Chapter CHAPTER 67: LOVE IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND
DASURI "Umm..."
Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Pagmulat ng aking mata, bumungad sa akin ang bukas nang bintana ng aming kwarto. Tinatangay ng hangin 'yung kurtinang nakasabit rito. Napalingon naman ako sa kabilang side ng kama.
"Kai?" tawag ko rito.
Ngunit ako na lang mag-isa ang naiwan dito sa kwarto.
"Arghh.." sinubukan kong bumangon ngunit medyo nahirapan akong gawin 'yon. Lumalaki na rin kasi talaga 'yung tiyan ko since nasa ika-anim na buwan na ko nang pagbubuntis.
Minsan hindi parin ako makapaniwala na may baby nang nabubuhay sa loob ng aking katawan. Medyo natrauma na rin ako sa mga nangyari dati. 'Yung muntik nang mawala 'yung baby namin. Kaya minsan nabubuang ako na maski pag dumi ikinakatakot ko. Kasi pakiramdam ko lalabas din 'don si baby tapos malalaglagan ako. Hmm..
"Wow, ang bango.." nasa sala pa lang ako pero naamoy ko na 'yung pancake na niluluto ni Kai mula sa kusina.
Simula nang bumalik kami dito sa bahay si Kai na ang kumikilos sa lahat. Gusto ko nga sanang tumulong kaso ayaw nya ko payagan. Katwiran nya 'nung mga panahong naglilihi pa lang ako ay hindi nya ko nagawang alagaan kaya kahit nasa kalagitnaan na ko ng pagbubuntis. Sobra-sobra ang pagaalaga nya sa'kin.
"Yummy..." kagat-labi akong nakatitig kay Kai pagpasok ko ng kusina.
Wala itong suot na pang-itaas habang nagluluto ng almusal. Likod pa lang nito mabubusog kana e.
"Oh' gising ka na pala." Napaiwas ako nang tingin nang mapansin nya ko. Shocks! Buntis akong tao pero kung anu-ano ang pinag-iisip ko nakakahiya.
"Nakatulog kaba nang maayos?" ngumiti lang ako nang makalapit sa'kinsi Kai at halikan ako sa noo. Yumuko pa ito upang halikan 'yung tummy ko.
"Good morning, Kai Jr. I hope you sleep well."
"Anong Kai Jr. Babae kaya sya!" saway ko rito.
Hanggang ngayon kasi hindi parin ako nagte-take ng ultrasound. Kung tutuusin pwede ko nang gawin 'yon matagal na pero mukhang nagaalala si Kai na ma-depressed ako kung hindi babae ang magiging anak namin kaya naisip naming ipagpaliban muna iyon.
"We will find it later. And don't forget our promise. Walang iyakan at samaan ng loob, right wifey?" tinitigan pa nya ko bago balikan 'yung niluluto nya.
"Oo na," umupo ako 'don sa pinakamalapit na mesa at hinintay 'yung paglapag nya ng pancake sa harap ko.
"Ang dami naman nyan," bukod kasi sa apat na pirasong pancakes, meron bang dalawang saging at isang mansanas with matching gatas ang inihain nya sa harap ko.
"Dalawa na kayong kumakain dyan sa katawan mo. Dapat lang na kumain ka nang marami para hindi kayo mag-agawan sa sustanya." Umupo na rin ito sa tabi ko.
"Pero tataba ako nyan sa ginagawa mo e," ayoko ngang tumaba baka lalo kong pumangit sa paningin nya.
"So what? Kahit naman gaano karami ang madagdag sa timbang mo. Ikaw parin 'yung Dasuri na ina ng anak ko at babaeng mahal na mahal ko." Nginitian pa ko ng loko bago ko subuan ng pancake. "Ikaw pa rin ang pinaka magandang babae sa paningin ko."
Hindi ko pinahalata na kinilig ako sa sinabi nya. Inuuto lang ako nito e. Psh. "Ang aga-aga nambobola kana agad dyan." Puna ko rito kunwari. Nagkibit-balikat naman ang loko.
Matapos kong maubos lahat ng pagkaing inihain sa akin ni Kai. Naligo naman na ako at nag-ayos. Eto kasi 'yung kauna-unahang beses na magtutungo ako sa doctor ko para magpacheck-up na kasama si Kai kaya excited ako. "You're so beautiful," pahayag ni Kai nang makita kong pababa nang hagdan.
Nakasuot lang ako nang blue dress bilang maternity dress ko. Nilapitan naman nya ko't inalalayan pababa.
"Bolero ka talaga," biro ko rito.
Hindi kasi sya pumapalya sa araw-araw na pagsabi kung gaano ko kaganda sa paningin nya. Maybe hindi 'yon 100% legit every time na sasabihan nya ko 'non pero aaminin ko napakalaking tulong 'non para hindi mawala 'yung confidence ko para sa sarili ko.
"No, I'm not." Saad nito saka hinawakan ang aking kamay.
"Ready kana? Excited na kong malaman kung Kai Jr or Little Dasuri ang nandyan sa tummy mo." Nakangiti itong hinaplos ang tyan ko.
"Woah! Naramdaman mo ba 'yon? Sumipa si baby. Naramdaman ko!"
Nagulat rin ako sa biglang paggalaw sa loob ng aking tiyan. But I don't know kung kanino ba talaga ko dapat matutuwa. Sa baby ko na sumipa sa unang pagkakataon o sa asawa kong sobra ang saya habang sinsabi 'yon. Kitang-kita ko kasi sa mukha ni Kai ang sobrang pagkagulat at saya. He can't even close his mouth while looking at his hand and my tummy. Para bang nahihirapan syang i-distinguish kung nananaginip lang ba sya o hindi. "Hubby, are you okay?" bahagya na kong natawa. Hindi parin kasi sya maka-move-on sa nangyari.
"Sumipa sya wifey... Sumipa 'yung baby natin!" Nakangiti ito na para bang batang pinayagang maglaro sa labas. Hindi pa 'to nakuntento. He grabs my face and gave me peck on my lips.
"I love you!" I giggled.
After nang nakakatuwang pangyayari, ipinasya na namin ni Kai na magtungo sa kotse nya upang puntahan 'yung personal doctor ko. Hanggang sa kotse hindi pa rin sya tumitigil sa kung paano daw sya nagulat nung maramdaman ang pagsipa ng aming baby. Wala tuloy akong nagawa kundi ang tumawa ng tumawa. Eto 'yung kauna-unahang pagkakataon na makita ko syang ganyan. Parang bata na hindi mapagsidlan ng tuwa. "Watch your step," paalala ni Kai paglabas ko ng kotse. Nakarating na kasi kami sa tapat ng ospital na pupuntahan namin.
Hawak-kamay kaming nagtungo sa lobby at lumapit sa tatlong receptionist. Halatang nagulat ang mga ito nang makita kami ni Kai. Nagpasalit-salit pa ang tingin nila sa amin at sa kamay naming magkahawak.
"Diba si Kai 'yan ng Exo?"
"Oo nga. Ang gwapo nya sa personal sheeeet!" sabay hampas pa 'nung isa sa katabi nya.
"Teka, 'yung kasama nya, sya 'yung babeng laging may kasamang gwapo pero suplado sa tuwing magpapacheck-up diba?" napailing na lang ako nang marinig ang bulungan ng tatlong babae sa harap namin. Si L. joe siguro 'yung tinutukoy nilang kasama ko.
"Ehemp," sinubukan ni Kai na kuhain ang atensyon nilang tatlo. Hinarap naman nila ang asawa ko.
"Pwede ba naming i-verify kung naka-schedule ngayong araw ang check-up ang asawa ko kay Dr. Joon?"
Namilog ang mga mata nila nang sabihin ni Kai na asawa nya ko. Okay... problema?
"Asawa?" di makapaniwalang tanong nung pinaka matangkad sa kanilang tatlo.
"Yes, Dasuri Kim ang name nya." Paninigurado pa ni Kai.
Kahit halatang hindi sila naniniwala chineck nya pa din 'yung name ko sa computer sa harap nila. Patuloy parin ang pasimpleng pagtitig nila sa amin habang nagbubulungan.
"Grabe! Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko."
"Ang lakas dinng loob nung babae 'no?"
"Mrs. Dasuri Kim. Yes, sir. Naka-schedule nga po sya today. Pa-antay na lang po tayo sa mga upuan sa tapat ng kwartong may nakalagay na pangalan ni Dr. Joon." Itinuro pa nya kung nasaan 'yung kwartong tinutukoy nya. "Ah, okay. Thanks. Let's go, wifey?" aktong maglalakad na kami ni Kai paalis sa pwestong iyon nang muli na namang magsalita 'yung isa sa receptionist.
"Ahm, Mr. Kim!" Dahan-dahan namin syang nilingon.
"Yes?" Kai asked.
Nagsikuhan naman 'yung tatlong babae na para bang nagtuturuan kung sino ang magsasalita.
"Is there a problem?" muling tanong ni Kai para kasi silang mga ewan.
"Ahh.... Wala ho sana kaming balak na manghimasok."
"Pero may gusto lang ho sana kaming itanong..." isa-isa silang nagsasalita na para bang binubuo 'yung sentences nang isa't-isa.
"Talaga bang asawa nyo sya?" sabay-sabay pa nila kong itinuro.
Nagkatinginan naman kami ni Kai. He's asking me what's happening through his eyes. Nagkibit-balikat lang ako kasi hindi ko rin alam ang sagot sa tanong nya.
"Yes, she's my one and only wife. Why?" seryosong saad ni Kai. Tumaas naman 'yung kilay nung tatlo.
"Talaga?" sarkastikong pahayag pa 'nung isa. As if inuusig nya 'yung naging pahayag ni Kai.
"Wait, hindi ko gusto 'yung way nang pagtatanong nyo sa amin. Oo, asawa ko si Dasuri so? Anong problema nyo." Pansin kong medyo naiinis na si Kai. Nagsasalubong na kasi 'yung kilay nya. Pinisil ko naman 'yung kamay sya. "Hubby... chill lang," bulong ko pa rito.
"No, the way they're treating us para bang may gusto silang i-akusa sa'tin. If they have problem with us. Say it, not like this they're wasting our time." Mukhang naprovoke naman 'yung tatlo dahil sa narinig at handa nang magmaldita. "Excuse Sir, para sabihin ko sa'yo. Kami nga 'tong gustong tumulong sa'yo tapos sasabihin mong sinasayang namin oras mo? Wow ha! Sabihin mo 'yan sa 'asawa mo' kuno na nangangaliwa." "What?!" Lalong nagpanting ang tenga ni Kai dahil 'don. Salubong ang kilay nitong lumingon sa akin. Dali-dali naman akong umiling.
"Hoy! Ano ba 'yung mga kasinungalingang pinagsasabi nyo sa asawa ko? Ako may kabet? Excuse me ha. Mga panira kayo ng relasyon."
Takte! Pagbintangan daw ba ko?!
"Totoo naman ah! Ilang buwan ka kaya namin nakitang may kasamang ibang lalaki bukod kay Kai. 'Nung unang beses nyo pa ngang magpunta rito sinabi nyang ASAWA KA NYA."
ABA! Talagang ginagalit ako nito ah. Pandilatan daw ba ko ng mata. Kala naman nya may ilalaki pa 'yang mata nya. Tse.
Nilingon ko si Kai na nakatitig lang sa akin. Hindi ko malaman kung naniniwala ba sya sa mga sinabi 'nung babae o makikinig sya sa paliwanag ko.
"Kai... let me explain," sinubukan kong magpaliwanag pero iniiwas nya 'yung tingin sa akin.
"No need." Saad nya sabay harap sa mga babae.
Gosh. Mukhang galit na sya sa akin.
"I told you, sinungaling 'yang babaeng katabi mo."
"Kung ako sa'yo hihiwalayan ko na sya. Makating babae."
"Oo nga. Salawahan." Sunod-sunod pa nilang pahayag.
"Enough." Napasinghap ako nang marinig ang malamig na boses ni Kai. Hindi nya parin binibitawan ang kamay ko pero alam kong nagagalit na sya.
"Ano? Ibig sabihin kinakampihan mo 'yang.."
"I. SAID. ENOUGH." Napaatras yung mga babae sa bahagyang paglakas ng boses ni Kai. Maski ako ay biglang kinabahan.
"Isang pangit na salita pa ang lumabas dyan sa bibig nyo patungkol sa asawa ko. I swear to God, hindi matatapos ang araw na 'to na hindi kayo matatanggal dyan sa trabaho nyo." Napayuko 'yung tatlo nang marinig iyon. "You don't have the rights to question my relationship with my wife. At mas lalong wala kayong karapatang husgahan ang pagkatao ng asawa ko dahil lang sa may nakita kayong lalaking kasama nya. Para lang sa kaalaman nyo, kilala ko 'yung lalaking tinutukoy nyo."
"Oo, I let him to accompany my wife for her monthly check-up at OO, alam ko ring nagpanggap syang ako. Am I angry? Did I count that as cheating? NO. Actually, thankful pa nga ko sa kanya dahil nandyan sya 'nung mga panahong kailangan na kailangan ng asawa ko nang kasama. Ang hindi ko lang maintindihan bakit ginagawan nyo 'to ng issue kung para sa amin wala lang 'yon. I'm an idol but I don't owe you an explanation on what is going on my life. Respeto lang sana." Nakayuko lang 'yung mga babae at hindi man lang nagsasalita. Marahil ay natauhan sila sa mga sinabi ni Kai. Ngayon ko lang napansin na sa amin na rin pala nakatutok ang atensyon ng lahat. Karamihan ng maririnig mo ay mga mapapangit na salita tungkol sa tatlong babae.
Karma is real. Mukhang bumaliktad na 'yung sitwasyon. Sila naman 'yung hinuhusgahan ng mga tao sa paligid. Naramdaman ko na lang ang paghila sa akin ni Kai.
"Mabuti pa pumunta na ta'yo kay Dr. Joon."
"Ah, sige." Nilingon ko pa muli 'yung mga babae bago tuluyang umalis roon. Medyo naawa rin ako sa kanila pero hindi sila matututo kung hindi 'yon nangyari.
Labing limang minuto na ang nakakalipas mula nang maupo kami sa mga upuang nasa tapat ng kwarto ni Dr. Joon pero hindi parin nagsasalita si Kai. Pakiramdam ko tuloy galit din sya sa akin. Isinulot ko 'yung kamay ko sa pagitan ng braso at katawan nya at bahagyang dumantay dito. Hindi naman sya umangal kaya ipinatong ko pa ang ulo ko sa balikat nya. "Hubby..." I called him using my sweet voice.
"Bakit? Nagugutom ka ba?" Nilingon nya ko na may pagaalala sa kanyang mukha.
"Gusto mo bang ibili kita ng makakain sa labas?" akma na itong tatayo nang pigilan ko sya.
"Hindi. Hindi naman ako nagugutom."
"May masakit sa'yo? Sa'an banda?" umiling-iling muli ako.
"May gusto lang talaga kong itanong." Pagsasabi ko ng totoo.
"Ano naman 'yon?"
I blinked twice bago nagsalita, "Ga... lit ka ba sa akin? Kanina mo pa kasi ako hindi pinapansin."
Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Nawala ang kunot sa mga noo nito.
"Of course not, wala lang talaga ko sa mood magsalita." He explained.
"Sigurado ka? Hindi ka ba magtatanong tungkol sa sinabi nung mga babae? 'Yung tungkol sa akin at L. joe?" baka kasi ayaw nya lang umamin.
Kai shakes his head, "Why would I? Ako na naman yung pinili mo. Kahit ano pa 'yung namagitan sa inyo ni L. joe noon. Ang mahalaga ako kasama mo ngayon at hindi sya."
Bahagya akong napangiti. Kapag pala talaga matured na ang isang tao. Madali na itong kausap. Hindi na nya pinapalaki pa 'yung mga bagay-bagay lalo na 'yung nangyari sa nakaraan.
"I love you, hubby~" saad ko sabay yakap rito nang mahigpit. Ngumiti naman ito sakin at pinisil ang aking ilong.
"I love you both,"
"Mrs. Kim? Kayo na po ang next," napalingon kami sa nurse na tumawag sa pangalan ko. Inalalayan ako ni Kai at sabay kaming pumasok sa loob.
Pagpasok namin ng kwarto, nakangiti kaming binati ni Dr. Joon. "Long time no see, Mrs. Kim. Masaya kong makita na kasama mo na ang asawa mo sa pagpunta rito. Mabuti 'yan para malaman din nya ang kalagayan mo at ni baby." Since si Dr. Joon ang doctor na tumingin sa akin simula 'nung muntik na kong makunan. He knows very well what happens between me and Kai.
"Matagal ko na rin po kayong gustong makausap muli. Gusto kong magpasalamat sa pagligtas nyo sa mag-ina ko. Pati na 'yung patuloy nyong pagaalaga sa kanila." Wika ni Kai.
"Ginagawa ko lang ang trabaho ko pero ikaw ang totoong dahilan kung bakit umayos ang kalagayan nila. Paano iha, handa kana ba? Aalamin na natin 'yung gender ni baby." Saad ni Dok habang pinapahiran ng parang oil 'yung tyan ko. "Dok, gusto ko babae 'yung baby namin." Pahayag ko habang nakahiga.
"Well, Mrs. Kim, hindi ta'yo ang magde-decide nyan. Kung maging babae man sya o lalaki, Diyos na ang makakapagpasya nyan." May ngiti sa labi na pahayag ni Dr. Joon.
"Yan nga rin ang paulit-ulit kong sinasabi sa kanya pero matigas talaga ang ulo nya. Naniniwala syang dahil gusto nyang maging babae ang anak nya. 'Yon yung mangyayari." Medyo natatawa pa si Kai habang sinasabi 'yon. Ashush, nakahanap pa sya nang kakampi oh.
Ilang minuto lang din ang lumipas bago natapos 'yung ultrasound. Pinaghintay muna kami ni Kai sa labas ng kwarto. 'Yung kaninang pinaguupuan namin habang inaayos pa nila 'yung resulta.
"Wifey, walang iyakan ah, napag-usapan na natin 'to. Ano man 'yung kalabasan hindi tayo dapat malungkot. Ano man ang maging kasarian nya, Blessing sya na dapat nating ipasalamat."
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Tumango-tango naman ako bilang sagot, "Oo naman. Kahit maging lalaki pa si baby. Mamahalin ko sya ng sobra-sobra." Hinaplos ko 'yung tyan ko habang nakangiti.
"Good wifey." ginulo-gulo ni Kai 'yung buhok ko habang sinasabi 'yon.
"Mr. and Mrs. Kim? Eto na 'yung resulta ng ultrasound. I hope kung ano man 'yung kalabasan you will take it as a blessing. God bless your family." Inabot ni Dr. Joon 'yung envelope na kinalalagyan ng kasagutang matagal na naming inaantay. Kinuha naman 'yon ni Kai at nagpasalamat, "Salamat ho, Dr. Joon."
"Walang anuman, paano babalik na ko sa loob at may mga pasyente pang naghihintay sa akin." Paalam nito.
"Sige ho, salamat ulit." Tumango lang si Dok bago muling bumalik sa kwarto nya. Bigla namang kumabog ang dibdib ko. Gosh, totoo na 'to.
"Do you want me to open this o ikaw na?" napatitig ako sa envelope na tinutukoy nya.
"Hmm, kung doon na lang kaya sa kotse natin buksan 'yan? Para mas private?" suhestyon ko. Nag-isip sandal si Kai bago pumayag.
"Sure," kinuha na nya ang kamay ko at sabay kaming naglakad patungo sa kotse nya. Hindi ko alam kung bakit ba ko kinakabahan. Wag namang ganito baka manganak ako nang maaga nyan e.
Pagkarating namin sa loob ng kotse, Ikinabit lang ni Kai' yung seatbelt sa akin bago muling ilabas 'yung envelope. I gulped when I see it.
"So, Ikaw o ako?" pinapipili nya ko kung sino 'yung mag-oopen 'non sa aming dalawa.
"Ikaw?" nag-aalangan kong sagot.
"Okay," 'yun lang at agad-agad nyang binuksan 'yung envelope. Namilog naman 'yung mata ko nang mapansin 'yon.
"WAIT!!!" sigaw ko sabay agaw 'don sa envelope.
Nagulat naman si Kai sa inasal ko. Nakipagtitigan pa ko sa kanya sandali bago muling nagsalita.
"Wag na lang kaya?" nagsalubong ang kilay ni Kai nang marinig 'yon.
Sinusubukan nyang basahin 'yung nasa isip ko. Hindi naman ako nakaiwas sa nang-uusig nyang tingin kaya nagsimula na kong magsalita.
"Sabi mo hindi naman importante kung babae o lalaki 'yung baby na'tin. Mamahalin pa rin naman natin sya ng buong-buo. So, naisip ko, whats the point of knowing its gender today kung wala rin namang magbabago. Mas maganda siguro kung sa actual labor ko na lang para mas sentimental, diba?" ngumiti ako rito nang may pagkaalanganin.
Nakatitig lang naman sa akin si Kai na halatang hindi naniniwala sa palusot ko pero pumayag rin naman sya sa huli. "Fine, wala rin naman akong magagawa. Pag-aawayan lang na'tin 'to. Sige, pumapayag na ko." Nabawasan ang kaba sa aking dibdib nang marinig 'yon.
Wooooooh! Lusot. Haha.
KAI
Hindi na inantay ni Dasuri na pagbuksan ko sya ng pinto. Nauna na itong bumaba ng kotse.
"Pasok na ko ah,"
"Oops! Ako na magtatago para mas safe. Hehe." Bumalik pa talaga ito para lang kunin 'yung naiwang envelope na kinalalagyan ng resulta ng ultrasound nya.
"Ge, pasok na ko sa loob." Ngumisi pa ito bago tuluyang pumasok.
Minsan hinahayaan ko na lang sya sa gusto nyang gawin. Kahit hindi ko maintindihan. Mas sasakit kasi ang ulo ko kapag pinilit kong intindihin. Hindi naman 'yon makakasama sa amin kaya okay lang.
Binunot ko na 'yung susi sa kotse at saka lumabas. Saktong pagkasara ko ng pinto tumunog 'yung cellphone kong nasa aking bulsa. Kinuha ko 'yon at bumungad sa akin ang isang pamilyar na number. Wala sya sa contact list ko pero kilala ko kung sino sya. "Napatawag ka?" tanong ko rito.
"I just want to remind you about our agreement."
"No need to worry, sumusunod ako sa usapan." Nagsimula na kong maglakad patungo sa bahay namin. Napansin ko pa si Dasuri na nakatanaw sa akin.
"I'm glad to hear that. See you then, Sir."
"Sino 'yung kausap mo sa phone kanina? Exo member? Si Jamie unnie?"
I hung up the phone and went inside. Nilapitan naman ako agad ni Dasuri.
Imbes na sagutin ang tanong nya. Ipinatong ko ang braso ko sa balikat nya. "Wrong number. Gutom kana? Tara, magluluto na ko. Ano ba gusto mo?"
I tried to change the topic. Hinila ko pa sya papasok ng kusina. Nagtagumpay naman ako dahil mukhang nagugutom na nga itong asawa ko. "Kimchi spaghetti. Marunong ka 'non?" papikit-pikit pa nyang tanong.
I pinch her noise, "Oo naman, wala namang hindi kaya itong asawa mo." I said jokingly.
Your life can change without even noticing it but I'm not scared. Dahil mas may dahilan na ko para hindi sumuko.