Chapter [42] Terenz Dimagiba
Kahit nais ko siyang pigilan, alam kong wala akong magagawa. Kahit magpaalam man siya sa akin o hindi, kailangan pa rin niyang umalis. Hindi ko maaaring hadlangan ang trabaho niya. Kailangan kong manalig kay Kit. Mahal niya ako at hindi niya hahayaang masaktan. Kailangan kong maniwala roon.
Hindi mapakali na napatingin ako sa oras sa aking cellphone. May iilang text na rin akong natanggap kay Kit at Ate Maia. Bakit ba kasi ngayon pa naisipan ni Sir mag-overtime sa klase? Isang oras na lang aalis na si Kit!
"Do you understand, class?" ang sabi ni Sir na tinanguan ko na lamang.
Please, pauwiin mo na kami, Sir. Baka hindi ko na maabutan si Kit. "Okay, class dismiss."
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Sinukbit ko kaagad ang bag ko at patakbong lumabas ng classroom. Kailangan kong makaabot sa airport sa lalong madaling panahon!
Habang tumatakbo, bigla naman akong nakatanggap ng tawag kay Kit. Kaagad ko iyong sinagot.
"H-Hello?" hapo kong sabi habang hinahabol ko ang aking hininga.
Nasa gate na ako noon at palinga-linga para mag-abang ng taxi.
"Hey, did you run?" ang alalang tanong ni Kit sa kabilang linya. Naririnig ko na mula sa kinaroroonan niya ang mga announcement sa airport.
"P-Pasensiya na kung natagalan ako. Si Sir kasi, eh. Nag-aabang na rin naman ako ng taxi ngayon. Isang oras pa naman, hindi ba?" sunod-sunod kong sabi, may bahid na ng inis.
"Hey, babe. Calm down. Take it easy, I'll be waiting for you, okay?"
"Pero paano kung hindi na ako makaabot, Kit?" maluha-luha kong sabi, halo na ang prustrasiyon sa aking boses.
"Babe..."
Alam ko na kung sino man ang makakita o makarinig sa akin ngayon ay sasabihan akong praning, pero masisisi ba nila ako? Pupunta si Kit sa lugar na kinatatakutan ko. Alam ko at nilalagay ko sa utak ko na para lamang ito sa trabaho niya pero nandoon pa rin ang pangamba. Paano kung hindi ko na siya makita ulit? Paano kung pagbalik niya... hindi na siya akin?
Nakagat ko ang ibaba ng aking labi nang nilagpasan na naman ako ng ikatlong kotse. Nakababa na ang tawag at kahit sinabi ni Kit na kumalma ako at maghihintay siya, hindi pa rin ako mapakali. Gusto ko nang maiyak. "Terenz?"
Tila nagkaroon ng pag-asa sa akin nang marinig ko ang boses ni Kayin. Medyo hindi pa rin kami okay at hindi na rin ako nagpatuloy sa pagiging model niya, pero nagkakausap pa naman kami ulit. Alam kong may kaunti nang agwat sa pagitan namin, pero nanatili pa rin siyang isang kaibigan. Paminsan kapag magkasama kaming kumakain ay humihingi pa rin siya ng pasensiya. Hindi naman ako ganoon kasama para hindi tanggapin iyon. "K-Kai..." maluha-luha kong tawag sa pangalan niya.
"Hey, what's the matter? May problema ba?" nag-aalala niyang sabi sabay lapit sa akin para tignan ako.
Mukhang tapos na rin ang klase niya at mukhang patungo siya sa parking lot. Sa pagkaalala ko ay may motor itong si Kayin.
"K-Kasi..." Nagdalawang-isip ako kung sasabihin ko ba. "A-Aalis kasi si Kit ngayon papuntang New York. Isang oras na lang bago ang flight niya at wala pa rin akong masakyan." Napayuko ako, sobrang sama na ng pakiramdam ko. "Is that so?" Nakita kong tumingin siya sa kaniyang relo bago ngumiti sa akin. "Then I'll take you there."
"H-Ha? Teka-"
Hindi na ako nakapalag nang hilahin ako ni Kayin papunta sa parking lot kung nasaan ang kaniyang big bike. Sinuot niya sa akin ang isang itim na helmet at sa kaniya naman ay isang kulay gray. Nahihiya akong nagpasalamat sa kaniya na sinuklian niya lamang ng isang ngiti. Aniya ay bayad na lamang daw niya sa nagawa niya sa akin.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 00005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Ang trenta-minutos na papuntang airport ay naging diyes-minutos lang yata kay Kayin. Pakiramdam ko ay lumipad kami papuntang airport. Wala na akong pakialam kung nakayakap lamang ako noon sa kaniya at nakapikit. Grabe, ang kaskasero pala niya! Tinatak ko sa utak ko na hindi na ako uulit.
"S-Salamat, Kai," pagpapasalamat ko habang inaayos ang buhok kong tila naging isang pugad bigla.
"No worries. Go. You only have 30 minutes."
Sa sinabi niya ay kaagad akong nataranta at napatakbo. Ni hindi na ako nakapagpaalam nang maayos sa kaniya bago pumasok sa airport. Sobra akong kinakabahan habang tumatakbo at nanginginig ang kamay na dina-dial ang numero ni Kit. "H-Hello? Kit! N-Nasaan ka? Narito na ako sa—"
Natigil ako sa pagtakbo at sa paglinga sa paligid nang may matipuno at malakas na braso ang yumakap sa bewang ko dahilan para matigil ako. Habol ko ang aking hininga at hindi ko na alam kung ano ang dahilan ng pagtibok ng puso ko. Kung sa pagtakbo ba o sa taong ngayon ay nakayakap sa likuran ko? Sa amoy pa lamang niya, kilalang-kilala ko na kung sino.
"I'm here, babe," aniya sa mababa na boses na rinig ko rin sa cellphone na nasa tenga ko pa.
Dagli akong napaluha at humarap sa kaniya para yumakap. Sinubsob ko ang aking ulo sa kaniyang dibdib para hindi niya makita ang miserable kong mukha. Narinig ko siyang matawa.
"Hey." Inangat niya ang ulo ko para magkatinginan kami. "C'mon babe, don't cry. It'll be damn hard for me to leave like this."
Maingat na pinunasan ng mga daliri niya ang mga luha ko. Nahihiya ako sa pagiging madrama ko, pero masisisi niya ba ako? Natatakot ako, Kit.
"Mag-iingat ka roon at... huwag mong kalimutan na tumawag o mag-text sa akin," paalala ko.
"I can forget anything, but definitely not you, Renz."
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Napapikit ako nang halikan niya ako sa aking noo bago namin narinig ang boses ni Ate Maia dahil boarding na raw nila. Kahit ayaw ko pa siyang bitawan at gusto na lamang siyang hilahin para umuwi, hindi ko nagawa. Hindi ko gagawin dahil ayaw kong maging hadlang sa trabaho niya. Ayaw kong maging dahilan ng pagkasira ng importanteng meeting niya na ito. Ayaw kong maging makitid ang utak. Kailangan ko lamang na magtiwala sa kaniya.
"Is this the first time he'll leave you?" boses ni Kayin na kinagulat ko na narito pa rin pala.
Nasa labas na kami ng airport noon at papalubog na rin ang araw. Nakatanaw ako sa runway kung saan paalis na ang eroplano kung saan nakasakay si Kit. Napahawak ako sa alambre na harang doon, hinihintay ang tuluyan niyang pagkawala sa iisang lupa na aming inaapakan. Kung saan pupunta siya sa lugar kung saan wala ako at hindi ko siya nakikita.
"Oo," tipid kong sagot kay Kai.
"It'll be fine. It's just business, right?"
Napahigpit ang hawak ko sa alambreng harang. Alam ko naman iyon, ngunit ang lugar na iyon ay ang lugar kung nasaan si Sir Ellie. Paano kung magkita silang muli at maisip ni Kit na mahal niya pa rin pala ito? Mahal na mahal niya si Sir Ellie at isa ako sa mga saksi noon. Natatakot ako.
"Alam ko naman iyon pero..." Tumingin ako kay Kai at muli ay pumatak ang mga luha sa aking mga mata. "Pupunta siya sa lugar kung saan ay naroon din ang taong dati ay labis niyang minahal. Natatakot ako, Kai. Natatakot akong mawala siya. Natatakot akong masaktan."
Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko. Hinatak niya ako bigla para yakapin at wala na akong lakas para pigilan pa siya. Hinayaan kong pakalmahin niya ako habang hindi na matigil ang aking mga luha. Napapikit ako nang marinig ko ang pag- alis ng eroplano.
Wala na siya. Pakiramdam ko ay pinalaya ko siya para pumunta sa lugar kung saan ay walang kasiguraduhan kung ako pa ba pagkatapos. Kung babalik ba siyang muli at ako pa rin ang pipiliin. Siguro nga, dito kami hahamunin ng tadhana. Kung tunay at matatag ba ang aming pagmamahalan. Kung ako ba o siya pa rin.
Naging ako nga ba, Kit?
Bumalik ka. Bumalik ka sa akin, Kit.