Chapter CHAPTER Fifty One
"Hindi ba't ako ang dapat na magtanong niyan sa 'yo?"
Bahagya akong natigilan nang marinig ang tanong niya pabalik. Medyo lumalakas na ang ambon kaya't kinuha ko na ang pagkakataon na iyon upang hawakan ang palapulsuhan niya. "Anong ginagawa mo?" Muling tanong niya.
"N-Nasaan ang kotse mo? Doon na lamang tayo mag-usap," pilit kong ikinalma ang boses ko bago ako muling sumulyap sa gawi niya. "Hindi tayo puwedeng makitang magkasama."
Kumunot ang noo niya matapos marinig ang sinabi ko ngunit agad din naman akong nag-iwas ng tingin. Hindi kami puwedeng makita ni Preston dahil baka mamaya ay magkakilala pala sila. Hindi puwedeng malaman ni Preston kung anong nangyari noon.... hindi talaga puwede.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon niya kapag nalaman niya ang ginawa ko noon. Hindi man siya ang biktima pero...
Narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga niya at iginiya ako patungo sa sasakyang nakaparada sa tapat ng bahay ni Preston. Pumasok ako sa passenger's seat ngunit agad din akong natigilan nang makitang may kung sinong nakaupo sa likod ng sasakyan.
"S-Sino..."
"PInsan ko sa mother's side," sagot ni Doctora Vallero nang makasakay siya sa driver's seat.
Tumingin sa akin ang lalaki at kunot-noo akong tiningnan. Kapagkuwan ay muli siyang tumingin sa gawi ni Doctora Vallero. "Sino 'to?" Rinig kong tanong niya.
Napalunok ako. Siya ba ang sinasabing pinsan sa akin ni Doctora Vallero? Siya baa ng totoong tatay ni... "The surrogate."
Agad na nanlaki ang mga mata ng lalaki nang marinig ang sagot ni Doctora Vallero. Nahigit ko naman ang hininga ko habang pinagmamasdan kung ano ang susunod niyang gagawin. Kapagkuwan ay tinakpan niya ang kaniyang bibig gamit ang kaniyang palad at gulat akong tiningnan..
Nag-iwas ako ng tingin at sa halip ay muling sumulyap kay Doctora Vallero. Nakahawak ang kamay niya sa steering wheel samantalang diretsong nakatingin lamang siya sa labas.
Hindi ko inaasahan na makikita ko siya-lalo at at dito pa. Ilang taon na mula nang bigla na lamang siyang hindi nagpakita kaya't akala ko ay wala na siyang pakialam pa. Sinubukan ko na ring kalimutan ang nangyari noon kaya't bakit... bakit narito siya?
"H-Hinahanap mo ba ako?" tanong ko sa kaniya matapos ang mahabang katahimikan sa pagitan naming tatlo.
Lumingon sa akin si Doctora Vallero at kunot noo akong tiningnan. "Anong ibig mong sabihin?" takang tanong niya.
"H-Ha?" Ilang beses akong napakurap at taka siyang tiningnan. "Kasi narito ka kaya akala ko, hinahanap mo ako. Hindi ba?"
"Bakit ka naman niya hahanapin dito?"
Napatingin ako sa pinsan ni Doctora Vallero nang sumingit siya sa usapan. Mukhang saka lamang siya natauhan na nakikiusisa siya kaya't umayos siya ng upo at tipid na ngumiti sa akin. "I'm Deion Fontanilla by the way. Huwag mo akong pansinin, nandito lang ako para maki-chismis," sambit niya.
Nagtataka man sa inasal niya ay nag-iwas na lamang ako ng tingin sa kaniya upang hindi na nya ako kausapin pa. Mukhang hindi siya ang hinahanap ko dahil kung siya iyon, baka kanina niya pa ako naisumpa dahil sa labis na galit. Ibinalik ko ang tingin ko kay Doctora Vallero. "Dito na kasi ako ngayon nagtatrabaho kaya akala ko ay hinahanap mo ako. Hindi ba?"
"Saan ka nagtatrabaho?"
Bakas sa boses niya ang labis na pagkaseryoso kaya't wala sa sarili akong napalunok dahil sa kaba. Ilang beses akong napakurap at itinuro ang bahay ni Preston. "Diyan," kaswal na sagot ko at ibinalik ang tingin sa kaniya. Agad namang nagtagpo ang aking dalawang kilay nang makita ang ekspresyon ng mukha niya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang sagot ko kaya naman hindi ko mapigilang kabahan. "K-Kailan ka pa nagtatrabaho riyan?" dagdag na tanong niya.
Kaswal akong nagkibit balikat. "Matagal-tagal na. Dito kasi nagtatrabaho ang tiyahin ng kaibigan ko kaya ipinasok niya ako rito. Bakit? May problema ba? Kilala niyo ba ang nakatira riyan?" takang tanong kong muli sa kaniya.
Narinig ko ang mahinang pagmumura ng pinsan niya kaya't ibinaling ko ang tingin ko sa kaniya. Agad namang nag-iwas ng tingin sa akin si Deion Fontanilla kaya't mas lalo pang nagsalubong ang kilay ko dahil sa labis na pagtataka. "So you know..."
"Sino?" tanong kong muli kay Doctora Vallero.
"Do you know Kuya Preston, Lyana?"
"Oo naman. Boss ko siya kaya..."
Tila binuhusan ako ng malamig na tubig nang mapagtanto kung ano ang ibig niyang sabihin,. Muling nagmura ang pinsan niya sa likuran kaya't mas lalo kong nakumpirma ang aking hinala. Sunod-sunod akong napalunok at kapagkuwan ay hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. "Huwag mong sabihin sa akin na si..."
Hindi siya sumagot at nagbaba ng tingin sa akin kaya't hindi ko na naituloy pa ang dapat kong sasabihin. Wala sa sarili kong nasapo ang aking bibig dahil sa labis na pagkabigla at hindi makapaniwalang tumingin sa bahay ni Preston. "S-Si Preston baa ng pinsan na...." Humugot ako ng malakas na buntong hininga at muling tumingin kay Doctora Vallero. "S-Si Preston baa ng pinsan mo?!"
Malakas siyang bumuntong hininga at hindi sinagot ang tanong ko. "Umalis ka na sa bahay na 'yan, Lyana. Habang maaga pa, umalis ka na. Y-You need work? I'll give you "
"Hindi naman tama ang iniisip ko, 'di ba?" pagputol ko sa dapat ay sasabihin niya.
"Lyana..."
"H-Hindi naman si Preston ang pinsang sinabi mo sa akin noon, 'di ba? H-Hindi siya ang totoong tatay ni "
"Kaya nga umalis ka na!" Malakas na sigaw niya at ginulo ang kaniyang buhok. "Magagalit siya sa 'yo kapag nalaman niya ang totoo, Lyana. K-Kung ako, pumayag ako sa ginawa mo... siya... sigurado akong hindi siya papayag. Sigurado akong magagalit siya sa 'yo dahil sa ginawa mo."
Naestatwa ako sa aking kinauupuan dahil sa sinabi niya. Alam kong tama siya. Alam kong kasusuklaman ako ni Preston kapag nalaman niya ang totoo pero kasi...
"S-Si Chantal.." Ibinalik ko ang tingin ko kay Doctora Vallero at nanlalaki ang mga mata siyang tiningnan.
"Lyana, please," mahinang sambit niya.
Umiling ako. "S-Siya ba?"
Hindi siya sumagot sa tanong ko at nagbaba ng tingin upang iwasan ang aking mga mata kaya't agad akong napasinghap habang umiiling. "H-Hindi.... Si Chantal... h-hindi puwede..."
"Lyana, nakikiusap ako,. Umalis ka na habang maaga pa. N-No. I mean, umalis ka na ngayon na. Hindi ka na puwedeng pumasok sa loob dahil sa oras na malaman at makita ka niya..." Malakas siyang bumuntong hininga at tumingin sa gawi ko. "Please, Lyana?"
"Sinasabi mo bang dapat kong iwanan ang anak ko rito, ganoon ba?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. "Doctora Vallero, alam mo ang totoo."
"Pero si Kuya Preston-"
"P-Puwede namang hindi niya malaman," pagputol ko sa sasabihin niya. Pinaglaruan ko ang aking mga daliri at malakas na bumuntong hininga. "Tulad nang dati, itago nalang natin sa kaniya ang totoo. Nagawa na natin dati, e 'di gawin nalang ulit natin ngayon. Doctora Vallero, hindi ko puwedeng iwanan nang mag-isa si Chantal. H-Hindi ko kaya kaya pakiusap..."
"Lyana, alam na ng asawa ni Kuya Preston na hindi siya ang totoong nanay ni Chantal kaya impossible na itatago natin na ikaw talaga ang totoo niyang nanay. Saka si Kuya Preston, mahirap siyang lokohin-"
"Kaya ko!" Malakas na sambit ko bago nangingilid ang luhang tumingin sa kaniya. "M-Maniniwala siya sa akin, Doctora Vallero. Alam kong maniniwala siya kaagad sa akin saka hindi niya ako sasaktan kaya pakiusap, huwag mong sabihin sa kaniya ang totoo, huh? Tulad nang dati, itago nalang natin."
Kunot noo niya akong tiningnan at akmang magsasalita pa siya ngunit naunahan na siya ng pinsan niyang nakaupo sa likod.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Do you like Kuya Preston?" tanong nito sa akin kaya't hindi ko napigilang mapalunok. "Are you two in a relationship?"
Hindi ako sumagot.
"Oh, fuck," malakas na mura ng pinsan ni Doctora Vallero kaya't nagbaba ako ng tingin. Maging si Doctora Vallero ay hindi rin napigilan ang sariling mapamura nang mapagtanto na may namamagitan sa amin ng pinsan niya. Mas lalo akong nagbaba ng tingin sa kanila at walang nagawa kung hindi malakas na bumuntong hininga. Napailing naman si Doctora Vallero at hinilot ang kaniyang sintido.
"Alam mo na ba noon pa mman na siya ang pinsan ko?"
Nag-angat ako ng tingin sa gawi ni Doctora Vallero nang marinig ang tanong niya sa akin. Mabilis akong umiling bilang pagtanggi sa tanong niya. "Kung matagal ko nang alam na siya ang pinsan mo, hindi na sana ako narito pa. Alam kong kapag nalaman niya, kukunin niya sa akin ang anak ko at hindi ako makakapayag doon. Kaya nga gusto kong itago na lamang natin sa kaniya ang totoo para hindi na mas lalong gumulo pa ang lahat," pagdadahilan ko. Totoo naman kasi ang sinabi ko. Kung alam ko lang sana na si Preston... shit! Si Jarvis...
"You can't just hide anything to Kuya Preston, though," pagsingit ni Deion Fontanilla sa usapan. Ipinagkrus niya ang dalawang braso at prenteng sumandal sa upuan ng kotse na para bang naglilibang siya sa nangyari. "Nagawa na namin noon, bakit hindi na puwede ngayon?" ganti ko pabalik.
Kaswal siyang nagkibit balikat. "Baka dahil pumalpak na 'yong una kaya hindi na dapat pang ulitin?"
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya at sa halip ay malakas na lamang na bumuntong hininga. Nagpatuloy naman siya sa pagsasalita. "You know, sabi sa akin ng ate ko noon, walang sikretong hindi nabubunyag. Kahit gaano mo pa subukang itago, lalabas at lalabas ang totoo. Kaya kung ako sa inyo, sabihin niyo na kaagad kay Kuya Preston ang lahat para hindi na masiyado pang lumaki ang problema. Malaki na nga, gusto niyo pang mas lalong palakihin?" dagdag niya. Nanatili naman akong tahimik at hinilot ang aking sintido. "Kapag nalaman niya ang totoo, magagalit siya sa akin—"
"He's probably mad right now," pagputol ni Doctora Vallero sa sasabihin ko kaya't kunot noo akong tuminginn sa gawi niya. "A-Anong ibig mong sabihin?"
Ibinaling ni Doctora Vallero ang tingin niya sa akin. Hindi kaagad siya nagsalita at sa halip ay ilang beses lamang na kumurap habang nakatingin sa akin na animo'y inoobserbahan ang ekspresyon ko. "Doctora Vallero..." untag ko nang hindi siya magsalita.
Malakas siyang bumuntong hininga at nagbaba ng tingin sa akin upang iwasan ang aking mga mata. Wala sa sarili naman akong napalunok dahil sa labis na kaba. Umiling ako at sunod-sunod na nagpakawala ng malakas na buntong hininga. "Alam kong mahirap paniwalaan pero mahal ako ni Preston, Doctora Vallero. Kung iniisip mo na dapat ay umalis na ako rito ngayon din, hindi ko 'yon magagawa dahil nangako ako kina Preston at Chantal na hindi ako aalis sa tabi nila. W-Wala akong pakialam kung magalit man siya sa akin kapag nalaman niya ang totoo kasi alam ko naman na mahal niya ako—"
"Walang mahal-mahal kung itinago mo sa kaniya ang anak niya, Lyana," pagtutol niya sa sinabi ko.
Natigilan ako at kinagat ang aking ibabang labi dahil doon. Malakas akong bumuntong hininga. "Maiintindihan niya ang lahat kapag ipinaliwanag ko sa kaniya, Doctora Vallero. B-Bigyan mo lang ako ng oras para mapaghandaan ang lahat. Kailangan ko munang ayusin ang gulong ginawa ko saka kailangan ko rin silang ihanda sa posibleng mangyari. Kung aalis man ako, hindi ko sila puwedeng iwan nang ganoon-ganoon na lang."
"Pero kasi Lyana..."
Taas noo akong tumingin kay Doctora Vallero a t marahang umiling. "Mahal ko si Preston at Chantal, Doctora. Alam kong may kasalanan akong nagawa noon pero aayusin ko naman. Bigyan mo lang ako ng kaunti pang oras para ayusin at ipaintindi sa kanila ang lahat. H-Hindi ko kayang mawala sila kaya pakiusap, kahit ngayon lang, huh? Kaunting araw lang, please,” dagdag ko pa.
Hindi siya sumagot kaya't akala ko ay ayos na ang lahat ngunit laking gulat ko nang marinig ang sunod niyang sinabi sa akin.
"By now, he already knows everything, Lyana."
Saglit akong naestatwa sa aking kinauupuan matapos marinig ang sinabi niya ngunit nang makabawi ay marahas akong tumingin sa kaniya. "A-Anong ibig mong sabihin?" Hindi makapaniwala at kinakabahang tanong ko. Kinagat niya angg ibabang labi at pinagsiklop ang dalawang palad. Kapagkuwan ay nagbaba siya ng tingi upang hindi magtagpo ang aming mga mata. Wala sa sarili naman akong napalunok dahil sa labis na kaba ngunit hindi ko pa rin inalis ang tingin ko sa kaniya.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! "Doctora Vallero," muling pagtawag ko sa kaniya. "Anong ibig mong sabihin sa sinabi mong alam na ni Preston ang lahat?"
"B-Because I already gave him the files about you... our contract, t-the whole process of the surrogacy... when the failure happened until you gave birth... lahat, Lyana. Nasa envelope na 'yon ang lahat nang tungkol sa nangyari six years ago." Tila binuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig ang sagot niya. Para akong nabingi at sa halip na tuluyang maintindihan anng sinabi niya ay sunod-sunod akong umiling bilang pagtanggi. "H-Hindi..."
Humarap ako sa gawi niya at nakakuyom nag palad na tumingin sa kaniya. "Dapat kanina mo pa sinabi sa akin!" Malakas na sigaw ko.
Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at sumagot sa akin dahil dali-dali na akong lumabas ng sasakyan niya at kahit umaambon pa ay dire-diretso akong nagtungo sa loob ng bahay. Binati pa ako ng guard ngunit hindi ko na siya pinansin at sa halip ay nagmamadaling tumakbo papunta sa loob.
Kapag nakita ni Preston ang laman niyon, sigurado akong hindi niya kaagad maiintindihan ang rason ko. Sigurado akong kagagalitan niya ako lalo pa't nakasulat mismo roon kung ilang bata ang ipinanganak ko noong araw na iyon. Hindi maaari. Hindi niya puwedeng malaman ang lahat!
Madulas man ang suot kong sandals dahil sa ulan ay nagmamadali pa rin akong tumakbo papunta sa second floor kung nasaan ang opisina niya. Alam kong naroon siya dahil wala siyang trabaho ngayon at karaniwan ay doon lang naman siya nakatambay. At kung sakali mang ibinigay ni Doctora Vallero sa kaniya ang envelope na naglalaman ng lahat ng impormasyon sa nangyari sa akin six years ago, sigurado akong sa office niya itinago iyon.
Kailangan kong makuha ang envelope na 'yon bago niya pa makita. Hindi niya pa puwedeng malaman ang totoo... hindi pa ngayon.
Nang makarating sa opisina niya ay laking pagpapasalamat ko nang wala siya sa loob at marahil ay nasal abas pa. Kung ganoon, mas mataas ang tiyansa na hindi niya pa nababasa ang laman ng envelope na ibinigay sa kaniya ni Doctora Vallero.
Gusto mong huminga nang maluwag, hindi ko magawa dahil kinakabahan pa rin ako at nangangambang nabasa na niya nga ang lahat. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag alam na niya kung ano ang totoo.
Dali-dali akong nagtungo sa lamesa niya upang hanapin ang envelope na iyon. Hindi ko alam kung anong itsura niyon pero sigurado akong narito lang 'yon. Hindi puwedeng hindi ko makita ang laman niyon... dapat ako ang makakita niyon at hindi si Preston. Dapat maunahan ko siya!
"Pucha," mahinang mura ko nang makita kung gaano karaming brown envelope ang nasa lamesa niya.
Hindi na naman ako nag-aksaya pa ng oras ng isa-isang tiningnan ang laman ng mga iyon. Alam kong isa sa mga ito ang hinahanap ko at hindi ako puwedeng sumuko kaagad dahil baka mas lalo pang lumaki ang gulo kapag si Preston ang unang nakita.
Kailangan kong mahanap ang envelope na iyon dahil doon nakasalalay ang lahat. Hindi sila puwedeng mawala sa akin... hindi ako papayag.
"Lyana."
Agad akong naestatwa sa aking kinatatayuan nnag marinig ang boses ni Preston. Lumingon ako sa may pinto at nakitang nakatayo siya roon. Wala sa sarili akong napalunok dahil sa kaba. "U-Uh... hmm?" Kinakabahang tanong ko. "What are you doing?"
Kinagat ko ang aking ibabang labi bago ko ibinaba ang hawak kong envelope sa lamesa. "W-Wala naman. A-Ano lang---"
"Are you looking for this?"
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano ang hawak niya. Ang envelope na 'yon...
"Preston..." Wala sa sariling sambit ko habang nakatingin sa hawak niya.
"Why? May balak ka bang itago sa akin ang totoo, huh, Lyana? Until when are you going to fool me? Do you really think that I am that dumb, huh?"