Chapter 10:
"Ken, please para sa akin na lang," pagmamakaawa ko sa kaniya. Ayaw kasi niyang makipag-ayos kay Mar na para bang ikamamatay niya 'yon kung gagawin niya. "Pareho ko kayong kaibigan at ayaw kong palagi na lang mamagitan sa inyo sa tuwing nag-aaway kayo,” dagdag ko pa.
Inalis ni Ken ang tingin sa akin at binaling ang atensyon sa kalawakan ng plaza. Pumamulsa pa siya at nangunot ang noo.
Saglit siyang nanahimik. "It's up to him, Jan," pakli niya. "Kung sa akin lang, makikipag-ayos ako kung 'yon ang gusto mo. Isa pa, ayaw ko ring pahirapan ka sa pamamagitan sa aming dalawa," sa wakas ay sabi niya.
Dahil sa narinig ko mula kay Ken, napangiti ako dahil napanatag na ang loob ko na magiging okay na silang dalawa. Ayaw ko kasing sa tuwing nagkikita sila tila ba nagiging mga tigre na handang sakmalin ang isa't isa.
"Thank you, Ken," masuyo kong sabi. "Alam ko naman kung gaano kalaki 'yang puso mo para umintindi at makipag-ayos. Alam ko kasi kung gaano ka kabuting tao at bulag na lang ang hindi makakita noon." Ngumiti ako sa kaniya pero ewan ko ba kung bakit parang may sakit at lungkot sa mga mata niya.
"You don't really know, Jan baka hindi pala ako ang taong inaakala mo," makahulugan niyang pahayag na nagpakunot sa noo ko.
"Of course you are, Ken. You're kind and softhearted Man I've ever met, Ken at alam kong ikaw 'yon. Hindi ako maaaring magkamali na isa kang mabuting tao," balik ko.
Blangko ang mukhang humarap siya sa akin. "I don't deserve your compliments, Jan but I don't want you to disappoint."
Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung bakit sinasabi iyon ni Ken. Hindi ako sanay na ganito siya.
"Ken, believe in yourself. Nandito ako naniniwala sa 'yo," pagpapagaan ko sa loob niya. "Tell me, may problema ka ba?" nag-aalala kong tanong.
Saglit siyang yumuko saka ngumiti na alam kong pilit lang. "Don't worry, Jan I'm okay. Epekto ata 'to ng kapapanood ko ng mga drama," aniya. "Ano, tara kain tayo." Napatulala na lang ako habang naglalakad si Ken palayo. Alam kong may kakaiba. Hindi siya ang tipo ng taong magdadrama ng wala lang.
"Jan, tatayo ka na lang ba? Treat ko," sigaw niya ng mapansing nakatayo lang ako.
Kahit nagtataka, sumunod ako sa kaniya. Saka ko na siguro tatanungin kung anong problema niya baka hindi pa siya handang sabihin sa akin.
-
"Kanina ka pa ba rito?"
Naramdaman ko ang mainit na katawan ni Mar na yumakap sa sa akin. Ipinulupot niya ang kaniyang mga braso sa baywang ko saka pinatong ang baba sa balikat ko. "Ikaw ang hinintay ko, Mar at kahit gaano pa katagal, maghihintay pa rin ako dahil alam kong darating ka," masuyo kong sagot.
Hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin mula sa likod ko. "Kailan ka pa natuto ng mga banat na ganiyan, Jan?"
"Simula no'ng minahal kita," agad kong sagot. "You taught me a lot, Mar at ang hindi ko makakalimutang tinuro mo sa akin ay 'yong mahalin ka," masaya ko pang dagdag.
"Fast learner ka kasi, Jan." Bahagaya siyang natawa sa sinabi. Mayamaya'y napabuga siya ng hangin. "Pero alam mo, Jan? Mas marami kang tinuro sa akin at lahat ng 'yon hindi ko makakalimutan. Tinuruan mo ako kung paano maging masaya at kung paano tanggapin kung sino ako," seryosong sagot ni Mar.
Hinaplos ko ang braso niya na nasa baywang ko. "Siguro we destined to taught each other para maging masaya sa isa't isa." Huminto ako ng saglit at matamis na ngumiti. "Salamat sa pagdating sa buhay ko para iparanas sa akin 'yong ganitong saya na akala ko noon imposible kong maramdaman," buong pusong pahayag ko.
Ibinaling ko ang aking paningin sa maaliwalas na kalangitan kung saan kitang-kita ko mula rito sa rooftop ng building ng school.
Naramdaman ko ang labi ni Mar na lumapat sa balikat ko kasunod ang tunog ng paghalik niya roon. "Sorry, Jan dahil bago mo maramdaman 'yong ganito, nasaktan kita ng lubos."
"And thank you for hurting me. You made me strong and realized how important you are to me. Hindi ko kayang mawala ka, Mar at kahit hindi tayo 'yong para sa dulo. Gusto ko pa ring manatili 'yong friendship na mayroon tayo." May pait na lumitaw sa boses ko dahil sa katotohanang nandito pa kami sa puntong hindi pa sigurado ang lahat. Kumbaga nasa testing part pa lang kami ng isang machine bago ito i-market.
Naramdaman ko ang pagluwag ng yakap ni Mar sa akin. "Kahit masaktan kita ng lubos, gugustuhin mo pa ring maging kaibigan ko?" seryosong tanong niya. Nasa tabi ko na siya ngayon at nakatingin lang sa paligid.
Hindi agad ako nakaimik. Paano kung mangyari 'yon? Paano kung sa huli masaktan ako ni Mar, kakayanin ko pa bang ayusin ang lahat sa amin?
"For you to heal the pain you need closure at tanggapin na hanggang doon na lang kayo."
Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. "Hindi ko maipapangakong hindi kita masasaktan, Jan pero kaya kong ipangako na papasayahin kita." Saglit siyang napakurap at napayuko. "Hindi natin alam kung hanggang saan lang itong relasyon natin kaya Jan ipangako mo sa akin na magtitiwala ka sa akin anumang mangyari at ganoon din ako sa 'yo. Kung hanggang saan man 'to, ang mahalaga naging masaya tayo." Bakas ang takot sa mukha niya na baka matapos din 'yong relasyong meron kami.
Tumango ako saka ngumiti sa kaniya. Iginalaw ko ang aking mga kamay at inilapat 'yon sa pisngi ni Mar habang nakatingin sa mga mata niya. "Ipinapangako ko na magtitiwala ako sa 'yo, Mar kahit na anumang mangyari. Hindi man tayo sigurado pero gusto kong kausapin si kupido na sana tayo na lang. Na sana kahit anong mangyari, magkasama pa rin tayo sa huli." Hinaplos ko ang pisngi niya habang kita ang pangamba sa aking mga mata.
Tumango si Mar at hinaplos ang pisngi ko gamit ang mga kamay niya. Mabilis siyang gumalaw, natagpuan ko na lang ang sarili ko na nagbibigay ng kapantay na halik sa kaniya. Pagkatapos ng halik na iyon, niyakap ko siya ng mahigpit. "Sigurado na ako sa 'yo, Mar."
-
Halos mabingi ako sa malalakas na hiyawan ng mga kaklase nang i-announce ni Mrs. Cortez na magkakaroon ng Valentine's Ball ang lahat ng grade 12 students. Halos lahat ng mga kaklase ko excited na sa gaganaping ball at ganoon din ako. Napatingin ako kay Mar na nasa tabi ko lang nang maramdaman ko ang pagkuha niya sa aking kamay para hawakan. Pinalakihan ko siya ng mata habang hindi maitago ang kilig sa labi ko. "Baka tayo makita," bulong kong sabi. Kinindatan lang niya ako, saka bumaling sa mga kaklase namin na halos magsasayaw na sa sobrang tuwa.
Matapos ang klase sabay na kaming lumabas ng classroom. Nagkaroon na rin kami ng distansiya ni Mar lalo na nang makita ko si Jame na palapit sa aming dalawa na may mapaglarong mga ngiti.
"If I don't know na mag-bestfriend kayo baka inisip ko na may relasyon kayong dalawa," bungad niya na natawa pa sa sinabi ganoon din ang dalawa niyang asungot. "Pero alam ko naman kasi na besfriend kayong dalawa," bawi niya tsaka nilampasan kami.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Mar. Bakas ang kaba sa akin dahil baka may alam na si Jame sa aming dalawa ni Mar.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Ngumiti si Mar sa akin, saka ako inakbayan. "Don't think too much, darling," pabulong pa niya sabi.
Kinurot ko siya sa tagiliran kaya napaigtad siya at napatawa. Tumakbo ako ng mabilis na agad naman akong hinabol ni Mar. Napatawa na lang ako habang tumatakbo. Pakiramdam ko walang tao sa paligid at tanging kami lang ni Mar ang naroon na tila ba amin ang mundo.
Nang makarating kami sa cafeteria, kapwa kami nahihingal sa kakatakbo. Kumuha agad kami ng table at si Mar na ang um-order ng pagkain namin.
Nang makabalik siya sa table namin, iniabot niya sa akin ang soft drink na agad kong ininom.
"Hanggang ngayon pala mabagal ka pa ring tumakbo," pang-aalaska ko kay Mar.
"Pinagbigyan lang kita," balik niya.
"Aysus, palusot mo!" Nadako ang mga mata ko sa papasok na si Ken. Agad ko siyang kinawayan na lumapit sa amin. Hindi agad siya gumalaw pero sa huli'y lumapit din.
"Sumabay ka na sa amin, Ken," sabi ko sa kaniya nang makarating siya sa table namin.
"Hindi na baka nakakaabala ako sa inyo."
"Butit alam mo-"
Sinipa ko ang paa ni Mar dahil sa sinabi niya. Naramdaman ko na naman ang tensyon sa pagitan ng dalawang 'to.
"Hindi naman, Ken. Isa pa, 'di ba sabi mo makikipag-ayos ka na kay Mar." Bumaling ako kay Mar. "Di ba makikipag-ayos ka na rin?" tanong ko sa kaniya.
Pilit na tumango si Mar. "Oo naman," aniya pa.
"Good," nakangiti kong sabi. "Maupo ka na," aya ko pa kay Ken.
Matapos um-order ni Ken ng pagkain, sabay-sabay na kaming nagsimula sa pagkain habang hindi pa rin nawawala ang tensyon sa kanilang dalawa na para bang isang iglap lang ay magsasabong silang dalawa. "By the way Ken may napili ka na bang partner mo para sa Ball?" tanong ko kay Ken na napatingin sa akin.
Saglit siyang nag-isip. "Hmm hindi ko pa siya natatanong kung papayag siyang maging partner ko para sa Ball," aniya na marahil ang tinutukoy niya ay 'yong babaeng matagal na niyang gusto.
"Ikaw pa? Sa gwapo mong 'yan bulag na lang ang tatanggi sa 'yo," kumpyansa kong sagot.
Mapakla siyang ngumiti. "Kung ikaw ba ang yayayain ko sa Ball papayag ka?" walang pangundangan niyang tanong.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Hindi ako nakaimik sa tanong niya dahil hindi ko 'yon inaasahan. Napatingin ako kay Mar na matalim ang mga tingin.
"He's my partner so don't you dare to ask him," madiing sabat ni Mar.
Hindi siya pinansin ni Ken. "Marahil ganiyan din magiging reaction niya kapag inayaya ko siya," patuloy niya.
Pilit akong ngumiti dahil tila lalong lumalala ang tensyon. Kita ko kay Mar na halos nagngangalit na ang mga ngipin habang si Ken naman ay chill na hindi ko alam kung bakit may lungkot pa rin sa mga mata niya. "Maniwala ka, Ken papayag 'yon," pagpapalakas ko sa loob niya.
"Well, let's see," aniya. "Ikaw sinong partner mo?
Hindi agad ako nakaimik at mayamaya'y napatingin ako kay Mar na nakatingin sa akin.
"He's my partner," pakli ni Mar.
"Oh! Good," sabi naman ni Ken na blangko na ang mukha.
Alangan akong napangiti dahil sa sinabi ni Mar. Hindi ba siya nag-iisip o gusto niya lang mang-asar.
"Mahilig talagang mag-joke 'yang si Mar," sabi ko pa, saka sumubo ng pagkain.
"I'm not joking, Jan."
"Kumain ka na lang, Mar at ng mabusog ka pa."
Natigil na lang ng tumikhim si Ken na kanina pa kaming pinagmamasdan. Nagpatuloy na lang kami sa pagkain habang tinatago ko ang kilig.
Nang matapos kaming kumain hinarap ko silang dalawala. "Kayong dalawa, please magkasundo na kayo para sa tahimik na school year na 'to," pagsisimula ko. "Ikaw Mar, please naman don't be so hotheaded, okay? Kailangan mong intindihin na kaibigan ko rin si Ken. At ikaw naman Ken, huwag mo nang patulan ang kainitan ng ulo nitong si Mar para walang gulo." Bumuntong-hininga ako. "Please, ayusin niyo 'yang pakikitungo niyo sa isa't isa 'di naman na kayo mga bata, eh." Walang imik ang dalawa na tila mga batang pinagalitan ng kanilang mga magulang.
"Ano? Naiintindihan niyo?"
Sabay na tumango ang dalawa na nagpangiti sa akin.