Chapter CHAPTER Fifty Two
"P-Preston, hayaan mo akong magpaliwanag-"
"Huling-huli ka na, Lyana," malamig na sambit niya kaya't wala sa sarili akong napalunok dahil sa kaba nang marinig ang boses niya.
Parang hindi siya si Preston sa lamig ng pagkakasabi niya sa akin ng katagang iyon. Kinagat ko ang aking ibabang labi at lumapit sa kaniya. "P-Preston, k-kung ano man ang iniisip mo, magpapaliwanag ako, huh? P-Please, pakinggan mo lang ako. Please, huh, Preston?"
Sinubukan kong hawakan ang kamay niya ngunit hindi ko pa man iyon tuluyang nahahawakan ay iwinaksi na niya ang kamay ko palayo. Sa sobrang lakas ng pagkakatabig niya sa kamay ko ay muntik na akong matumba kaya't wala sa sarili akong napasigaw.
"Don't you ever touch me again, woman."
Agad akong humarap sa kaniya at umiling. "Preston naman. H-Hindi mo man lang ba ako papakinggan? K-Kaya nga ako nagpunta rito sa opisina mo para magpaliwanag―":
"No," mabilis na pagtutol niya sa dapat ay sasabihin ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya ngunit ang malamig na titig niya lamang ang sumalubong sa akin.
"P-Preston..."
Bumuntong hininga siya at ibinato sa lapag ang envelope na hawak niya. "Ang sabihin mo, pumunta ka rito para kuhanin ang papeles na 'yan. Gusto mong itago sa akin ang lahat, hindi ba?"
Hindi ako kaagad nakasagot kaya't wala akong nagawa kung hindi ang mapahakbang palayo dahil sa takot. Ayaw ko mang aminin pero tama siya. Totoo na itatago ko dapat sa kaniya ang lahat kaya't madaragdagan lang ang kasalanan ko kung magsisinungaling pa ako.
"Lyana, answer me," sambit niya kaya't muli akong nag-angat ng tingin sa kaniya. "You didn't fool me... right?"
Ilang beses akong napakurap at gulat na tumingin sa kaniya. "H-Ha?"
"Tell me that you didn't go here just to fool me and Chantal,” dagdag niya.
Agad akong umiling at muling lumapit sa kaniya. "A-Ano bang sinasabi mo? S-Siyempre, hindi! Nagpunta ako rito para maging Yaya ni Chantal kaya ano 'yang s-sinasabi mo na niloloko kita? H-Hindi, Preston. Hindi ko magagawa ang bagay na 'yan sa 'yo at kay Chantal," mabilis na pagtanggi ko sa kaniya.
"So
you're saying that you didn't know that Chantal is your daughter?"
Naestatwa ako sa aking kinatatayuan at gulat na nag-angat ng tingin sa kaniya. Hindi kaagad ako nakasagot at sa halip ay nakipagsukatan lamang ng tingin sa kaniya.
Gusto kong sabihin na oo. Gusto kong sabihin na hindi ko naman talaga alam na anak ko si Chantal. Pero kasi...
"Alam mong itinuring kong anak si Chantal, 'di ba?" tanging sagot ko at taas noong nag-angat ng tingin sa kaniya. Lumunok ako at hindi tumigil sa pakikipagsukatan ng tingin sa kaniya. "Mahal ko si Chantal kahit na anak ko siya o hindi. Alam mo naman 'yon, 'di ba?"
"Why would I even trust you—"
"Magkasama tayo!" Malakas na sigaw ko at nangingilid ang luhang tumingin sa kaniya. "O-Oo, sabihin na natin na ako nga ang surrogate mother ni Chantal. Sige, fine. Ako ang nagdala sa kaniya sa loob ng siyam na buwan. Ako ang nagluwal at... at akin si Chantal. Pero Preston, h-hindi ko alam, okay? Kung alam ko lang, sinabi ko na kaagad sa 'yo ang totoo at hindi na ako magtatago pa."
Nagpakawala siya ng malakas na buntong hininga at natatawang tumingin sa akin. "Kung alam mo lang, sasabihin mo sa akin? Lyana, you know now! You already fucking know everything and I know that you're going to hide everything from me! Kung hindi kita naabutan, kung hindi ko nakuha ang envelope na 'to... may plano ka pa bang sabihin sa akin ang totoo?"
Nanatili akong tahimik at sa halip ay nagbaba na lamang ng tingin dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya. Alam kong tama siya. Iyon naman talaga ang gagawin ko. Itatago ko sa kaniya ang lahat pero hindi 'yon dahil ayaw kong malaman niya. Ipinagpapaliban ko lang dahil hindi pa ako handa.
Iyon lang naman ang gusto ko pero...
"Sasabihin ko rin naman sa 'yo-"
"Then when?! Kailan mo balak sabihin sa akin ang totoo? Why can't you just say it? Gaano bang kahirap sabihin sa akin ang totoo, ha?" Muling pagputol niya sa sasabihin ko kaya't mas lalo akong nagbaba ng tingin. Kinagat ko ang aking ibabang labi habang pilit na pinipigilan ang sarili kong umiyak. "H-Hindi naman kasi ganoong kadali ang lahat, Preston..."
"Hindi madali?" Nagpakawala siya ng malakas na buntong hininga habang umiiling kaya't mas diniinan ko pa ang kagat sa aking ibabang labi. "Lyana, you started this shit! Kapag may sinimulan ka, dapat ikaw din ang tumapos-" "Kaya hindi ko masabi kasi alam kong magiging ganito ka!"
"What?"
Pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking pisngi at nag-angat ng tingin sa kaniya. "A-Alam ko na magagalit ka sa akin kaya h-hindi ko muna sasabihin sa 'yo..."
"At sa tingin mo, kapag pinatagal mo, hindi na ako magagalit sa 'yo?"
Hindi ako nakasagot at sa halip ay muling tumungo habang patuloy sa pagtulo ang aking mga luha. Kanina ko pa pinipigilang umiyak pero hindi ko na napigilan pa nang marinig ang sinabi niya.
Alam ko na naman. Matagal ko na anggap na kung sino mang tay ng batang ako ang naging surrogate mother, sigurado akong kasusuklaman niya ako dahil sa ginawa ko... at mukhang ngayon, alam na rin niya kung totoong kasamaan na ginawa ko noon.
talaga ang
Mukhang sa pagkakataong ito, wala na nga yata akong kawala pa sa galit na nararamdaman niya. Mukhang hindi na ako makakatanggi pa sa kung ano mang ibibintang niya... dahil alam kong totoo ang kung ano mang ikinakagalit niya sa akin. Hindi naman siya magagalit nang ganito kung wala akong ginagawang masama at alam ko kung ano iyon.
"H-Hindi ko naman ginusto na mangyari..." mahinang usal ko habang umiiyak.
"Lyana, just because of that fucking failure..." Hindi niya naituloy ang dapat na sasabihin nang marinig ko siyang humikbi. Mas lalo ko namang kinagat ang aking ibabang labi nang mapagtantong maging siya ay umiiyak na rin. "I-I'm sorry."
"B-Because of what happened, my perfect marriage was ruined, Lyana,” dagdag niya kaya't mas napaiyak pa ako. "My marriage was so perfect, Lyana. A-Anak na lamang ang kulang sa aming dalawa at magiging masya na kaming pamilya. B- But just because of that failure... t-that child... it was ruined."
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at nag-angat na ng tingin sa kaniya. Kumuyom ang kamao ko at nakipagsukatan ng tingin sa kaniya. "Huwag na huwag mong matatawag nang ganiyan si Chantal dahil wala siyang kasalanan. S-Sige, sabihin na natin na mali na ako ang naging nanay ni Chantal imbis na ang asawa mo pero Preston... anak mo pa rin 'yon. T-Tingin mo ba, ginusto ng bata na masira ang pamilya niyo, ha?" "Don't talk to me like that as if you're innocent on this. Kung sana sinabi mo kaagad, kung sana hindi niyo na itinago pa ang totoo, e 'di sana naayos na habang maaga pa ang problema-" "Sinasabi mo bang dapat ipina-abort ko ang bata, ganoon ba?"
Hindi siya kaagad nakasagot sa tanong ko kaya't parang ilang beses na sinaksak ng punyal ang aking dibdib dahil sa labis na sakit na nararamdaman. Alam ko na galit siya pero ang isipin na sana ay ipa-abort ko ang mismong anak niya... hindi na tama iyon.
Alam kong may mali ako pero hindi ko kailanman naisip ang bagay na iyon. Anak ko si Chantal... at anak niya rin. Kaya bakit niya iisipin na sana nawala na lamang ang anak niya? My expectations were low but I wasn't aware that he can be THIS low.
Malakas akong bumuntong hininga at nag-iwas ng tingin sa kaniya. "Alam kong galit ka sa akin pero huwag mo na sana pang idamay ang mga bata. Inosente sila rito," sambit ko. "Mga... bata?"
Natigilan ako nang mapagtanto ang sinabi ko. Gulat akong tumingin sa kaniya ngunit kapagkuwan ay agad ko ring naikalma ang aking sarili. Bumuntong hininga ako. "Nabasa mo na naman ang laman ng envelope na 'yan, hindi ba? Gusto mong sabihin ko na sa 'yo ang totoo kaya hindi na ako magsisinungaling pa," tanging sagot ko sa kaniya at nag-iwas na ng tingin.
"So Jarvis is mine, huh?"
Hindi ako sumagot dahil sigurado naman ako na alam na niya ang sagot sa tanong niya at hindi na niya kailangan pa ang sagot ko. Magka-edad sina Jarvis at Chantal kaya't malamang, magkakambal sila., Hindi ko napansin ang pagkakapareha nila noon kaya't hindi pumasok sa isip ko na magkapatid sila.
Mas diniinan ko pa ang kagat sa aking ibabang labi habang iniiisip kung anong magiging reaksiyon ng dalawa kapag nalaman nilang magkapatid pala talaga sila.
Mayamaya pa ay naramdaman kong may pumasok na sa loob ng opisina ni Preston upang maki-usisa sa amin. Saglit akong sumulyap at nakitang naroon na sina Doctora Vallero, ang pinsan nilang si Deion Fontanilla, at maging si Manang Lerma.
Agad akong nag-iwas ng tingin kay Manang Lerma nang maramdaman ang titig niyang animo'y alalang-alala sa akin. Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi at magsasalita na sana ngunit naunahan na ako sa pagsasalita ni Preston. "Leave."
"A-Ano?!"
Malamig siyang tumingin sa akin kaya't wala sa sarili akong napaatras. "Leave my house. Umalis ka na bago pa dumating ang mga bata,” dagdag niya. "Seryoso ka ba?"
"Do I look like I'm joking, Miss Dela Merced?"
Napanganga ako at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. "Hindi ako aalis sa bahay na 'to. Sabi mo nga noon, hindi ikaw ang amo ko kaya hindi ikaw ang magpapaalis sa akin," mariing pagtutol ko.
"I hired you so I have all the rights to fire you. Aalis ka ng bahay na 'to nang kusa o ako mismo ang hihila sa 'yo palabas."
Hindi kaagad ako nakasagot sa sinabi niya. Ayaw ko mang umiyak dahil baka isipin niya ay mahina ako ngunit hindi ko pa rin napigilan ang sarili kong umiyak.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"A-Anak ko rin sina Jarvis at Chantal kaya wala kang karapatang ipagkait sila sa aki—"
"You're saying that after you hid Jarvis from me?" Lumingon siya sa akin at nangingilid ang luhang sinalubong ang aking mga mata. Alam kong hindi iyon dahil sa lungkot ngunit dahil sa galit. "Huwag mo akong masasabihan na ipinagkakait ko sila sa 'yo dahil ipinagkait mo rin sa akin si Jarvis."
Kinagat ko ang aking ibabang labi at sunod-sunod na umiling. "Ginawa ko 'yon dahil hindi ko siya puwedeng iwan," giit ko.
"What about Chantal? Kapag si Chantal, puwede?"
Hindi ako sumagot sa tanong niya at sa halip ay pinunasan na lamang ang aking mga luha. Muli akong umiling. "M-May rason ako kaya hindi ko naisama si Chantal. S-Si Jarvis naman... k-kailangan ko siyang isama. Hindi ko sila kayang palakihin nang mag-isa kaya isinama ko si Jarvis."
"And you let my son lived that nasty life of yours?"
Natigilan ako matapos marinig ang sinabi niya. Tila naestatwa at nabingi ako habang hindi pa rin tuluyang nagsisink in sa akin ang masakit na salitang lumabas mula sa bibig niya. Kumuyom ang kamao ko at nagbaba ng tingin. "Kuya Preston." Dinig kong pagpigil ni Doctora Vallero sa pinsan niya.
Preston hissed. "Huwag kang makisali sa usapan namin dahil kung hindi dahil sa kapalpakan niyo, hindi mangyayari ang lahat ng ito. At alam niyo na ngang may nagawa kayong mali, hindi niyo kaagad sinabi sa akin. And what... alam mo rin na kambal ang anak ko pero hindi mo sinabi sa akin?"
"K-Kuya Preston kasi a-anak din ni Lyana k-kaya..."
"And what about me? Anak ko rin ang batang itinago niyo. All these years I thought I only habe one child and now you're telling me that that kid is also mine? Ano sa tingin niyo ang dapat kong gawin? Magpa-fiesta? Pasalamatan kayo? My son lived a terrible life"
Hindi ko na pinatapos pa ang dapat na sasabihin ni Preston at agad nang tinawid ang pagitan naming dalawa. Nangibabaw sa opisina ang tunog ng palad kong tumama sa pisngi niya. Napasinghap sina Doctora Vallero at Manang Lerma sa ginawa ko pero hindi ko na sila pinansin.
Nanginginig na ibinaba ko ang aking kamay habang nakatingin sa kaniya. "Alam kong may kasalanan ako sa 'yo pero huwag na huwag mong kukuwestiyunin ang pagiging ina ko dahil wala kang karapatan na pagsabihan ako nang masama lalo pa't naging masama ka rin namang ama kay Chantal," seryosong sambit ko.
Tumingin siya sa akin. "W-What?"
"Iniwan ko ang anak ko dahil akala ko, magiging maganda ang buhay niya rito. Pero anong nadatnan ko? Oo, sige. Mahirap man ang naging buhay ni Jarvis pero minahal ko siya... at hindi mo 'yon naibigay kay Chantal. Kahit na ano mang yaman mo, kung ganiyan ang ugali mo, aalis talaga ang mga taong nagmamahal sa 'yo."
Nakipagsukatan siya ng tingin sa akin at hindi naman ako bumitiw. Magsasalita pa sana siya ngunit naputol na iyon nang may marinig kaming boses mula sa may pintuan.
"Mama Lyana..."
Marahas akong tumingin sa gawi niyon at nakita ang nakatayong sina Chantal at Jarvis-kapwa nanlalaki ang mga matang nakatingin sa aming dalawa. "C-Chantal... J-Jarvis..." mahinang usal ko.
Agad na tumakbo palapit sa akin si Jarvis at pumagitna sa aming dalawa ni Preston. SI Chantal naman ay tumabi sa tatay niya at naka-tingala. Mukhang nakita niya ang pagsampal ko sa tatay niya... Nagbaba ako ng tingin at pinunasan ang luhang tumulo sa aking pisngi. Agad ko rin namang naramdaman ang paghawak ni Jarvis sa laylayan ng suot kong damit at nakatingalang tumingin sa akin. "Mama," mahinang sambit niya ngunit umiling lamang ako at tumingin na muli kina Chantal.
Kunot noo akong tiningnan ni Chantal at kahit na gusto ko man siyang tingnan ay wala pa rin akong nagawa kung hindi ang mag-iwas ng tingin sa kaniya. "M-Mama Lyana, w-why did you hurt my Daddy?"
Muli akong nag-angat ng tingin kay Chantal nang marinig ang tanong niya. Gustuhin ko mang magsalita ay hindi ko nagawa dahil wala akong lakas ng loob na sabihin sa kaniya kung bakit. Wala rin akong lakas ng loob na sabihin sa kaniya ang totoo... na ako ang nanay niya.
Agad kong pinunasan ang luha sa aking pisngi nang tumulo iyon habang nakatingin sa kaniya. Ang anak ko....
"Hindi mo ba nakita, Chanty? Inaaway ni Tatay si Mama kaya niya sinampal!" Malakas na sigaw ni Jarvis at nag-angat ng tingin kay Preston. "B-Bad ka pala! Sabi ko sa 'yo 'wag mong away ang Mama ko pero away mo pa rin. Feeling mabait ka lang pala pero bad ka talaga... masama ka, T-Tatay..."
Kinagat ko ang aking ibabang labi at kinuha ang isang kamay ni Jarvis. Mabilis namang nag-angat ng tingin sa akin ang anak ko kaya agad akong umiling upang pigilan siyang makialam sa away naming dalawa ni Preston. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya at kapagkuwan ay muling nag-angat ng tingin kay Preston.
"Hindi ako aalis sa bahay na 'to nang hindi kasama sina Jarvis at Chantal. Hindi ko sila iiwan dito, naiintindihan mo ba?"
"This is my house so I get to decided whoever will stay here. Wala kang karapatang diktahan ako."
"Daddy!" Hinawakan ni Chantal ang kamay ng ama kaya't kinagat ko ang aking ibabang labi. "Why do you want Mama Lyana to leave? She can't leave! I won't let her "
"Don't call her Mama, Chantal," malamig na pagputol ni Preston sa sinasabi ng anak. Agad namang kumuyom ang isa ko pang kamao dahil doon.
"But Daddy, 'di ba Mama Lyana is my new mommy so why..."
"You don't have a mom, Chantal." Tumingin sa akin si Preston kaya't muli akong napaatras. "She's your nanny. That's it. She's far from being your mother."
Parang ilang beses na piniga ang dibdib ko matapos marinig ang sinabi niya. Gusto kong sabihin kay Chantal na hindi totoo ang sinabi ng tatay niya at ako ang nanay niya pero hindi ko magawa dahil natatakot ako na maging siya ay magalit din sa akin tulad ng tatay niya.
Kahit pagbali-baliktarin man ang mundo, iniwan ko siya. Mabuti man ang dahilan ko pero hindi mababago niyon na iniwan ko siya at hindi hinanap. Kinuha at isinama ko ang kakambal niya pero siya, naiwan siya ritong mag-isa at naghahanap ng kalinga ng ina.
"Daddy..." mahinang sambit ni Chantal at umiyak. Hahakbang na sana ako para lapitan siya ngunit agad akong napatigil nang mas lalong higpitan ni Jarvis ang hawak niya sa aking kamay na animo'y nagpipigil na lumapit sa dalawa. Tumingin sa akin muli si Preston. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Hindi ba't sabi ko, umalis ka na?"
"Hindi
nga sabi ako aalis nang hindi kasama sina Chantal at Jarvis "
"Manang Lerma, Deion, iakyat niyo si Chantal at Jarvis sa taas."
Mabilis kong hinila palapit sa akin si Jarvis ngunit naunahan na ako ni Deion. Walang kahirap-hirap niyang binuhat ang nagpupumiglas na si Jarvis kaya't kahit na ano mang gawin kong pilit ay hindi ko nakuha mula sa kaniya si Jarvis. "J-Jarvis. H-Hindi! Jarvis, Chantal!" Nagpapanic na sigaw ko ngunit hindi ko pa man nalalapitan ang dalawa ay nahawakan na ni Preston ang aking palapulsuhan. "H-Hindi... t-tangina, 'yong mga anak ko... ano ba?!"
Pilit niya akong hinila palabas ng opisina kasunod nina Jarvis at Chantal. Ang kaibahan lang ay hinila niya ako pababa ng hagdan samantalang nanatili ang kambal sa taas.
"Mama! M-Mama ko!" Malakas na palahaw ni Jarvis habang nagpupumiglas kay Deion Fontanilla kaya't mas lalo rin akong nagpumiglas sa pagkakahawak ni Preston. Subalit sadyang malakas siya kaya't kahit na anong gawin ko ay hindi pa rin ako makawala.
"Daddy! D-Daddy, let go of Mama Lyana! Mama Lyana! D-Don't leave us... Mama! Daddy!"
Ibinaling ko ang tingin ko kay Chantal na pilit ding kumakawala sa pagkakahawak sa kaniya ni Manang Lerma. Nagtagpo ang mga mata namin ni Manang Lerma ngunit marahan lamang siyang umiling sa akin habang umiiyak. "P-Preston, please. K-Kahit magalit ka sa akin, huwag mo namang idamay ang mga bata="
"Shut up!"
"Mama! Mama, 'wag mo ako iwan dito, Mama ko! Mga bad kayo! Mama ko! Chanty, ang mama ko!" Ang palahaw ni Jarvis ang huling narinig ko bago kami tuluyang makalabas ng bahay ni Preston. Nakasunod sa amin si Doctora Vallero at pinipigilan ang pinsan ngunit animo'y wala itong naririnig.
Napasinghap ako nang mabasa ang buong katawan ko ng ulan. Hindi naman nagpatinag si Preston sa ulan at dire-diretso akong kinaladkad palabas ng gate.
"Kuya Preston, ano ba?! Umuulan! Can't you just fucking calm down? Lyana_"
"Huwag kang makikialam dito dahil mas malaki ang atraso mo sa akin," pagputol ni Preston sa sasabihin ng pinsan.
Marahas niyang binitiwan ang aking palapulsuhan. Hindi iyon gaanong kalakas ngunit dahil sa hilo at sa lakas ng ulan ay nanlambot ang aking tuhod at napaupo sa gilid ng kalsada.
"P-Preston, please.... ang mga anak ko..."
"I don't want to see your face again, do you understand? Huwag na huwag ka nang magpapakita sa amin ng mga anak ko," malamig na sambit niya at walang pag-aalinlangan akong tinalikuran. Dire-diretso siyang bumalik sa loob at pinagsarhan ako ng gate.
"Preston! Papasukin mo ako, Preston! Please!" Malakas na sigaw ko at sinubukan siyang sundan ngunit tuluyan na akong nawalan ng balanse sa katawan.
Ang huli ko na lamang naaalala ay ang malakas na pagtawag ni Doctora Vallero sa pangalan ko bago tuluyang nandilim ang aking paningin at walang lakas na natumba sa malamig at konkretong daan habang basa sa ulan.