The Billionaire's Prize Wife

Chapter 24 Her Male Friend



Napilas ng ngiti ang labi ni Jemima habang tinititigan niya ang mukha ni Harry. Tulog na tulog ang lalaki. May ngiti pa ito sa labi, palatandaan na natulog itong may ligaya sa puso. Niyakap niya ito at hinagkan sa pisngi, at sa noo. Nagmulat naman ito ng mata. Nagngitian sila.

"Morning!"

"Morning!" Niyakap ni Harry ang asawa. Idinikit niya ang tungki ng kaniyang ilong sa ilong nito.

"I haven't gargled yet," nahihiya niyang sabi sabay takip sa bunganga niya.

"Who cares?" Hinalikan niya sa noo ang asawa. Nginitian niya ito. "You're beautiful!"

"I know," sabay pindot sa ilong ng asawa, "and we're going to be late," saad niya dito.

HINDI naman sila na-late, pero marami nang empleyado ang nag-aabang sa may elevator. Binati sila ng mga ito.

Nasa loob na sila ng elevator nang pumasok ang magagandang modelo ng kanilang kala-launch na sapatos. Agad nilang binati si Harry ng buong tamis na ngiti.

"Hello, sir!"

"Hello, Mr. Sy!"

"Hi, Harry!"

Gumanti rin ng pagbati si Harry sa kanila. "Hello, ladies. Good morning!" Ginagap niya ang palad ng asawa.

Binati naman ng mga modelo si Jemima. "Hello, Mrs. Sy!"

"Hello, ladies."

Feeling awkward si Jemima dahil halos sa kaniya lang nakatingin ang kaniyang asawa hanggang sa maghiwalay sila ng daan patungo sa kani-kanilang opisina. Deep inside ay elated siya sa ginagawa ni Harry. Alam niyang kailangan na niyang masanay. Ito ang paraan ni Harry para ipakitang proud ito na siya ang napangasawa nito.

Nagulat siya nang nakitang naghihintay pala si Chester sa loob ng kaniyang opisina. May dala itong bungkos ng mga puting bulaklak at pagkain.

"Hi!" Bumeso siya kay Jemima. "Good morning!"

"Good morning!" Inamoy niya ang ibinigay nitong bulaklak. "Is it your birthday?"

"No, but I'm happy for the successful launching of our product, and it's because of you!"

"Oh!" Napakapa siya sa kaniyang dibdib sa tuwa dahil sa narinig. "It's not me, Chester. We all did our hard work." Sinenyasan niya itong umupo at sumunod naman ito.

"Yes, we did. And our social media is doing great, because of your leadership. Your system is brilliant!"

"Thank you for the appreciation. I'm glad that our work is being recognized by the bosses."

"Of course! In line with the appreciation, I've come to give you this." Iniabot niya ang isang mamahaling perfume sa babae. "I saw this on e-bay and I thought that it's good timing to give this to a brilliant lady who brings success to our company... not to mention that the lady is a beautiful, good friend of mine."

Natawa siya sa pambobola sa kaniya ng lalaki. "It's too much, Chester. This is expensive. Your visit alone is good enough."

"I know. That's why I appreciate you more." Nakita niyang tila naghahanap si Jemima ng paglagyan ng bulaklak. "I'll send someone for the vase. What color do you want." Alanganin man, sumagot na rin siya. "Ocean blue."

Habang nagtatrabaho ay paminsan-minsa'y napapatingin si Jemima sa bulaklak na nakalagay na sa flower vase na kulay ocean blue. Iniisip niya na baka pagselosan na naman ito ni Harry. Nahahalata na kasi niya na tila may lihim na hindi pagkakasundo ang dalawa maliban sa rivalry nila sa hinahangad nilang presidency ng kumpanya.

Naging smooth naman ang mga lumipas na araw. Lagi silang napupuri ni Samuel Sy dahil sa magandang kita ng kumpanya. Malaking volume kasi ang nadagdag sa kanilang customers.

Samantala, hindi inaasahan ni Harry ang pagpasok sa kaniyang opisina ng kaniyang ama.

"Dad!"

"How are you, son?"

Hindi niya tiyak kung may dapat ba siyang ipag-alala sa naging tanong ng ama. "I'm good... never been this good, in fact."

Saglit muna niyang sinuri ang mukha ng anak bago nagsalita, "Yeah, I notice."

"Are we going somewhere, dad? Wait, I'll call Jemima."

"No. I just dropped by. See you again tomorrow."

"Dad!... you're not doing this to me again." Hinarang niya sa may pinto ang ama. "What is it that you would like to tell me?" "Nothing. I just wanted to see my son's happy and contented face."

Lingid kay Harry ay paparating na sa kaniyang opisina si Jemima. Pinlano nito na sorpresahin siya ngayong hapon.

"Don't do this to me again and again, dad. You can't keep things away from me forever. I deserve to know what's on your mind." Naalala tuloy niya ang tungkol sa kaniyang ina. "Maybe it's time that you tell me your side of story about you and mom. All this time, I have a feeling that you know where mom is."

Habang naglalakad ay excited na si Jemima sa naiisip. Yayayain niya ang asawa na mag- undertime para may sapat silang oras magbiyahe. Pupunta sila sa sekretong lugar nila para doon i-celebrate ang kaniyang natuklasan kaninang umaga. Papalapit na siya sa opisina nito nang marinig niyang may kausap ito. Hindi siya agad tumuloy sa loob ng opisina ng asawa dahil naulinigan niya na seryoso ang pinag-uusapan nila ng ama nito.

"Come on, dad, why don't you give me my share to that deal all ready? I deserve my prize. I'm doing the best that I could as Jemima's husband."

May humaplos na kung anong malamig sa noo ni Jemima habang nakikinig sa dalawa.

"Then stay that way. You don't need another woman in your life. Just focus on her."

"I can't do that!" Mangiyak-ngiyak na ang boses ni Harry. "I deserve my prize. You promised me, dad. Don't do this to me!"

Napamaang si Jemima sa narinig. Dahil lang ba sa pera kaya naging mabait si Harry sa kaniya? Was it all because of that prize? Iyon lang ba talaga ang role niya sa buhay ni Harry, isang Ten Billion Dollar Deal bride?

Dahil sa pagmamadaling makalayo sa opisina ng asawa ay nawala sa balanse si Jemima. Naging dahilan iyon para mapansin siya ng mag-ama. Agad siyang dinaluhan ni Harry. "Jemima,..."

Tumingin lang siya ng masama sa asawa. Masama ang loob na bumalik siya sa opisina nito.

Wala silang imikan sa loob ng kotse. Hindi niya pinapansin ang pagsulyap-sulyap sa kaniya ni Harry.

Sa loob ng kuwarto, habang nagbibihis sila ay hinarap ni Harry ang asawa.

"Hey, are you mad? Please talk to me." Hinawakan niya sa magkabilang balikat ang babae.

Agad na tinabig ni Jemima ang asawa. Akmang yayakapin sana siya nito pero umiwas siya. Nagmadali siyang pumunta ng banyo.

Agad siyang sumuka sa loob. Nagtataka siya. Wala naman siyang kinaing puwedeng makasama ng sikmura niya. Sumama ang sikmura niya nang maamoy ang pabango ni Harry. Oo, mukhang iyon nga. Pero dati naman ay gustung-gusto niya itong inaamoy. Sayang, may natuklasan pa naman siyang bagong restaurant kanina malapit sa kanilang secret place. Nalaman niyang nagsi-serve doon ng filipino food. Natatakam pa naman siyang kumain ng chicken adobo at humba. Sana lang ay may hilaw na mangga silang panghimagas doon. Kung walang mangga, sana ay may atsara, iyong hindi matamis ang pagkakatimpla.

Nilapitan ni Harry ang asawa. Hinagod niya ang likod nito. "Are you o—"

"Get off me! Get out!"

Dahil nagulat sa ginawi ng asawa, hindi agad nakalabas si Harry.

"Out! Go away!" Sumuka uli siya. Tila hinahalukay ang sikmura niya. Malamig ang pawis at nahihilo na siya. Tuluyang nagdilim ang paningin ni Jemima.

Nagmulat ng mata si Jemima. Nakahiga na siya sa kama.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"Oh, thank God! You fainted, did you eat anything?"

Sumimangot lang si Jemima. Ewan ba niya pero naiinis siya sa asawa.

"Are you okay?"

Hindi pa rin siya umiimik. Di niya type makipag-usap sa asawa.

Bumuntunghininga si Harry. Ayaw niya nang ganito silang mag-asawa. "Look, you overheard our conversation, but I guess it's not the whole part."

Kumibot ang labi ng babae. Naaalala na niya ngayon na galit siya sa asawa. Kaya pala bad mood siya dito pagmulat niya ng mga mata.

"Let me explain. You should hear me first before you judge what you heard." Umupo siya sa tabi ng asawa. Agad naman siyang tinabig nito. Naiinis man sa ginagawi ng asawa ay nagtitimpi siya. Baka naman sobra itong nasaktan sa kaniyang narinig. "Jemima..."

"I don't like your smell, Harry. Take a bath now. Don't use that perfume again. It makes me vomit."

Nag-aalangan na naghubad ng damit ang lalaki para maligo. "I thought you like it."

"Things change.” Ni hindi niya tinitingnan ang asawa.

Habang naliligo ang asawa ay nag chat siya kay Ismael. Ayaw niyang malaman ng magulang niya na naiinis siya ngayon sa kaniyang asawa kaya ang kapatid ang kinontak niya.

"I want to go home," pauna niyang mensahe sa kapatid.

"Why? What's wrong" sagot naman ni Ismael.

"I don't like it here. I don't like Harry."

"You must be joking." Naglagay pa ng tumatawang emoji si Ismael.

"I'm not. I'm triggered by his smell. I think I hate him."

Ilang minuto ring hindi sumagot ang kapatid ni Jemima. Palagay niya'y nagsumbong ito sa mga magulang nila. Gusto na niya itong tawagan pero ayaw niyang makahalata si Harry. "You better see a doctor before you create suspicions and misunderstandings. Be open to him."

Matapos niyang mabasa ang reply ng kapatiday ini-off niya ang kaniyang mobile phone, lumabas na kasi ng banyo si Harry.

Halos padaluhong niya itong nilapitan nang makita niyang binuksan nito ang after shave nito. "Don't use it! I don't like its smell!" Tinakpan niya ito at itinago sa loob ng aparador. "What's happening?"

"If you want me to stay, don't use things that I don't like, or I'll leave right away."

Saglit na nag-isip si Harry. Disappointed siyang pinagmasdan ang mukha ng asawa. Bakit ba may ganitong ugali ang babaing ito? Marami pa yata siyang hindi pa alam na ugali ng kaniyang asawa. Baka naman kasalanan niya. Baka masyado siyang nagiging mabait dito to the extent na gusto na siya nitong abusuhin. Huminga siya ng malalim. Ito ba ang sinasabi ng iba na happy ending?

Dahil nahilo kanina ang asawa, minabuti niyang siya ang kumilos sa bahay. Iniisip niyang magpa-deliver na lang para sa hapunan.

"Don't wait for me. I have to go somewhere."

Nakabihis na ng panlakad si Jemima. "Where are you going?"

"I will eat Filipino foods." Ni hindi na siya lumingon sa lalaki.

"I'll go with you." Agad niyang kinuha ang kaniyang jacket at isinuot.

"You can stay here. I know my way."

Planning your weekend reading? Ensure you're on 00005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Payapos niyang iginiya palabas ng pinto ang asawa. "No. You're not feeling well." Nakita niyang namumutla ang mukha ng asawa.

SA loob ng restaurant ay tila nagpapakitang-gilas si Jemima sa pakontes ng eat all you can. Habhab ang ginagawa niyang pagkain ng adobong manok.

"I miss this so much!"

"I can see that." Embarrassed man sa ginagawa ng asawa ay sinisikap ni Harry na magpaka- cool.

"Do you want something else?"

Tiningnan siya ni Jemima, saka tiningnan nito ang mga putaheng nasa kaniyang harapan. Bigla itong huminto sa pagkain. "No. I'm full." Pinunasan nito ang kaniyang labi at tumayo. "Let's go." "What will you do with these?" Nanghihinayang si Harry sa mga pagkain sa mesa.

Muling umupo si Jemima. Kinuha nito ang isang kutsara at tinidor. Gusto niyang subuan ng pagkain ang asawa. "Eat."

"I don't like oily foods."

Muli niyang iniumang ang kutsara ng pagkain sa bibig ng asawa. "Eat."

Iniwasan ni Harry ang kutsarang iyon. Hindi niya inasahan ang biglang pag-iyak ni Jemima.

"Hey, you don't have to cry over this, Jemima."

Nagpatuloy lang sa pag-iyak ang babae. Pinagtitinginan na sila ng mga nasa kabilang mesa.

"Let's go home."

"No. I will not go with you. I want my mom!"

Tila mauubusan na siya ng pasensiya sa ginagawa ng asawa. Paanas niya itong kinausap. "There are other people here. Let's go outside. This is so embarrassing!"

"No. I like this oily foods."

"Then eat it."

"I'm full. You eat it. We are one, remember?" Sumisinok-sinok pa ito. Nang hindi tumitinag si Harry ay tinawagan ni Jemima ang kaniyang ina.

"What are you doing?" Nag-aalala siiya sa isusumbong ng kaniyang asawa.

"Hello!" Nakita nila sa video call ang mga magulang ni Jemima. Masaya ang mga ito.

"Hello, Ma! Si Harry, ayaw pong kainin ang humba na inorder ko," agad niyang sumbong sa magulang. "Nakakainis! Gusto kong lamutakin ang mukha niya!"

"Anak, dahan-dahan naman. Nakakaintindi ng tagalog iyang asawa mo, at saka sabihin mo kasi sa kaniya ng maayos ang gusto mo."

"Pinapakain ko siya dahil busog na ako, ayaw niya!"

"I don't like oily foods, Ma." Umaasa siyang siya ang kakampihan ng mga Te gaya ng dati.

"Harry," si Allan Te naman ang nagsalita, "do what your wife says. Eat if you want her to be happy. You have to make her happy tonight. Then tomorrow, you accompany her to the doctor. She needs to see a doctor." Nag-alala naman agad si Harry nang marinig na kailangan ng kaniyang asawa na magpatingin sa doktor. "Are you sick?"

Walang imik na tumayo si Jemima. Humakbang na siya palabas ng restaurant.

Nang makauwi ay kinumbinsi ni Harry ang asawa na panoorin siya nitong kumain ng mga inorder niya. Ipinabalot niya kasi ang mga iyon. Nandidiri man dahil hindi siya sanay kumain ng mamantikang pagkain, patuloy siya sa pagsubo kahit na busog na siya. Ayaw niyang istorbohin ang sarap ng pagkakatitig sa kaniya ng kaniyang asawa, lalo na sa bawat subo na ginagawa niya. Nang hindi na niya kaya ay huminto na siya ng pagsubo.

"I've reached my limit."

Tiningnan siya sa mata ng asawa. Hinawakan nito ang baba niya at pinunasan ng napkin ang kaniyang bibig. Hinaplos nito ang kaniyang pisngi. Pinunasan ng napkin ang kaniyang pawis sa noo. Paanas itong bumigkas, "I love you!"


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.