Chapter [13] Terenz Dimagiba
Masaya akong naglalakad sa gilid ng dalampasigan dito sa Punta Bunga Beach- isa sa private beach dito sa Shangri-La Hotel na tanging mga guest lamang nito ang makapupunta. Bawat kuha ko ng mga litrato sa paligid ay diretso kong pinapadala kina Nanay na tuwang-tuwa rin habang nakikita ang mga iyon. Sana nga lang talaga ay kasama ko sila rito at na-e-enjoy namin ng magkakasama ang ganito kagandang lugar.
Pangalawang araw na namin dito at habang busy ang amo ko kasama si Ate Maia sa pagpunta at pag-asikaso sa site raw na tatayuan nila ng bagong hotel, heto ako at hinahayaan niyang magliwaliw. Kahapon ay buong araw naman akong nakasunod rito, kaso nang nakita niyang nakatunganga lang ako kabubuntot sa kanila, sinabi niya kanina na mas mabuti na lang daw kung maiwan ako. Napabuntonghininga ako. Bakit pa niya ako sinama rito kung iiwan lang naman pala niya ako ritong mag-isa sa hotel? Kungsabagay, wala nga palang magbibitbit sa mga bagahe niya at mag-aasikaso ng mga gamit at susuotin niya pagkaumaga.
Naupo ako sa pinong buhangin ng isla at binusog ang aking mga mata sa malinaw at malawak na dagat. Tila ini-engganyo ako noon na lumusong at maligo. Tamang-tama, hindi pa naman ako nakaliligo at maya-maya pa naman babalik sina Sir bago mananghalian. Magtampisaw kaya muna ako? Kahapon ko pa 'to gustong gawin.
Luminga muna ako sa paligid at napangiti sa aking sarili nang makitang ako lang ang tao sa banda ko. Tumayo ako at hinubad ang aking pang-itaas, hinayaan ang aking puting cotton shorts na nakasuot. Agad na kumintab ang moreno kong balat nang matamaan ng sinag ng araw. Gusto ko na muling madama ang karagatan. Ang buhay ng kagaya kong lumaki sa pangingisda.
Patakbo akong lumusong sa dagat at agad na pumasok sa ilalim noon. Nakakita ako ng maraming coral sa mabughaw na tubig at mumunting mga isda na sinubukan kong dakpin ng aking mga kamay. Nakaka-miss lang. Sa isla namin kapag tapos na akong mangisda, naliligo rin ako sa dagat at nakikipaglaro sa mga isda sa ilalim ng tubig. Dumadagdag ang pangingitim ko dahil doon, pero wala naman akong paki. Roon ako masaya.
"Whooh!" sigaw ko pagkaahon at nakataas pa ang dalawang kamay. Ramdam ko ang pamumuo ng kakaibang kiliti ng excitement sa buo kong katawan. Nabubuhay talaga ang dugo ko kapag nasa dagat. "Someone's enjoying himself, huh?"
Naibaba ko ang dalawa kong kamay at napabaling sa direksiyon na pinanggalingan ng boses na iyon. Mula sa hindi kalayuan, sa bahagi kung saan hindi naaabot ng alon, nandoon at nakatayo ang topakin kong amo. Gwapo sa suot na puti at manipis na polo at orange na short na may disenyo na mga dahon. Nakabukas pa nga ang tatlong butones sa taas ng polo niya at makikita ang lantad niyang dibdib na may mumunting mga balahibo. Pinadaanan ng kamay niya ang buhok niya na nakababa ngayon, 'di kagaya ng palaging ayos noon na may style o tila may gel. Mas gusto ko iyan, tila ang lambot-lambot ng buhok niya kapag ganoon at kapag pinapadaanan ng kamay ay kaagad na bumabalik sa dating pwesto. Nakita ko ang panliliit ng mga mata niya ng tila mapansing inieksamina ko siya.
Wala sa sariling naiyakap ko ang aking mga braso sa hubad kong katawan, naiilang sa hindi malamang dahilan. Sa ilalim ng mabibigat niyang titig, naramdaman kong muli ang kakaibang init na pilit ko nang kinakalimutan. Ayun na naman ang mumunting kiliti na namumuo sa aking tiyan at tila ay bumababa sa aking pagkalalaki. Napayuko ako. Tila naging kahinaan ko na ang mga mata niya.
"Anong arte 'yan?" suplado niyang saad kung kaya muli akong tumingin sa kaniya.
Nakataas ang isa niyang kilay at nakakrus na ang mga braso sa dibdib. Inalis ko ang pagkakayakap ng aking mga braso sa aking katawan at napakamot sa aking pisngi.
"Sorry, Sir. Tatakas na po ako. Manananghalian ka na?" sabi ko at nagsimula nang maglakad paalis sa kabewang na taas na tubig dahil alam ko na ako na naman ang uutusan niya na kumuha ng kakainin niya at idala na lang doon sa malaking pwesto na inuukupa namin. Maraming kwarto roon, hindi lang isa.
"Shut up and stay there," sambit niya.
Nanlaki ang mga mata ko at napatigil ako sa paglalakad - hindi na nakaalis pa sa dagat ng hinubad niya ang sariling pang-itaas. Tumambad sa akin ang hitik sa laman at mabato niyang katawan. Meron din naman akong mga masel, kaso hindi kagaya ng sa kaniya. Tili iniskulpa sa sobrang perpekto. Bakat na bakat ang abs sa tiyan niya at naghihimutok ang masel sa kaniyang mga braso. Napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit bukod sa init ng araw at tubig sa dagat ay tila pinapakuluan na ang buo kong katawan sa sobrang init.
Hinubad niya ang sandalyas na suot at unti-unti ay lumusong sa dagat.
"M-Maliligo ka rin?" nagugulat ko pa ring tanong.
Sininghalan niya ako ng tingin na tila hindi pa ba obvious ang gagawin niya.
"Ikaw lang ba ang gustong mag-enjoy?" sabi niya at pinaikutan pa ako ng mga mata.
Lihim akong natawa. Buti naman at tila nawawala na ang tensiyon sa aming dalawa. Baka humupa na ang init ng ulo niya mula sa nangyari kamakailan sa hindi ko pa rin alam na dahilan. "Nasaan pala si Ate Maia?" tanong ko sa kaniya - hindi siya magawang tignan.
Hindi siya sumagot at pumasok sa ilalim ng tubig. Hinintay ko siyang umahon at naisip na kagaya ko, mukhang mahilig din ang amo ko sa tubig. Nakaramdam ako ng bahagyang tuwa.
Nang nakaahon siya, agad na nanuyo ang aking lalamunan. Kitang-kita ko ang pagtulo ng butil-butil ng mga tubig mula sa kaniyang buhok, hanggang pisngi, sa leeg hanggang pababa. Ilang beses akong napalunok. Bakit gano'n? Hindi naman babae si Sir, pero natutulala ako sa kaniya? Normal pa ba 'to? Ang mga katanungan na tumakbo sa aking isipan.
"Maia's boyfriend came, iniikot nila ang ibang parte ng isla," kaswal na sabi niya habang pinapagpag ang kaniyang buhok.
Nang makita ko na lilingunin na niya ako ay wala sa sarili na pumasok ako sa ilalim ng tubig. Nakapikit ako habang lumalangoy kung saan-saang direksiyon. Tila nakikipagkarerahan ako na wala naman akong kalaban. Kung kaya pag-ahon ko, halos sumunggab ang tungki ng mga ilong naming dalawa. Hindi ko akalain na sa harapan niya mismo ako mapupunta. Hindi ako nakapagsalita, natuod akong bigla. Lalo na at nakikita ko ng sobrang lapit ang abo niyang mga mata, halos hindi na nga makadaan ang hangin sa sobrang lapit namin. Kapag may magsalita ni isa sa amin, tiyak dadampi na ang aming mga labi at bumigat ang hininga ko sa kaisipang iyon.
Bumaba ang tingin ko sa perpekto at mamula-mula niyang mga labi. Nakita kong ganoon din siya. Napabuka ng kaunti ang mga labi ko at bumibigat na ang aking hininga na lumalabas doon. Tila nahihilo ako, lumalala na ang kiliti sa aking tiyan at may naririnig na akong mumunting pintig sa loob ng aking katawan.
Kung hindi ko lang nakita na tumaas ang sulok ng labi niya ay hindi pa ako nakabalik sa kasalukuyan. Malakas ko siyang tinulak at walang lingon na tumakbo paalis sa dagat.
Sobrang lakas ng tibok ng aking puso. Delikado na ako.
Ellie Saavedra
I tiredly putted all my weight sa bench sa gilid ng ice rink after my day ended again. Hinawakan ko ang aking batok at hinilot-hilot iyon habang pinapaikot-ikot ko ang aking mga paa. My day ended again like this.
Napatingala ako nang may tumbler na lumitaw sa aking paningin. It was my coach. Without much energy, I accepted it at lumagok doon habang ang kakaunting natira ay binuhos ko sa aking ulo. Dreams could be fucking tiring, too. Kung gusto mong maabot, you'll have to endure the process.
"El, what we talked about sa meeting - have you decided about it already?" alinlangang tanong ng aking coach kung kaya malamya akong ngumiti sa kaniya.
Dumapo ang aking paningin sa itaas na bahagi ng rink kung saan may glass window at sa pagitan noon ay may dalawang pares ng mga mata na nakatunghay sa akin. They were just sitting there with all poise habang may mga boady guard at PA na nakaantabay sa bawat galaw nila. They ended their day like this, too. Going to work, then after, monitoring my day. Yeah, they're my parents alright.
"Wala na akong choice, coach. I fighted for it all these years, yet, naandito na ang kinatatakutan ko." Napahigpit ang hawak ko sa tumbler sa aking kamay. "I can't have both - I know I need to let go of one."
Alam ko na habang papalapit na ako sa tuktok, mas hihigpit pa ang aking mga magulang. They tolerated what I wanted all these years. Kahit pa noong una nilang nalaman ay sampal mula kay Dad at pangaral mula kay Mom ang aking natanggap. Ofcourse, he didn't know about this. But this time, wala na akong laban. Kahit anong kagustuhan ko na hawakan ang dalawa, kailangan ko nang bitawan ang isa.
"El-"
"One week. Kailangan ko munang umuwi sa kaniya." Nanlabo aking mga mata sa namumuong luha roon. "Please?" Habag na dinapuan ako ng tingin ng aking coach. Kaso kahit awa ay hindi na makatutulong sa akin ngayon.
He heaved a sigh. "Okay, fine. Ako na ang bahalang ipaalam ka sa parents mo. They will let you go for that decision."
Mapait akong napangiti. Magulang ko sila but I could't help but to hate them. Dati ayos lang sa'kin kung paano nila ako palakihin, but Pancho came. He happened and my world became different. Pinapasok ko siya sa mundo ko kahit pa alam ko na sa dulo, kailangan ko rin siyang paalisin. He became my happiness, everything, as well as my karma until he's nothing.
Dinampot ko ang aking cellphone at binuhay iyon. My wallpaper kung saan nakahalik siya sa aking pisngi habang ako ay malapad na nakangiti sa camera ay nagpatulo ng isang butil ng luha sa aking mata. I couldn't wait to be wrapped around his arms again, to feel his warmth, to be at home to him.
"I'm going home, babe."