Chapter [27]
"Ellie..."
Unti-unting nagbukas ang aking mga mata mula sa matamis at mapait na panaginip. I could feel someone beside me. Yumakap ako nang mahigpit sa aking katabi. I could feel someone's heat, someone's breath; it filled the loneliness in me. Nang makita ko na hindi iyon ang taong aking inaasahan ay natigilan ako, pero hindi naglaon ay kumalma rin. My excitement faded instantly at napalitan ng mapaklang pakiramdam. Umupo ako mula sa pagkahihiga, exposing my naked upper body. Nang maalala ang nangyari kagabi ay napasapo ako sa aking mukha.
Now I did it. We did it.
Mula sa pagsapo sa aking mukha ay napatingin ako sa taong aking katabi. I smiled with guilt. Walang dapat sisihin dito kung hindi ako. I felt so sad, so lonely; I needed someone to take that away. Pero ang kaisipan na si Terenz iyon ay wala akong pinagsisihan. Actually, mas nakahinga ako nang maluwag dahil siya ang pumuno ng kulang na iyon sa aking puso. Hindi ko lang maiwasan na makonsiyensiya sa kaniya.
Hinaplos ko ang buhok niya at dinama ang kaniyang paghinga. Malalim pa ang pagkahihimbing niya. I knew he needed to work, pero sigurado ako na hindi rin siya makatatrabaho nang maayos ngayon kaya hahayaan ko na lang siya na makapagpahinga. I'll tell Nana to let him be.
Yumuko ako at marahan siyang dinampian ng halik sa noo. "Thank you, Terenz. And I'm sorry."
Mabilisan akong naligo. It's been so long since I've spend time on that place, nakaka-miss. Wala akong trabaho ngayon at mambubulabog ako ng may pasok. By hook or by crook, may sasama sa akin ngayong araw na ito. Habang nagpapatuyo ako ng buhok ay kinuha ko ang aking cellphone. Maingat ang bawat kong galaw para hindi ko magising si Terenz, pero kahit siguro magsisigaw ako rito ay hindi siya magigising. His sleep looked so deep.
When I scrolled in my contacts, napatigil ako sa isang pamilyar na numero. Muling nanuot ang sakit sa aking dibdib. Kinalma ko ang aking sarili at kagaya ng mga litrato niya, binura ko na rin ang kaniyang numero. I needed to forget. I needed to heal. I needed it for myself.
"Bilisan niyo naman!"
Gulat akong napatingin sa harap ng kwarto ni Terenz pagkalabas ko ng aking kwarto. Nakita ko roon sina Nana at ang dalawa pang kasambahay. May hawak silang mga susi at tila tinitignan kung saan ang sasakto sa pinto ni Terenz. Iniwasan ko ang matawa dahil mukha silang lahat na kinakabahan.
"Goodmorning, Nana!" masaya kong bati na kinagulat nila. "What are you guys doing?"
Si Nana na pinakataranta sa lahat ang humarap at sumagot sa akin.
"Hay diyos ko, apo! Kanina ko pa kinakatok itong kwarto ni Terenz pero walang nasagot. Paano kung binangungot ang bata na iyon at hindi na nagising?"
Oh, damn. I bit my lower lip para itago ang aking halakhak. Sorry, Nana. Ako yata ang bangungot na iyon dahilan at hanggang ngayon ay tulog pa si Terenz. What a handsome and sexy nightmare.
"Ah, talaga po na hindi sasagot si Terenz sa inyo riyan," seryoso kong sabi.
"B-Bakit, apo?"
"Narito po kasi siya sa kwarto ko." Turo ko sa aking kwarto sabay ngisi. "Nasobrahan ko po yata siya kagabi kaya hanggang ngayon tulog pa."
Muntik na akong humagalpak sa tawa nang malaglag ang mga panga nila sa gulat. Nahulog pa nga sa sahig ang susi na hawak ng isa sa mga kasambahay. I think I've said too much.
"P-Pancho..."
I froze where I stood nang malipat ang paningin ko kay Nana na nandidilim ang paningin sa akin. Napalunok ako. That's her look everytime she's mad when I've done something that was not right for her. Uh-oh, I'm in trouble. "Anyway, hindi po siya makatatrabaho ngayon so let him be. Aalis po muna ako, tell Terenz I'm out, too. Bye! Love you, Nana!" walang preno kong sabi bago kumaripas paalis.
I've heard her calling my name over and over, pinipigilan akong umalis pero hindi ako nagpapigil. Hindi maaari na hindi ko siputin ang taong binulabog ko ngayong araw. Pasalamat ako at kahit isa sa mga busy ko na barkada ay may iisa akong nabubuwiset lagi.
At tama nga ako na pagkarating ko pa lang sa Lucky69 ay ang lukot at buwiset na buwiset na expresiyon ni Axel ang bumulaga sa akin.
"Yo, baby Axel!" Umakbay ako sa kaniya pagkaupo ko sa sofa kung nasaan siya.
Nakita ko na nakaorder na siya ng inumin namin. Halatang hindi nagmamadali, ah?
"Huwag mo akong maganiyan-ganiyan, gago. Sinira mo ang moment namin ng Keanu ko! Alam mo ba kung ano ang ginagawa namin no'ng tumawag ka?" bulyaw niya sa pagmumukha ko.
"Ako nga dapat ang magtampo, eh! Halos busy na tayong lahat, tapos ngayon ikaw lang ang naaya ko. Hindi niyo manlang ba na-mi-miss ang mga araw na tayo lang ang magkakasama?" pagdadrama ko.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 00005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"Coming from you, Del Mundo? Coming from you? Noong mga panahong umuwi si Ellie, nasaan ka? Lagi mo nga ako binababaan ng tawag no'n dahil ayaw mo magpaistorbo!" singhal din niya. "Huwag ako, kuys. Huwag ako." Imbes na matawa ay unti-unti na nawala ang ngisi na nakaplaster sa aking mukha. Even hearing his name could give a pain in my chest. Damn.
Nahalata yata ni Axel at naibaba niya ang iniinom na beer. Pinagmasdan niya ako nang maigi bago siya bumuntonghininga at tuluyang inilapag sa lamesa ang hawak na baso. "Problem?"
"Yeah," agaran kong sagot. "Sorry for not telling this earlier, but me and Ellie... we broke up."
Nagdaan ang gulat sa kaniyang mukha, paglaon ay napalitan ng awa. Sinabi ko sa kaniya hindi para kaawaan ako, but I guess, I really looked pitiful right now. "Kailan pa?"
"Bago siya umalis pabalik ng New York."
Napasandal siya sa kaniyang kinauupuan. I wouldn't blame Axel or even the other Pervs kapag hindi sila makapaniwala na wala na kami ni Ellie. We're head over heels for each other. Niloloko na nga nila kami dati kung kailan ang kasal. Pero hindi natin madidiktahan ang tadhana. Hindi natin alam kung ano ang mga mangyayari.
"Damn... naghiwalay na talaga kayo. I can't believe it, kuys. I mean, you guys are always perfect. Kinaiinggitan ko pa nga kayo." Tumingin siya sa akin. "Bakit?"
Tumingin ako sa kaniya. Ang sakit ay makikita sa aking mga mata.
"He chose his dreams over me, Ax. At iyon ang bagay na hinding-hindi ko maaari na kuhain sa kaniya. I would rather choose to be hurt than hurt him, than taking his dreams away from him. Mabuti na ako ang masaktan, huwag lang siya." Uminom ako ng alak, ninanamnam ang pait noon sa aking lalamunan.
"Pero mahal ka rin ni Ellie. Nakita namin iyon sa kaniya. Sigurado ako na nasaktan din siya, kuys."
"Maybe. Pero mas lalo lamang siyang masasaktan kapag pinapapili siya. Mas masasaktan lang siya kapag nanatili ako at itakwil siya ng mga magulang niya. I can't afford seeing him in pain."
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! "Damn..." Axel breathed a cuss. "Itagay na lang natin 'yan, kuys. Naniniwala ako na may iba pa riyan para sa'yo."
Tumingin ako sa kaniya dahil tila may pinapahiwatig siyang iba, pero nakataas na ang baso niya kung kaya hindi ko na iyon pinansin. Hindi na namin pa pinag-usapan si Ellie and I am thankful for that. I must say na kahit parang aso at pusa kami nitong si Axel, siya pa rin ang numero unong takbuhan ko lagi. We're a little closer than the other Pervs afterall. Axel was my first friend.
"Before I forgot." Natigilan ako sa pagpasok sa aking kotse noong pauwi na kami. "Stop texting Terenz." I glared at him.
He just laughed at me at ako nama'y inismiran siya bago tuluyang umalis doon. I'm not drunk but I could feel the alchohol in my system. Tamang-tama lamang na bigyan ako ng kaginhawaan mula sa aking nadarama.
Pagkarating ko sa mansiyon ay sigurado akong tapos na ang hapunan. Buong araw rin kaming nag-usap at nag-inuman ni Axel. Nakita ko na tanging ang ilaw na lamang sa sala ang meron. Guess, I would be the one who would lock all the doors tonight. "Salamat po, Sir Axel. Hinihintay ko nga po siya ngayon."
Natigilan ako sa paglalakad when I heard Terenz's voice. Mukhang nanggagaling iyon sa may pool area kung kaya ay roon ako dinala ng aking mga paa. I'm walking a little bit wobbly, pero klaro pa naman ang aking paningin.
Nakita ko siya sa may pool, nakatayo at may kausap sa cellphone. Basi sa aking narinig kanina ay pangalan ni Axel ang binanggit niya. I frowned. That bastard. I clearly said not to call or text Terenz anymore. Mas nalukot ang aking mukha noong nakita ko pa si Terenz na tumatawa na abot tenga. Sayang-saya, ah?
Without making a sound, lumapit ako sa likuran niya at hinablot ang cellphone niya na hawak. Nakita kong labis siyang nagulat at napasigaw pa. Agad kong inilapit ang cellphone sa aking tenga.
"Sabi ko na huwag mo nang kausapin si Terenz!" I madly shouted.
Agad kong pinatay iyon. I even blocked Axel on his list at tinapon pabalik sa kaniya ang kaniyang cellphone. Mabuti at nasalo niya.
"Pumasok ka na," malamig kong sabi.
Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot. Ang init ng alak sa aking katawan ay umakyat yata sa aking ulo. And I am more confused to why I am so mad right now. Damn you, Ax!