Chapter 23 Beautiful Tonight
Inaamoy-amoy ni Harry ang asawa habang tinutulungan ni Harry na magbihis ang asawa. "Hmm... you smell good, my wife."
Mahinang kinurot ni Jemima ang asawa. Kanina pa kasi siya kinikilig sa pag amoy-amoy nito sa kaniya. Binibigyan din siya ng maliliit na halik ng lalaki sa pisngi at sa balikat niya. "Why should I dress you when I can undress you?"
Napakagat-labi si Jemima. Kapag ganitong sexy ang boses ni Harry ay mas gusto na nga niyang maghubad at pagbigyan ang paglalambing nito. Pero hindi sila puwedeng magpa-late ngayon.
Pareho silang excited sa event na ito. Ngayon kasi ang launching ng bagong produkto ng Good Era Tire and Rubber Company. Bale two events in one ito dahil ngayon din pormal na ia-announce ang merger ng kumpanya nina Harry at ng kumpanya nina Jemima.
Pinagmasdan niyang mabuti ang asawa nang matapos nilang magbihis. Napahanga siya sa lutang na lutang na ganda at classy look ni Jemima. Her hair is sleek, with half-down look at may loose waves pa ito. Nagpa salon kasi sila kanina for their hair and make-up.
Siya ang pumili ng style ng evening gown ng asawa. Sinigurado niyang hindi ito masisilipan. Si Jemima naman ang nasunod sa tela at kulay nito. Pinili niya ang earth toned tea level gown. Ayaw niyang maging takaw-pansin sa party na ito. Pero hindi puwedeng hindi maging takaw-pansin ang kaniyang full lips na kinulayan niya ng pulang lipstick.
Inilapit ni Harry ang mukha sa mukha ng asawa. "You just don't know how beautiful you are tonight, my wife."
"Baloney," pero kinikilig siya sa sinabi nito and the way he stares at her.
"Let's go. I'm excited to let people know how lucky I am for having you." Iginiya niya palabas ng pinto ang asawa.
Hindi pa rin nawawala ang nararamdamang kilig ni Jemima. Sa loob ng kotse ay nagngingitian pa rin sila ng asawa, kapuwa humahanga sa isa't isa.
"The way you stare at me," wika ni Harry na nakangiti, "I have a feeling that we'll miss the party tonight."
Natawa naman sa narinig si Jemima. "No, we can't. They will not know how lucky you are for having me."
Nagtawanan na lang sila. Nagkasundong kailangan nilang tumuloy sa party. Malalagot sila kay Samuel Sy kung iindiyanin nila ito.
Tila peg ni Harry ang maging possessive, obsessive husband ni Jemima ngayong gabi. Lagi siyang nakahawak sa kamay nito. Hinahapit niya ang bewang ng asawa sa tuwing may lumalapit sa kanilang lalaki para bumati. Deep inside ay feeling proud siya, nakikita niya kasi sa mga mata ng mga tao sa paligid nila ang paghanga ng mga ito kay Jemima.
Nakangiti namang pinagmamasdan silang dalawa ni Samuel Sy at ng mga magulang ni Jemima. Nang magsalita na ang emcee ay saka lumabas mula sa kinaroroonan ang tatlo, hudyat ng pormal na pagsisimula ng party.
"Papa! Mama!" agad niyang niyakap ang mga magulang. Nagmano din siya sa kaniyang biyenan.
Humalik naman si Harry sa kaniyang ama. Nagmano din si Harry sa kaniyang mga biyenan. "How's your flight, pa?... ma?"
"Oh, it was tiring," sagot naman ni Allan Te. "But we arrived yesterday, so we're fully recharged now."
Hindi naman makapaniwala si Jemima sa tinuran ng ama. "Kahapon pa po pala kayo nandito, hindi ninyo man lang kami binisita," sabi niyang may pagtatampo sa mga magulang.
"We can't disturb our honeymooners, so I decided to offer them our house. After all, we have plenty of things to discuss," maagap namang sagot ni Samuel kay Jemima. Napangiti si Jemima sa binigkas ng biyenan na "honeymooners". Hanggang ngayon pala ay iyon pa rin ang turing nito sa kanilang dalawa.
Lumapit sa kanila sina Daniel at Cholo kasama sina Ismael at Cohen. Magkakasama sila ngayon sa isang mesa.
Nagbigay ng speech sina Harry Sy at Chester Singh tungkol sa ila-launch na produkto ng kumpanya. Hindi nagtagal ay ini-announce na ni Samuel Sy ang launching ng kanilang bagong produkto, isang spiky rubber shoes na bagay sa trekking at rock climbing. Rumampa ang limang pares ng modelo para sa limang available colors nito. Pinagpiyestahan naman ito ng mga imbitadong reporters.
"Tonight, you're in for a surprise," paglalahad ni Harry para sa sunod na event ng gabing ito. Agad siyang tinutukan ng mga camera. "As we all know, Mr. Allan Te, my father-in-law, is the owner of J&I Rubbers. They have the largest rubber plantations in Asia. He and my father were best of friends for very long years. They have the same goal and principle in life and in business. So, for better roads to take, they decided to bind their friendship more. Before I say further, I ask them to come here," lumapit naman ang kaniyang ama at ang kaniyang biyenan sa mesang malapit sa kaniya. "Tonight, we invite you to witness the merger of Good Era Rubber and Tire Company and J&I Rubbers."
Nagpalakpakan ang lahat habang sinasaksihan ang pagpirma nina Samuel Sy at Allan Te sa dokumento ngmerger ng kanilang kumpanya. Masayang nagyakap ang magkaibigan.
Kasama sa double celebration nila ang pagbaha ng mamahaling alak. Nagtaasan at nagpingkian sila ng mga kopita ng alak kasama ang mga dumalong empleyado at mga importanteng bisita. "Cheers!... cheers!"
Matapos ang picture taking ay pinagbigyan nila ang ilang pahabol na tanong ng reporters. Tahimik lang si Harry habang nakikipagkuwentuhan si Jemima kina Chester at Ismail. Ngingiti-ngiti lang siya sa mga sagot ng kaniyang ama at ng mga biyenan sa reporters. Hindi niya inasahan na may magtatanong sa kaniya ng personal na tanong.
"Mr. Harry Sy, we heard that you married a girl whom we did not know, not in your circle, can you tell us about it?"
Nakaramdam siya ng pagkairita pero agad siyang ngumiti sa nagtanong na reporter. "Yes, I married a girl whom most of you here don't know, but she's very much in my circle." Nilagyan niya ng emphasis ang katagang "my". I know her since my childhood. We had lots of adventures together." Saglit na bumalik sa kaniya ang mga alaala ng experiences niya kay Jemima. "She is strong, intelligent, and beautiful woman in every angle." Napangiti pa siya nang muling magsalita, "she's the only girl who can make me cry." Sa gilid ng kaniyang mga mata ay nakita niyang nakangiting tumango-tango ang kaniyang ama habang nakatitig ito sa kaniya. Tila may dumagan sa kaniyang dibdib kaya nagpaalam na siya sa reporter, pero nagkumpulan ang mga ito sa palibot niya.
"One last question..."
"Do you mean you had a relationship with her long before your marriage?"
Hindi agad niya sinagot ang mga ito. Nilingon niyang muli ang asawa. Nang makita niyang umalis si Ismail sa tabi ni Jemima ay gusto na niyang malapitan ang asawa. Ngumiti siya ng matamis sa reporters bago nagsalita, "She's my lucky charm. Excuse me, I have to be with my lucky charm."
Agad niyang nilapitan ang asawa. Hindi na siya sinundan pa ng mga nagtatanong.
"Excuse me, I'm afraid I have to dance with my wife."
Tumango na lang si Chester at matipid na ngumiti kay Jemima. "Let's talk some other time."
"Yeah." Pabulong niyang kinausap ang asawa na hawak ang kaniyang kamay palayo kay Chester. "But there's no music..."
"Don't worry about it."
Hinapit niya sa bewang ang asawa habang hawak niya ang isang kamay nito. Isinayaw niya ang nag-aalangang kapareha. Ilang segundo lang ay tumugtog na ang isang musika. Nagkatitigan sila. Sumasayaw sila na halos magkayakap sa saliw ng awiting Can't Help Falling In Love ni Elvis Presley. Tumatagos ang bawat letra nito sa kanilang sistema. Sabay silang nag-iwas ng tingin. Napangiti si Harry. Babalik na naman yata sila ni Jemima sa awkward state. Ito yata ang feeling ng nakikipagsayaw sa isang crush sa isang school ball. Kinikilig siya sa pagba-blush ni Jemima.
"You're peach. Are you shy?" Hinihintay niya ang pagsimangot nito o ang pandidilat ng mga mata like the way she used to do every time he's teasing her, pero yumuko lang ang babae. Nayakap niya tuloy ito. Na-touch kasi siyasa naging reaction ngayon ng asawa.
Nagsayawan na rin ang ilang pares sa tabi nila. Nakita nilang isa na rin sa mga pares na nagsasayaw ang mga magulang ni Jemima.
"Jemima," bulong niya dito, hinintay niyang magtagpo ang kanilang mga mata bago siya muling nagsalita. "Let's elope."
"But we're married." Hindi na niya naitago ang nararamdamang kilig ngayon.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 00005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"No matter. It's not too late for us." Lumabas ang kaniyang sheepish smile. Kinindatan pa niya ang asawa bago niya ito iginiya palabas ng building.
Patago silang umalis sa party. Ayaw nilang mahalata sila ng kahit sino sa mga naroroon. Nang makarating sila sa garahe ay paanas pa rin ang pag-uusap nila.
"Hurry, our parents might see us," excited na wika niya kay Jemima.
Natatawa naman ang asawa sa pinaggagagawa nila.
Ang Changi Boardwalk ang naging romantic spot nila. Naglakad-lakad sila habang ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin dito.
"I thought we'd elope," natatawa niyang sabi sa asawa.
"Yes, we will. Just wait, I will take you to our paradise."
Natahimik si Jemima habang nakatingin sa likod ng kaniyang asawa. Kahit saan naman yata siya dalhin nito ay magiging paraiso kung ito ang kasama niya. Napatingin siya sa kaniyang kamay na hanggang ngayon ay hindi pa nito binibitiwan. Napansin naman ni Harry ang biglang pagtahimik ni Jemima. "Are you tired? Oh, wait," na-realize niya na nakasuot ng high heels ang asawa.
Hindi na pumalag ang babae nang pinasampa siya ng lalaki sa likod nito. "I'm heavy."
"I can carry you, remember?"
Nagpapasalamat si Jemima na hindi sila magkaharap ngayon ni Harry. Palagay niya kasi ay pinamulahan siya ng mukha. Dahil kasi sa sinabi nito ay naalala niya ang huling pagniniig nila doon sa isla.
Ang hindi niya alam ay nauunawaan ni Harry ang nararamdaman niya ngayon. He felt the sudden heat from her body. Maging siya ay naaalala rin ang masarap ngunit nakakapagod na eksenang iyon. Pero kailangan muna niyang manatiling cool. Mamaya na siya magpapaka-hot sa asawa. Gusto niya munang mai-date si Jemima sa gabing ito nang sila lang.
Nang nakahanap siya ng magandang spot para s akanilang dalawa ay ibinaba niya ang babae. Ipinuwesto niya ito sa kaniyang harapan at niyakap niya mula sa likod.
"Do you like the view?"
"Yes," wika niya nang mga ngiti sa labi.
Natahimik sila. Nagpatuloy lang sa pagyakap sa asawa si Harry.
"Do you like it here?"
Muling napangiti si Jemima. Hinaplos niya ang pisngi ng asawa. Tiningnan niya ito sa mata. "Yes, I like it here, Harry," hinaplos niya ang bisig ng lalaki. "Just don't go away from me."
Nakangiti namang tumango-tango ang lalaki. Kininalan niya ng halik sa pisngi ang asawa. Dahil may nakita siyang ibang tao sa paligid, niyaya niya itong umalis na.
Nagyakapan uli sila sa loob ng cable car. Silang dalawa lang kasi ang nasa loob nito. Nasisiyahan naman si Jemima. Maganda ang tanawing nakikita niya, masarap pa ang pagkakayakap sa kaniya ng kaniyang asawa.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"Jemima," bulong nito, "will you miss me if I go?"
Hindi agad nakapagsalita si Jemima. Tila ininda niya ang tanong na iyon ng asawa.
"I'm not saying that I will, I just want to know."
"Did you forget that I fetched you in Malaysia?"
Napangiti si Harry. Tiningnan niya sa mata ang asawa. "Please fetch me if I can't come back."
"You can always come back, Harry."
Sumeryoso naman ng mukha si Harry. "If I can't find my way back,..."
"I will find you," agad na dugtong ni Jemima sa tinuran ng asawa na ikinangiti naman nito. Mahigpit silang nagyakap.
"Jemima,..."
"Hmm..."
"I'm happy to have you," anas nito bago kinintalan ng halik sa noo ang babae.
"Me, too."
"Really?"
Hinarap ni Jemima ang asawa. "You just don't know how you make me feel. Harry, I know how you've been as a bachelor, as a successful man,... but with me, with your family,..." "It's how I treat my queen, Jemima. And you deserve it." Kinuha niya ang kamay nito at hinalikan. "I just want you to trust me."
"I trust you, Harry. We are one now."
Dinala si Jemima ni Harry sa isang secret place. Isa itong private cottage malapit sa dagat. Hindi matao ang paligid.
"I bought this for myself. This is where I go whenever I want to be away with everybody."
Halatang may nagmi-maintain ng lugar. Malinis ito at kumpleto sa gamit.
"The caretaker's name is Nenita. She's a Filipina who married a Singaporean. You can visit here whenever you want."
"Harry,” humugot muna siya ng hangin bago nagpatuloy, "does your father know about this?"
"This is my secret place. If he happened to know, I guess he respects it." Niyakap niya ang asawa. "Tonight, this becomes our secret place, because, like you said, we are one now." Iba sa pakiramdam ang halik na ito ngayon. Gentle. Binding. Nanunuot sa puso.