Ruled by the Blaze (The Unwanted Marriage)

Chapter 7



Patricia's POV (Unexpected Meeting)

"Siguro napilitan lang si Callum. He's single, tapos ngayon ay magpapakasal na? The girl was just using her!" Napairap ulit ako sa panibagong hate comment na binasa ni Jess. Nakasimangot siya habang abala sa cellphone. "Stop it, Jess. They're not worth our time" sabi ko bago isinara ang librong binabasa.

Narito kami sa ilalim ng puno ng mahogany at nakatambay. Ilang minuto pa naman bago mag start ang next class namin kaya nag pahangin muna kami rito.

"Alam mo kung kaharap ko lang ang nag comment nito, baka nasabunutan ko na!" galit na bulyaw ni Jess. "Ano naman ang masama kung ikasal si Callum? Porket gwapo? Bakit maganda naman ang kaibigan natin, ah! Matalino pa! Hindi na lugi si Callum!"

Wow, nag buhat pa talaga ng bangko si Jess.

"You know what, you and Callum should go out together!" suhestiyon ni Jess na inirapan ko lang. "Para naman mas makilala niyo ang isa't isa. You know... magiging mag-asawa na kayo" may munting kilig pa sa boses niya.

"I don't like the idea" singhal ko. "He's too mean and rude" I rolled my eyes as I remember the first time we met at the restaurant.

"Sus! Mas nakakainlove nga kapag masungit ang lalaki!" kinikilig na sabi Kelvin.

Hindi mangyayari 'yon dahil mas madaragdagan pa ang magagalit sa'kin. Bakit ba kasi sa kanya pa ako maipapakasal. It's so hard to deal with their fame.

Nag patuloy si Jess at Kelvin sa pag-usisa sa mga hate comments tungkol sa'kin hanggang napunta sa mga past issues ng mga Velasquez. Imbis na makisawsaw sa kanila ay ipinagpatuloy ko ang pagbabasa.

This is one of my comfort zone. Reading my favorite books every time stress and anxiety attact me. Everytime I'm sad and feel out of place. Ito ang pahinga ko sa nakakapagod na araw.

I was keeping myself busy by reading when I heard someone murmuring. Lumingon ako sa paligid at doon nahagip ng mata ko ang kumpulan na mga babaeng nag-uusap di kalayuan sa puwesto namin. Nakatingin sila sa'kin at tila ba ako ang pinag-uusapan. Agad kong nakilala si Nadine na nasa gitna ng apat na babae, maarte siyang tumingin sa banda ko.

Kaklase ko siya noong high school at ngayong college ay pareho rin kami ng school. Bihira ko lang siya makita na ngumiti sa'kin. She usually had a sophisticated look.

"Ang mga gipit nga naman, sa mayayaman kumakapit" sabi ni Nadine bago tumayo at nag lakad palapit.

Hindi ko siya pinansin at nag patuloy na lang sa pagbabasa pero agad din nilamon ng papalapit na yabag nila ang pandinig ko.

"So, here's the soon to be Mrs. Velasquez.."

Tumigil ang boses ni Nadine sa likod ko. Pansin kong natigilan sila Kelvin at Jess at kunot noo na tumingin sa likuran ko.

Agad akong kinabahan dahil alam kong papatulan nila ang kamalditahan ni Nadine. Tumayo na ako habang hawak ang libro ko.

"Let's go, Kelvin and Jess" sabi ko ng hindi lumilingon.

Dahan-dahan na tumayo sila Jess ngunit masama ang titig kay Nadine. Hinila ko na sila sa braso nang mag salita na naman si Nadine.

"Look how guilty you are! Really? I didn't expect that you're that kind of people, Patricia" Nadine laughed mockingly.

Huminto ako at tuluyan ng lumingon sa kanila. Nadine was folding her arms while looking at me with her wicked smile, waiting for my words. Ganoon din ang mga kasama niya.

"How's your company? I heard, it's already failing. I wondered about how did you get the Velasquez's attention, I bet you used your body-"

"Shut up!" sigaw ko na ikinatawa niya. Ginapangan agad ako ng irita.

"Oh, you're mad now?" tumawa ulit siya. "I'm right didn't I?"

"I don't know what you're talking about," mariin kong sabi at pinipigilan ang sarili.

Akmang lalapit sa kanila si Jess kaya agad ko siyang pinigilan. Nasa school kami at baka magkaroon pa ng problema.

"Ano bang sinasabi mo, Nadine, ha! Ano naman sa'yo kung ikasal si Patricia kay Callum? Inggit ka ba?!" biglang sigaw ni Jess.

Umasim ang mukha ni Nadine. "Of course not! Why would I?!"

"So what's your purpose by saying those malicious things about Patricia? It's not even true!" matapang na tumingin sa kanila si Jess.

Walang naisagot sila Nadine kaya pagak na tumawa si Jess. Unti-unti na rin lumalapit ang ilang estudyante samin ng marinig ang sigawan ng dalawa. Hinahatak na namin ni Kelvin si Jess pero ayaw niya mag paawat.

"Shame on you! Bago mo siraan ang kaibigan ko, look at yourself first! Sinungaling at inggitera ka na noon pa!"

Biglang umugong ang kantyawan ng estudyante sa paligid kaya namumula ngayon si Nadine dahil sa pagkahiya. "E-Excuse me?!" garalgal niyang sabi. "Hindi ako inggit sa gold digger mong kaibigan!"

Tila may mga palaso na tumusok sa dibdib ko ng marinig 'yon. Mabilis akong hinusgahan ng mata ng mga estudyante sa paligid. Napayuko ako at pilit na hinihila si Jess para makaalis kami, napansin niya na hindi ako komportable kaya nagpadala na siya sa pag hatak namin ni Kelvin.

"Wag mo ipasa sa kanya ang gawain mo! Palibhasa walang napatol sa'yo dahil masama ang ugali mo, Nadine! Ambisyosa!" pahabol ni Jess bago kami tuluyang umalis doon.

Naaninag ko pa si Nadine na iritadong nagpapadyak ng paa dahil sa umugong na tawanan sa sinabi sa kanya ni Jess.

I was breathing heavily because I've been calming myself since the other day. Pinipilit ko ang sariling wag pumatol sa mga naririnig kong pasarin tungkol sa'kin kahit na nasasaktan ako. Kahit saang parte ng school ay may naririnig parin akong hindi maganda tungkol sa'kin. Hindi madali ang sitwasyon ko. Nagkukunwari lang akong maayos at walang pakialam because that it should be, even though deep inside, I was hurt badly.

"Nadine is really a bitch! She's still bitter. Palibhasa kasi hindi ka niya matalo-talo kahit sa pageant kaya siya naninira! Such a loser!" himutok ni Jess kahit nakarating na kami sa classroom. Si Kelvin ay nasa class na rin nila.

"Calm down, Jess, Don't do that again. Wag mo na patulan" sabi ko at umirap lang siya.

I was pre occupied until class starts again. Wala na kami masyadong discussion. Tapos na kami sa mga research papers at next week na mangyayari ang graduation pictorial namin. Kinakabahan din ako dahil baka maapektuhan ang grades ko ng mga issues tungkol sa'kin. I was running with latin honors and I was worried that I might lose it. I worked hard to get it.

-

"Ilang weeks na lang graduate na tayo! Kukunin daw ako ng tita ko roon sa company kung saan siya nagtatrabaho" saad ni Kelvin habang nandito kami sa may parking lot, handa ng umuwi. Kumunot ang noo ko. "Aalis ka ng bansa? Sa paris nagtatrabaho ang tita mo, right? Sa publishing company?"

"Yup, doon muna ako after ng board natin. It's for my own good. Kayo, anong balak niyo?"

"Well, I had a plan to build a small clinic after I graduate in med school" sabi ni Jess.

Hindi ko maiwasang malungkot. May mga plano na sila samantalang ako ay naiipit parin sa problema. After my graduation is my wedding. How I supposed to get my peace and take a break from tedious study if I get married right after that? "I'll go to med school" sagot ko bago binuksan ang sasakyan.

Nag paalam na kami sa isa't isa. Ayaw ko muna umuwi at gusto ko muna mag liwaliw kaya dumiretso ako sa isang coffee shop. Doto rin ako minsan pumupunta to lessen my stress. Agad akong nag order at inilabas ang libro. Medyo maraming tao ngayon dito kaya hindi ako masyadong makapag-concentrate sa binabasa dahil sa ingay.

I spend more minutes by simping with my coffee when I saw a familiar figure. Isang lalaking matangkad at nakasuot ng shades ang may hawak ng isang brewed coffee at lumilinga sa paligid, siguro'y naghahanap ng vaccant table pero wala dahil marami nga ang customers.

Halos maibuga ko ang iniinom na kape ng makilala agad kung sino ito. It's Callum! Mabilis akong kinabahan lalo na ng mag salubong ang mata namin. Dumaan ang gulat sa mukha niya na agad napalitan ng seryoso. Nanlaki ang mata ko at agad inayos ang gamit ng mag simula siyang lumakad papalapit sa table ko.

What is he doing and why will he approach me?

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Oh my gosh!" dumalas pa ang libro sa kamay ko dahil sa taranta. My hands were trembling.

Akma na akong tatayo ng may nag lapag ng kape sa harapan ko.

"Sit down"

Napaangat ako ng tingin ng marinig ang boses ni Callum. Natuod ako sa kinauupuan. I don't know what I will react.

"I said sit down" ulit ni Callum ng hindi ako natinag. I was shocked. "Why don't you join me here"

Wala akong nagawa at umupo na lang. Tama ba itong ginagawa ko?

Tumingin ako sa paligid at nakitang halos lahat ng babae ay nakatingin, hindi sa'kin kundi kay Callum. Well, he can easily caught attention with his looks. He's just wearing a simple jeans and shirt but there's something on his appeal to women but.

"You look tensed" he uttered while smirking, completely ignoring the attention given to him by the girls around.

"You look stupid" sabi ko pabalik at inirapan siya.

Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. "You're rude.."

Hilaw akong ngumisi bago kinuha ang bag ko.

"Your uniform looks good on you" puna niya habang nakangisi parin.

Hindi ko alam kung insulto o papuri ba iyon. Napatingin tuloy ako sa suot ko. Isa itong puting blouse at skirt.

"Thanks" walang gana kong sabi at tumayo na.

Mabilis ko siyang iniwan at tuluyang lumabas sa shop. Naiilang ako sa mga babaeng masama ang titig sakin. Because of what? Callum? Well, they can have him now!

Sumakay agad ako sa sasakyan. Hindi pa ako nakakalayo sa mismong coffee shop ng maaninag ko si Callum na papalabas doon. Para siyang modelong naglalakad palapit sa sasakyan. Tila may nag udyok sakin na panoorin siya. Tinted naman ang sasakyan ko kaya hindi niya ako makikita at malayo ako.

Hindi pa siya nakakapasok ng sasakyan ay may isang babae na lumapit at yumakap sa kanya. Nanlaki ang mata ko na unti-unti rin napunta sa pag taas ng kilay dahil sa pagtanggal niya sa mga braso ng babae sa baywang niya. Oh, so he really had a girlfriend? It seems the woman misses him.

Hindi ko nakikita ang mukha ng babae dahil nakatalikod ito pero alam ko na agad na maganda siya. Nakapusod ang mahaba at tuwid niyang buhok at nakasuot ng puting fitted na dress na lalong nag depina sa maganda niyang katawan. Tila nasisisyahan akong panoorin na nagtatalo ang dalawa. Nanliit ang mata ko sa iritadong mukha ni Callum. Kinuha ko ang cellphone ko at agad silang kinuhaan ng picture. Kung girlfriend niya ito ay bakit hindi sinabi sakin ni mommy? O nila Mrs. Velasquez? Bakit hahayaan nilang ikasal ang anak nila kung may mahal naman pala ito?

Pinaandar ko agad ang sasakyan ko at mabilis na nag maneho para makausap si mommy habang may namumuo na ideya sa isipan ko. I smiled secretly. If that's Callum's girlfriend, well, I think I already have a reason not to continue our wedding


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.