Chapter [9] Terenz Dimagiba
Gusto kong tuktukan ang sarili ko sa kahiya-hiyang eksena na nakita kanina ni Sir Pancho habang pilit na pilit ang pagsasayaw ko sa harap ng mga bata. Ayaw ko sanang gawin iyon, kaso, mahina ako pagdating sa mga bata. Hindi ko sila matanggihan. Naalala ko na naman ang mga batang iyon, sana ay nabusog ko sila kahit papaano.
Palihim kong tinignan ang amo ko na tahimik lang din na nagda-drive mula pa kanina. Ayaw ko na lang ding magsalita dahil nahihiya pa rin ako. Idinaan ko na lang sa malalim na buntonghininga ang pagpapawala ng aking kahihiyan. Bakit ba sa tingin mo ay gugustuhin ng amo mong pag-usapan iyon, Terenz? Malamang na-badtrip lang iyan dahil inaksaya mo lang ang oras niya.
"Keep staring," salita niya at napaupo ako nang tuwid dahil nakatitig pa rin pala ako sa kaniya. Mabilisan niya akong dinaanan ng tingin bago muling seryosong tumitig sa harap. "So not cute at all," may binulong siya kaso hindi ko klarong narinig.
"Po?"
Hindi na siya tumugon pang muli sa akin kung kaya isang linya ang labi na umiwas ako ng tingin sa kaniya. Nagtakha ako nang dumaan kami sa isang kilalang fast food chain at bumili siya ng pagkain. "Jalibu" at "drive thru", iyan ang mga salita na natandaan ko sa dinaanan namin. Iyon lang din naman ang mga salita na nangingibabaw roon. Naririnig ko rin naman ang kainan na iyan sa amin kung kaya alam ko na sikat iyan, pero dahil sa bayan pa iyan at wala naman kaming sapat na pera para magpabayan o kumain manlang doon, hindi pa kami nakatikim ng pamilya ko ng pagkain na galing diyan. Isa iyan sa mga pangarap ko sa aking pamilya, ang maka-experience kaming kumain sa sikat na kainang kinagigiliwan ng mga pamilya na may kaya malapit doon sa amin. Inggit na inggit ako sa mga kabataang gaya ko noon kapag naririnig kong nagkukwentuhan sila na inuuwian sila ng pagkaing iyon ng mga magulang nilang may maayos na trabaho. Habang ako, nasa dagat na noon at tinutulungan ang tatay ko sa trabaho para may maiuwi kaming pangkain.
Ngayon, alam ko na kapag sinasabi nilang bida ang saya sa kainan na ito. Amoy pa lang, tiyak busog ka na sa tuwa. Ilang beses akong napalunok habang naamoy ko ang pagkain sa loob ng sasakiyan ni Sir Pancho. Kung maipadadala ko lang din sana ngayon kahit amoy nito sa mga magulang ko, gusto kong malaman din nila ang amoy ng pagkaing lagi ay pinapangarap namin.
Naisipan kong patago sanang kuhaan ng litrato iyon at i-send kay Nanay kaso nakarating na kami sa mansiyon. Sayang. Hayaan na, baka may susunod pa naman.
"Here," hindi nakatingin sa akin na sabi ni Sir pagkababa namin ng kotse.
Nagugulat akong nagpabalik-balik ng tingin sa kaniya at sa supot ng pagkain na binili niya kanina sa kilalang kainan na iyon. Ginalaw-galaw pa niya iyon nang makita niyang hindi ko iyon kinukuha sa kamay niya.
"P-Para sa akin, Sir?" Turo ko pa sa sarili ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala. Naisip ko pa nga kung si Sir Pancho ba talaga itong kaharap ko o bumata ba ulit si Ninong at siya pala ang kasama ko ngayon. "You don't want it?" Sunggab ang kilay at medyo inis ang tono ng boses na tanong niya. "You must not be hungry then, such a waste of money for a poor like you."
Bago pa niya inalis iyon mula sa pagkakaabot sa akin ay mabilisan ko na iyong tinanggap. Sayang naman. Biyaya na, magiging bato pa. Tsaka, baka bukas o makalawa hindi na maging mabait itong si Sir, habang may himala pa, kakapalan ko na ang mukha kong tanggapin ang alay niya.
"S-Salamat, Sir!" sobra talaga ang galak kong pagpapasalamat sa kaniya. Sa unang pagkakataon, tila naging anghel siya sa paningin ko. Narinig niya kaya ang ingay ng kulo ng tiyan ko kanina? Nakaiinis naman, pahiya na naman ako. "Tuwang-tuwa ka na niyan dahil sa Jolibu?" taas kilay niyang tuya sa akin. Ngumiti lang ako kahit alam kung nang-iinis na naman siya.
"Ngayon lang kasi ako makatitikim ng ganito."
Napatitig siya sa akin. Walang bakas ng insulto o anumang reaksiyon sa kaniyang mukha. Nailang naman ako kung kaya napayuko ako habang mahigpit ang hawak sa supot ng pagkaing bigay niya sa akin. Uminit ang magkabilang pisngi ko, baka namumula na naman ako sa hiya! Oo na, ako na ang mahirap.
"Phone."
"Sir?" angat ko muli ng tingin ang magsalita siya.
"Give me your goddamn phone, stupid pauper," tila nauubusan ng pasensiya niyang saad.
Hindi naman magkaunggaga na iniabot ko sa kaniya ang aking cellphone. May tinipa siya roon na ikinakunot ko ng noo ko. Mabilis lang iyon at ibinalik niya naman kaagad sa akin.
"I entered my number there. Next time, contact me if you're going anywhere," walang gana niyang sabi at pagkatapos ay iniwan na akong nakatayo roon sa labas.
Hindi ako nakapagsalita kahit noong sinundo ako ng nag-aalalang si Nanay Matilda sa labas. Wala sa sariling napangiti ako habang nakatingin sa supot na hawak ko. Totoo nga ang sabi nila, bida nga ang saya sa iyo.
Pinagsaluhan namin ang pagkain na binigay ni Sir sa akin at hindi mapagsidlan ang tuwa ni Nanay Matilda nang malamang mula ito sa kaniya. Hindi naman makapaniwala ang ibang kasambahay dahil sa unang pagkakataon, sa akin lang daw nagpakita ng ganoon kaunting malasakit si Sir. Datirati raw kasi, wala talaga siyang pakialam kahit makita niyang mamamatay na sa gutom ang tagapangalaga niya. Nakaramdam ako ng kakaunting init sa puso ko nang marinig ko iyon. Bigla ay ginusto kong baguhin pa si Sir at baka isang araw ay maging magkaibigan din kami. Malay naman natin, hindi ba? Tao pa rin naman siya, may lugar pa para sa pagbabago. Tiyak ikatutuwa rin iyon ni Ninong. At matutuwa rin ako kapag madadagdagan ang mga kaibigan ko bukod sa mga kaibigan ko sa isla. Siya sakali ang pinakaunang mayaman na kaibigan ko. Sabi ko nga kanina, malay naman natin, hindi ba?
Tinapos ko muna ang mga hugasin pagkatapos naming kumain at mag-usap-usap ng kaunti nina Nanay at ng ibang kasambahay. Medyo malalim na rin ang gabi at sinabi ko sa kanila na magpahinga na sila at ako na ang bahalang mag-lock ng gate at mga pinto pati magsara ng mga ilaw. Bago ako dumiretso sa aking kwarto ay napag-isipan kong daanan muna si Sir sa kwarto niya at magpasalamat muli. Kaso, saktong kakatok na sana ako sa pintuan niya nang sa paglapat pa lang ng daliri ko ay bahagya na iyong umawang. Hindi pala iyon lubusang nakasara. "A-Ah!"
Planning your weekend reading? Ensure you're on
05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Nanindig ang buong balahibo ko sa katawan nang marinig ko ang kakaibang boses ng lalaking iyon. Dahil sa kyuryosidad ay bahagya akong sumilip sa loob ng kwarto niya at napalunok ako nang makita ko si Sir sa higaan niya at walang pang-itaas. Sa harapan niya ay may tila computer, kaso hindi gaya ng computer ay maliit lang iyon at manipis.
"Fuck babe, you're so lewd. Fuck! I want to put my thing on that ass of yours. I miss banging you," mariin at tila nagtitimpi niyang sigaw sa harap ng computer.
Nang mapadako ang tingin ko roon ay nakita ko mismo mula sa screen noon ang isang magandang lalaki na napakaputi. Namamawis na siya at namumula-mula na ang balat lalo na ang kaniyang mukha. Halos mapaluhod ako sa kinatatayuan ko dahil wala siyang saplot at pinaglalaruan niya ang magkabila niyang utong habang may kakaibang bagay na nakapasok sa pwet niya. Namamaluktot ang katawan niya at malakas ang boses na sumisigaw na umaalingawngaw sa buong kwarto ni Sir.
"Ah! Pancho! Pancho! I - ah!" Tila hirap na siya sa paghinga at nakita ko kung paano niya hinawakan ang bagay na iyon sa kaniyang pwet at siya na mismo ang mabilis na naglabas masok noon.
"Fuck yeah! Are you cumming now, hm? My babe, Ellie, your face when you're at your peak is the most beautiful."
Ellie. Lalaki ito. Lalaki ang syota ni Sir. Hindi ko nakayanan ang nalaman kong iyon. Tila pinopompyang ang puso ko sa lakas ng pintig noon. At ginagawa talaga nila iyang dalawa? Posible ba iyan? Sa pagitan ng dalawang lalaki? Ngayon lang ako nakakita ng ganitong relasiyon. Hindi ko aakalaing pwede.
"Pancho!" matinis na sigaw ni Ellie at nakita kong may lumabas nang puti sa pagkalalaki niya.
Napatingin ako kay Sir at nang makita kong tumataas-baba ang kamay niya sa sariling pagkalalaki ay roon na ako umatras at tumakbo sa sarili kong kwarto. Napasandal ako sa aking pintuan habang nakatakip ang dalawa kong kamay sa aking bibig. Hinahabol ko ang aking paghinga kahit pa hindi naman malayo ang aking tinakbo. Lumukob ang kakaibang init sa aking katawan nang maalala ko ang estado ni Sir kanina. Sa Ellie na iyon, wala akong nadama. Pero bakit kahit huli ko na dinapuan ng tingin si Sir, ang makita ang tila lango niyang ekspresiyon ay nagbigay ng kakaibang kilabot sa buo kong katawan?
Bakit nanigas maging ang sarili kong pagkalalaki?