The Billionaire's Prize Wife

Chapter 19 Family Surprise



DAHIL nag-overtime si Jemima at napagod siya sa trabaho, nakaligtaan niyang muling i-check ang kaniyang mobile phone. Nabuhos ang kaniyang atensyon sa ginagawa. "Hello!"

Nagulat siya sa pagdating nina Daniel at Cholo sa opisina niya. "Oh, hi!" Agad niyang nginitian ang dalawang bayaw. "Come in. What brought you here?"

Nang makapasok ay bineso nila ang kanilang hipag.

"We've come to fetch you," ang sabi ni Daniel. "We heard that you're still here so we decided to bring you somewhere."

"Yeah, you need to unwind. Besides, Harry told us to watch over you," nanunuksong sabi ni Cholo. "We must ensure that you're safe and sound and no one's bothering you,... especially handsome men," he added with his boyish smile. "I don't think so," sabi niyang natatawa sa bayaw. Tumayo siya para sumama sa kanila. "Where are we going?"

"Anywhere you want. The night is young," ani Daniel.

"...and so are we,” dagdag pa ni Cholo. Inilahad niya ang bisig niya sa hipag para angklahan nito.

Nangingiti naman si Jemima. Natutuwa siya sa ipinapakitang kabaitan ng pamilya ni Harry sa kaniya. Kung tutuusin ay puwede naman siyang hayaan ng dalawang ito na mag-isa ngayon.

Nag joyride muna sila. Ipinakita nila kay Jemima ang kagandahan ng sentro ng Singapore sa gabi. Kahanga-hanga nga naman ang itsura ng siyudad ng Singapore.

Ngayon niya lang personal na napagmasdan ng matagal-tagal ang panoramic view ng iconic skyline ng siyudad sa Marina Bay Sands Skypark Observation Deck. Larawan ito ng isang progresibong siyudad. Sandali nilang iniwan kay Cohen ang dalang kotse ng magkapatid at naglakad-lakad sila sa popular attractions kagaya ng Gardens by the Bay. Lumuwang ang pagkakangiti ni Jemima dahil sa nakitang kagandahan ng lugar.

"It's relaxing here," aniya sa dalawa. Do you come here often?"

"No, we're kind of busy," sagot sa kaniya ni Daniel.

Alam ni Jemima na may role din sa kumpanya si Daniel habang nag-aaral naman si Cholo kaya hindi siya nagtataka na busy rin ang mga ito.

"I'm glad that you 've brought me here. This is fantastic!" Mahilig pa naman siya sa nature trip kaya naa-appreciate niya ang ginagawa ng dalawang bayaw.

"Oh, well, you're special to us. And we have not had time with you yet besides some dinner with dad," wika pa ni Daniel.

"I hope you're not starved yet, 'cause we got one place to go before we eat."

Game naman siyang sumang-ayon sa sinabi ni Cholo. "I'm more excited to see it than to eat."

"Good." Nag thumbs up pa si Cholo sa kaniya.

Nagpunta sila sa sculptures of the Supertree Grove.

"This is the last leisure place we can offer you,” ani Daniel. "We'll leave the other marvelous spots for you and Harry." "Harry will be jealous if you enjoy our company too much," pagbibiro pa ni Cholo sa hipag nila.

Habang naglalakad ay napapahanga si Jemima sa magandang tanawin.

"Do you have this kind of view in your country?"

Hindi pa kasi nakakapunta ng Pilipinas ang magkapatid. Si Harry lang ang ilang ulit na nakadalaw sa Pilipinas. "No."

"Well, it's fine. I've heard that Philippines is a beautiful place."

"Yes, of course," pagsang-ayon ni Jemima sa sinabi ni Daniel. "You should visit our place someday."

"I bet Harry had a great time there."

Muntik nang matawa si Jemima sa sinabi ni Daniel. "He had a hell of an adventure there."

Nanlaki naman ang mga mata ng magkapatid sa excitement. "Really?"

"We should visit Philippines," sabi nito sa nakababatang kapatid. "We should try riding a carabao."

Aba't ikinuwento pa yata ni Harry ang most embarrassing moment niya noon. "Did Harry tell you that he rode on it?"

"No, father did."

Napapangiti si Jemima sa ikinuwento sa kaniya ng dalawa. Ipinagyabang pala ng kanilang ama ang mga bagong karanasan ni Harry sa Pilipinas. Hindi lang nila alam ang bad side nito, na biniktima niya ng ilang beses si Harry noon para mapahiya at mawalan ng ganang magpakasal sa kaniya. Well, kung tuluyang umayaw si Harry, it would be her loss. Malay ba niyang ganito siya kaganda kung tratuhin ng pamilya ng asawa niya. At malay ba niyang makakasundo rin niya si Harry.

Gabi na, hindi pa tumatawag si Harry. Kinuha niya ang mobile phone sa kaniyang bag para lang madismaya na na low battery pala ito, at tuluyan nang na-off.

"Oh, don't worry, he's fine. He's just so busy now. I've heard that there's a problem there."

"Don't worry, he can solve it. He'll be back soon,” dagdag pa ni Cholo sa sinabi ng kapatid.

Kumain silang tatlo kasama si Cohen sa isang restaurant. Hindi naman sila naghintay ng matagal dahil naka-order na pala ang magkapatid.

"I hope you like the food. We ordered in advance without asking what you like."

"The food is great. You all got good taste." Ninanamnam niya ang sarap ng kinakain. Hindi na siya nagtanong kung ano ang pangalan ng kinakain niya. Basta masarap.

"Thank you for your appreciation," ani Cholo. "It is called Hainanese chicken rice. It is steamed chicken served with rice cooked in chicken stock. Actually, this is best served for lunch, but I also like it for supper."

"I see," humahanga siya sa interes ng kaniyang bayaw sa mga kinakain nito. Deep inside ay nahihiya siya sa mga kasama niya. Kain lang kasi siya ng kain. Gutom na siya, e. "The rice is oozing with flavor and fragrant aroma. This is my first to eat this kind of food."

"Pour some dipping sauce over the chicken," Cholo instructed her. "It is best if you do that."

"Okay, thanks." Sinunod naman niya ang sinabi ng bayaw. Mas sumarap nga ito.

"Like it?" Si Cholo uli.

"Tumango siya at nag thumbs up. Nasa bunganga pa kasi niya ang pagkain.

Nakita niya ang satisfaction sa mukha ng tatlo. Goal yata ng mga ito ngayon ang mabigyan siya ng kasiyahan. Nata-touch naman siya sa gesture ng mga kasama niya.

Pagod na pagod na siya pag-uwi ng bahay. Inaantok na siya pero sinigurado niyang makapag-charge ng mobile phone. Balak niyang buksan ito kahit ilang percent pa lang ang na-charge. Baka kasi may mga mensahe na si Harry para sa kaniya.

She checked sa landline phone kung may voice mail doon. Hindi siya nagkamali.

"Hi! How are you? I've been trying to call you."

Napangiti siya. Hindi pala siya nakalimutan ng asawa. Ini-on na niya ang kaniyang mobile phone nang makitang naka-charge na ito ng twenty percent. Sabik niyang dinayal ang number ni Harry. Nagri-ring lang ito pero walang sumasagot. Nakaramdam siya ng lungkot. Hindi na niya nakausap ang asawa. Nag message na lang siya dito. Nagpaliwanag siya na na-off ang phone niya dahil na- low battery.

Nang matutulog na siya ay nakaramdam siya ng kahungkagan. Wala kasi siyang katabi ngayon. hInahplos-haplos niya ang puwesto ni Harry sa kama nila. Niyakap niya at inamoy-amoy ang unan nito habggang sa tuluyan siyang iginupo ng antok.

SAMANTALA, nagising si Harry ng mga oras na iyon. Agad niyang tiningnan ang cellular phone niya. Binasa niya ang message ni Jemima. Napangiti siya. 'Shall I call you, my wife?'

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Nag-aalangan siyang tumawag dahil malalim na ang gabi. Baka maistorbo niya ang tulog nito. Pero may missed call ito sa kaniya. Naalala niya na naka- silent nga pala ang phone niya. Ayaw niya kasing paistorbo sa magkapatid. Sadya pa namang makulit ang mga iyon. Hindi siya nagkamali, maraming missed calls sa phone niya mula kina Shelly at Sheena. Napabuntunghininga siya.

Kung single pa rin siya ngayon, malamang na kapiling na niya iyong dalawa dito sa hotel room niya. Aayawan ba niya ang dalawang iyon? Kapuwa magaganda at sexy. Mga bata pa at bigay-todo sa sex. Pero may asawa na siya ngayon. Wala naman siyang balak na maging taksil na asawa. Wala siyang balak na saktan si Jemima. Ngayon pa ba? Maligaya siya ngayon sa married life niya, sa piling ni Jemima.

Nagising si Jemima sa tunog ng telepono. Agad niya itong kinapa. Iisang tao lang naman ang inaasahan niyang tatawag s akanya sa dis-oras ng gabi.

"Hello!" Sinimplehan lang niya ang tono ng boses niya, pero nasasabik siyang marinig ang boses ng asawa.

"Hello, Jemima," halos pabulong niyang sagot sa asawa.

"It's late, why are you still up?"

"I... just want to know if you're okay." Hindi niya maintindihan ang sarili. Nakakusap na niya ang asawa pero tila mas nananabik pa siya ngayon dito.

"I'm fine. Don't stay late. You got to work tomorrow." Pero gusto pa niya itong makausap ng matagal, dangan nga lang at magmamadaling-araw na. Ayaw naman niyang sirain ang tulog ng asawa.

"Do you "

"How are you?"

Hindi na niya naituloy ang itatanong kay Jemima dahil halos nagksabay sila ng pagsasalita. Nawalan na siya ng guts na itanong pa ito. Hindi na niya kayang itanong kung nami-miss ba siya nito. Nami-miss kaya siya ni Jemima? "Harry,... I had a dream... of you."

Tila may humaplos sa puso ni Harry sa tinuran ng asawa. Hindi na niya napigilan ang lumabas sa kaniyang bibig. "I miss you!"

"A..."

"It's okay. I'm fine."

Inaapuhap ni Jemima ang sasabihin sa asawa. Nahalata niya sa tono nito ang pagtatampo sa kaniya. Hindi nga naman kasi niya ito sinagot agad ng "I miss you, too." "Harry,..."

Hinintay ni Harry ang sunod na sasabihin ng asawa, pero hindi na ito muling kumibo.

"Jem?"

"Can I see you?" may tono ng kalungkutan ang boses ni Jemima ngayon.

Napangiti si Harry. He ended the call. Inayos niya sandali ang buhok. Nag video call siya. Gusto siyang makita ng asawa niya.

"Hello!" muling pagbati sa kaniya ni Jemima. Tipid ang naging pagngiti nito.

"Hello!"

Hindi agad sila muling nakapagsalita. Kanina lang ay marami silang gustong sabihin at itanong sa isa't isa. Tila natunaw itong lahat nang magkausap sila ngayon. Kay ganda ng kaniyang asawa. Bakit ba kasi malayo ito sa kaniya ngayon?

"What was your dream about?"

"You." Pinag-iisipan ni Jemima kung ikukuwento niya ang detalye ng kaniyang panaginip. "I cried in my dream."

Planning your weekend reading? Ensure you're on

005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! "Why?" Nagkaroon yata ng masamang panaginip ang asawa niya. At wala siya doon para i- comfort ito. "What was it?"

"You met other woman there. I saw you,... I saw you naked with a beautiful woman."

Ito ba ang tinatawag na women's instinct? Pero hindi na naman niya pinatulan iyong dalawa kanina. Baka naman random dream lang iyon ni Jemima.

Humugot muna siya ng hininga bago naglakas-loob na biruin ang asawa. "I guess that it means that you miss me, my wife." Nginitian niya ito.

Hindi naman magawang kumontra ni Jemima kay Harry sa sinabi nito, lalo na ngayong nakangiti ito sa kaniya. Guwapong-guwapo siya dito. She can only wish na kasama niya ito ngayon. "Why are you still there?" wala sa isip niyang naibulalas. Rather, wala sa plano niyang naibulalas ang laman ng kaniyang isipan.

Napangiti pati ang mga mata ni Harry sa narinig. So, nami-miss nga siya ng asawa niya. "I will not stay here if I could."

Hindi kumibo si Jemima. Nanulis ang nguso nito. Bahagya siyang sumimangot. "Jemima..."

"Okay, I have to work tomorrow. Goodnight."

Walang nagawa si Harry nang tinapos na ni Jemima ang usapan nila. Hindi niya iyon inasahang gagawin ng asawa. Nag-isip siya ng malalim. Mukhang kukulangin siya ng tulog ngayong gabi.

MASAKIT ang ulo ni Jemima. Kinulang kasi siya ng tulog sa kabila ng pagkapagod niya kahapon. Nagsisisi siya na pinagmalditahan niya kagabi ang asawa. Hindi tuloy siya nakatulog ng maayos. Hindi na lang siya nagpasundo kay Cohen. Inabisuhan niya ito na mali-late siya kaya huwag na siyang sunduin. Nakakahiya kung mahalata ng matanda na late dumating ang kotse sa parking area ng building. Pero ngayon ay nagsisisi siya sa naging desisyon dahil lalo siyang mali-late sa pagko-commute. Ah, nangarag nga yata siya.

"Jemima!"

Nagulat man dahil bigla siyang niyapos ng matipunong mga bisig ay nakaramdam naman siya ng excitement. "Harry?"

"Let's go inside."

Kalalabas lang niya ng unit ay papasok na naman siya. Pero kasama na niya si Harry ngayon.

"Why are you here?" tila alam na niya ang sagot kaya sinigurado niyang nai-lock niya ang pinto nang makapasok sila.

Pagod si Harry sa early flight nito pero mas nangingibabaw ang pananabik nito sa asawa. "I miss you!"

Iyon lang at hindi na sila kumibo. Nag-usap na lang ang kanilang mga mata... ang kanilang mga labi... ang kanilang mga yakap... ang kanilang mga haplos sa isa't isa. Mabilis nilang nahubad ang kanilang mga saplot. Kapuwa sabik sa isa't isa, hindi sila nagsayang ng sandali. Nanginginig ang tuhod ni Harry. Pagod siya at sabik, pero higit na nananaig ang pananabik.

"Harry!..." Hindi niya sasayangin ang effort ng asawa. Ibibigay niya ang ipinunta nito dito. "Harry, I'll do you," halos pabulong niya itong sinabi sa lalaki matapos niyang halikan ang tenga nito.

"Yes, please!"

Matapos niyang paliguan ng halik ang lalaki ay pinahiga niya ito. This time, siya ang nasa ibabaw. Iindayog siya sa musika ng romansa nilang dalawa.

Tila kinukumbulsyon si Harry habang tinititigan ang mala diyosang kagandahan na nakaupo sa ibabaw niya. Ninanamnam niya ang bawat pagkilos ng katawan ni Jemima hanggang sa kailangan na niya itong sabayan. Napuno ng maluwalhating pag-ungol ni Jemima ang mga sumunod na sandali. Sa finale ay sabay silang umungol sa sarap.

Mahigpit silang nagyakap. Kapuwa nakangiti.

"We're late."

Hinaplos niya ang buhok ni Jemima.  "Yes... very late.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.