The Billionaire's Baby Maker (TAGALOG)

Chapter CHAPTER Fifty Six



"Wala ka na ba talagang kahit kaunting tiwala na natitira para sa akin, ha?"

Hindi makapaniwalang tanong ko at lumingon sa kaniya. Malakas siyang bumuntong hininga. "It's not about trust, Lyana. That guy clearly told me to send his greetings to your son. Sino pa bang ibang anak mo maliban kina Jarvis at Chantal, ha?" Mariing tanong niya.

Kinagat ko ang aking ibabang labi at nag-iwas ng tingin. Gusto kong sabihin sa kaniya na ibang anak ang tinutukoy ni Gab at hindi si Jarvis ngunit alam kong kapag sinabi ko ang totoo, baka mas lalo niya lang akong kamuhian namatay sa pangangalaga ko ang sarili kong anak. Sino ba namang hindi magagalit sa akin? Sinong hindi ako sisihin?

"Problema na naming dalawa 'yon ni Gab at hindi ka na kasali. Ang concern mo lang dito ay ang mga bata kaya huwag ka nang makisali pa sa problema ko," malamig na sambit ko habang hindi nakatingin sa kaniya. "I am asking if Jarvis is my son "

"Oo nga sabi!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at malakas na sumigaw bilang tugon sa tanong niya. Mukhang nagulat siya sa biglaang pagsigaw ko kaya't hindi siya kaagad nakapagsalita. Ginamit ko naman ang pagkakataong iyon upang dagdagan ang sasabihin ko. "Anak mo si Jarvis at kambal sila ni Chantal, naiintindihan mo ba? Kung wala kang tiwala sa akin at hindi ka naniniwala sa mga sinasabi ko, puwes magpa-DNA ka kung anak mo nga talaga si Jarvis o hindi." Muli siyang bumuntong hininga. "Lyana, I am just asking "

"Hindi ka lang nagtatanong," agad na pagputol ko sa dapat ay sasabihin niya bago ko sinalubong ng tingin ang kaniyang mga mata. "Ang sabihin mo, wala ka na talagang tiwala sa akin kaya mo nasabi 'yon. Kung makapagsalita ka, para namang ang sama-sama kong tao sa mga mata mo. Oo at itinakas ko si Jarvis sa 'yo noon pero hindi naman ako sobrang sama at ipapaako sa 'yo ang anak ng iba." "Lyana...

93

"Nakakabastos ka, alam mo ba 'yon, ha? I'm really disappointed on you," seryosong sambit ko at akmang aalisin na ang suot kong seatbelt upang bumaba ng sasakyan niya ngunit hindi ko pa man iyon tuluyang naaalis ay pinaandar na niya ang sasakyan.

Humugot ako ng malakas na buntong hininga at tumingin sa kaniya. "Pababain mo ako," malamig na utos ko sa kaniya.

Sa halip na sundin ako ay umakto siyang walang naririnig at sa halip ay tuloy-tuloy na nagdrive. Umirap naman ako at ipinagkrus ang aking dalawang braso dahil sa sobrang badtrip sa mga nangyari kanina at ngayon. Bakit ba ang malas-malas ko?

Gusto ko lang namang kumain nang matiwasay... Natigilan ako at nanlaki ang aking mga mata nang maalala ang mga pagkaing naiwan ko kanina sa restaurant. Nakakailang subo pa lamang ako tapos...

Sinapo ko ang aking bibig upang hindi marinig ni Preston ang paghikbi ko. Ang mga pagkain ko... libre pa 'yon ni Dalia tapos hindi ko man lamang nakain dahil may dumating na mga gago. Waah! Mas lalo akong napaiyak nang maalala ang amoy ng mga iyon. Gusto kong kumain...

"Why the heck are you crying?" Rinig kong tanong ni Preston sa akin ngunit hindi ko siya pinakinggan at mas lalo pang napaiyak dahil parang nagalit pa siya na umiiyak ako. "Hindi na ako nagsasalita, umiyak ka pa rin. Stop acting like a damn child, Lyana."

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at humarap sa kaniya. Masama ko siyang tiningnan nang saglit siyang sumulyap sa akin kaya naman agad din siyang nag-iwas ng tingin. "Ibalik mo ang sasakyan sa restaurant, dali. Bumalik na tayo roon," pamimilit ko sa kaniya habang umiiyak.

Pakiramdam ko ay kapag hindi pa rin ako nakakain ngayon, tuluyan na akong magsusuka sa sasakyan niya. Gusto kong kumain... Ang mga pagkain ko...

"And what? Babalik ka roon sa lalaki mo, ha?"

"Hindi ko nga lalaki si Gab," angal ko at mas lalo pang nilakasan ang aking paghikbi. "Dali na. Bumalik na tayo. Kahit ibaba mo nalang ako roon kasi may kasama naman ako—“

"At sino namang kasama mo? I thought that guy is not your lover?" pagputol niya sasasabihin ko kaya't muli ko siyang sinamaan ng tingin. Malakas naman siyang bumuntong hininga matapos makita ang ekspresyon ko. "I am just asking. Bakit galit ka na naman? Masama na bang magtanong sa 'yo?"

Kinagat ko ang aking ibabang labi at eksaheradang umiyak. Umaarte lang naman ako kasi gusto kong ibalik niya ang sasakyan sa restaurant at nang makakain na ako pero laking gulat ko nang itigil niya ang sasakyan sa tabi ng kalsada. Malakas siyang bumuntong hininga. "May masakit ba sa 'yo?"

Napatigil ako sa pag-iyak at ilang beses na kumurap habang nakatingin sa kaniya. Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya kaya't muli siyang humugot ng malalim na buntong hininga.

"Kung wala, then why the heck are you crying like that? Daig mo pa sina Jarvis at Chantal kung umiyak ka,” dagdag niya kaya't wala sa sarili akong napalabi. Napasobra ba ang acting ko? Parang hindi naman.

Sasagot pa sana ako sa kaniya ngunit agad akong natigilan nang maramdaman na parang iniikot na naman ang tiyan ko. Malakas kong tinampal ang braso ni Preston kaya't agad na nanlaki ang mata niya at sinapo ang brasong hinampas ko. "P-Pinto! Buksan mo ang pinto!" Nagpapanic na sigaw ko at muling sinampal ang kaniyang balikat. Tinakpan ko ang bibig ko dahil baka magsuka ako sa sasakyan niya.

Mukhang napansin naman iyon ni Preston nang mabilis siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pinto. Nahirapan pa ako sa pag-alis ng suot kong seatbelt kaya naman nang maalis ko iyon ay dali-dali akong tumakbo palabas at sumuka sa gilid ng kalsada.

Laking pasasalamat ko at sa labas ako nakasuka at hindi sa loob ng kotse niya... kasalanan niya kasi!

Naramdaman ko ang paghagod ni Preston sa likod ko pero hindi ko na pinansin dahil masiyadong papansin ang anak namin sa loob. Hindi ko alam kung ilang minuto akong sumuka pero nang makakalma na ako ay agad kong tinabig ang kamay ni Preston sa aking likod.

Umalis na naman siya habang hinahabol ko ang hininga ko dahil sa pagod ngunit makalipas ang ilang segundo ay nasa tabi ko na siya at inabutan ako ng tissue. Gusto ko pa sanang magpabebe dahil galit ako sa kaniya pero wala akong choice kung hindi kuhanin ang tissue na ibinigay niya.

Dali-dali kong pinunasan ang aking bibig at umayos na ng pagkakatayo. "Kasalanan mo 'to, e," sambit ko at tiningnan siya nang masama.

Itinuro niya ang sarili at tinaasan ako ng kilay. "Bakit parang kasalanan ko?"

"Kasi hindi mo ako pinakain. Letse ka," inis na reklamo ko at nagmartsa na pabalik sa kotse niya. Ipinagkrus ko ang aking dalawang braso nang makasakay siya at nakalabing nag-iwas ng tingin sa kaniya.

Malakas siyang bumuntong hininga matapos sumakay sa kotse. "Do you want to go to the hospital or..."

Agad akong umiling at nanlalaki ang mga matang tumingin sa kaniya. "Nagsuka lang, hospital kaagad? Hindi ba puwedeng ipinakulam mo lang ako?"

"Kulam... what the heck are you talking about?"

Hindi ko siya sinagot at umismid na lamang. Kasalanan niya talaga lahat. Dahil sa inis, gustong-gusto ko siyang sipain at suntukin.

Malakas siyang bumuntong hininga at may kung anong inabot sa likod ng sasakyan. Agad naman akong napalabi nang may maamoy na pamilyar na amoy mula roon. "Here," sambit niya at may inabot sa aking paper bag. Kumunot ang noo ko. "Ano 'to?"

Hindi siya sumagot kaya't napalabi na lamang ako at binuksan na ang paper bag na ibinigay niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano iyon kaya't hindi na ako nagsalita pa at inilabas na ang tupperware na may lamang... pasta! Ito 'yong kinakain ko kanina bago dumating si Gab!

"Paanong..." Taka akong tumingin sa kaniya.

Peke siyang umubo at nag-iwas ng tingin sa akin. "I bought that for Chantal and Jarvis that's why I went there. Hindi ko naman alam na makikita kita roon kasama ang lalaki mo."

Bigla akong nawalan ng gana at malakas na bumuntong hininga matapos marinig ang sinabi niya. "Ilang ulit ko bang sasabihin na hindi ko lalaki si Gab? Kung ayaw mong maniwala, bahala ka sa buhay mo. Si Dalia ang kasama ko roon, naupo lang siya sa puwesto ni Dalia kanina."

Umirap ako at nagsimula na lamang sa pag-kain imbis na makipag-away pa sa kaniya. Hindi ko nga alam kung bakit pa ako nag-explain sa kaniya samantalang ang pinapaniwalaan lang naman niya ay mga gusto niyang paniwalaan. Hindi naman siya nakikinig o naniniwala sa mga sinasabi ko sa kaniya dahil mataas ang pride niya.

"You're with Dalia?" tanong niya matapos ang mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Nagpatuloy ako sa pag-kain at tumango na lamang bilang sagot sa tanong niya.

"Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin na si Dalia ang kasama mo at hindi ang lalaking 'yon? You could have told me earlier so..."

"So?" Malakas akong bumuntong hininga at tumigil sa pag-kain. "Ano namang pakialam mo kung magkasama nga kami ni Gab? It's not like we're doing anything bad-"

"Lyana," suway niya sa akin kaya't tuluyan ko nang binitiwan ang hawak kong tinidor at malamig na tumingin sa kaniya.

"Huwag kang umasta na parang nagseselos ka kasi wala ka namang karapatan. Wala kang karapatan na pakialaman ang mga gusto kong gawin sa buhay ko dahil ayaw mo naman na pinapakialaman kita. 'Di ba gusto mong umalis ako sa bahay mo? Oh, e 'di umalis ako. Hindi na naman ako bumalik sa bahay mo, ah? So ano 'tong ginagawa mo ngayon? Kung makaasta ka, para namang may masama akong ginagawa sa 'yo."

Hindi siya sumagot at sa halip ay malakas na lamang na bumuntong hininga at hinilot ang kaniyang sintido. Padabog ko namang sinarhan ang tupperware at ibinalik iyon sa paper bag na ibinigay niya. "Nawalan na ako ng gana," inis na sambit ko at ibinalik na ang paper bag sa likod ng kotse niya.

"You said you wanted to eat, right? Kainin mo 'yan,"

Awtomatikong umikot ang mga mata ko nang marinig ang sinabi niya. Muli kong ipinagkrus ang aking dalawang braso at muling lumingon sa gawi niya habang nakataas ang isang kilay. "Huwag mo akong utos-utusan dahil hindi na kita amo. Gagawin ko kung ano man ang gusto ko at wala ka ng pakialam doon, naiintindihan mo ba, ha?"

Inirapan ko siya at nag-iwas na ng tingin sa kaniya upang hindi na kami mag-away pa ngunit hindi pa yata siya tapos na inisin ako nang muli siyang magsalita.

"All right, all right. I'm sorry for ruining your mood or if you lost your appetite because of me."

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Agad na umarko ang isa kong kilay nang marinig ang sinabi niya. Kinagat ko ang aking ibabang labi at pasimpleng tumingin sa gawi niya ngunit agad din naman akong nag-iwas ng tingin nang makitang nakatingin din siya sa akin. Bakit ba siya nakatingin?!

Hindi ko siya pinansin at sa halip ay umirap na lamang muli. Wala naman siyang magawa kung hindi ang bumuntong hininga at sinimulan nang i-start ang sasakyan. "Seatbelt," muling paalala niya.

Gusto ko sanang magpabebe at sabihin na iwan na lamang niya ako rito pero naalala kong wala nga pala akong dalang pera kaya't hindi ako makakauwi nang mag-isa. Sa huli, wala akong nagawa kung hindi ang mapalabi at padabog na nagsuot ng seatbelt.

Baka mamaya ibangga niya pa ang sasakyan dahil sa galit niya sa akin, ano. Kawawa naman si baby kapag ginawa niya 'yon. Hay. Malas.

Ang dami-daming pagkakataon para magkita kami, bakit ngayon pa na mukha akong ewan? Baka mamaya, iniisip niya na hindi ako makatulog o makakain nang maayos dahil hirap ako sa pagmomove on sa kaniya, ano. Hindi kaya... medyo lang.

Malakas akong bumuntong hininga at muling inihilig ang aking ulo sa bintana ng sasakyan. Ipipikit ko na sana ang mata ko nang muli na namang umikot ang paningin ko at pakiramdam ko ay nasusuka na naman ako. "Patayin mo nga ang aircon," utos ko kay Preston at mariin nang isinara ang aking mga mata.

Agad siyang umangal. "Lyana, it's so hot. Ang init-init, ipapapatay mo ang aircon-"

"Nahihilo ako. Papatayin mo ang aircon o susuka ako rito sa kotse mo? Mamili ka," pagputol ko sa sasabihin niya at habang pinipigilan ang sarili kong sumuka. Nakahinga naman ako nang maluwag nang mapansing pinatay na nga ni Preston ang aircon ng kotse niya.

Mas lalo ko pang ipinikit ang aking mga mata at napagdesisyunang matulog na lamang upang hindi na ako makaramdam pa ng ano mang hilo o pagkasuka dahil baka hindi na talaga ako makapagpigil at sumuka na rito sa mismong sasakyan ni Preston... baka mas lalo pang lumala ang galit niya sa akin, nakakahiya naman sa kaniya kasi ang bait-bait niya. Pwe.

Hindi na rin naman ako nag-abala pang sabihin si Preston na matutulog ako at gisingin na lamang niya ako kapag naihatid niya na ako sa bahay nina Dalia dahil sigurado naman ako na roon niya ako dadalhin dahil hanggang ngayon ay mainit pa rin ang dugo niya sa akin.

Dati katawan niya lang ang nag-iinit sa akin, ngayon pati ulo at dugo na. Tsk.

**

"Jarvis, sabi nga ni Daddy, huwag daw nating gisingin si Mama Lyana kasi pagod siya kaya tara na. Labas na tayo here para maka-sleep at rest pa siya nang mas matagal."

"Tinitingnan ko lang si Mama. Baka mamaya, may ginawa na namang masama sa kaniya ang Daddy mo-"

"Daddy nga natin, Jarvis. Kasi sabi ni Daddy, siblings tayo. Kaya ang Daddy ko, Daddy mo rin na true."

May narinig akong umismid. "Daddy mo lang. Ikaw naman, sabi mo galit tayo tapos binigyan ka lang ng pagkain, bati na kayo kaagad? Pinaiyak niya si Mama kaya dapat, galit tayo sa kaniya."

"Eh nagsorry na nga si Daddy saka tingnan mo nga kanina, mukhang bati na rin sila ni Mama Lyana kasi Daddy was carrying her, 'di ba? You saw it too, right?"

"Kahit na. Hindi ako uto-uto, Chanty. Pinaalis niya nga ang Mama tapos gusto niya, love ko siya? Sabi ko sa kaniya noon, 'wag niya paiiyakin ang Mama ko tapos nipaiyak niya pa saka pinaalis-ah basta! 'Di ko siya bati!"

"Looks like Mama Lyana is okay naman, ah? Look, oh. Mukha ngang she gained weight pa. Mama Lyana is all right naman, Jarvis, kaya huwag ka na tampo kay Daddy. 'Di mo ba nagustuhan ang pasalubong niya kanina? 'Di ba nga inubos mo

pa_"

"Ah, basta, Chanty. Pinaiyak niya pa rin ang Mama ko kaya ganoon din 'yon. Hindi ko pa rin siya bati. Saka ilang araw nating hindi nakita si Mama dahil sa Daddy mo, ayos lang sa 'yo 'yon? Sa akin, hindi. Saka 'di mo ba na-miss si Mama, ha?" Iminulat ko ang aking mga mata dahil hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na tingnan kung nananaginip ba ako o hindi na naririnig ko ang boses nina Jarvis at Chantal. Matapos kong imulat ang aking mga mata ay tuluyan ko na ngang nakumpirma na hindi ako nananaginip.

Nasa tabi ng kama ko sina Jarvis at Chantal at nag-uusap samantalang... Pasimple kong inilibot ang paningin ko sa paligid at napagtantong wala ako sa bahay ni Dalia!

Hindi ako maaaring magkamali. Ang lugar na ito... kuwarto namin 'to ni Jarvis sa bahay ni... Ilang beses akong napakurap kasabay ng pag-awang ng aking bibig. Kuwarto namin 'to ni Jarvis sa bahay ni Preston!

"Of course, I missed her. I super duper missed her, Jarvis. You know that naman, right? But still, Daddy already said sorry. Saka tinupad niya naman ang promise niya na iuuwi niya ulit dito si Mama Lyana para makasama na natin. Patawarin mo na siya, please? Don't call him Manong anymore. He hates it."

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Wala sa sarili akong napatingin sa dalawa na hanggang ngayon ay nagbabangayan pa rin at mukhang hindi pa rin napapansin na gising na ako at nakikinig sa kanilang dalawa.

Agad na umangat ang sulok ng labi ko nang makita sina Jarvis at Chantal. Ilang araw din kaming hindi nagkita kaya't kahit na gusto ko pang makinig sa mga pinag-uusapan nila ay hindi ko na napigilan pa ang sarili kong tawagin at kunin ang kanilang atensiyon. "Jarvis? Chantal?"

Tulad ng inaasahan ko ay mabilis silang lumingon sa akin. Nang makitang gising na ako ay kapwa nanlaki ang mga mata nila at tumakbo palapit sa akin. Umakyat sila sa magkabilang gilid at sinalubong ako ng mahigpit na yakap habang pinapaggitnaan ako.

Hindi ko naman mapigilang mapaiyak dahil sa ginawa nila. "Miss na miss ko kayong dalawa," umiiyak na sambit ko at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa kanila. "Mama! Mama, miss na rin kita, Mama ko," umiiyak na sabi ni Jarvis at isinubsob ang kaniyang ulo sa aking leeg.

"I missed you, too, Mama Lyana. A-Akala namin, 'di mo na kami babalikan..." dagdag ni Chantal kaya't magkasunod kong hinalikan ang tuktok ng mga ulo nila.

Hindi ko alam na rito ako dadalhin ni Preston sa halip na sa bahay ni Dalia kaya naman kahit papaano ay nabawasan nang kaunti ang pagkainis ko sa kaniya. Mukhang nagsisi ang loko. Aba, dapat lang, ano!

"Sabi ko naman sa inyo, hindi ko kayo iiwan, 'di ba? Sorry kung natagalan si Mama sa pagbalik, ha? Galit pa kasi si Daddy niyo kaya medyo nagtagal ako. Pero love niyo pa rin naman si Mama, 'di ba? Hindi naman kayo..." Malakas akong bumuntong hininga at kinagat ang aking ibabang labi. "Hindi naman kayo galit sa akin, 'di ba, mga anak?"

Sabay silang umiling bilang tugon kaya't kahit papaano ay napanatag ang loob ko na hindi sila nagtanim ng sama ng loob sa akin. Mabuti naman. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung sakali mang galit nga talaga sila sa akin. "But Mama Lyana, bati na po ba kayo ni Daddy kaya ka po bumalik dito? Dito ka na po ba ulit titira? Hindi mo na po talaga kami iiwan?"

Hindi kaagad ako nakasagot nang marinig ang tanong ni Chantal at sakto namang bumukas ang pinto at iniluwal si Preston. Nakapambahay na siya at mukhang natigilan nang makitang gising na ako at nang magtagpo ang aming mga mata. "Daddy." Humiwalay sa akin si Chantal at tumingin sa tatay niya.

Bumuntong hininga si Preston at nag-iwas ng tingin sa akin. Tumingin siya kay Chantal. "Can you two call Manang Lerma? Tell her to fix the table. Kakainin na tayo ng hapunan," utos nito sa anak.

Tumingin muna sa akin si Chantal at tinanguan ko naman siya. Agad namang umangal si Jarvis at sunod-sunod na umiling. "Ayoko nga. Baka mamaya, awayin mo na naman ang Mama ko. Ayaw ko. Dito lang ako sa Mama ko," pag-angal niya at mas hinigpitan pa ang pagyakap sa akin na para bang aalis ako kapag binitiwan niya ako.

Lumingon ako kay Preston ngunit hindi siya nagsalita. Dahil doon ay malakas akong bumuntong hininga at hinalikan muli ang tuktok ng ulo ni Jarvis. "Mag-uusap lang kami, Jarvis 'nak. Tatawagin ka kaagad namin pagkatapos naming mag- usap," sambit ko.

"Pero Mama..."

"Wala ka bang tiwala kay Mama mo, huh? Promise, 'nak. Mag-uusap lang kami. W-Wala siyang gagawin na masama sa akin."

"H-Hindi ka na iiyak, Mama?"

Tipid akong ngumiti at marahang tumango bilang sagot sa tanong niya. Sa huli, wala rin siyang nagawa kung hindi ang humiwalay ng yakap sa akin at bumaba sa kama. Nakita ko pang masama niyang tiningnan si Preston na animo'y nagbabanta bago siya lumabas ng silid kasama si Chantal. Agad namang isinarado ni Preston ang pinto matapos makalabas ng dalawa.

Malakas akong bumuntong hinnga at nag-angat ng tingin sa kaniya. "Bakit hindi mo sinabi na dadalhin mo ako rito?" kaagad na tanong ko sa kaniya matapos niyang isara ang pinto.

"Hindi ka naman nagtatanong."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Seryoso akong nagtatanong sa 'yo kaya ayusin mo ang sagot mo dahil kung hindi, iiyak ako at tatawagin ko si Jarvis. Ayaw mo naman sigurong mas lalo pang magalit sa 'yo ang anak ko, ano?"

Mukha namang bumenta sa kaniya ang sinabi ko nang malakas isyang bumuntong hininga at nag-iwas ng tingin sa akin. "Bakit mo nga ako dinala rito? Hindi ba't sabi mo sa akin noon, hinding-hindi na ako makakabalik pa sa bahay na 'to? Eh bakit ikaw mismo ang nagbalik sa akin dito? Hanep ka rin, e. Ang lakas ng trip mo sa buhay," tanong kong muli sa kaniya.

"I was about to pick you up a while ago at Dalia's house. Dumaan lang talaga ako sa restaurant para bumili ng pagkain para sa dalawa. I didn't expect that I will see you there. Noon namang nasa kotse na kita, natulog ka na kaya hindi ko na nasabi sa 'yo na iuuwi na kita rito. Hindi na rin kita ginising dahil baka mas lalo lang sumama ang pakiramdam mo kaya—“

"Ang itinatanong ko, bakit mo ako iniuwi rito?" pagputol ko sa sasabihin niya bago nag-angat ng tingin upang magtagpo ang aming mga mata.

"Why would I let my pregnant girlfriend on someone else's house, huh?"

Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. Pregnant... girlfriend... ako?

"Ako ba ang tinutukoy mo?" Wala sa sariling tanong ko sa kaniya at itinuro ang aking sarili dahil sa pagtataka.

Tumaas ang kilay niya at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. "May iba pa ba akong girlfriend na buntis bukod sa 'yo?"


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.