Chapter 29
Nilapitan niya ang asawa. Hindi siya nagpapahalata na nagulat siya nang makita si Harry. Pero agad niya itong tinawag nang makita niyang hinahabol ang asawa niya nina Shelly at Sheena. Ito ang naging first reaction niya sa nakita. Siguro ay nasa sistema na niya ang pagiging asawa ni Harry Sy, kahit na hindi niya ito piniling pakasalan.
"Jemima, you're here!" Nasorpresa siya sa pagdating ng asawa. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa sa pagdating nito.
Hinalikan ni Jemima sa pisngi ang asawa. Alam niyang hindi nito inaasahan ang halik niya. "I'm here for you, my general." Ngumiti siya ng matamis dito. At the back of her mind, binibelatan niya ang mga babaing humahabol sa asawa niya. Agad na naunawaan ni Harry ang biglang sweetness sa kaniya ng asawa. Hinapit niya ito at hinalikan sa labi. Hindi ito nakahuma. "Kiss me back," anas niya dito.
Ibinuka ni Jemima ang labi niya. Tinanggap niya ang dila ni Harry. Hinayaan niya itong simsimin ang labi niya kahit hindi siya sanay mag public display of affection.
Hinahagod ni Harry ang likod ng asawa habang hinahalikan niya ito. Nami-miss niya ang ganitong closeness nila. Nami-miss niyang karomansa ang asawa. Dumako ang labi niya sa leeg ng asawa.
"Wow!" boses iyon ng isang reporter.
Tila biglang nagising ang mag-asawa dahil sa boses na iyon. Agad nilang inayos ang kanilang sarili.
"I'm sorry, guys," aniya sa mga reporters na kumukuha ng video nila, "I forgot that we're in public. We gotta go."
Hindi na sila kinulit ng reporters. Inulan naman sila ng flash ng mga camera ng mga ito. Nagkani-kaniya ng konklusyon ang mga taong nakakita sa halikang iyon nina Harry at Jemima.
Naiwang nakasimangot ang tatlong babaing humahabol kay Harry kanina. Wala silang nagawa kundi ang tanggapin na hindi natupad ang pinlano nila. Nagpasiyang umalis si Ivana. Bubuo siya ng panibagong plano. Walang imikan ang dalawa habang nagda-drive si Harry. Hindi nila alam kung ano ang uumpisahang pag-usapan.
Ramdam pa ni Jemima ang mapusok na halik na iyon ni Harry sa kaniya. Agad siyang nadarang sa halik ng asawa. Inaamin na niya sa sarili na hinahanap niya ang romansa nila. Ang mga halik at haplos ni Harry sa kaniya ay may dalang kakaibang init na bumubuhay sa bawat himaymay ng kaniyang laman.
Palihim na sinusulyapan ni Harry ang asawa sa dulo ng kaniyang mata. Kung hindi lang ito paiba-iba ng temper ngayon, malamang na naghahanap na siya ngayon kung saan sila biglang liliko. Pero hindi niya ito puwedeng romansahin kung hindi siya sigurado sa saloobin ng babae. Ang alam niya ay naramdaman niya ang pagkasabik sa kaniya ng asawa. Pero baka naman nagkakamali lang siya.
Sa parking area ay hindi nakatiis si Harry. Tinanong niya ang asawa. Umaasa siyang ikasisiya niya ang isasagot nito.
"What were you doing there?"
"Your father told me to see if I could gather ideas for our new project, without telling me that you are there with your harem."
Sinundan niya ang umiibis na asawa. "Jemima,..."
"I get it, Harry. They're part of your past. But why are they still in your present? You should have gotten rid of them. That part is your job, Harry, but they keep coming into our marriage. I understand my role as your wife but I can't promise that I will never get tired of guarding you from those... those party girls of yours."
"Can't you see what I am doing? You saw me there. Was I entertaining them with pleasantries, Jemima? You saw what you saw," aniya habang sinusundan ang asawa papasok ng building.
Huminto si Jemima. May point naman kasi si Harry. Pero nasasaktan pa rin siya. Hinarap niya ang asawa. "Yes, I saw it, Harry. But it's not enough. As long as they're still lurking around for you, it means they still see a chance that you're gonna fall into their hands. So, why? Are you giving them hope?"
Tila umakyat ang dugo sa ulo ni Harry sa narinig mula sa asawa. Tila inaakusahan siya nito ng bagay na hindi niya ginagawa.
"That's bullshit, Jemima! What hope are you talking about? Did you really feel that when we were kissing in front of them? Where is giving them hope in that sense in our supposed to be an act of love which turned out to be nothing?!" Galit na si Harry. Alam niya. Namumula na ang mukha nito sa pagkainis sa kaniya. Lumalabas na ang litid nito sa leeg habang nagsasalita. Pinanlalamigan naman siya ng katawan. "I... I guess, I'm not ready for this." Tumalikod siya para lumayo sa asawa.
"Who is ready for this?"
Saglit siyang natigilan sa sinabi ni Harry pero minabuti niyang magpatuloy sa paglalakad.
Naiwan si Harry na pinapahid ang luha niya. Hindi siya makapaniwala sa nararamdaman niya ngayon. Kay laki ng ipinagbago niya ngayon. Nagiging emotional na yata siya.
Sa loob naman ng kaniyang opisina, hinayaan ni Jemima na mag-unahan sa pag-agos ang mga luha niya. Sinisikap niyang hindi siya marinig ng mga kanugnog niyang office room. Sinisisi niya ang sarili kung bakit hindi na niya kinakayang kontrolin ang nararamdaman. Nararamdaman niya ang sakit kahit na nakikita naman niya ang point ng asawa niya.
Matapos ang maghapong pagtatrabaho, naghanda si Harry para sunduin ang asawa sa opisina nito. Napag-alaman niyang bisita nito ang kaniyang biyenan.
Napuno siya ng pangamba kanina. Ayaw niyang mapahiya sa mga biyenan. Ipinangako pa naman niya noon na magiging maayos ang kalagayan ng kanilang anak sa piling niya.
Gagamitin niya ngayon ang mga natutunan niya sa kumpanya ng kaniyang ama. He'll make bad situation to turn into his favor.
Matapos ang dalawang katok sa pinto ng opisina ng asawa ay pumasok siya. Agad niyang ibinigay ang isang bouquet ng red roses kay Jemima. Nakaplaster ang kaniyang ngiti habang binabati ang asawa. "Hello, honey." Agad niya itong hinalikan sa pisngi.
Nahalata niya ang pagkagulat sa mukha ng asawa. Maagap niyang binati ang kaniyang biyenan para hindi nito mahalata ang awkwardness sa mukha ni Jemima. "Hello, Pa! Did you just arrive from the Philippines?" "No. Actually, I stayed here. Samuel and I had lots to discuss. But after tomorrow's conference, I guess, I can go home."
Hinapit naman ni Harry ang asawa habang nakikipag-usap sa biyenan. "I'm sure you miss Mama Zorayda now, just like I miss my wife everyday."
Planning your weekend reading? Ensure you're on 00005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Tumawa naman si Allan. "Oh, it's true. I miss her a lot. That woman must have given me magic food so I couldn't stay away from her for a long time," he said with a wink. "I'm all ready itching to fly.
"Pa," inakbayan niya si Jemima habang hinihimas-himas ang dulo ng balikat nito, "we'd like to invite you to stay with us tonight."
Hindi inaasahan ni Jemima ang imbitasyong ito ng kaniyang asawa sa kaniyang ama. Ibig sabihin ay kailangan niyang magpakitang-gilas sa ama bilang isang mabuting asawa ni Harry. Wala naman siyang magagawa. Nginitian niya ng matamis ang asawa bilang pagsang-ayon sa sinabi nito.
Sa loob ng condominium unit nila, iniisip ni Jemima ang gagawin habang inihahanda ang extended sofa sa salas nila since iisang kuwarto lang mayroon sa unit nila. Nag-uusap naman ang magbiyenan sa may kusina habang nagluluto ng hapunan si Harry.
Habang kumakain ang tatlo ay nagpapakita ng sweetness sa isa't isa ang mag-asawa. Nagsusubuan pa sila ng pagkain. Natutuwa naman ang matanda habang nanonood sa kanila.
"Ganiyang-ganiyan kami noon ng mama mo," wika niya sa kaniyang anak. "Naniniwala na ako ngayon na mahal ninyo na nga ang isa't isa."
"Pa,..." nakokonsensiya naman si Jemima sa tinuran ng kaniyang ama.
"We really love each other, Pa," niyakap pa niya si Jemima at hinagkan ito sa noo. "I'm glad and grateful for having her."
Nakita ni Allan Te ang pamumuo ng luha sa mga mata ng anak. "I'm glad to hear that. Now, I know that my daughter have the life she deserve."
"I can also give her a mansion soon. But we better be in a small place like this so we could stay close to each other," at tinawanan niya ang kaniyang half meant joke.
Matapos niyang magligpit ng pinagkainan ay tinawag siya ni Harry. Kausap nito ang kaniyang ama sa salas habang nanonoog ng telebisyon. Lumapit siya sa asawa. "Come, honey."
Pinauupo siya nito sa kandungan. Hindi naman siya makaayaw. Alam niyang ginagawa ng asawa niya ang lahat makatsansing lang sa kaniya.
Yakap-yakap ni Harry ang asawa habang kausap niya ang biyenan. Hindi siya sanay sa ganitong sitwasyon. Never na may nakakita sa kaniya na may nilalambing siyang babae. Pero sinasamantala niya ang pagkakataon na mayakap ang asawa habang hindi pa nito mahihindian ang paglalambing niya.
Nakatulog na may ngiti sa labi si Harry. Nagtagumpay kasi siya sa pinlano niya. Natulog silang mag-asawa na magkayakap.
Maghapon silang naging abala sa trabaho. Habang nasa trabaho ay iniisip nila ang magiging sitwasyon nila sa bahay ngayong uuwi na si Allan Te sa Pilipinas. Wala na silang papakitaan ng kanilang lambingan.
Napayakap si Jemima sa sarili. Ramdam pa niya ang mga halik at yakap sa kaniya ng asawa kagabi. Nakaramdam siya ng lungkot. Pero dapat pa ba nilang ituloy ang lambingan nang sila-sila lang kung ang kontratang tumatali sa kanila ay ang Ten Billion Dollar Deal?
Alam niyang maaabot din ng kumpanya nila ang goal nilang ten billion quarterly income. Hindi malinaw para sa kaniya kung ano ang plano ng mga magulang nila matapos na maabot ang kitang iyon. Umaasa siyang pagkatapos niyon ay bibigyan na sila ng kalayaan ng mga magulang nila na gawin ang gusto nila. Hindi na siya magiging Ten Billion Dollar Deal Bride.
Gabi na. Sa loob ng kuwarto ay nilamon ng pag-aalinlangan si Jemima. Habang yakap ang isang unan, iniisip niya kung tuluyan na ba siyang makikipagbati kay Harry o pagbibigyan niya muna ang sarili niyang ilabas ang galit na nararamdaman sa kinahahantungang sitwasyon.
Lingid sa kaniya ay pinagmamasdan siya ni Harry. Napansin nito ang unang nilagay ni Jemima sa gitna ng kama, pahati sa kanilang dalawa.
"You don't have to do that. I'll sleep in the couch."
Nabigla man sa narinig ay hinayaan na lang ng babae ang naging desisyon ni Harry.
Malalim na ang gabi ay hindi pa rin makatulog si Jemima. Nasasaktan siya sa ganitong sitwasyon nilang mag-asawa.
Dahil mababaw lang ang naging pagtulog ni Harry, hindi nalingid sa kaniya ang paghikbi ng asawa. Napabuntunghininga siya. Nilapitan niya ito.
"What's wrong? Why are you crying?" tanong niya habang nananatiling nakatayo sa may pinto.
Umupo si Jemima. Ayaw niyang pagdusahin si Harry sa nararamdaman niya, pero naiinis siya ngayon.
"I can't do it, Harry. I can't be a good wife to you. I can't bear the responsibility of a Ten Billion Dollar Deal wife," pahayag niya habang lumuluha. "Can't you be just a wife? My wife?"
"I-I'm angry, and I don't like it. I don't like being this way."
Habang pinagmamasdan niya si Jemima ay nasasaktan siya. Nasasaktan siya dahil nasasaktan niya ang asawa niya at hindi niya ito mapatahan sa pag-iyak.
"What are you doing?" Hindi niya inaasahan ang mabilis na pag-iempake ng gamit ni Harry.
"I don't know how to heal your pain. If you're hurt by looking at my face, then I better go. You're pregnant, I can't cause you too much stress." Bago siya lumabas ng kuwarto ay nagsalita siyang muli "And I want you to have peace of mind. Take care of yourself."
Wala siyang nagawa kundi sundan ng tingin ang asawa. Nang tuluyan na itong mawala sa kaniyang paningin ay naramdaman niya ang hapdi sa kaniyang dibdib. Bumigat ang kaniyang pakiramdam. Kumawala ang kaniyang mga luha. Dumanguyngoy siya. Mag-isa na lang siya ngayon. Hindi naman niya masisisi si Harry sa ginawa nito.
Sa trabaho ay hindi sila nagpapahalata na magkahiwalay na sila ng inuuwian. Si Harry pa rin ang sumusundo at naghahatid sa kaniya para hindi sila pagdudahan ng mga tao, lalo na ni Samuel Sy.
HABANG namimili sa grocery ay malalim ang iniisip ni Jemima. Hindi niya tuloy napansin ang nakabangga niya. Muntik nang tamaan ng grocery cart nito ang kaniyang tiyan. "Oh, sorry!"
"It's okay." Nanlaki ang mga mata niya nang mapagsino ang kaharap. "You?"
"Oh, it's you! Glad to see you here," nakangiting wika sa kaniya ni Ivana Smith. "I'm happy to meet a friend. Can we chat?"