Chapter CHAPTER Fifty Seven
"Sinong buntis? Ako?"
Itinuro ko ang sarili ko at mabilis na umiling. "H-Hindi, ah! B-Baka iba! Baka 'yong iba mong... g-girlfriend! Oo, baka 'yong iba mong-"
"I don't have any other girlfriend, Lyana." Malakas siyang bumuntong hininga at walang emosyon akong tiningnan. "And don't even bother lying to me. I already know the truth."
"Hindi nga sabi ako buntis. Sino bang nagsabi sa 'yo, ha? Sinabi ba ni Dalia?"
"Pati ba naman 'yang panibago nating anak, gusto mo pa ring itago at ipagkait sa akin?"
Natigilan ako nang marinig ang sinabi niya kaya't wala sa sarili akong nagbaba ng tingin. Sinabi na sa akin noon pa man ni Dalia na ganito ang magiging reaksiyon ni Preston kapag nalaman niya ang balak kong pagtatago sa anak namin mula sa kaniya pero hindi ko pa rin siya pinakinggan.
Nagpkawala ako ng malakas na buntong hininga at nangingilid na nag-angat muli ng tingin sa kaniya. "Bakit ba parang concern na concern ko kung sakali mang buntis ako, ha? Eh 'di ba nga, pinaghihinalaan mo akong may ibang lalaki? Iniisip mo na sinungaling ako? Kaya kung buntis man ako, wala ka na dapat pang pakialam doon."
"That is my child, Lyana," mariing sambit niya.
Kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilang umiyak dahil baka bumalik si Jarvis at marinig na naman akong umiiyak. "Naghinala ka nga na hindi mo anak si Jarvis, ito pa kaya? Napakagulo mo, Preston. Pinapasakit mo lang ang ulo ko.” "Lyana, that's a different topic. And I was just asking a while ago because of that man."
"At dapat mo pa ba 'yong itanong sa akin? Hindi na naman 'di ba? Alam mong anak mo si Jarvis. Kung ayaw mo sa kaniya at hindi ka naniniwala, hindi ko naman ipagpipilitan sa 'yo ang anak ko. Kaya ko silang palakihin nang walang tatay, tandaan mo 'yan," seryosong sambit ko at masama siyang tiningnan.
Malakas siyang bumuntong hininga at hinilot ang sintido. "I know that Jarvis is my son, Lyana. Naniniwala naman ako sa 'yo. I just want to make sure and I want you to clarify everything to me. Ang problema kasi sa 'yo, ayaw mong magpaliwanag "
"Kasi kung makapagsalita ka, parang hinuhusgahan mo kaagad ako." Pinutol ko ang dapat na sasabihin niya at inalis na ang kumot na nakatakio sa aking katawan. Bumaba ako ng kama at tumayo na. "Kung paaalisin mo ako ulit, sabihin mo na kaagad dahil aalis ako kung iyon ang gusto mo. Hindi mo na ako kailangan pang kaladkarin sa labas."
"Lyana naman..."
Walang gana ko siyang tiningnan. "Ano na naman? Huwag mo akong inisin dahil baka ma-highblood ako dahil sa mga pinagsasabi mo," naiinis na sambit ko. "You're staying here in my house. Hindi ka na babalik kina Dalia-"
"Hindi ba't ikaw mismo ang nagpaalis sa akin dito? Bakit nagbago na naman ang isip mo? Ang problema kasi sa 'yo, urong-sulong ka. Ang bilis mong magdesisyon pero ang bilis mo ring bawiin. Ewan ko sa 'yo. Ang lakas ng tama mo." Umirap ako at akmang lalampasan na siya ngunit agad niyang nahuli ang palapulsuhan ko kaya't wala akong nagawa kung hindi tumigil sa paglalakad.
"Let's talk," mahinahong sambit niya ngunit umirap pa rin ako. Ganito naman talaga siya. Kunwari mahinahon tapos mayamaya, sisigaw na naman. Sus. Hindi ako marupok para magpadala sa mga ganiyan-ganiyan niya.
Bumuntong hininga ako. "Kausapin mo nalang ako kapag kalmado ka na. Gaganiyan-ganiyan ka tapos mamaya, sisigawan mo lang din naman ako. Mas mabuti pang huwag mo na lamang akong kausapin dahil ayaw kong mas lalo pang ma- stress nang dahil sa 'yo."
"Lyana, please..."
Hindi ako sumagot kahit na napaka-hinahon na ng boses niya. Natatakot ako na sa oras na lumambot ako sa kaniya, saka na naman niya ako sigawan. Ganoon din si Gab sa akin dati... at maging si Preston ay ganoon din ang ginawa nang malaman niya ang totoo.
"I know now that I was wrong. Kaya nga pupuntahan at susunduin kita kina Dalia kanina. I admit that I was wrong for hurting you. Mali na sinigawan kita, mali na inihiwalay kita kina Jarvis at Chantal, mali na pinalayas kita, mali na iniwan kita sa labas kahit na umuulan... alam kong mali lahat 'yon. And I want to talk to you to say sorry and to admit my wrongdoings,” dagdag niya.
Nagtiim ang bagang ko at nagbaba ng tingin. "Magsosorry ka dapat pero sa halip na magsorry ka, dinagdagan mo pa ang kasalanan mo. Wow, ha. Dapat na ba kitang palakpakan niyan?" mapait na sambit ko at umismid.
"It's not like that. F-Fine. I was jealous when I saw you with that guy and when I saw that he's holding your hand. But trust me, when I found out that you're uncomfortable, nawala na ang selos ko. And fine, m-mali na tinanong ko sa 'yo kung anak ko ba si Jarvis o hindi. I should have trusted you. Maybe I was just perturbed when he said that you have a son together so..." Malakas siyang bumuntong hininga. "I'm sorry. I know that I'm wrong. I admit it and I... I won't do it again, I promise."
Hindi ako sumagot. Gusto ko mang patawarin siya kaagad pero hindi na niya mababawi lahat ng sinabi niya sa akin. Alam ko naman na wala siyang tiwala sa akin dahil sa ginawa ko noon pero hindi naman ibig sabihin niyon ay may karapatan na siyang pagsalitaan ako nang masasama tulad ng sinabi niya sa akin. H
"Lalabas na ako."
"Lyana, please..."
I let out a harsh breath. "Huwag kang magsorry kung uulitin mo lang din naman. Ayaw ko sa ganoon, Preston. Huwag mo akong paasahin... huwag mo ring paasahin ang mga bata. Kasi kung magpapatuloy ka sa ganiyan mong ugali, pasensiya ka na pero baka hindi ko na talaga makayanan. Gusto ko ng buong pamilya para sa mga anak natin, oo. Pero ayaw ko rin naman na magstay sila sa mga magulang na puro away lang," tanging sambit ko at iniwan na siya sa kuwarto. Pinunasan ko ang luhang pumatak sa aking pisngi dahil alam kong nasaktan siya sa sinabi ko. Pero kahit na alam kong nasaktan ko siya, alam ko rin naman na para sa ikabubuti niya ang sinabi ko.
Natatakot ako na maiwang mag-isa. Natatakot ako na mawala siya sa akin. Pero mas natatakot ako na lumaki sa magulong pamilya ang mga anak namin. Mas gugustuhin ko pa na magkahiwalay kami kaysa ma-trauma ang mga anak namin kapag nakikita nila palagi na nag-aaway kaming dalawa.
Alam ko ang pakiramdam nang ganoon dahil ganoon din ako dati. Ganoon din ang tatay namin kay Nanay. Ilang beses kong tinanong si Nanay kung bakit hindi pa siya makipaghiwalay kay Tatay kahit na palagi lang naman silang nag-aaway at nagkakasakitan... kahit na hindi na nila mahal ang isa't-isa. Ang tanging sagot niya sa akin noon, ayaw niyang lumaki kami ni Thirdy nang hindi buo ang pamilya.
Pero aanhin mo 'yong buo nga sa labas pero sira naman sa loob? Aanhin namin ang buong pamilya kung wala namang ibang idudulot sa amin 'yon kung hindi lungkot at sakit?
Gusto kong maranasan ng mga anak namin ang buong pamilya kaya't naaappreciate ko na nag-eeffort si Preston na humingi ng tawad sa akin. Gusto ko rin naman siyang patawarin kaagad at nang maging maayos na kami. Pero kung gagawin ko 'yon, kapag nalaman niyang mabilis akong magpatawad kahit na may ginagawa siyang masama, iisipin niya na ayos lang gumawa ng mali... dahil nagpapatawad naman ako kaagad.
Gusto ko siyang matuto-iyon lang. Ayaw kong ulitin niya pang muli ang ginawa niya sa akin dahil baka mas lalo lang din kaming masira kaya't habang maaga pa, tinuturuan ko na siya ng leksyon. At kung mahal niya talaga ako, kung gusto niya talaga ng buo at masayang pamilya kasama kami ng mga anak namin, alam kong susubukan niyang hindi na mauulit ang lahat.
"Lyana! Mabuti naman at nakabalik ka na. Alam mo bang alalang-alala ako sa 'yo?"
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang boses ni Manang Lerma. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at hindi na napansin na nasa harapan ko na pala siya dahil abala ako sa pag-iisip kay Preston. "Manang Lerma," bati ko sa kaniya. Bumuntong hininga siya at hinawakan ang aking braso. "Pasensiya ka na kung hindi kita natulungan noong nag-away kayo ni Sir, ha? Gustuhin ko man na tulungan ka kaso baka mawalan din ako ng trabaho kapag tinulungan kita. Alam mo naman na wala akong ibang mapupuntahan kapag pinaalis ako rito, 'di ba?" mahinang paghingi niya ng paumanhin.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Agad naman akong tumango at tipid na ngumiti sa kaniya. "Alam ko naman po 'yon, Manang Lerma. Hindi ko naman po kayo masisisi kung hindi niyo ako natulungan. Saka away naman po namin ni Preston 'yon, labas po kayo roon. Huwag ho kayong mag-alala, hindi po ako nagagalit at nagtatampo sa inyo."
"Talaga ba? Pasensiya na talaga, ha, 'neng?"
Tumango ako. "Ayos lang po talaga, Manang. Saka dapat nga magpasalamat pa ako sa inyo kasi kung hindi po dahil sa 'yo, hindi ko makikilala sina Chantal at Jarvis. Baka impossible na... mahanap ko pa sila."
Umangat ang sulok ng labi niya at hinila ako upang yakapin. Hindi naman ako umangal at hinayaan na siyang yakapin ako nang mahigpit. Niyakap ko siya pabalik.
"Pasensiya na rin kung palagi kitang pinipilit noon kay Sir Preston. Nasaktan ka pa tuloy. Naghiwalay na ba kayo?" dagdag niya.
"Sa ngayon ho, hindi ko pa po alam, Manang."
"Mukha namang hindi na galit sa 'yo si Sir Preston kasi buhat ka noong dumating kayo rito kanina. Nag-alala ako kasi akala ko ay may masamang nangyari sa 'yo pero sabi ni Sir ay nakatulog ka lang daw sa sasakyan at ayaw ka niyang gisingin. Ayos na ba kayong dalawa? Mukhang pinatawad ka na niya... ikaw? Pinatawad mo na rin ba?"
Muli akong bumuntong hininga. "Hindi pa po, Manang Lerma. Gustuhin ko man na patawarin na siya para magkaayos na kami, tingin ko ay mali kapag pinatawad ko siya kaagad. Gusto ko lang po na kahit papaano, matuto siyang tanggapin ang mga consequences ng mga ginawa niya. Kung hindi niya na po ulit uulitin at kapag nakita kong nagbago na siya, baka tuluyan ko na siyang mapatawad."
Humiwalay siya ng yakap sa akin at sinapo ang magkabila kong pisngi. Nangingilid na rin ang luha niya kaya naman tipid ko siyang nginitian. Para ko na ring nanay si Manang Lerma kaya naman hindi ko magawang magalit sa kaniya. "Napakabait mo, Lyana. Napakasuwerte ng mga anak mo dahil ikaw ang nanay nila."
Mas lalo akong napangiti. "Ayaw ko lang hong maranasan nila ang pinagdaanan ko noon sa pamilya ko. Buo nga pero... malungkot naman. Kaya sana po talaga, magbago si Preston kahit papaano. Handa rin naman po akong magbago at itama ang mga mali ko... basta sa ikabubuti ng mga bata."
"Pero huwag mo ring pababayaan ang sarili mo, huh?" sambit niya at pinunasan ang luhang pumatak sa aking pisngi. Tumango ako habang nakangiti sa kaniya. "Alam kong mahal niyo ni Sir Preston ang isa't-isa kaya sana, maayos niyo na ang problema niyong dalawa. Para sa inyong dalawa at para na rin sa mga bata."
"Susubukan po namin, Manang. Ganoon din naman po ang gusto ko, e. Sana talaga maging maayos na ang lahat."