Chapter 14
[Chapter 14]
0000000, 00000000 1789
0000000 na hinabol ni Carina ang kaniyang asong si Pina ng makita itong tumatakbo papalapit sa nakasiwang na pintuan, samantala sa labas ng pintong iyon naman ay naroon si Lorenzo.
Bahagyang binuksan ni Lorenzo ang pintuan, "Magandang araw, munting aso." bati nito sa asong si Pina.
"Aray!" napasigaw na lamang si Carina ng tumama sa kaniyang noo ang pinto na bahagyang itinulak ni Lorenzo, muntik pa siyang mawalan ng balanse ngunit agad na nakuha ng binata ang kaniyang kanang kamay at ikinabig siya papunta rito.
"Ayos ka lang ba, Carina?" nag-aalalang tanong ni Lorenzo habang hawak ang kanang kamay ng dalaga at nakapulupot ang isa pa nitong kamay sa bewang nito.
Napaismid naman sina Josefa at Juliana na nagpabalikbalik ang tingin kay Carina at Lorenzo na ngayon ay nasa tapat pa rin ng pinto at hindi pa rin binibitawan ng binata ang dalaga. Naguguluhan ang mga kaibigan ni Carina sa katotohanang magkakilala ang dalawa at sa mismong pangalan pa ni Carina siya tinawag ni Lorenzo.
Samantala, narinig naman ni Catrina mula sa kusina ang pasigaw na pag-aray ng kapatid kung kaya't dali dali siyang nagtungo sa salas kung nasaan ang kapatid at mga kaibigan nito.
"Ano bang nangyayari rito?" pagtatanong ni Catrina habang pinupunasan ng tuwalya ang kaniyang mga kamay. Napabalikwas naman si Carina kung kaya't madiin niyang natapakan ang paa ni Lorenzo. "Aray!" napahawak na lamang ang binata sa kaniyang talampakan. "A-Ah paumanhin, Lorenzo. Ako'y nabigla lamang." napahawak na lamang si Juliana sa kaniyang bibig sa kapahangasan ng kaibigan, alam niyang sinadya nitong tapakan ang paa ng binata. Mabilis na lumapit si Catrina kay Lorenzo at pumagitna sa dalawa, "Bakit mo naman tinadyakan ang ating panauhin, Carina?" nag-aalalang tanong nito.
Umirap pa si Carina ng palihim bago sumagot sa kapatid, napahalukipkip pa siya, "Hindi ko naman iyon sinasadya, Catrina." tugon ng dalaga, "Siya nga itong itinulak ang pinto dahilan para matamaan ako." pabulong na dagdag pa nito. Narinig naman ni Lorenzo ang pasaring na sabi ni Carina, "Paumanhin? Bahagya ko lamang binuksan ang pinto upang makita ang munting asong ito." wika naman ni Lorenzo sabay baba para maabot si Pina.
Hindi naman na malaman nina Josefa at Juliana kung saan sila sasabat sa umiinit na tensyon ng dalawa.
Napatikhim si Juliana upang ipabatid sa lahat na naroroon pa sila ni Josefa, napatingin naman sa kanila ang lahat. "Ah! Tila kaunti na lamang at magkakaroon na kayo ng malalim na diskusyon..." nahihiyang saad ni Juliana sabay takip ng kaniyang abaniko sa mukha, sinagi naman siya ni Josefa na hindi na maintindihan ang sitwasyon, dinagdagan pa ng walang kabuluhang pagpapatigil ni Juliana.
Makailang sandali pa ay muling binasag ni Catrina ang nakabibinging katahimikan "Ah, ano nga pala ang iyong sadya Ginoong Lorenzo?" mahinhin na tanong ni Catrina sa bisita, "Kung iyong hinahanap sina ama't ina ay may pinuntahan sila sa bayan-" di na siya pinatapos pa ng binata na magsalita.
"Huwag kang mag-alala binibini 'pagkat narito naman ang aking sadya." marahang napasulyap si Lorenzo kay Carina. "Paumanhin ngunit tila kayo ay may mga panauhin..." dagdag pa ng binata sabay kuha ng kaniyang sombrero sa ulo at lagay sa dibdib nito.
Umusog si Juliana sa tabi ni Carina tsaka bumulong, "Carina, baka ibig mo naman kaming ipakilala sa binatang iyan." pag-uutos niya pa sa kaibigan. Tiningnan muna siya ni Carina ng matalim na para bang nagsasabi itong ayaw niya kaya't kinurot naman siya ni Juliana sa tagiliran, "A-Ah, sila ang aking mga kaibigan, si Juliana Cortes at Josefa Fernandez." pagpapakilala niya sa mga kaibigan, "Siya naman si Ginoong Lorenzo Alonso, bagong dating pa lamang ang kanilang pamilya rito sa Batangas kung kaya't hindi pa kayo pamilyar sa kaniya." turo naman niya kay Lorenzo na ngayo'y napayuko at nakalagay pa rin sa dibdib ang sombrero, "Aking ikinagagalak ang makilala kayo mga binibini." saad ni Lorenzo. 0000000 ang magkakaibigang Josefa, Juliana, at Carina sa salas habang pasekretong nakikinig sa pinag-uusapan nina Manang Rosing, Catrina, at Lorenzo sa kusina. Malapit lamang ang kusina sa salas kung kaya't naririnig nila ang pinag-uusapan mula sa hapag.
"Ah, nais ko nga po palang humiram ng kabayo 'pagkat aking tuturuang sumakay ng kabayo ang aking nakababatang kapati-" napapadyak si Carina sa narinig at mabilis na nagtungo sa kusina. Maliban sa aso malapit din siya sa iba pang hayop sa kanilang hacienda kabilang na roon ang mga kabayo, kambing, manok, at aso. Higit sa lahat ay ayaw niyang basta-bastang ipinahihiram ang mga ito.
Natauhan siya sa kaniyang padabog na paglalakad ng marating ang hapag, "Kabayo?" diretsong saad nito.
"Ano naman ang problema roon Ca" naputol sa pagsasalita si Catrina ng lumapit si Manang Rosing kay Carina, hinawakan nito ang magkabilang balikat ng dalaga saka nagsalita, "Mistulang ayaw magpahiram ng aking munting alaga, huwag kang mag-aalala Carina mukhang maingat naman si Ginoong Lorenzo. At tulad ng tinuran niya'y may pahintulot na siya mula sa iyong ama't ina." pagpapa-amo nito sa dalaga. Sa puntong ito'y napairap na lamang ang dalaga.
Ilang saglit pa ay nakarinig sila ng sunod-sunod na pagdating ng dalawang kalesa, agad na nagtungo ang lahat sa labas, upang tignan kung sino ang mahalagang panauhin.
Mula sa dalawang magagarbong kalesa ay bumaba ang mag-amang Felisidario. Sa tikas pa lamang ng tindig ay mapapansin na ang karangyaan ng mga ito, halos hindi magkamayaw ang mga katulong sa hacienda nang makita ang karangyaan mula sa dumating na mga panauhin.
"Magandang araw, Don Sulpicio. Kailan pa ho kayo dumating? Paumanhin sapagkat tila hindi nakapaghanda ang pamilyang Estrella sainyong pagdating." despensa ni Manang Rosing, siya'y labis na nabigla sa pagdating ng Don. Marahang inayos ng Don ang kaniyang terno, "Huwag kang mag-alala Rosing, isang surpresa lamang ang aming pagdating." wika nito habang pinagmamasdan ang buong lawak ng hacienda. Sa tagal ng pagiging mayordoma ni Manang Rosing sa pamilya Estrella ay kilala niya na ang mga kaibigan ng mag-asawa.
"Ano sa iyong palagay, Vicente. Nasurpresa ba natin sila?" tanong ng Don sa kaniyang anak, agad naman nitong ibinaba ang sombrero sa dibdib at nagbigay galang sa lahat.
Marahan niyang pinagmasdan ang binibining noon pa'y kan'ya nang napupusuan. Inayos ang tindig at nagwikang, "Sa lahat ng uri ng panauhin sa sansinukob, lubhang isa sa mga tanyag ang ating pagdating, Ama." mabilis na itinakip nina Juliana't Josefa ang kanilang mga abaniko sa kanilang mga mukha sa pagkadismaya sa ugaling taglay ng ginoo.
0000 ng linggo, hindi mapakali sa kan'yang silid si Carina. Lubha siyang nag-aalala sapagkat sa walong kabayo na mayroon sila'y isa sa mga ipinahiram sa pamilya Alonso ang kaniyang maamong kabayong si Callè.
"Ikaw ba'y sasama, Carina?" napabalikwas na lamang ito sa pagkakaupo mula sa kaniyang kama ng marinig ang boses ng kaniyang kambal na si Catrina. "Nagulat yata kita, iyo itong ipagpaumanhin," dagdag pa nito. "Saan ka tutungo?" tanong nito sa kapatid.
"Mamimili ng kolorete," saad nito habang pinagmamasdan ang mga katulong mula sa bintana ng kaniyang kapatid. "Naisip ko lamang na imbitahan ka, tila madalang kang lumabas nitong mga nakaraang araw. Aking maiintindihan kung hindi mo nais na sumama." dagdag pa nito.
Walang imik na tumungo si Carina sa lagayan ng kaniyang mga aklat, "A-Ako? Tila hindi mo yata naulinigan kay Manang Rosing na ako'y labis na nasisiyahan sa pagbabasa ng aklat na nabili ko lamang noong isang linggo sa bayan." Pagtanggi nito, kahit pa'y ang totoo ay wala talaga siyang lumabas hangga't hindi pa mabuti ang kaniyang pakiramdam.
"Paumanhin, dahil nag-alala ka pa, Catrina." tumungo naman si Catrina sa kapatid at hinawakan ito sa magkabilang braso.
"Kung gayo'y, tutungo na muna ako Carina." Napangiti ito at inayos ang pagkakabuklat ng librong hawak ni Carina.
00000 00 000-0000, mula sa titulo ng aklat ng kapatid ay hindi na mawala sa isip ni Catrina ang dalang mensahe nito. Labis siyang nasisiyahan sa mga imahinasyong malikot na gumugulo sa kaniyang isipan dulot ng isang pag-ibig sa ginoong kaniya nang napupusuan.
0000-00000, dakong tanghali na nang maisipang puntahan ni Carina ang magkapatid na Alonso sa isang malawak na parang malapit sa isa sa kanilang lupain. Balak niyang kumustahin ang alagang si Callé at ang isa pang kabayong ipinahiram dito.
Naglakad lamang siya upang magliwaliw sa daan at damhin ang preskong dampi ng hangin mula sa nayon. Sa kaniyang paglalakad ay nakatagpo siya ng isang maliit na tuta, tila ipinapanganak pa lamang ito at inabandona ng may-ari. Umiiyak ang tuta nang nilapitan niya ito, doon niya lamang napansin na nakaipit pala ang isa nitong paa sa pagitan ng dalawang kahoy, "Huwag kang mag-alala munting aso." Tinanggal niya ito sa pagkakaipit at marahang hinaplos sa ulo. Sa pag-aalalang baka kung mapaano pa ang munting hayop ay isasama niya na lamang ito sa kan'yang pupuntahan.
Makalipas ang ilang minuto'y isang pamilyar na boses ang nagwika, "Tila kay palad ko namang makadaupang palad ang isa sa pinakamagandang binibini ng aming lugar."
"Isang pinagpalang araw saiyo, Vicente." Bati ni Carina sa binata, inabot naman ng binata ang aso at hinimas ito sa ulo.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Kawangis ito ng iyong puting aso, Carina. Ano nga pala ang iyong ginagawa sa nayong ito, tirik ang araw. Sana'y nagsama ka ng inyong katulong o nagdala man lamang ng pangsaga sa init ng araw." Usal pa ni Vicente habang kinukuha ang maliit na tuta mula kay Carina.
"Ano ka ba, wala iyon. Hindi na ako isang maliit na paslit upang magsama ng magbabantay saan ko man naisin pumunta, at isa pa naglalakad-lakad lamang ako..." despensa naman ng dalaga.
Napatango ng ilang ulit ang binatang heneral, "Ako'y maiba, ikaw ba'y nakapagtanghalian na?"
"H-Hindi pa, ngunit 'wag kang mag-alala Vicente. Hindi pa ako gutom at sadyang maaga pa para mananghalian." sagot naman ni Carina.
"Maaari ba kitang imbitahang mananghalian, Binibini?" inilahad nito ang kan'yang palad sa tapat ng dalaga.
Marahang napayuko si Carina, hindi niya sana nais na sumama ngunit isang kapangahasan ang tanggihan ang isa sa makapangyarihang mamamayan sa kanilang bayan.
00000 ng isang mamahaling karwahe si Carina nang umuwi sa kanilang tahanan kung kaya't ganoon na lamang magtaka ang kaniyang mga kasama, "Binibini, saan po kayo nagtungo?" Nag-aalalang tanong ni Ursula, "Bakit hindi po kayo nagbilin upang―" naputol ang pagsasalita ni Ursula nang marahang humarap si Carina.
"Ursula, nariyan na ba ang ating mga kabayo?" usisa ni Carina sa kaniya.
"Opo, naroon sila sa may tabing ilog pinaiinom ni Ginoong Lorenzo. Siya nga pala, may dumating pong imbitasyon mula sa-" hindi na naipagpatuloy pa ni Ursula ang sasabihin nang magsimula nang maglakad ang señorita. "Paumanhin, Ursula! Mamaya na lamang," kaway nito mula sa kabilang hardin ng kanilang hacienda.
Samantala, naabutan ni Carina ang kaniyang mga alagang kabayo na umiinom sa ilog habang kapwa nakatali sa tag-isang punong kahoy. Natutulog niyang naabutan sa damuhan si Lorenzo, nakatakip ang isang mamahaling sombrero sa mukha habang nakapatong naman ang mga kamay nito sa kaniyang tiyan.
Ilang sandali pa ay sumipol ng malakas ang hangin, umugong ang paligid senyales ng isang malakas na ulan. "Lorenzo!" Hindi niya man nais na gisingin ang binata ngunit mas nanaig ang pag-aalalang nariyan na ang ulan. "Lorenzo! Gising, nariyan na ang ulan!"
Dahan-dahan nang pumapatak ang ulan, tinanggal na rin ni Carina ang sombrerong nakatakip sa mukha ng binata. "Bahala ka riyan, mukhang nais mo namang mabasa ng ulan!" Akmang maglalakad na papunta sa mga kabayo si Carina nang tuluyang bumagsak ang malakas na agos ng ulan, napatalon ang dalawang kabayo dahilan upang magsitalsikan ang putik sa kaniyang mukha't magarbong saya.
Mabilis na nagising si Lorenzo sa malalaking patak ng tubig ulan, agad niya ring isinilong sa isang malaking puno ng narra ang mga kabayo upang matigil ang kakatalon ng mga ito.
Binalikan niya si Carina at sinuotan ng kaniyang sombrero, "Halika na," nais ni Carina na bumalik na sila sa hacienda upang makapagpalit at makasilong na rin. "Mauna ka na," nagulumihanan si Carina sa sinabi ng binata.
"Ikaw ba'y nawawala na saiyong sarili? Makakakuha ka ng sakit-" hindi na natapos ni Carina ang sasabihin nang biglang naglahad ng kaniyang palad ang binata.
"Carina, maaari ba kitang maisayaw?" Nagugulumihanan man ngunit tila hindi na makontrol pa ni Carina ang sarili at biglang inilagay ang sariling kamay sa kamay ni Lorenzo.
"Sandali," hawak kamay ay unti-unting lumapit ang isa pang kamay ni Lorenzo sa pisngi ng dalaga, pilit sanang kakawala si Carina sa pag-aakalang may isang kapangahasang gagawin ang binata, "May putik sa iyong pisngi," saad naman ni Lorenzo, marahan niya itong tinanggal at napatikhim bago magsalitang muli.
"Sabi ni ama..." Tumingala siya na para bang dinadama ang bawat patak ng ulan, sa kabilang dako'y napatingin si Carina sa mukha ng binatilyo, tila masasamid siya sa sariling laway nang makita ito ng malapitan. Ang angking kagwapuhang taglay nito ay ngayon lamang niya nasilayan.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Sa gitna ng malakas na buhos ng ulan, tila napawi ang suliranin ni Carina, sa unti-unting pagtibok ng kaniyang puso, ay ang katotohanang hindi niya inaakala...
Nagpatuloy sa pagsasalita si Lorenzo, "May mga pagkakataong may makakasama ka sa gitna ng isang malakas na buhos ng ulan, ngunit kadalasan kailangan mo itong harapin ng mag-isa." Sa mariing pagkapit nila sa isa't isa ay ang marahang pagsabay nila sa ihip ng hangin, ginawang musika ang bawat pagdampi ng tubig sa mga dahon. Sa malumanay nilang paggalaw ay ang maingat na pagsayaw dulot ng nag-uumapaw na galak.
Nang tumigil na sila sa pagsayaw ay napatingin sila sa mata ng isa't isa, "Bakit mo ginagawa ito?" hindi mawari ni Carina kung saan nanggaling ang tanong na kaniyang pinakawalan.
Napatingin si Lorenzo sa mapupungay na mga mata ng dalaga, "Sabihin na lamang nating, sa gitna ng malakas na ulan ay mayroong aagapay sa'yo." Napakunot ang noo ni Carina sa sinabi ni Lorenzo dahilan upang hawakan ito ng binata at pantayin. Sabay silang natawa sa kani-kanilang asta.
"Minsan sasamahan kang magtampisaw, bibigyan ka ng masiglang araw at kalauna'y iiwan. Ngunit..."
"Minsan, aakalain mong hinihintay mo pa siya ngunit nasa harap mo na pala at handang samahan ka sa gitna man ng malakas na bagyo o sa matinding sikat ng araw." halos mapanganga na lamang si Carina sa hiwagang taglay ng binatang nasa harap niya.
Simula ng araw na ito'y mas naging malapit pa ang dalawa sa isa't isa. Lumipas ang mga araw at kapwa sila nangaghulog na sa hiyas ng pag-ibig, hindi man alam kung ano ang kahihinatnan, wala pa mang umaamin ngunit sadyang dakila ang pintig ng dalisay na pagmamahal.
"00000 nabalitaang kasama mo ang heneral noong isang araw Carina," bungad ni Don Idelfonso habang salo-salo silang nag-uumagahan sa hapag.
"Opo, Ama. Inimbitahan niya lamang ho akong mananghalian ng araw na iyon," paliwanag ni Carina sa kaniyang mausisang ama, napatingin na lamang si Catrina sa kapatid.
Habang ang kanilang ina namang si Donya Catalina ay nagpakawala ng isang mapanuksong ngiti, "Huwag mong sabihing-" hindi niya na naituloy ang sasabihin ng sabatin siya ng anak.
"Ina naman!" Natawa na lamang ang lahat sa pagkairita ni Carina, ni hindi niya man lang tiningnan o nakitang magiging kasintahan ang isang heneral sa kanilang bayan, mula noon pa'y kaibigan lamang ang kaniyang tingin dito. "Maiba ko ang usapan, noong nakaraang linggo'y may isang sobre ng imbitasyon ang dumating." Nabaling ang atensyon ng lahat sa haligi ng kanilang tahanan.
"Ito ay imbitasyon mula sa alcalde mayor ng Batangas. May pagsasalong magaganap sa susunod na buwan, at isa sa inimbitahang magtanghal sa entablado para umawit si Carina." wika ni Don Idelfonso, nasiyahan ang lahat sa nalaman pati na rin ang tagapangalaga ng kambal na si Manang Rosing at ang katiwalang si Ursula na nakatayo mula sa sulok ng hapag.
"Ano ang dahilan ng salo-salong ito, Ama?" Mabusising katanungang mula kay Catrina, alam niyang nagkakaroon lamang ng malaking handaan tuwing may idinaraos na kaarawan, pagsalubong sa mga bagong dating at bisita ng lugar, at selebrasyon ng iba't ibang uri ng okasyon.
"Pagdiriwang sa pagkakatalaga ni Vicente bilang isang heneral." Nabitiwan ni Carina ang kaniyang kutsara dahilan para mahulog ito't makagawa ng isang matinis na ingay.
Pag-aalala ang bumalot sa buong mukha ng dalaga, hindi man mawari ng lahat ngunit ramdam nila ang gimbal na nanoot sa mukha ni Carina.
rieteratura