The Billionaire's Prize Wife

Chapter 18 Long Distance Affair



TULOG pa ang asawa, maingat na bumangon si Harry para hindi ito magising. May nilamay din kasing trabaho kagabi ang babae sa laptop niya. Alam niyang madaling-araw na ito nakatulog.

He set the alarm clock para magising si Jemima ng six o'clock ng umaga. Susunduin naman ito ni Cohen mamaya. Halos patingkayad niyang tinungo ang banyo para maligo.

Nang handa na siyang umalis ay saka niya napansin ang supot na nakalagay sa ibabaw ng kaniyang traveling bag. Ipinaghanda pala siya ng asawa ng vitamins. Napangiti siya. Nagawa pa rin siyang alalahanin ng asawa kahit na pagod ito sa trabaho.

Dinampian niya ng halik sa noo ang tulog na tulog na asawa. Pinasadahan muna niya ito ng tingin bago maingat na lumabas ng kuwarto.

Habang nasa airport ay nakapangalumbaba siyang naghihintay ng oras ng kaniyang flight. Malalim ang iniisip ni Harry. Kung waa lang trabaho sa opisina ay paniguradong isasama niya ito. Gagawan niya ng paraan na mai-tour ang asawa sa magagandang lugar sa bansang Malaysia. "Hah!"

Napapangiti siya tuwing matapos niyang bumuntunghininga. Ngayon lang siya nag-iisip ng ganito sa isang babae. Ngayon lang siya nanghihinayang na hindi nakakasama ang isang babae. Tuluyan na yatang nakuha ni Jemima ang buo niyang atensyon. Ngayon siya nanghihinayang na hindi niya niyapos ang asawa bago siya umalis. Di bale, babawi siya dito oras na makabalik siya.

SAMANTALA, kinakapa ni Jemima ang bahagi ng kama ni Harry. Nagmulat siya ng mata nang hindi niya mahawakan ang asawa. Bumangon siya at tiningnan ang kinalalagyan ng traveling bag ni Harry kagabi. Umalis na pala ang asawa niya. Nakaramdam siya ng lungkot. Napakagat siya ng labi sa isipang mag-isa na lang siya ngayon. Natuon ang kaniyang pansin sa unan ng asawa. 'Harry!..'

Inamoy-amoy niya ang unan ng lalaki. Naiwan doon ang amoy ng asawa. Gustung-gusto na talaga niyang amuy-amuyin ang amoy ni Harry. Amoy-lalaki ito pero hindi masyadong matapang. Masarap para sa kaniyang ilong. 'Harry!' Niyakap niya ang unan ng asawa. Nagulat siya ng bahagya nang mapansin niyang tumulo ang luha niya. Ngayon niya nauunawaan na nalulungkot siya dahil sa pag-alis ni Harry. Hindi niya akalaing malaki na pala ang puwang ni Harry sa buhay niya. May kulang na pala kung hindi niya ito kasama.

Napatingin siya sa kaniyang mobile phone. Gusto niyang tawagan ang asawa. Pero nahihiya siya. Ano'ng sasabihin niya? Baka maistorbo niya ito.

Tumayo na siya para magbanyo nang tumunog ang mobile phone niya. Tinatawagan siya ni Harry. Video call.

"H-hello!" Hindi nya alam kung ano ang sunod na sasabihin sa asawa.

"Hello! I called to see if you're already awake. I'm worried that the alarm clock might fail to wake you up."

"Oh, thank you!..."

"Did I wake you up?"

Sasabihin ba niyang nagising siya dahil hindi niya ito nakapa?... na inamoy-amoy niya ang unan nito? Sasabihin ba niyang nalulungkot siya dahil iniwan siya nito?

"Y-yes." Naghikab pa siya sa harapan ng asawa sa video call.

Napangiti si Harry. Cute para sa kaniya ang paghihikab ni Jemima. Lahat na lang yata ng ginagawa ni Jemima ngayon ay cute para sa kaniya. Ah, may mahika na yatang ginagamit ang babaing ito sa kaniya at kakaiba ang nararamdaman niyang atraksyon para dito.

Napansin niyang suot pala ni Jemima ang sexy nitong lingerie. Ang sexy ng kaniyang asawa kahit na bagong gising. Napakagat tuloy siya ng labi.

"Do you have anything to say to me?"

'I miss you!' mabilis na sagot ng utak niya, pero hindi ito lumabas sa kaniyang bibig. Nahihiya siya kay Harry. In fact, tila napipipi siya ngayon. Nakatitig lang siya dito, hindi niya alam kung ano'ng sasabihin.

Hinintay ni Harry ang isasagot ni Jemima. Nagtitigan sila. Nahahalata ni Harry ang awkwardness na nararamdaman ng asawa. Kung alam lang nito, pareho lang sila ng nararamdaman. Nilalakasan lang niya ang loob niya. At ngayon ay tila may kumikiliti sa kaniya habang pinagmamasdan ang facial expression ng asawa. Ang alam niya ay maganda talaga ang asawa niya. Pero ang cute nito ngayon.

Narinig ni Harry na ini-announce na ang oras ng kaniyang flight.

"I have to go," halos pabulong niya itong nasambit.

Tumango lang si Jemima, tila hindi pa rin nito alam kung ano ang sasabihin sa asawa. Kinawayan niya ito. Gumanti din ito ng pagkaway sa kaniya. Isinenyas niya sa asawa na io-off na niya ang phone. Napatda sandali si Jemima. Tumingin ito sa gilid. Yumuko.

Hindi inaasahan ni Harry ang pag end call ng asawa bagama't nagpaalam na siya dito. Tatawagan pa sana niya itong muli. Mukha kasing nagtatampo. Pero kailangan na niyang sumampa ng eroplano.

Nakahubad na ng damit si Jemima para maligo ay saka tumunog ang alarm clock. Matapos niya itong i-off ay napaisip siya. Naalala niya ang asawa. Kung nandito si Harry ngayon sa kuwartong ito, hinding-hindi niyon palalampasin ang hubad niyang katawan. Tiyak na mapapalaban na naman siya. Napakagat siya ng daliri.

Ilang araw na rin pala silang nagtatampisaw sa kaligayahan. Araw-araw nilang tinitikman ang isa't isa. Inaangkin. Masisisi ba niya ang sarili kung ngayon ay hinahanap-hanap na niya ang katawan ni Harry na nakadikit sa kaniyang katawan? Hinahanap na ng kaniyang ilong ang soothing masculine smell nito. "Harry!" Nabigkas din niya ang pangalan ng asawa. Sayang nga lang at siya lang ang nakakarinig nito.

Napapikit siya. Parang pagkit na nakadikit sa utak niya kung gaano kasarap humalik si Harry Sy. Her lips parted habang ninanamnam niya sa kaniyang alaala ang lasa ng halik ni Harry. Inaamin niya, masarap karomansa ang kaniyang asawa. Apektado siya ng bawat haplos at himas nito.

Ipinilig niya ang kaniyang ulo. Kailangan na niyang kumilos. Hindi puwedeng magpantasya na lang siya sa asawa niya. Di bale, babalik naman si Harry. Babawiin nila ang mga araw na hindi nila kasama ang isa't isa.

Wala sa kaniyang hinagap na lalong titindi ang kaniyang paghahanap sa asawa pagpasok niya ng banyo. Dito sila huling nagniig ni Harry. Dito siya sinabihan ng kaniyang asawa na "naughty girl". Malinaw pa sa kaniyang alaala ang naging reaksyon ni Harry habang pinaliligaya niya ito. At hindi pa niya nakalilimutan kung paano din siya pinaligaya ni Harry.

Napaupo siya. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili. Oo, maraming bagong karanasan ang hatid sa kaniya ng pag-aasawa. Pasasaan ba't masasanay din siya.

Naalala niiya ang payak na damdaming bumangon sa kaniyang dibdib kanina habang kausap niya ang asawa. Para siyang teen-ager na nakikipag-usap sa kaniyang crush. Napangiti siya. Ah, darating din ang araw na mawawala din ang awkwardness at embarrassment na naramdaman niya kanina. Nagsisimula pa lang naman silang mag-asawa.

Come to think of it, ni hindi sila magkasundo noon. Parang it all started with sex. Aw, buti na lang kasal na sila. Hindi pa naman niya feel ang maging sex symbol. They were licensed to do it. May blessing sila para pagsaluhan ang sarap ng isa't isa. "Harry! Uwi ka agad, please!"

BAHAGYANG nagulat si Harry nang marinig ang announcement na lumapag na pala sa airport ng Malaysia ang sinasakyan niya. Saka lang niya nagawang lingunin ang katabing babae. Maganda pala ito at mabango. Napangiti sa sarili si Harry. Mukhang lumipas na nga yata ang pagiging playboy niya. Naging automatic na ba talaga iyon sa kaniyang sistema?

"Are you new here? I know a nice hotel." Matamis ang ngiti ng babae sa kaniya habang naghahanda sila para bumaba ng eroplano.

"No. I have friends here. I have to go ahead."

Hindi na niya hinintay na sumagot pa ang babae. Pakiramdam niya ay nakapasa siya sa isang mahirap na examination sa sandaling ito. Wala siyang pakialam kung sino ang tumitingin sa kaniya. Basta masaya siya. 'Jemima!' Natutuwa siya sa pagbabagong ito sa buhay niya. Laking pasasalamat niya talaga sa ama niya sa pagpumilit nitong ipakasal siya kay Jemima. His father knows best nga yata talaga.

Noon pa naman ay kakaiba na ang dating sa kaniya ni Jemima in a way na hindi niya ito nagawang patulan kahit na madalas siya nitong i- bully noon. Kahit na naiinis siya sa babae ay may nararamdaman pa rin siyang awa noon. 'Maybe we're meant to be, my wife.'

MASAYA siyang sinalubong ng magkapatid na Sheena at Shelly sa exit ng airport. Ang dalawang ito ang kasalukuyang modelo ng kanilang sikat na produktong rubber shoes, ang Komfi.

"Harry!" sabay na tawag sa kaniya ng dalawa.

Napangiti siya ng makita ang dalawang magagandang dilag. "Hey!" Nilapitan niya ang mga ito at bineso. "Sheena!... Shelly!"

"Guess what, we knew you were coming, so here we are!" Umangkla agad si Shelly sa kaliwang bisig ni Harry.

Sinimangutan naman agad ni Sheena ang kapatid. Hindi kasi siya makaangkla sa kanang bisig ng lalaki dahil may dala itong traveling bag.

"So what brings you here?" si Shelly uli, at kapagkuwa'y tinapunan niya ng nakakalokong ngiti ang kapatid na nakasimangot sa kaniya.

"I got work to do. So as much as I'd like to stay in touch, I'm afraid I have to decline any invitation for now," sinabi niya ito with a polite smile. May pagka sensitive kasi ang magkapatid na ito. Nasanay din naman kasi na lagi niyang pinagbibigyan.

"Just because you got married, we're not friends anymore?" may pagtatampo na sa tono ni Sheena.

"Oh, come on, Harry. You just married. We're your close friends."

Ayaw niyang saktan ang dalawang babae. Naging mabait ang mga ito sa kaniya. Lahat ng kailangan niya noon ay malugod nilang ibinibigay sa kaniya. No buts.

"We're still friends, right?" Malungkot na ang boses ni Sheena na humarap kay Harry. "Are we?"

Dumating na sa kanilang harapan ang kotse ng magkapatid. Pahilang niyaya ni Shelly si Harry pasakay dito. "Come!"

Pinagitnaan ng dalawang babae si Harry sa backseat habang mag-isa lang ang driver sa harapan.

"Girls, I should go straight to the office. I have to see your father."

"Yeah, yeah!..." Umismid pa si Shelly at humalukipkip.

"We volunteered to fetch you, so we'd wait until you're free. And we don't take no for an answer, you know that."

Sumang-ayon naman si Sheena sa sinabi ng kapatid. "There's a party tonight."

"I'm sorry, girls. It is crucial that I focus on my job now."

Hindi na kumibo ang magkapatid hanggang sa malapit na sila sa opisina.

"I can treat you to a dinner though. But I can't stay with you for more than an hour. I have a lot to do."

Tuluyan na siyang binigyan ng magkapatid ng silent treatment.

Pagpasok nila ng building ay nakita ni Harry ang naglalakihang advertising campaign ng Komfi shoes kung saan sina Sheena at Shelly ang modelo. Nginitian niya ang dalawang kasama. "You two are gorgeous!" Lumingon lang sa gilid ang dalawa. Ni hindi siya tiningnan ng mga ito sa mata.

"Okay, two hours for our dinner, and that's it." Tiningnan lang siya ng mga ito. "Okay?"

Nakita ng magkapatid na papalapit sa kanila ang kanilang ama kaya mabilis silang nagdesisyon. "See you tonight, Harry boy!"

Irap lang ang isinagot ni Sheena sa lalaki bago nito sinalubong ng halik sa noo ang ama. "Harry, glad you're here!"

Habang nakikipag-meeting ay manaka-nakang sumisilip si Harry sa kaniyang cellular phone. Nagbabakasakaling may message mula kay Jemima. Napapabuntunghininga siya sa tuwing walang nakikitang mensahe mula sa asawa. Minabuti niyang mag-focus na lang sa meeting. Nadi-disappoint lang din naman siya.

Ang hindi alam ni Harry ay sinisilip din ni Jemima ang kaniyang mobile phone kahit sa oras ng trabaho. Ayaw ni Jemima na may ma-miss na message mula kay Harry. Pero dahil wala naman siyang natatanggap na mensahe o tawag mula kay Harry ay minabuti niyang itago na lang muna sa loob ng bag ang kaniyang telepono. Afterall, kailangan niyang mag-concentrate sa trabaho. Malaki pa naman ang role na gagampanan ng social media sa ila-launch na advertisement ng kumpanya.

Natapos din ang maghapong pagsusuri sa posibilidad na haharaping krisis ng kanilang kumpanya sakaling hindi nila mapaghandaan ang mga itatapat na produkto ng kanilang numero unong karibal na kumpanya sa Asya,-- ang Tire Queen Company. Sa ngayon ay biggest competitor nila ito sa mga gulong. Napag-alaman nila na magbi-venture din ito sa rubber shoes at iba pang produkto na gamit ang goma.

Agad nyang tiningnan kung may na-miss siyang message mula sa asawa. Wala. Tinawagan niya ito. Hindi nagri-ring ang telepono. Naisip niyang baka na-low battery ang telepono ng asawa. Nag-iwan na lang siya ng voice message. "Hey, I've been trying to call you. How's your day?"

As usual, maraming kuwento ang magkapatid na Sheena at Shelly habang nagdi-dinner silang tatlo. Masaya silang nagkuwentuhan. Nang makatapos silang kumain ay agad na nagpaalam si Harry na magpapahinga na siya sa kaniyang hotel

room.

"Okay, we'll go with you."

Hindi niya puwedeng pagbigyan si Shelly. Mapusok ito. Lagi nitong ipinagduduldulan ang sarili tuwing nagkikita sila. Mabuti na lang at kasama nila ngayon si Sheena.

"I have to rest."

"We'll send you there, no worries." Himig-pagtatampo namang winika ni Sheena.

Isa pa itong si Sheena, e. Iba ang naging pakahulugan nito noon ng 'I'll send you there' niya. Hindi na ito umalis. Pero siguro nama'y mahihiya na itong umulit ngayon. Kasama nila ang ate nito ngayon, e. Tuluyan na siyang nagpaalam sa dalawang babae pagdating nila sa harap ng pinto ng kaniyang hotel room. "Thank you, girls. I appreciate the good times we had. Take care on your way home."

"We're not done yet, Harry," ani Sheena. Tila wala syang bahid ng inhibition sa harap ng kapatid niya nang hinaplos niya ang dibdib ni Harry.

"Come on, no one's gonna know. Let us in," halos itulak na siya ni Shelly papasok ng hotel room niya.

Hindi akalain ni Harry na napagkasunduan na siya ng magkapatid na ito. Ni hindi niya naisip na may naghihintay sa kaniyang threesome adventure dito.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.