OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS

Chapter CHAPTER 39: SHE’S PREGNANT? REALLY?!



ΚΑΙ

Nakatitig ako kay Dasuri habang kinakabahan sa maaari nyang maging reaksyon sa naging tanong ko. Hindi ko naman sya balak saktan. Sa katunayan nga, ayoko sanang sabihin pa sa kanya ang tungkol dito. Kaya lang naipit na ko sa sitwasyon.

Matapos ang naging pag-uusap namin ni Jamie noona. Gaya ng napag-usapan hiniram ko ang kotse nya and went to Hyena's place. Tumawag ito sa akin para sabihing gusto nya kong makita. Gustuhin ko mang tumangi hindi ko magawa. Pagsakay ko sa kotse ay nagdire-diretsyo ko sa unit nya.

Pag-akyat ko sa building, sinigurado kong walang kahit sino ang nakakita o nakakilala sa akin. Dali-dali rin naman akong pinagbuksan ng pinto ni Hyena para makapasok.

Sa loob, sinalubong ako nito nang mahigpit na yakap. "I missed you." Saad nito. Ngumiti lang ako rito at bahagyang inilayo ang katawan ko rito.

"Nainom mo na ba 'yung gamot?" I'm talking about her medicines para sa kanyang nararamdamang stress and trauma. Nahihirapan itong makatulog sa gabi kung wala ko sa tabi nya. Pati sa pagkain ay nagkakaroon sya ng problema. The worst thing is dahil sa stress and pressure, madalas syang mag-commit ng suicide. Not until I always visited her, medyo umayos-ayos na 'yung kondisyon nya.

"Lagi na lang bang iyan ang itatanong mo everytime na pupunta ka dito? Hindi mo man lang ba mapapansin ang pagbabalik ng ganda't alindog ko?" Napatingin ako sa ayos nya ngayon. She's wearing a micro short that clearly shows her beautiful legs and a low neck sando that perfectly shows her figure.

Nginitian pa ko nito na para bang nang-aakit, "So babe, do I look hot?"

Sinagot ko ang mga tingin nya sa akin at dahan-dahang lumapit sa kanya. Lalo syang natuwa nang mapansin 'yon. Kinuha ko naman ang jacket sa gilid nya dahilan para maglapit ang katawan namin. Naramdaman ko ang pagyapos nya sa dibdib ko.

"But you are hotter than me Kai," she whispers on my ears.

Hinawakan ko naman ang kamay nya at pinigilan ang paggala nito sa katawan ko. Inayos ko 'yung jacket at ipinatong sa katawan nya.

"Isuot mo 'to para hindi ka sipunin. Hindi ka pwedeng magkaskit dahil may check-up ka pa sa susunod na araw." Umasim naman ang mukha nito dahil sa pagkadismaya.

"Argh, fine." Sabay suot rito.

"You know what? I can't really understand kung bakit hindi kita magawang akitin. Samantalang 'yung babaeng 'yon, arrgh. Wala ka ba talagang taste ha?" naiinis nitong pahayag.

Medyo natatawa kong umupo sa sofa sa tabi. "Of course not, sobrang taas lang talaga ng standard ko sa babae kaya hindi mo maintindihan. And please, stop calling her 'yung babaeng 'yon.'. Dasuri ang pangalan nya. You should respect her when I'm around." Lalong umarko ang mga mata ni Hyena nang marinig ang sinabi ko.

"Yeah, whatever."

Umupo ito sa tabi ko at niyakap ang braso ko, "Umm, I'm a little bit stressed lately. Medyo bumabalik tuloy 'yung migraine ko. Kaasar naman kasi 'yung mga fans na hindi pa rin tumitigil sa pambabash sa akin. Kairita."

"Sinabi ko naman kasi sa'yong wag mo na silang intindihin. Mapapagod din ang mga iyon." Sagot ko naman.

"Tss. Nakakapikon na kaya minsan. Para tuloy mae-extend pa 'yung two months na therapy ko." napatingin ako sa kanya at nagsalubong ang aking kilay.

Our deal will end after two months, ayoko nang pahabain pa ang panahong nagpapasakit sa ulo.

"Woah, chill. I was just kidding, okay? Alam ko namang hanggang two months lang talaga ang contract natin. Gumaling man ako or hindi." Depensa agad nito.

"Mas mabuti na 'yung malinaw." Pahayag ko pa.

"Oo na, Tss. Anyway, dahil wala pa naman tayo sa two months. Can I ask you a favor? Para naman 'to sa mabilis na paggaling ko e. I want to lessen my stress and may nabasa kong isang article kung paano gawin 'yon. Pwede mo ba kong tulungan na isakatuparan 'yon?" pumikit-pikit pa ito habang sinasabi 'yon.

"Malay mo mapabilis pa ang recovery ko because of this, diba? Pabor sa'yo 'yon."

"What should I do then?" ngumiti ito nang malapad bago muling nagsalita.

"Simple lang naman ang gagawin mo, you just need to.... kiss me." I was shocked nang marinig ang sinabi nya.

"What?" dahil sa sobrang gulat, napalayo pa ako rito.

"Hey, hey, kung makaarte ka naman parang first time na'tin gagawin 'yon. Excuse me Mr. Kim, you already kiss me and in front of your wife pa 'yon." Bigla kong nainis sa sinabi.

"Not a good joke Hyena," umalis ako sa tabi nya at naglakad patungo sa pinto ng unit. Balak ko nang umalis roon. She made me mad.

"Hey, I'm sorry. Okay?" habol nito sa akin. Inanlock ko na yung pinto parasana lumabas kung hindi nya lang ako napigilan.

"Nagtatampo ka naman agad e." hinila nya ko nang bahagya papasok.

I face her with a serious face, "I'm serious. Ayokong ginagawang katatawanan ng kung sino man ang pag-iyak ng asawa ko. Di bale nang ako ang tawanan mo, h'wag lang sya."

"Aist. Oo na, sobra mo nang mahal ang asawa mo. I already get it. Di mo na kailangang ipamukha pa sa akin 'yon." Saad nya habang nakahawak sa kamay ko.

"Hayst. I accepted your apology but next time you---mmmph," nagulat ako nang bigla nya kong halikan. Balak ko sana syang itulak nang mauna itong kumalas.

"If you don't kiss me now, mas matindi pa dito ang hihilingin ko sa'yo. So, you better shut your mouth and kiss me."

Wala na kong nagawa kundi ang halikan ako sa pangalawang pagkakataon. Tinugon ko ito kahit labag sa kalooban ko. Habang tumatagal ang paghahalikan namin, mas lalo akong nagagalit sa sa sarili.

Lalo kong napapatunayan kung gaano ko kawalang-kwentang asawa. Sana sa lahat ng pinaggagawa ko, magawa parin akong patawarin ng asawa ko.

On the middle of our kiss, nagulat kami sa biglaang pagbukas ng pinto. Pero ang mas nakawindang sa akin ay nang makita ko ang taong nasa labas ng pintuan. Nakatingin ito sa amin habang nakayukom ang mga palad. Sinugod nya ko at hinawakan sa kuwelyo, hindi naman ako lumaban. Kitang-kita ko ang galit mula sa mga mata nito.

"Tang-ina Kai, Anong kagaguhan 'to?"

"Shocks! Sehun, anong ginagawa mo rito?!" hindi makapaniwalang pahayag ni Hyena. Hindi sya pinansin ni Sehun dahil galit na galit itong nakatingin sa akin.

"SAGUTIN MO KO KAI! GINAGAGO MO BA ANG ASAWA MO?!" sabay yugyog sa akin.

"No... Sehun, mali ka ng iniisip, makinig ka muna sa akin."

"MAKINIG? Sa'an? Sa mga kasinungalingan nyo?!"

"Tang-ina! Wag ako Kai. Kitang-kita ng dalawang mata ko ang kababuyan nyo. Tapos sasabihin mo sa aking makinig ako?!" sinubukan kong pakalmahin si Sehun pero masyado s'yang nadadala ng emosyon n'ya.

"Mali kasi ang iniisip mo. Hindi ko naman nililoko si Dasuri. I am doing this just to help Hyena to be cured. Matapos ko lang ang two months treatment nya hindi ko na sya muling kikitain pa." I tried to expalain pero sarado na ang utak ni Sehun para sa kahit ano pang paliwanag.

"Treatment? Wow. Kailan pa naging treatment ang pakikipaghalikan? Walang sakit ang babaeng 'yan! Kalandian pwede pa."

"Sehun!" alam kong mali ang ginagawa namin ni Hyena. Pero hindi naman ata tamang husgahan sya ni Sehun ng ganon-ganon lang.

"Ano? Ipagtatanggol mo 'yang kabit mo? Sige lang! Tignan lang na'tin kung magagawa mo pa 'yan kapag si Dasuri na ang makikipag-away sa babaeng 'yan." Nagulat ako nang biglang sampalin ni Hyena si Sehun. Narinig ko pa ang impact ng lakas ng pagkatama rito. "Sumosobra kana. I can't stand it anymore."

Meron nang mga luhang nagbabadyang bumagsak mula sa mata nito. Hinawkan ko ang braso ni Sehun at sinubukang ilabas na ito sa unit ni Hyena.

"Tama na Sehun, tayong dalawa ang mag-usap. Ako na lang ang sabihan mo ng masasakit na salita. Ipinagtatanggol ko hindi dahil sa may relasyon kami or what. I'm protecting her because she's a woman. She needs to be respected." Mukhang nakuha naman ni Sehun ang ibig kong sabihin. Hinawi nya ang kamay kong nakahawak sa kanya bago naunang lumabas. Pero bago 'yon, pinandilatan pa nya kami ni Hyena habang nagpupuyos sa galit.

"Sasabihin ko kay Dasuri ang tungkol sa lahat ng nakita ko." 'yan agad ang binungad nya sa akin pagkarating namin sa ground floor ng building.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Please Sehun, kahit ngayon lang. Don't do this. Ayokong saktan ang asawa ko kaya hangga't maari itinatago ko sa kanya 'to. Gusto ko s'yang protektahan sa paraang alam ko." lalong nagdilim ang mukha ni Sehun nang marinig ang naging sagot ko.

"Sinungaling. Ang sabihin mo, sarili mo ang pinoprotektahan mo. At saka anong sabi mo? Ayaw mo 'syang saktan? Takte. Simula nang pumayag kang makipaglandian sa haliparot na Hyena'ng 'yon. Hindi mo ba naisip na binigyan mo na s'ya ng dahilan para masaktan?"

"Bukod 'don, nagawa mo pa syang paglihiman. Kung talagang mahal mo s'ya, maging matapang ka. Sabihin mo sa kanya ang totoo at harapin ang pwedeng kalabasan nito. Dahil kung hindi mo kayang magpakalalaki sa harap ng asawa mo. Pwes, ako nang bahalang gumawa 'non para sa'yo." Kitang-kita ko sa mata ni Sehun ang pagiging seryoso. Sigurado kong tototohanin nya ang mga sinabi n'ya.

"Hindi ako kagaya ni noona na kukunsintihin ang mga kalokohan mo Kai. Oo, kaibigan kita nang matagal na pahanon kaya nga pilit kong itatama ang mga pagkakamali mo. Umuwi kana sa bahay nyo't harapin si Dasuri. Tandaan mo, isang araw lang ang kaya kong ibigay sa'yo. Kung hindi mo s'ya magawa pagkatapos ng isang araw na 'yon. Pasensyahan tayo pero gagawin ko lahat ng sinabi ko." biglang nanghina ang mga tuhod ko pagkaalis ni Sehun sa harap ko. Pakiramdam ko biglang dumoble ang mga problemang kinakaharap ko.

Talaga bang hindi na matatapos ang pagsubok sa relasyon namin ng asawa ko?

Hinintay ko ang magiging sagot ni Dasuri pero tanging pagtitig lang ang itinugon nya sa akin. Pero kahit wala syang sabihin, kitang-kita ko sa mga mata nya ang pagkalito.

"Dasuri, I'm sorry but I need to do this. I'm sorry." Sinubukan kong yakapin sya para sana pagaangin ang nararamdaman nya. Pero hindi pa man nagtatagal ang yakap ko rito ay itinulak nya agad ako palayo.

Nagulat ako nang bigla syang tumayo mula sa pagkakaupo. Nabitawan pa nya ang hawak nyang chopstick nang magmamadali itong tumakbo papunta sa lababo. Binuksan nya 'yung gripo at saka sumuka rito. Nagulat ako kaya hindi ako nakakilos agad.

"Blurrrrghh." Patuloy nitong pagsuka. Tinapik-tapik pa nya ang dibdib habang sumusuka. Lumapit ako rito at hinimas-himas ang likod.

"Are you okay?" Hindi kaya nasamid s'ya dahil sa sobrang pagkagulat?

This is the reason why I don't want to tell her about me and Hyena. Aisst. Sabi na, may tyansang hindi nya talaga kayanin.

"It's okay wifey, I'm here." pagpapakalma ko rito.

Nagulat ako nang bigla syang sumandal sa lababo at pababang umupo sa sahig. Kitang-kita ko ang pagkalito sa kanyang mga mata. Para bang may ibang bagay pang bumabagabag sa kanya bukod sa sinabi ko.

Umupo ako't lumevel sa kanya. Kinausap ko sya't sinubukang pakalmahin.

"Wifey, don't be like this. Lalo akong nahihirapan sa ginagawa mo. Alam ko mahirap yung hinihiling ko sa'yo but please... just this one. Pagbigyan mo lang ako for two months and after that I will never ever see Hyena again. I promised." Hindi ko maintindihan pero parang hindi pumapasok sa isip ni Dasuri ang lahat ng sinasabi ko. Para bang may ibang bagay na gumugulo sa isip nya.

"Dasuri? What's happening? Look at me." Sinunod naman nya ko. Tumingin sya sa akin kahit gulong-gulo ang kanyang isipan. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang bigla nyang pag ngiti.

"Kai, I think.... I'm pregnant."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.