ng ginamit niyang liniment oil. "You should walk barefooted now, your heels might hurt you." "Where's Harry? It's all ready late. Isn't he coming home?"
Her lower lip moved inward. Hindi niya alam kung ano ang isasagot kay Ivana. Hindi nito puwedeng malaman na magkahiwalay sila ngayon ni Harry.
Napansin ni Ivana ang naiwang unan sa gilid ng couch.
"Jemima, I feel dizzy. I need to rest." Napansin niya ang pag-aalala sa mukha ni Jemima. "Don't worry, I'll be up in a sec."
"I'll... I have to cook now. You can eat here if you like."
Tumango ng bahagya si Ivana at ipinikit ang kaniyang mata. Isinandal niya ang kaniyang likod.
Habang nagluluto si Jemima ay iniisip niya kung dapat ba niyang tawagan si Harry o hindi.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Inamoy-amoy ni Ivana ang unan. Nakumpirma niyang amoy ito ni Harry. Napaisip siya, bakit sa couch natutulog si Harry? Napatingin siya sa bedroom. Habang abala sa kusina si Jemima ay dahan-dahan niyang pinuntahan ang kuwarto. Sinilip niya ito.
Kumunot ang noo niya. Nakita niyang tila iisang tao lang ang gumagamit ng kama ayon sa pagkakaayos ng mga unan.
Katatapos niya lang maluto ang chicken curry ay napansin niyang sinisikap ni Ivana na makalapit sa kaniya. "Your foot..."
"Don't worry about my foot. Worry about the truth."
Natigilan si Jemima sa narinig sa kaharap.
"Jemima, tell me the truth, do you really love Harry?"
Napalunok ng laway si Jemima. "Y-yes. Of course,... I do."
"You're not even sure of it."
Hindi agad nakasagot si Jemima. Nakikita niya ang sobrang lungkot at panghihinayang sa mukha ng kaharap.
"I spent long nights planning on how to be his wife. I wanted to be the best wife he can ever have. But you, you're his wife now, and you don't even care about him! You live here alone while he's out there, he might be sleeping uncomfortably. Give me back Harry!" Nanungaw ang mga luha sa kaniyang mga mata.
"He was not even yours, Ivana. He doesn't love you." Iyon ang naisip niyang sabihin sa babae. Hindi niya kasi maamin dito na nagkakalabuan sila ni Harry ngayon.
Nanlisik ang kaniyang mga mata sa narinig. "The hell you talk about love! He's not here, so is this love? You let me in because you need somebody! You're a loser, Jemima!"
Tuluyan nang bumitiw sa pagpipigil ng sarili si Jemima. Sumugat sa puso niya ang tinuran ng kaharap. Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng mga luha, pero kailangan niyang magpakatatag.
"You should go."
"I will. And Harry's not coming either. You can't take him away from me this time. Not even for that," tinukoy niya ang umbok sa tiyan ni Jemima. "I will get him no matter what. I will take him away from you all, if that's what it takes." Kinabahan si Jemima sa huling tinuran ni Ivana. Inisip niyang baka ipakidnap nito si Harry at madisgrasya ito.
"Why can't you accept that he's not into you? He chose me, Ivana. Stay away from my husband. Don't hurt him!"
"Look who's hurting him now?" Diretso niyang tiningnan sa mata si Jemima. Hindi naman ito nakahuma sa sinabi niya.
Lumapit pa si Ivana sa kaharap. "You can't change my mind. I see what I see and you're not into each other either. I thought I lost because of love. Hah! You're a fake wife." Natuon ang pansin nito sa niluto ni Jemima na nasa kawali pa. "Lousy cooking." Kinuha niya ito para itapon sa sahig pero pinigilan siya ni Jemima. Nag-agawan sila sa kawali hanggang nabuhos ang laman nito sa kamilang mga kamay. Umaringking sila sa sakit.
"You, bitch!" sinampal niya sa mukha si Jemima. Agad naman siya nitong sinuntok sa mukha kaya na- out balance siya. Plakda siya sa sahig.
"That's the fist of a bitch!"
Humiyaw sa sakit si Ivana dahil naapektuhan ang kaniyang paa na hinilot kanina ni Jemima.
Nagulat sila nang may nagbukas ng pinto. Dumating si Cohen. "Madam?"
SA loob ng ospital. Bumuntunghininga muna si Harry bago siya pumasok sa private ward ni Jemima. Nagbukas ng mga mata ni Jemima.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 00005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! Natuon ang pansin ni Harry sa nakaplaster na napasong kamay ni Jemima.
"It will heal."
Tumango si Harry sa winika ng asawa. "I'm glad that you're fine." Tiningnan niya ang tiyan ng asawa. "Is he fine?"
"Yes. The doctors said there's nothing to worry."
Matipid na ngumiti si Harry. "I'm sorry."
"It's not your fault."
Sandali silang natahimik. Nakatingin si Harry sa dulo ng hospital bed habang nakatingin si Jemima sa orasan.
"Do you want me to leave?"
"No."
Tumango-tango si Harry. Sandaling katahimikan uli bago nagdesisyon si Jemima.
"Harry, let her out."
"Are you sure? She might hurt you again."
"Not with you by my side."
Hindi niya iyon inaasahang marinig mula sa asawa. Tinitigan niya ang kaseryosohan ng sinabi nito sa mata.
"I'm sorry for being too emotional. I'm sorry for letting you go." Nanulay ang mga luha mula sa kaniyang mga mata pababa ng kaniyang pisngi.
Ginagap ni Harry ang kamay ng asawa. "Every relationship has it, I guess. We're not exempted to experience it."
SA loob ng selda ay hindi inaasahan ni Ivana ang pagdating ng isang bisita. Si Cohen.
"I like it here."
"But you're wanted outside, madam. Mrs. Sy ordered for your eviction," ni hindi siya ngumingiti habang najatingin sa mukha ng babae.
Binuksan ng pulis ang selda para makalabas si Ivana.
Tiningnan ni Cohen ang nakabendang kamay at paa ni Ivana. "Try not to hurt yourself, madam."
Sumimangot lang si Ivana at naglakad palayo kay Cohen pero na-out balance siya. Pinangko siya ni Cohen at isinakay sa kotse.
"Your therapist will see you in your condo."
"You don't have to do it for me, Cohen. I know what to do." Gusto niyang magmatigas pero napapakagat siya ng labi dahil sa pananakit ng kaniyang kamay at paa. "Really?" naninita ang tinging ipinukol niya sa babae bago niya pinaandar ang kotse.