Chapter 15
[Chapter 15]
0000000, 00000000 1789
"00000 000000 0000, 000000."
Labis ang pag-iisip ni Carina sa usapang naganap mula sa kanila ni Vicente noong araw na iyon, ang pagtatapat nito ay nagbigay ng dahilan upang mas lalong gumulo ang kaniyang isipan. Isang kapangahasan man ang pagtanggi ngunit hindi niya naman mapipilit ang sarili para sa isang bagay na hindi akma sa kaniyang nais.
Nabalik sa kaniyang huwisyo si Carina ng may kumatok ng tatlong beses sa kaniyang silid, "Binibini." Tawag ni Ursula mula sa labas ng kwarto ni Carina.
"Ano iyon, Ursula?" tanong nito matapos buksan ang pinto.
Marahan muna itong yumuko upang bunati, "May naghahanap po sainyo, Binibini." usal nito.
"Sino ang panauhing ito, Ursula?" umupo siya sa kama na tila walang balak na bumaba para salubungin ang panauhing dumating.
"Si Ginoong Lorenzo po, Binibini. Nais niya raw ho kayong makausap."
"Sa ganitong oras? Nariyan ba sila ama't ina?" sunod-sunod nitong tanong.
"Wala ho, ang inyong mga magulang ay inimbitahan ni Don Sulpicio sa kanilang tahanan dakong alas-sais ngayong hapon, Binibini." Napatango na lamang si Carina bago bumaba upang harapin ang kaniyang kaibigang si Lorenzo. Pagbaba niya ng hagdan ay wala naman siyang naabutang naroon sa salas, "Ursula," tawag niya upang tanungin kung nasaan si Lorenzo, ilang sandali pa'y dumaan ang isa nilang katulong sa bahay at sinabing nasa hardin ang binata. Naglakad si Carina patungo sa hardin ng kaniyang ina, malayo pa lamang ay tanaw niya na si Lorenzo, nakasuot ito ng isang pormal na terno, habang nakatingala sa nagkikislapang bituin sa kalangitan, "Tila napakahiwaga ng mga tala, hindi ba?" Panimula ni Carina.
Napatikhim si Lorenzo bago tumingin kay Carina, pinagmasdan niya ito habang nasisiyahan sa angking ganda ng mga tala. "Nakabibighani..." saad naman ni Lorenzo na mistulang napako na ang tingin kay Carina. "Ano nga pala ang iyong pakay at pumunta ka ngayong gabi?" napaiwas ng tingin si Lorenzo sa tanong ni Carina, tila may isang bagay siyang nais ibigay ngunit itinago niya na lamang muna ito. "Nais lamang kitang kumustahin at batiin." Nagsalubong ang kilay ng dalaga sa sinabi ni Lorenzo.
"Batiin?" balik naman ni Carina.
"Aking nabalitaan na ika'y magtatanghal sa susunod na buwan," saad naman ni Lorenzo, "Sa wakas ay maririnig na rin kitang umawit..." dagdag pa nito na ibinulong na lamang sa hangin. "Narinig ko iyon," natawa si Lorenzo sa inasal ng dalaga. Ilang saglit pa'y dumating ang isang kalesa, sakay nito ang mag-asawang Estrella na tila kapwa dismayado ang mga mukha. "Ina, Ama." Lumapit dito si Carina at nagbigay galang sa pamamagitan ng pagmano, ganoon din si Lorenzo.
"Magandang gabi po, sainyo." Bati ni Lorenzo, tinignan siya ni Don Idelfonso at nagpakawala ng isang ngiti.
Napansin ni Carina ang dismayadong mukha ng mga magulang kung kaya't agad niya silang tinanong, "May nangyari ho ba?" Nagkatinginan ang mag-asawa sa sinabi ng anak.
"W-Wala, anak. Isang suliranin lamang ang naganap sa ating negosyo." sagot naman ni Donya Catalina.
Marahan siyang tinignan ng kaniyang mga magulang, hinawakan muna siya ng kaniyang ama sa balikat na para bang sinasabi nitong huwag siyang mag-aalala bago pumasok ng tuluyan sa kanilang tahanan.
000000000, magiliw na sinalubong ni Catrina ang kaniyang mga magulang ngunit tila wala sa timpla ang mga ito at diretso lamang na pumasok sa kanilang mga silid, sa pag-aalala sa kaniyang mga magulang ay mabilis siyang dinala ng kaniyang mga paa papunta sa kwarto ng mga ito. Doon ay narinig niya ang suliraning hindi niya mawari kung anong pakiramdam ang ibinigay sa kaniya.
"Hindi ko alam
ano ang aking mararamdaman." Wika ni Don Idelfonso habang nakatingin sa kawalan mula sa kanilang durungawan.
"Bilang isang ama hindi ko nais na ipagkasundo ang aking mga anak sa binatang hindi naman nila iniibig, masasaktan lamang sila at baka itakwil na rin nila ako bilang ama." Dagdag pa nito na para bang bumagsak na ang balikat dulot ng kawalan ng pag-asa.
"Idelfonso, kailan natin ito ipaaalam sa kaniya?" Tanong ng kaniyang asawa.
"Ipaaalam?" pagbalik nito ng tanong.
"Walang makakaalam at hindi dapat malaman sapagkat hindi ko rin naman nais na ipagkasundo ang ating anak!" Pabagsak na ibinaba ng Don ang kaniyang kamay sa bintana kung saan siya naroroon. Bakas din sa mukha ni Donya Catalina ang labis na pag-aalala't pighati.
Nagulantang na lamang si Catrina ng biglang may humawak sa kaniyang kamay habang maingat na pinakikinggan ang kanilang mga magulang, "Ang pakikinig sa usapan ng mga magulang ay isang kapangahasan, hayaan na laman natin sila. Isang maliit na suliranin sa ating negosyo lamang daw iyon, alam nating mabibigyan agad nila ito ng solusyon." Bulong ni Carina sa kaniyang kapatid. Sumunod na lamang siya rito, alam niyang walang ideya si Carina sa usapan ng kanilang mga magulang.
0000 ng martes, masayang nag-uusap sina Josefa at Juliana habang magkakasamang naglalakad sa pasilyo ng kanilang paaralan. Sa kabilang dako'y tahimik at tila matamlay naman nilang kasabay si Carina, nakikinig lamang ito sa usapan ng mga kaibigan.
"Siya nga pala, aking naulinigan na ipakikilala ng heneral sa pagdiriwang na magaganap ang binibining kaniyang napupusuan." Marahil ay narinig naman ni Carina ang sinabi ni Juliana ngunit tila lumilipad sa himpapawid ang kaniyang isipan lalo pa't masama ang kaniyang pakiramdam simula pa kaninang umaga.
"Nako, sa aking pakiwari ang ginoong iyon ay isang matipuno at may itsurang binata lamang ngunit mapagmataas naman tila ba may iba siyang katauhang itinatago." Natahimik sa pagsasalita si Josefa nang dumaan sa kanilang harapan ang kambal ni Carina na si Catrina.
"Ang tabil kasi ng iyong bibig, paano kung may makarinig saiyo at bigla ka na lamang ipadakip?" Bulong ni Juliana kay Josefa.
"Ikaw ang nagsimula ng ating paksa, iyo ba itong nakaligtaan?" Pagtataray naman ni Josefa, doon nila napansin na kanina pa hindi nagsasalita ang kanilang kaibigang si Carina.
Agad nila itong nilapitan at kinumusta ang pakiramdam, "Carina?" Napakapit si Juliana sa balikat nito habang tinignan naman ni Josefa ang temperatura nito.
"Ikaw ay may sinat, Carina. Mas makabubuti kung magpahinga ka na lamang sa inyong bahay." usal ni Josefa na tinugunan naman ng tango ni Juliana.
"Ipahahatid ka na nami_"
"Kaya ko naman, huwag kayong mag-alala. Lubhang hindi lamang ako makasabay sainyong talastasan." saad ni Carina, muli siyang pinilit ng mga itong umuwi na lamang at magpahinga ngunit nagmatigas pa rin si Carina.
Ilang hakbang na lamang patungo sa silid kung saan sila nag-aaral ng musika ay nawalan ng malay si Carina dahilan upang muntik na siyang mahulog ng tuluyan sa sahig, mabuti ay naroon ang kaniyang mga kaibigan upang siya'y masalo. 00000 tatlong araw nagkasakit si Carina, salitan ang kaniyang mga kaibigan sa pagbisita't halos araw-araw din naroon si Lorenzo upang mangumusta. Pumunta rin para bumisita si Vicente at ang kaniyang ama. Hindi naman malubha ngunit ganoon na lamang sila mag-alala sa pagkakaroon ng sakit ni Carina.
Nakahiga na sa kaniyang kama si Carina ng kumatok sa kaniyang silid ang kaniyang ama bago ito pumasok. "Natutulog ka na ba, anak?" Umayos siya ng higa upang harapin ang ama.
"Hindi pa po, Ama." Umupo sa dulo ng kaniyang kama ang kaniyang ama, nais nitong tignan ang kalagayan ng anak.
Nakatingin lamang ito na para bang inuusisa si Carina, marahang humagikhik ang dalaga at nagwika "Maayos na po ako, Ama. Bakit tila nag-aalala pa rin po ang inyong mukha?" Nagpakawala ng buntong-hininga si Don Idelfonso, doo'y naalala niya ang pag-uusap sa hapag ng pamilya Felisidario.
"Mukhang nakababasa ka ng isipan, anak." Kapwa sila natawa sa biro ng Don.
"Estrella." Muling naging seryoso ang tinig ng Don.
"Maliban sa banal na lakas na kahulugan ng ating apelyido..." kaniyang hinawakan sa palad ang anak, inilagay niya rito ang isang maliit na lilang kahon na naglalaman ng isang pilak na kwintas, ito ay may ukit na bituin.
Nakunot ang noo ni Carina sa kahong nasa kamay niya, hindi niya naman kaarawan ngunit tila isa itong regalo mula sa kaniyang ama, "Tala, Carina. Anak, alam kong kahit anumang suliranin at pagsubok ang dumating saiyo'y may busilak kang pusong haharapin ito." Dagdag pa ng kaniyang ama.
"Tulad ng isang makislap na tala sa kalangitan, alam kong patuloy ka pa ring kikislap sa gitna ng kawalan." Gumuhit ang isang ngiti mula sa labi ni Carina bago niyakap ang kaniyang ama. "Opo, Ama. Huwag po kayong mag-aalala malakas po yata ang inyong mga anak." tugon ni Carina habang mahigpit na nakayakap sa kaniyang ama. Nanaig man ang lakas ng loob ngunit ganoon pa rin ang pagbagabag ng karimlan sa puso ng Don.
*☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐ ☐☐ ☐☐☐☐☐☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐ ☐☐☐☐ ☐000000 0.0000 0000
*000 00 0000000000000 00000000 0000 0☐ ☐☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐☐☐..
"☐☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐☐☐00, 00000 00000000 000000 000000 0000 00 00000 00000 00000-00000 0000000000000 000000000 00000000 0000." 00000 0000 00 000-000000☐ ☐☐☐☐☐☐☐☐ ☐☐☐ ☐☐☐☐☐ ☐☐ ☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐ 000 000 0000 00000 0000 00000 00000 00000000 0000 00 ☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐ ☐☐☐ ☐☐☐☐☐☐☐☐ 000-0000000.
*☐☐☐☐☐☐ ☐☐ ☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐ ☐☐ ☐☐☐☐☐☐ ☐☐ ☐☐☐☐☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐☐ ☐☐ ☐☐☐☐☐☐☐ ☐☐ ☐☐ ☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐☐☐☐ ☐☐ ☐☐☐☐☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐☐☐☐☐ ☐☐ 0000 000 000000-00000000-000 0☐ ☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐ ☐☐☐ ☐☐☐☐☐☐☐☐☐ ☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐☐☐☐ 000 00 0000 00 000-000 0000000
☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐, nag-usap ang magkakaibigang Carina, Juliana, at Josefa na magpahangin sa ilog malapit sa hacienda ng mga Estrella. Lugar kung saan palaging tumutungo si Carina upang pag-isipan ang mga suliranin at lugar kung saan niya madalas tinutugtog ang kaniyang plawta. Ito rin ang lugar kung saan madalas nag-uusap si Lorenzo at Carina.
"Pina, gusto mo ba ng makakain?" Kanina pa naaawa si Juliana sa maamong aso na si Pina. Itinali muna ito ni Carina sapagkat napansin niyang kanina pa ito lapit nang lapit sa mga pagkain. Si Josefa naman ay nasisiyahan na magtampisaw sa preskong tubig.
Napansin ni Juliana ang malalim na iniisip ng kaibigang si Carina habang nakatingin sa kaniyang alagang aso, "Tila malalim ang iyong iniisip." Saad ni Juliana na nagpabalik sa kanina pang lumilipad na isip ni Carina.
"Ah, naalala ko lamang 'yong maliit na tuta. Kawangis ito ni Pina, mabalbon at maamong aso na aking natagpuan sa gitna ng nayon." Napatango si Juliana. "Nasaan na ito?" Tanong pa nito.
"Iyon nga, hindi ko alam kung saan na ito dinala ni Vicente. Kinuha niya ito mula saakin." Muli sanang magtatanong si Juliana nang biglang lumapit sa kanila si Josefa.
"Paumanhin ngunit maaari ba akong makipunas?" Nagkatinginan sina Carina at Juliana na tila ba kinakabahan ang kanilang kaibigan, sa tinginan lamang ay nagkaintindihan ang dalawa. Ilang sandali pa ay dumating sina Carlos at Lorenzo, bigla na lamang napahalakhak si Carina at Juliana sa ideyang kaya pala nababalisa ang kanilang kaibigan ay dahil nakita na nito mula sa malayo si Carlos.
"Bakit?" napakunot na lamang ang noo ni Carlos sa pagtataka. Hindi pa rin matigil ang pagtawa nina Carina at Juliana.
Tila tumigil ang oras nang mapako ang tingin ni Lorenzo kay Carina, ngayon niya lamang ito nakitang tumawa ng ganito. Sabay ng paghulog ng mga dahon mula sa mga punong-kahoy, ay ang kuryenteng dahan-dahang sumusuot sa kaniya, hindi niya mawari ang nararamdaman. Paghanga? Kasiyahan? o isang pag-ibig na dakila.
"Paumanhin," halos maubusan ng hininga sa kakatawa ang dalawa habang nagkasalubong naman ang kilay ni Josefa.
Sa kabila nito, ay kinabig ni Carlos ang kasintahan na si Josefa. Alam na ng lahat na magkasintahan sila kung kaya't maaari na silang maging mas malapit pa o magkadikit man sa harap ng mga kaibigan. Napatingin si Juliana sa kasama ni Carlos, "Kailan pa kayo naging magkaibigan ni Ginoong Lorenzo?" Pag-uusisa ni Juliana kay Carlos.
"Ahhh, nakilala ko siya sa klase ni Maestra Segunda ngunit hindi naman kami ganoon kalapit. Nagkasabay lamang kami papunta rito 'pagkat hinahanap niya raw si Carina." Halatang nanunukso si Carlos sa kaniyang tinuran. Kinalabit naman ni Josefa ang kasintahan, "Shhh. Huwag mo ngang asarin si Carin-" natigilan si Josefa ng harangin ni Carlos ng kaniyang mga daliri ang labi nito.
Kumapit siya sa baywang nito na ikinatigil ng lahat, "Shhhh." Paggaya naman ni Carlos dito, kasabay ng mabilis na paghalik ni Carlos sa labi ng kaniyang kasintahan ay ang paglakad ni Lorenzo papunta sa harapan kung saan nakaupo si Carina dahilan upang hindi makita ng dalaga ang nangyari, naupo si Lorenzo sa tabi nito at kumuha ng isang pirasong karne na itinapon kung saan nakatali ang asong si Pina. Napaismid si Carina sa hindi niya inaasahang gagawin ni Lorenzo, lingid sa kaalaman ng binata ay wala naman nang nararamdaman pa si Carina sa kaibigang si Carlos.
"Walang hiya talaga kayo, bakit sa harap pa namin?" Pagwasak ni Juliana sa katahimikan, itinutulak niya ang magkasintahan na para bang pinaaalis na sa lugar na iyon. Inagaw niya rin si Josefa rito at sinabing walang kapangahasan ang pwedeng mangyari sa harap niya.
Napatingin si Carina kay Lorenzo na nakaupo pa rin sa kaniyang tabi, "Hindi mo na kailangang gawin iyon." Saad nito, napatingin naman si Lorenzo sa dalaga.
"Masaya akong tanggap mo na...." Tila nangungusap ang kanilang mga mata, nakita naman ni Juliana na parang nag-uusap ang dalawa kung kaya't kinuha niya rin si Carina mula sa tabi ni Lorenzo.
"Isang kapangahasan ang pagdikit ng ginoo sa isang binibini." Pagtataray pa ni Juliana, pilit namang kumakawala si Carina ngunit masyadong malakas ang paghila ng kaniyang mga kaibigan. "Ginoong Lorenzo, kung balak mong ligawan ang aming kaibigan" napatigil si Josefa.
"Josefa!" Pagpapatigil ni Carina rito.
Natawa naman ng marahan si Lorenzo sa inaasal ng mga dalaga, lumapit dito si Carlos saka tinapik siya sa balikat. Sa isang tingin pa lamang ay halatado niya na ang kislap ng mga mata ni Lorenzo sa tuwing titingin kay Carina. Ang pag-awit ng kaniyang puso ay para bang nagpapahiwatig ng pag-ibig sa dalaga.
Bumulong siya rito bago tuluyan umupo, "Nasa iyo ang aking boto." Saad nito saka tinignan ang mga binibini na kapwa nagsisitawanan malapit sa ilog.
"Carina, nasaan nga pala si Catrina. Hindi ba't inimbitahan natin siya na pumunta rito?" Tanong ni Josefa habang marahang binabasa ang mga paa sa ilog.
"Sumama siya kay ina, bumisita sila sa malapit na kaibigan nina ama't ina. Ang mga magulang ni Lorenzo." Napahawak sa kaniyang baba si Juliana na para bang nag-iisip.
"Ngunit, mainipin ang iyong kambal sa mga ganoong bagay, hindi ba?" winisikan siya ni Carina ng tubig sa mukha.
"Ano ka ba, marahil ay nais niya lamang samahan si Ina. Mas madalas na nagtatrabaho ang aming mga magulang sa malayo kung kaya't sumama siya rito." Tugon naman ni Carina na sinang-ayonan ni Josefa.
Samantala, masayang bumaba sa kalesa si Catrina kasama ang kaniyang ina. Unang tapak pa lamang sa hacienda ng pamilya Alonso ay labis na siyang nagagalak, namutawi ang kaniyang hangaring makita ang ginoong tinitibok ng kaniyang puso.
Sa maghapong yaon ay labis na nasiyahan ang magkakaibigan, hindi man nila inaasahan ang pagsalo ng dalawang ginoo ngunit mas yumabong pa rin at nanaig ang kasiyahan sa araw na iyon.
Nauna nang umuwi si Lorenzo sapagkat mayroon pa siyang mga kailangang asikasuhin sa kanilang negosyo, ipinadala ni Don Sulpicio ang kaniyang ama sa ibang bayan upang makapagpuhunan kung kaya hangga't maaari ay siya ang umaayos sa mga suliranin katuwang ang kaniyang ina.
Sinundo na ng kani-kanilang kalesa sina Juliana at Josefa, naglakad na rin si Carlos pauwi sapagkat ilang bahay lamang ang pagitan mula sa Hacienda Estrella patungo sa kanilang tahanan.
Nang masiguradong nakauwi na ang lahat ay papasok na sana si Carina sa loob ng kanilang hacienda ngunit may isang kabayo ang tumigil sa kaniyang harap at bumaba mula roon si Vicente. Bumati sila sa isa't isa, "Ano ang iyong pakay, Vicente?" Panimulang tanong ni Carina.
Tinignan muna siya ng heneral, inayos nito ang sariling uniporme at saka nagwikang, "Napadaan lamang ako upang mangumusta." tugon naman nito.
"Mabuti naman na ang aking pakiramdam-" napatigil si Carina ng dagdagan ng ginoo ang kaniyang sinabi.
"Liban doon, kumusta na ang aking alok? Iyo bang napag-isipan-" pinutol din siya ng dalaga sa pagsasalita.
"Ano iyon? Napag-isipan? Aking natatandaan na wala naman tayong kasunduan sa kahit anumang bagay." Pagmamatigas naman ni Carina na tinugunan ni Vicente ng isang sarkastikong tawa. "Malapit na kitang ipakilala..." hinawakan nito si Carina sa may pulsuhan, nagpupumiglas naman si Carina ngunit sadyang malakas ang binata.
"Hindi. Hindi ang aking sagot, paumanhin ngunit isang kaibigan lamang ang tingin ko saiyo Vicente!" hawak pa rin siya nito na mas lalo pang hinigpitan, tila naiipit si Carina sa higpit ng pagkakahawak nito.
"Kahit anong mangyari, makukuha at makukuha pa rin kita Carina. Kung kaya't ihanda mo na ang iyong sarili sa darating na pagdiriwang " napatigil si Vicente sa isang kamay na humawak sa kaniyang braso.
"Mawalang galang na, Heneral. Ngunit tila nasasaktan mo na ang aking kaibigan." Saad ni Carlos, bumalik siya upang kunin sana ang naiwan niyang kwintas tinanggal niya ito sa pagkakasuot sa kaniyang leeg ng maligo kanina sa ilog. "At sino ka namang lapastangan ka para makialam sa aming usapan?" Binitiwan na ng heneral si Carina at humarap kay Carlos.
"Hindi naman sa pakikialam ngunit ang isang pakikipag-usap ay walang dahas, Heneral. Napansin ko lamang na nasasaktan na ang aking kaibigan." Mahinahong tugon ni Carlos.
"Itigil niyo na ang argumentong iyan," saway naman ni Carina ngunit hindi pa rin nagpatinag si Carlos.
"Kung mahal mo ang isang binibini, maaari mong intindihin na hindi ikaw ang kaniyang iniibig. Nawa'y iyong maintindihan ang nais kong iparating, Heneral." Dagdag pa ni Carlos. Sumakay na ng kaniyang kabayo si Vicente, "Tatandaan ko ang araw na ito." Saad nito saka salitang tinignan ang dalawa.
"Hindi natin alam, marahil ay magdala ito ng bangungot." Sarkastikong wika nito bago tuluyang patakbuhin ang kaniyang kabayo at lumisan.
rieteratura