Chapter CHAPTER 68: THE NEW BOSS
DASURI
It's been a month since bumalik kami sa bahay. Ang bilis talaga ng panahon sinong makakapagsabi na nasa ika-anim na buwan na ko nang pagbubuntis? Akalain nyo 'yun?
"Gutom kana? Tara, magluluto na ko. Ano ba gusto mo?" tanong ni Kai habang pareho kaming nasa sala. "Kimchi spaghetti. Marunong ka 'non?"
He pinches my nose and casually said, "Oo naman, wala namang hindi kaya itong asawa mo." then smile.
Jusmeyo. Naakit na naman ako ngitian nito. Hindi ko tuloy namalayang nahila na pala nya ko patungo sa kusina. Natauhan lang ako nang alalayan nya kong makaupo sa isang silya habang sya nagtungo sa tapat ng refrigerator upang kumuha ng mga sangkap na gagamitin nya sa pagluluto.
"Hubby," wika ko.
"Hmm?" Sagot naman nya without looking at me.
"Wala naman, naisip ko lang nagkakausap pa ba kayo ng mga kagrupo mo? Mahigit isang buwan na rin kasi since 'yung presscon nyo." Hindi naman sa nagrereklamo pero mula kasi nang magpahinga sya bilang idol. Never ko nang napansin na lumabas sya ng bahay para makipagkita sa mga kaibigan nya.
Oo, nakakatuwa na tinutupad nya 'yung pangako nyang magpo-focus sya sa akin at sa magiging baby namin. Pero ayoko rin namang mawala 'yung social life nya dahil 'don. Ayokong ikulong sya sa akin. May karapatan din naman syang mag- enjoy paminsan-minsan kahit pa sabihing may asawa na syang tao.
"Yes, we do. Madalas parin naman silang active sa group chat namin. Bakit?" Nagsimula na itong maghiwa ng mga gulay na gagamitin nya. I focus my attention to him.
"Hindi ka ba nila inaayang lumabas? Okay lang naman sa'kin basta magpapaalam ka lang." Napansin ko ang bahagyang pag ngiti ni Kai nang marinig ang sinabi ko.
"Well, busy rin naman sila sa kani-kanilang activities. Lalo na si Kyungsoo hyung sunod-sunod 'yung nakaline-up na drama na lalabasan nya. Sila Bakehyun at Chanyeol naman, busy sa mga variety shows."
"Samantalang yung iba sinasamantala 'yung pagiging hiatus ng grupo para makapagpahinga. Kaya wala rin panahon para magkita-kita." Patuloy lang sya sa pagaayos ng mga lulutuin nya. Ngunit hindi parin matanggal ang ngiti sa mga labi nito. Unti-unti na kong naiirita.
"Problema mo? Meron bang nakakatawa?," salubong na 'yung dalawang kilay ko. Seryoso kong nagtatanong tapos ngingiti-ngiti.
"Para kang tanga," napahinto si Kai sa paghihiwa sabay lingon sa akin.
"What?" he looks so shocked and confused.
"Sinabihan mo ba kong tanga?"
I rolled my eyes, "Bingi lang?" lalo namang hindi naipinta ang mukha ni Kai. Halatang di nya ma-absorb ang mga pinagsasabi ko. Sorry naman.
Napailing na lang ito sa huli, "My wife really change now. Nakakaya na nya kong sabihan nang tanga? Ako na bias nya? Ako na halos sambahin na nya noon? Tsk. Tsk. Lahat talaga nagbabago habang tumatagal."
"Ang arte ng asawa ko," hindi ko na napigilan. Mahina kong hinampas ang balikat nya. Tanghaling tapat nagdadrama e. Bagay ngang artista. Haha.
"Kasalanan mo rin naman e. Pinaramdam mo kasing mahal na mahal mo na ko. Ayan lumaki ang ulo ko. Haha."
"Hindi naman ulo mo ang lumaki."
"Huh?" Ano daw? Ngumuso ito para ituro 'yung bilugan kong tyan.
"Ulo ko talaga 'yung lumaki. Kaya nga nakabuo tayo nyan," kitang-kita ko ang pilyong ngiti sa labi ng asawa ko.
Para naman akong namimintog na kamatis sa hiya. Hindi ko nakayanang makipagtitigan pa sa kanya,
"Yaaak! Ang baboy mo hubby!" Kaloka 'tong si Kim Jong In. Papatayin nya ba ko sa hiya?!
"Ashush, parang inosente parin talaga ah? Nung naghubad nga ko sa harap mo, nakalimutan mo na atang kumurap."
"Yah!" takte! Dalawa lang kami dito sa bahay pero nahihiya parin ako sa pinagsasabi ng isang to.
"Wag ako Wifey, nagiging wild beast ka nga sa kama." WHAAT THEEE?!!
Hindi na ko nakapagtimpi. Bumaba ako sa kinauupuan ko atsaka sya nilapitan para paghahampasin.
"Yaaah! Ang kapal mo! Hindi ako ganon 'non! Kaasar ka! Bawiin mo 'yon!"
"A-Ah.. Ahh.."
Napahinto ako nang marinig ang pag-ungol nya. Dito na talaga ko sobrang naloka. Gusto nya ba talaga kong manganak nang wala sa oras?! Mukhang napansin naman nya 'yon sa reaksyon ng mukha ko. Binitawan nya yung kutsilyong gamit nya sa paghiwa at saka ako ikinulong sa mga bisig nya.
"Joke lang... pinapatawa lang naman kita. Ikaw kaya ang pinakainosenteng babaeng nakilala ko." He kissed my hair and whisper on my ears.
"I love you for who you are. Magkaroon man nang pagbabago sa'yo pagdating ng panahon. Hindi magbabago 'yung nararamdaman ko para sa'yo." I hugged him tight.
"Alam ko." he never failed to make me feel loved.
Kahit na minsan maski ako hindi ko na matanggap ang sarili ko. Lalo ngayon na marami ang nagbago sa katawan ko dahil na rin sa pagbubuntis. I gained weight and insecurities at the same time. Ngunit kahit ganon, nandyan si Kai para araw-araw na bigyan ako ng assurance sa pagmamahal nya. Which really help a lot para di ako mapraning.
"Thank you, hubby." bulong ko.
"Para saan?" tanong nya.
"Sa araw-araw na pagpapaalala mo sa akin kung gaano mo ko kamahal. Kung gaano ko kaganda sa paningin mo kahit na malaki na ang tyan ko. Kung paano mo iparamdam na ako lang talaga 'yung babaeng nandyan sa puso mo." "You don't need to say thank you. 'Yun naman talaga ang dapat kong gawin as your husband. Ang hindi ka bigyan ng dahilan para mainsecure o ma-threaten sa relasyon natin. But I'm happy to know that you appreciate all the effort I've done."
Walang perpektong relasyon pero hanggat hindi kayo napapagod na ipaglaban 'yung relasyon na meron kayo, iparamdaman sa kanya kung gaano sya kaimportante at kung bakit ayaw mo syang mawala sa'yo is beyond perfection. *KRIIINGG* *KRIIIINGGGG*
Sabay kaming napalingon sa phone nyang nakalagay sa tabi ng mga hinihiwa nyang sangkap. Naramdaman ko ang pagalis nya sa pagkakayakap namin. Sinulyapan nya pa ko para humingi nang permiso. Tumango naman ako bilang sagot. "Sige lang," sabay ngiti.
"Saglit lang 'to." kinuha nya 'yung cellphone at saka lumabas ng kusina. Sinundan ko lang sya ng tingin.
Ilang beses na ba 'yan ngayong linggo. Napapansin ko kasing napapadalas na 'yung may tumatawag sa kanya. Sa tuwing magtatanong naman ako kung sino, kung anu-ano 'yung isinasagot. Kesyo wrong number. Nagaalok lang nang kung anu-ano. May nangangamusta and so on and so forth. Akala ba nya maniniwala ko sa mga ganon? Tss.
Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina. Pinagdiskitahan ko na lang 'yung kimchi na nakalagay don sa isang puting lalagyan. Kumuha ako roon at nagsimulang kumain.
"Infairness, masarap 'tong kimchi."
Ilang minuto pa ang nakalipas bago bumalik si Kai sa kinaroroonan ko. Dumiretso ito sa ginagawa nya na parang walang nangyari.
"Wrong number na naman ba?" ako na 'yung nag-open ng topic. Mukha kasing wala syang balak na gawin 'yon.
"Ha? Ahh. 'Yung tumawag?" mukhang di nya inaasahang magtatanong ako.
"Hindi..." medyo nagaalangan nyang pahayag. Tumalikod pa ito at binuksan 'yung kalan.
"Ahh, may nagaalok ng insurance? Diba nakakuha na ta'yo 'non last month? Bakit tumatawag pa rin sila?"
"Baka naman si Jamie unnie 'yon? Tagal na rin kasi nung huling beses ko syang nakita. Di pa ganto kalaki dyan ko 'non e. Hahaha." patuloy lang ako sa pag-usisa habang nilalantakan 'yung kimchi.
"Actually, si secretary Seo 'yung tumawag." napatigil ako sa pagtawa 'nung marinig ang pangalang binanggit nya. Muntik pa kong mabiluokan dahil doon.
Secretary Seo.
"Yung secretary nila Papa?!" medyo gulat kong reaksyon. Bahagya akong nilingon ni Kai,
"Oo."
Napatitig lang naman ako rito. Kailan pa sila nagsimulang magakausap ng secretary ng kumpanya namin? At sa anong dahilan naman daw?
ΚΑΙ
Pinagmasdan ko ang magiging reaksyon ni Dasuri matapos kong sabihin sa kanya ang katotohanang ang secretary ng kumapanya namin, si Mr. Seo ang syang madalas na tumawag sa'kin mula nung mga nakaraang araw. Naghintay akong magtanong sya tungkol 'don pero bumaba lang ito mula sa kinauupuan nya. Bago nagpaalam sa akin,
"Uhh.. Hubby? Doon muna ko sa sala parang nangalay 'yung bewang ko sa pagupo."
"Okay ka lang ba? Gusto mo samahan muna kita 'don?" offer ko rito.
"Ha? Wag na. Ihihiga ko lang 'to." tangi naman nya.
"Are you sure?" and she nodded. Wala naman akong nagawa kundi ang hayaan sya.
"Okay,"
Hinintay ko muna ang paglabas nito sa kusina bago ko magpatuloy sa pagluluto. Napabuntong-hininga na lang ako. Dapat na kong makahanap ng tyempo para mabanggit sa kanya ang tungkol sa usapan namin ni Mr. Seo. Malalaman at malalaman na rin naman nya 'yon sa huli. Mas maganda na yung sa akin na manggaling.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Matapos ang mahigit isang oras na pagluluto. Natapos na rin ako sa aking ginagawa. Minabuti kong magtungo sa lugar na kinaroroonan ni Dasuri. Nakaupo sya sa sofa habang nakaharap sa tv. Tahimik itong nanonood ng balita. "Tapos na kong magluto. Gusto mo na bang kumain na?" lumingon sya sa akin.
"Hmm. Pwede rin. Ako na ang maghahain," tumayo ito at saka pinatay ang tv. Akmang tutungo na ito sa kusina upang gawin 'yung sinabi nya. Agad ko rin naman syang pinigilan.
"Ako na. Alam mo namang ayaw kong mapagod ka di 'ba? Kayo ni baby"
"Pero hubby... lalo kong nanghihina kapag walang ginagawa sa bahay." sabay nguso nito sa harap ko.
"Well, pagkilos rin naman ang pagkain di 'ba?" kinuha ko kamay nya at inalalayan sa paglalakad.
"Hay, naku. Kahit kailan talaga ang pilosopo ng asawa ko." rinig ko pang reklamo nya.
"Alam mo sa lahat ng babae, ikaw 'yung nagrereklamo kapag pinagsisilbihan." hinila ko 'yung upuan sa harap nya para makaupo sya roon. Nang makaayos na sya ng pwesto nagtungo naman ako sa kabilang side upang ihanda yung kakainin namin.
I saw spark on Dasuri's eyes nang makita ang mga niluto ko. One of her favorite dishes, Kimchi spaghetti.
"Ayoko kasing masanay na ikaw lahat 'yung gumagawa. Mamaya biglang maging busy ka na naman diba? Ako din 'yung mahihirapan." bahagya akong natigilan nang marinig ang sinabi nya. I glanced at her. She smiled. "Joke. Nagdadrama lang. Hehe." pahayag pa nito.
"Mukhang masarap ah. Naglalaway na ko. Mauna na ko kumain ah." nagsimula na itong kumain pagkabigay ko nang platong may lamang spaghetti. I'm not sure pero may pakiramdam akong may kakaiba. Gusto nyang ipalabas na nagbibiro lang ito pero 'yung emosyon sa mga mata nya.
"Kumain kana rin. Sige ka, ubusin ko na lahat 'to. Hehe."
Pumwesto ako sa upuan sa harap nya upang kumain na rin. Kinuha ko 'yung tinidor at hinalo-halo 'yung spaghetti. Masyadong okupado ang utak ko na maski ang sumubo ay hindi ko magawa. Hindi kasi maalis sa isip ko ang mga binitiwang salita ni Dasuri. I know there's something wrong. May kakaiba sa mga kinikilos nya.
"Hubby, say ahh..." nabalik ako sa realidad nang mapansin ang tinidor na may nakaikot na spaghetti sa harap ko. Hawak-hawak yon ni Dasuri.
"Sige na, say ahh... ahh..."
I open my mouth at hinayaan syang isubo 'yon sa akin. "Ayan, kanina ka pa kasi tulala. Lumalamig na 'yung pagkain sa harap mo."
"Ano ba kasi 'yung iniisip mo? May problema ba?" halatang nagaalala ito habang nakatitig sa akin.
Eto na ba 'yung right time para sabihin ko sa kanya 'yung totoo? Pero paano? Ayokong sirain 'yung binitawan kong pangako sa kanya na mananatili ako sa tabi nya hanggang isilang'yung una naming magiging anghel. Kaya lang may mga responsibilidad din akong kailangang gampanan.
"Dasuri..." inabot ko ang kamay nya at bahagya itong pinisil.
"I want to tell you something..."
DASURI
"I'll be leaving. Have a good day." isang halik sa aking labi ang naramdaman ko bago ko nagising.
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Naaninag ko ang likod ng aking asawa habang maingat na lumalabas sa pinto ng aming kwarto. Ayaw nya siguro akong magising. He's wearing black suit with a suitcase on his left hand. Kahit na nasa ikapitong buwan na ko ng pagbubuntis. Hindi parin naman ganon kalaki 'yung tyan ko kaya hindi ako nahihirapang bumangon. Nakakamiss lang siguro 'yung tuwing umaga, inaalalayan ako ni Kai sa pagbangon. Nagtungo ako sa tabi ng bintana at pinagmasdan ang pagsakay ng asawa ko sa kanyang itim na kotse. Isang linggo na rin ang nakalipas matapos kong malaman ang lahat.
"Dasuri.." Kai holds my hand. "I want to tell you something..."
"Ano yon?"
Huminga ito nang malalim, "I'm sorry kung itinago ko sa'yo ang tungkol dito. Ayoko kasing sirain 'yung mood mo nung mga nakaraang araw. Pero tama nga sila walang sikretong hindi mabubunyag."
"Wifey, kailangan ko nang harapin 'yung bagay na matagal ko nang iniwasan. Binigyan ako nila mama nang kalayaan para abutin 'yung mga pangarap ko. Siguro oras naman para suklian ko 'yon. Hindi na ko bata para magtatakbo pa sa responsibilidad na to. Kailangan na rin ako ng kumpanya kaya I decided to accept their offer."
"Starting tomorrow, I will be appointed as the acting-president of Choi-Kim Corp."
Hindi ako nagalit nung narinig ko 'yan. Nilapitan ko sya at niyakap ng mahigpit. Bakit? Dahil asawa nya ko. At kahit ano pa ang landas na tahakin nya nandito ko para suportahan sya. Wala na kasi kami sa stage nang pagiging clingy-possesive that sometimes turns to toxic relationship.
I want to be a better person through out our relationship. Hindi na kami bata para magpabebe pa. Tanggap ko nang may mas malaking responsibilidad na kaming kailangan harapin. And gagampanan namin 'yon ng magkasama. *BEEP*
Napatingin ako sa aking cellphone na nakalagay sa tabi ng lampshade. Kinuha ko iyon at binasa ang message na nanggaling kay Soyeon.
'DASU~~~ Pasensya kana pero mukhang hindi kita masasamahan today. Nagkaroon kasi nang biglaang lakad sila mama. Iniwan sa'kin 'yung mga kapatid ko wala kasing magaalaga. SORRY!! Bawi ako next time. Promise!'
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
No choice. Aalis ako mag-isa.
Nag-shower ako, after minutes nakapagayos na ko't handang umalis. Anong meron? Mamimili ako ng mga gamit ni baby.
Actually, dapat dalawa kami ni Kai ang gagawa nito kaso may mga di inaasahang pangyayari e. Pumayag si hubby na ituloy ko 'to kasi akala nya kasama ko si Soyeon. Ngayong hindi na rin sya pwede, ako na lang siguro. Ayoko namang i-postpone 'to 'no. Malapit na 'yung due date ko. Ayoko namang sa mismong kabuwanan ko pa ko mamimili ng mga gamit ni baby namin. Though marami na kong natanggap nung nagpababy shower ako. Gusto ko kasi 'yung meron syang gagamitin na ako na mommy nya ang mismong bumili.
Tumawag ako ng taxi through my phone. Sakto namang nandoon na 'yon paglabas ko ng bahay.
"Magandang umaga manong, sa gangnam district po ta'yo. Salamat." saad ko pagkaupo sa backseat.
"Okay, ma'am."
Ilang minuto lang ay nakarating rin naman kami agad sa mall na pupuntahan ko. Nagbayad lang ako kay manong atsaka nagtungo sa loob. Walang gaanong tao dahil weekdays ngayon nasa trabaho karamihan ng mga tao.
Pagkapasok ko sa loob, nagtungo agad ako sa section kung saan makakapamili ako ng mga gamit para kay baby. Nasa labas pa lang ako ng store ay napapngiti na ko sa mga natatanaw kong gamit sa loob. Natanggal lang ang pagtitig ko sa mga 'yon nang may biglang humawak sa magkabilang balikat ko para pigilan ako sa paglalakad.
"Kailan ka ba matututong tumingin sa dinaraanan mo?" paglingon ko rito. Namilog ang mga mata ko sa gulat.
"Sehun??"
"Obviously," umikot pa ang mga mata nito na para bang sinasabi nyang ang tanga nang naging tanong ko.
"Meron pa bang ibang magmamay-ari sa gwapong mukhang ito?"
Ako naman ang napairap dahil sa sinabi nya, "Hindi pa rin nagbabago ang mokong na ito. Nuknukan parin ng kayabangan. Tss." saad ko sabay hawi sa kanya.
Agad rin naman nya kong sinundan, "Hoy, narinig ko 'yon ah."
"Pinarinig ko talaga sa'yo yon." saad ko pagkapasok ng store.
Natuwa agad ako nang makita ang mga gamit sa loob. Sobrang cute ng mga sizes na naroon. 'Yung iba pa nga sa sobrang liit mga daliri ko lang 'yung kakasya. hahaha. "Ano ba 'yan! Bakit puro kulay biik yang kinukuha mo? Bakla ba ang anak mo?"
Anak nang! Kung nakakapatay lang ang tingin. Pinaglalamayanan na 'tong katabi ko. Nakikiisosyo na nga lang sa ginagawa kong pagsa-shopping pakilamero pa.
"Paki mo ba? Anak ko 'to. At excuse me, BABAE po sya. Wag mo syang igaya sa'yo!" sabay lagay 'nung pink gloves sa basket ko. Hinila naman ni Sehun 'yung basket na hawak ko.
"Oh? Buntis ka pala? Kala ko busog ka lang e. Taba mo na kasi..." Nilingon ko si Sehun na nakatitig sa akin habang nasa ilalim ng baba nya ang kanan nyang kamay.
"Ano?!" Loko to. Gawin daw bang naipong taba ang anak ko?!
"Tignan mo shoulder mo." Hinawakan nya 'yung handle ng basket na hawak ko at iniangat 'yon para maingat din 'yung kamay kong nakahawak roon.
"Mas malaki na sa akin. HAHA"
"Seryoso?" nag-aalala kong pahayag.
Oo nagkalaman ako pero hindi naman ako sobrang mataba. Sa tingin ko? Bigla tuloy akong na-concious sa sinabi nya.
"Sobrang taba ko na ba talaga?"
Napansin siguro ni Sehun ang pagaalala sa mukha ko. Nawala kasi 'yung ngisi sa mukha nya. Mukhang naalarma din sya sa sinabi nya. Umubo ito nang bahagya sabay agaw sa basket na hawak ko.
"Joke lang. Mas gumanda ka pa nga e." namalik-mata lang ba ko o medyo namula talaga 'yung pisnge ni Sehun bago sya maglakad palayo sa akin?
KAI
"Our meeting with other stockholder will start after 5 minutes. This is our chance to introduce you as the new President." nakangiting pahayag sakin ni Mr. So.
Nakaupo kami sa isang kwarto na may malaking mesa sa gitna at may nakapaligid na mga upuan. Nasa tabi ko si Mr. So habang halata sa mukha nya ang excitement sa mga maaring mangyari. This is my first day as an acting President of my parents' company. Aaminin ko, may kaba akong nararamdaman. Malayo kasi ito sa nakasanayan kong gawin. Malayo sa pagpe-perform at page-entertain ng mga tao.
"Don't think too much. Just be yourself and everything will be going smoothly." Tinapik pa nito ang balikat ko. I smiled.
"Thanks," bahagya kong sinulyapan 'yung cellphone na hawak ko.
I received text message from Soyeon. Sinabi nyang hindi nya nasamahan si Dasuri sa pagpunta sa mall para bilhan ng gamit ang baby namin.
Knowing Dasuri alam ko namang itutuloy pa rin nya ang pag-alis kahit mag-isa lang. Nag-alala ko kaya I tried to message Sehun, nakiusap akong samahan muna nya ang asawa ko. I feel guilty kasi nangako kong ako ang makakasama nya pero heto ako ngayon nakaupo sa isang tahimik na kwarto. Sinusubukang umayon sa pagbabago sa buhay ko.
Dahil sa mga oras na ito, I am no longer an Idol. Wala na kong sandamakmak na fans na ang tingin sa akin ay perpekto. What I have here, are men, who I need to impress with every day.