Chapter 9:
"Mar, anong ginagawa mo rito?" mahina kong tanong sa kaniya nang bigla na lang siyang sumulpot sa harapan ko sa gitnang bahagi ng library. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin na halos naamoy ko na ang hininga niya. Inilapit pa niya ang kaniyang bibig sa tainga ko saka nagsalita. "Pag-aaralan pa kita para kahit nakapikit ako, alam kong nasa paligid lang kita."
Nanuot ang mainit niyang hininga sa tainga ko na nagpatayo sa balahibo ko sa aking leeg. Hindi ko na alam kung paano itatago ang kilig kaya mahina ko siyang kinurot sa tagiliran habang nakangiti. "Ewan sa 'yo, Mar napaka-cheesy mo," ani ko kahit deep inside natutunaw na ako.
"Ewan ko nga ba kung bakit pagdating sa 'yo, nagiging corny ako." Inilayo niya ang kaniyang mukha sa akin, saka iginawad ang mapang-akit niyang kindat.
"Kasalanan ko pa ngayon? Sadya ka namang corny noon pa, eh," balik ko.
"Sino kayang nagturo sa akin ng mga banat na corny noon?" Makahulugan niya akong tiningnan.
Natawa ako, saka saglit na yumuko. "Oo na, ako na," pagsuko ko. Malimit kasi ako noong magbigay ng mga banat kay Mar para sa mga babaeng nililigawan niya at super corny nga ng mga 'yon. "Oh Mar?"
Ganoon na lang ang gulat ko na halos malaglag na ang puso ko sa sahig dahil sa pagsulpot ni Jame. Mabilis din na lumayo si Mar sa akin.
"J-jame?" ani Mar.
"Akala ko hindi ka pupunta ng library?" nagtatakang tanong ni Jame.
"Ah! Naisip ko na kailangan ko pa lang pumunta rito."
Hindi ako makaimik at makatingin kay Jame. Hindi ko alam kung anong nadatnan niya.
"Oh, nandito ka rin pala Jan?" baling niya sa akin.
Lumingon ako sa kaniya at pilit na ngumiti. "Yes, gagawa kasi ako ng assignment," sagot ko. "Assignment with Mar?"
Ewan ko pero kinabahan ako at napalingon kay Mar. Bakit parang may alam siya sa relasyon namin?
"No, we've just met here," dahilan ko.
"Oh? Destined to met each other, huh?"
Pilit na lang akong ngumiti dahil sa kakaibang pakikipag-usap ni Jame. "Sige, mauna na ako sa inyo," paalam ko at walang lingon-lingon na lumayo sa lugar na 'yon. Nakahinga rin ako ng maluwag at napasimangot. Wala akong tiwala sa Jame na iyon.
-
"Mukhang kanina pang hindi maipinta 'yang mukha mo, ah?" puna ni Ken sa akin habang kumakain kami sa cafeteria.
Saglit ko lang siyang tiningnan at muling bumaling sa kinakain ko. "Nakakainis lang kasi 'yong mga taong mahilig manira ng moment," sabi ko na ang tinutukoy ay si Jame.
"Huh?" Napakunot na lang ng noo si Ken.
"Wala, wala," sabi ko.
"Sino ba kasing tinutukoy mong nanira ng moment?"
"Wala nga ka-" Hindi ko naituloy ang sasabihib ko nang mahagip ng mga mata ko ang kapapasok lang na si Mar at Jame na tila kapwa masaya sa bawat isa.
Lalong kumulo ang dugo ko na kaya nang pumaso sa buong pagkatao ng Jame na 'yon. Naiinis ako kay Mar na parang happy-ng happy sa babaeng 'yon. Nakagat ko ang labi ko.
"Hoy, baka mabali 'yang kutsara't tinidor, Jan. Hoy!"
Umiwas ako sa gawi ni Mar nang makita kong tumingin siya sa akin. Mabilis ako sumubo ng pagkain, sunod-sunod dahilan para mapaubo ako.
"Tubig, tubig! Dahan-dahan lang kasi, Jan wala ka sa contest sa pabilisan ng pagkain," natatawang ani Ken.
Hindi ako umimik. Naiinis talaga ako at gusto kong lapitan si Mar at halikan para sabihin sa babaeng 'yon na akin na ang lalaking nilalandi niya.
"Anong gusto mong gawin, Jan? Gusto mo pilayan natin si Mar?"
Seryoso akong lumingon kay Ken at pinanliitan siya ng mga mata. "Ikaw kaya pilayan ko, gusto mo?" balik ko.
"Opps! Kakampi kaya ako bakit ka sa akin nagagalit," natatawang aniya.
Iniamba ko ang mga palad ko sa kaniya para paluin siya. "Baliw ka kasi," sabi ko. Kinuha ko ang kutsara niya at nilagyan iyon ng kanin. "Oh, ayan kumain ka na lang." Sinubo ko sa kaniya ang kutsarang puno ng kanin.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Natawa na lang ako kay Ken na halos hindi na makapagsalita sa dami ng pagkain sa bibig niya.
"Hoy, Jan! Jan!"
Huminto ako sa paglalakad ngunit hindi lumingon sa tumawag sa pangalan ko. Naiinis pa rin kasi ako kay Mar.
"Kanina pa kitang hinahabol, eh," aniya nang makarating sa akin.
"Alam ko," malamig kong sagot nang hindi lumilingon sa kaniya. Uwian na at halos mauubos na rin ang mga estudyante sa buong school.
"Kanina ka pang ganiyan, may nangyari ba?" malumanay niyang balik sa akin.
"Bakit 'di mo tanungin 'yang sarili mo kung anong nangyari?"
Hindi agad nakaimik si Mar. "Dahil ba kay Jame?" diretso niyang tanong.
Hindi ako umimik. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Mar. "Are you jealous?"
"Hindi, I'm happy," sarkastiko kong sagot.
"Ano ka ba naman, Jan there's nothing you should be jealous," puno ng lambing na sabi niya.
Dahil sa inis ginaya ko ang sinabi niya nang pabulong habang nakayuko. "Alam mo namang gusto ka ng tao and you keep on approaching her."
"Jealous girlfriend, huh?" Naramdaman ko na lang ang pagyakap niya sa akin. "Ganito pala 'yong feeling kapag nagseselos 'yong taong mahal mo. Mas nararamdaman mo 'yong pagmamahal niya para sa 'yo. But I assure you, I'm yours," matamis pa sa asukal na pahayag ni Mar.
Nawala ng biglaan ang inis at selos na nararamdaman ko. Bigla akong napangiti.
"Ewan sa 'yo, Mar kahit sayang-saya kang kasama ang Jame 'yon?" Kunyaring nagseselos pa rin ako.
Humiwalay si Mar sa pagkakayakap at hinarap ako. "But I'm more than happy with you, Jan," balik niya.
Sumilay ang ngiti sa mga labi ko na kulang na lang sakupin na ang buo kong mukha. "I know you're happier wih me." Niyakap ko siya ng mahigpit. Dahil mas matangkad siya sa akin tumingala ako sa kaniya. "Dahil sa mga sinabi mo, I am happy now at buong puso akong magtiwala sa 'yo." Ngumiti ako sa kaniya.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! "Aysus! Tama na nga ang pagpapa-cute sa harap ko, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at halikan kita diyan," natatawang sabi niya.
Mabilis kong tinago ang mukha ko sa katawan niya. "Hindi naman ako nagpapa-cute, eh it's me," sabi ko.
"Sige na, oo na cute ka na," pagpayag niya at niyakap ako pabalik.
Humiwalay ako sa pagkakayap ko sa kaniya. Kinuha niya ang mga kamay ko, saka ngumiti sa akin. Nagsimula na kaming maglakad. Wala na ang ibang estudyanteng naroon. "Eh, ikaw bakit sobrang saya mo kanina sa cafeteria kasama ang Ken na 'yon, huh?" sabi naman ni Mar.
Lumingon ako sa kaniya. "Masaya kasing kasama si Ken because he's a kind of person with a sense of humor," pagtatapat ko.
Nakita ko ang paglungkot ng mukha ni Mar. "Bakit ka nagtiyatiyaga sa boring na tao?"
Napangiti ako. "Yes, masayang kasama si Ken but the happiness you bring is nothing compare," masaya kong sabi.
Utay-utay nagkaroon ng saya ang mukha ni Mar dahil sa sinabi ko. "Pero huwag kang umasang magiging okay kami ng Ken na 'yon. I still watching him."
Napailing na lang ako. "Wala namang gagawing masama si Ken sa akin, eh. Mabait siyang tao, okay?"
"Basta, masama ang kutob ko sa lalaking 'yon."
"Bahala ka nga diyan."
Bumitaw ako sa pagkakahawak kamay namin at nagmadaling maglakad. Naiinis ako kay Mar dahil sa pagka-immature niya pagdating kay Ken.
"Jan," tawag niya pero 'di ko pinansin.
"Bahala ka riyan, kausapin mo 'yang sarili mo baka magkasundo pa kayo," inis kong sabi.
"Oo na, susubukan ko nang maging maayos kami ng lalaking 'yon," narinig kong aniya.
Huminto ako sa paglalakad. "Siguraduhin mo lang 'yan, Mar," paninigurado ko.
"O-oo, promise." Tinaas pa niya ang kanang palad tanda ng promise niya.
Sana nga ay maging tunay iyon para matahimik na rin ang mga buhay naming tatlo. Mas masaya kung magkakasunod ang lahat at mas masaya kung lahat ay nagmamahalan.