Chapter [10] Terenz Dimagiba
Dumating na ang isa sa mga araw na pinakahihintay ko, ang aking paunang sweldo. Hindi magkapamayaw ang saya sa aking puso nang iabot na sa akin ni Nanay Matilda ang isang puting sobre na naglalaman ng malaking bilang ng pera. Sa tanang buhay ko, noon lang ako nakahawak ng ganoon kalaking pera. Labis-labis ang aking tuwa, pakiramdam ko ay unti-unti ko nang nakakamit ang aking pangarap para sa aking pamilya.
"Naku, maraming salamat sa padala mo, anak. Miss na miss ka na namin dito," naluluhang sabi sa akin ni Nanay habang nag-vi-video call kami.
Natanggap na nila ang pinadala ko sa kanilang pera na ipinadala ko kahapon sa pawnshop na katapat lang ng kumpaniya ng topakin kong amo.
Natawa naman ako kay Nanay at kumaway kay Tatay na kakatabi lang niya. "Miss na miss ko na rin po kayo. Huwag po kayong mag-alala at ayos lang ako rito. Mababait po ang mga kasama ko lalo na si Nanay Matilda."
"Aba eh, nandiyan pa rin pala si Nanay Matilda?" si Tatay at naalala ko na nakapunta na pala siya dati rito noong binata pa siya para bisitahin ang kumpare niya na si Ninong.
"Opo. Sabi nga niya ay kahawig daw tayo noong binata ka pa."
Nag-usap pa kami nang humigit kumulang isang oras dahil din kay Buboy na noon ay kararating lang sa bahay mula sa eskwela. Bibo pa rin siya at bungi, miss na miss ko na ang bulilit na iyon. Sinabi rin nila na ikumusta ko sila kay Ninong at kada sinisingit nila ang topakin kong amo ay nililihis ko ang kwento. Ayaw ko muna siyang pag-usapan.
Ewan ko ba. Sariwa pa rin sa aking isipan ang nangyari ilang gabi na ang nakalipas. Hinding-hindi ko makalilimutan ang ginawa kong pagtalukbong ng kumot dahil sa init ng katawan na aking nadama. Ang eksenang nasaksihan ko sa aking harapan, maging sa katotohanan patungkol sa relasiyon niya na aking natuklasan ay ayaw matanggal sa aking isipan. Kalahating-oras ang ginugol ko noon para kumalma ang aking sarili at mawala ang paninigas ng aking pagkalalaki. Naririnig ko naman sa mga kaibigan ko sa isla ang tungkol sa ganoong sitwasiyon lalo na raw kapag nakakakita ka ng nakaaakit na babae o kung ikaw raw ay makikipagtalik, kaso wala akong naramdaman na ganoon noon, ngayon lang. Akala ko pa nga dati ay iba ako sa kanila. Kaso, nitong mga gabing nagdaan na kahit sa panaginip ko ay nakikita ko rin ang eksena na iyon, nagigising ako pagkatapos na basa ang aking briefs. Kinakabahan ako sa isipin na baka nga isa na rin akong manyakis. At hindi ako natutuwa roon, natatakot ako, ayaw kong maging manyakis. Baka mamaya, gusto ko na rin manggahasa ng babae? Eh, kaso, lalaki si Sir at lalaki rin iyong si Ellie, bakit napukaw ang pagkamanyakis ko sa lalaki? Abnormal na ba ako? Abnormal din ba si Sir at syota niya?
Ewan ko, hindi ko na alam. Kung may makauusap lang sana ako patungkol dito. Ayaw ko naman sabihin kina Nanay at Tatay na naging manyakis na ako rito sa Maynila. Baka atakihin pa si Tatay sa gulat. Lutang na lutang ako habang nagluluto ng agahan ni Sir Sabado ng umaga at wala rin siyang pasok. Isang linggo na ang lumipas, kaso pinoproblema ko pa rin iyon.
"Cooking again, huh?" narinig ko ang boses ng topakin kung amo at nilingon ko ang direksiyon niya.
Napaatras ako ng bahagya nang makita ko siyang walang pang itaas, nakasuot ng jogging pants na itim at namamawis ang katawan. Kumikinang ang matipuno niyang katawan dahil doon. Nag-jogging marahil siya. Kumuha siya ng tubig sa refrigerator at tila bumagal ang oras habang iniimon niya ang tubig. Napalulunok ako kapag gumagalaw ang adams apple niya sa paglunok. Mabilis pa sa ala-singko na umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil naramdaman ko ang pag-init ng magkabila kong tenga.
"M-Mag-aalmusal ka, Sir? Huwag po kayong mag-alala at hindi ako nagluto ng kanin. B-Bacon lang para maipalaman mo sa tinapay," hindi makatingin sa kaniya at utal kong sambit.
"Mm." Lumapit siya sa akin para silipin ang aking niluluto at kahit pawisan siya ay hindi siya mabaho o kaya ay amoy araw. Bagkus, ang aroma niya ay tila isang kape na bagong pitas mula sa pagkakaani, nakaeengganyo. "Okay then, I'll have some. Maliligo lang ako."
Lumunok ako at bahagyang umatras palayo sa kaniya, nakatatakot ang lapit niya. Tila mula sa aking tenga ay gumagapang na rin ang init sa buo kong katawan. Bakit ganito na ang epekto ng amo ko sa akin? Manyakis na nga talaga siguro ako. Naramdaman ko na hindi pa rin siya umaalis sa aking tabi kung kaya taka akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Nakita ko ang naguguluhan niyang ekspresiyon habang nakatingin sa akin, salubong ang dalawang kilay. "A-Ah, may kailangan ka pa, Sir?" naninimbang kong tanong sa kaniya.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 00005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"You seem disgusted. Ikaw pa talaga ang may ganang mandiri. At sa akin pa?" nakataas na ang isang kilay niyang litaniya. "Umayos ka."
Nagulat man, agad akong nakabawi sa ibinintang niya sa akin. Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling habang iwinawagayway pa ang magkabila kong kamay sa kaniyang harapan. "W-Walang gano'n, Sir. H-Hindi gano'n-hik!"
Nabitawan ko ang hawak kong sandok at napaupo sa kinatatayuan ko mismo habang pilit na tinatago ng magkabila kong kamay ang bagay na naroon sa gitna ng aking hita. Nilapit kasi ni Sir ang mukha niya sa akin kanina habang nagsasalita ako, sobrang lapit na naramdaman ko ang paggalaw ng alaga ko sa baba.
Manyakis na ako, manyakis na ako! At sa amo ko pa! Bakit?
Lalaki ako pero sa oras na ito, hinang-hina ako dahil sa isa ring lalaki. Hindi na ako bata pero nangingilid na ang aking mga luha dahil sa hiya.
"What the?" Tila galit na siya na mas lalo kong kinakaba. Ipinagdasal ko na umalis na lang siya sa aking harapan para kumalma itong nararamdaman kong init sa aking katawan at kabog sa aking dibdib. Siguro hindi na maaring malapit siya sa akin o malapit ako sa kaniya. Ayaw ko mawalan ng trabaho dahil manyakis na ako. "What the hell is wrong with you?"
"S-Sorry, Sir!" impit ang sigaw ko sa kaniya habang namimilipit pa rin sa pagkauupo. Gusto kong magmura noong lumuhod siya gamit ang isang paa at mariin ang kamay na hinawakan ako sa baba para tumingin sa kaniya.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"May sakit ka ba, ha? Huwag kang magkalat ng virus dito sa mansiyon ko, understood?" mahinang bulyaw niya mismo sa pagmumukha ko, kaso bumaba ang paningin niya sa dalawa kong kamay na nakatabon pa rin sa aking pagkalalaki. "Don't tell me... you're hard down there?"
Gusto ko na lang kainin ng lupa sa mga oras na ito. Hindi ako nakasagot sa bintang niya at tuluyan nang humikbi sa hiya. Nakita ko naman ang paggalaw ng panga niya at ang disgustong namuo sa kaniyang mga mata. Marahas niyang binitawan ang aking baba na kanina lang ay hawak niya.
"What are you even thinking earlier while you are cooking at nagkaganiyan ka, huh, pauper? Calm yourself, c'mon."
Akmang hahawakan niya ako sa balikat pero mabilis at malakas ko iyong tinabig. Nawiwindang akong tumingin sa kaniya.
"A-Ako na. Kaya ko ang sarili ko," matapang kong sambit sabay tayo.
Pinatay ko muna ang apoy sa kalan at paika-ikang umalis sa kaniyang harapan. Nakaiinis! Nakahihiya! Sana ay hindi niya nahalata na siya ang dahilan nito at isipin na nag-isip lang ako ng kung ano ano para magkaganito. Nakaiinis lang na baka tumatak na sa isipan niya na may mapaglaro rin akong imahinasiyon.
Isang malaking virus si Sir, kaya simula ngayong kailangan ko nang dumistansiya sa kaniya.