Chapter CHAPTER 19: TOO BAD
HYENA
Wala kaming taping ngayon kaya walang dahilan para magkita kami ni Kai. Kaya lang traydor 'yung sarili kong mga paa. Dinala ko nito sa mismong building ng SME. Taas-noo akong naglakad hanggang sa makarating ako sa elevator nito. May nakasabayan akong mga staff na mukhang nagulat nang makita ko.
"Um, Excuse me. Ikaw si Hyena diba? 'Yung leading lady ni Kai sa bago nyang drama?" wala sana kong balak na kausapin ang isang 'to kung hindi ko lang naisip na magagamit ko sya. Ngumiti ako at hinarap sya, "Yeah right. Ako nga iyon."
"Kung ganon, nagpunta ka ba rito para bisitahin si Kai?" pang-uusisa nitong muli. Pasalamat talaga sya't may kailangan akong itanong sa kanya kaya pinagtatyagaan kong kausapin sya.
"Tama ka ulit. Ang galing mo. Ha-ha. Kaya lang may problema ko, nakalimutan kasing sabihin ni Kai kung saang floor ang practice room nila. Matutulungan mo ba ko?" tinignan ko sya na may halong pangkakarisma. Natulala naman sya dahil sa ginawa ko.
"Bwiset! Talagang hinawakan pa nya 'yung kamay ko bago magsalita. Bakit kasi hindi sinasagot ng Kai na 'yon 'yung mga tawag ko. Nakakaasar!" asar na asar akong lumabas ng elevator pagkarating ko sa 3rd floor. Once lang talagang makita ko ang mayabang na 'yon. Makakatikim sya sa akin.
Nagsimula na kong libutin ang buong 3rd floor para mahanap ang P. R ng EXO. Hindi naman nagtagal ay natagpuan ko rin ito. Nagretouch muna ko ng lipstick bago pumasok. Kailangan handa ko sa giyerang papasukin ko. Pagpasok na pagpasok ko sa loob, parang huminto ang oras at napatitig sa'kin ang lahat ng tao sa loob.
Hinawi ko ang aking buhok at ngumiti nang ubod ng tamis.
"Annyeong hasaeyo! Ako nga po pala si Hyena."
"Wow! Diba sya ang leading lady ni Kai? Ang ganda pala talaga nya sa personal." Komento nung lalaking matangkad at malaki ang tenga.
"Jackpot si Kai-sii. Haha." dagdag pa 'nung mukhang poodle.
Pero teka... NASAAN SI KAI?!
"Pasensya kana Hyena, kailangan mo pang maghintay ng ilang minuto bago dumating si Kai. Manggagaling pa kasi sya sa bahay nila. Maupo ka muna." Alok nung manager ni Kai ng upuan sa'kin. Wala na kong nagawa kundi tanggapin 'yon. Ano naman kayang tumayo ako hanggang mamaya diba? Arrrgh.
Bakit kasi wala sya dito sa practice room nila? My gosh! Hindi ba sya nagpa-praktis?! Maya-maya ay nilapitan ako nung kamyembro ni Kai na kasama rin namin sa drama.
"What? May kailangan ka?" ako na 'yung nagtanong. Nakatayo lang kasi sya sa gilid ko at walang sinasabi. Binaba ko 'yung hawak-hawak kong salamin para harapin sya.
He gave me a blank stare, "Bakit ka nandito? Bakit mo hinahanap si Kai? Sigurado namang wala kayong usapan." walang kaemo-emosyon nitong tanong.
Hinawi ko ang buhok ko bago sumagot. Masyado s'yang pakilamero, nakakairita. "Paki mo ba? Pumunta ko dito para sa kanya at hindi sa'yo. So, if you don't mind, leave me alone." May pagkamaldita kong saad.
Nagsmirked muna sya sa harap ko bago magsalita, "Kung inaakala mong may laban ka sa asawa ka ni Kai, magisip-isip kang muli. Ni hindi ka nga pwedeng ikumpara sa kanya kaya h'wag ka nang umasa." Tinignan pa nya ko mula ulo hanggang paa.
The nerve! Sino ba sya sa akala nya? Ang kapal ng mukha. Talagang hindi ako pwedeng ikumpara sa asawa ni Kai. Di hamak naman na mas maganda at mas sexy ako sa kanya. Tse.
Makalipas ang ilan pang minuto. Finally, nakita ko na rin ang lalaking kanina ko pa hinahanap. Gaya ng dati, nakakunot na naman ang noo nito nang makita ko pero hindi ko maitatangi na he looks hot even he's angry. "Hi," bati ko sa kanya sabay lapit rito. Tinitigan nya lang ako habang ginagawa ko 'yon.
Hindi ba sya masayang makita ko?
"I came here for you," malambing kong pahayag. Hahawakan ko pa lang sana sya nang bigla itong umalis sa harap ko.
"Sumunod ka, mag-uusap tayo."
Napairap naman ako sa ere. Talagang inuutos-utusan nya ko?!
"Kainis talaga sya." bulong ko pero deep inside masaya kong makita sya ngayon.
Dumating sya, worth it ang paghihintay ko.
"Ahmm. Sige, mauna na ko sa inyo. Sana magkita-kita ulit tayo sa susunod." Nagbow pa ko bago lumabas ng practice room nila. Mukhang nagulat pa sila nang magpaalam ako. Hindi ko kasi sila pinapansin mula kanina. Napatingin naman ako 'don sa lalaking kumausap sa'kin kanina.
What's his name again? Se... Sehun?
Argh. I don't care. Lumabas na ko't sinundan si Kai. Nakita ko syang huminto sa di kalayuan. Lumapit naman ako sa kanya.
"Finally, nakita na ulit kita. How dare you to ignore my calls? Tapos binabaan mo pa ko kanina. Akala mo ba nakakatuwa 'yung mga pinaggagawa mo? I already told you my rules pero kahit isa wala kang sinusunod. Nakakairita kana ha." reklamo ko rito.
"May gusto ka ba sa akin?" napahinto ko sa paglalakad nang marinig ang tanong nito. Hinarap narin nya ko't tinignan sa mga mata.
Gaya nang dati, wala parin itong kaemo-emosyon.
Sinubukan kong tumawa, "Ha-ha. Ano ba 'yung sinasabi mo? Ako may gusto sa'yo? What a joke." Pilit kong iniiwasan ang mga titig nya. Ano bang nakain nya para itanong sa'kin 'yan. Nakakagulat.
Narinig ko ang malalim nitong paghinga, "Kung ganon, bakit lagi mo na lang akong ginagambala? Bakit pilit ka paring tawag nang tawag kahit alam mong hindi ko 'yon sasagutin?" nagitla ko sa naging tanong nya. Ramdam ko sa boses nito na nagpipigil lang sya nang galit pero kahit anong oras pwede na itong sumabog.
Pinilit kong tibayan 'yung loob ko, wala kong ginagawang masama para matakot sa kanya. "Simple lang, dahil leading lady mo ko. At may karapatan akong magdemand sa'yo."
Lalo namang dumilim ang mukha nya. "Alam mo, I'm trying my very best to be nice with you, kaya lang nakakasakal kana. You always demand and controlled me. Wala naman tayong relasyon para gawin mo 'yon. Para kang batang pilit na nagpapansin at humihingi ng atensyon ko."
"Sa'yo na rin naman nanggaling di 'ba? Leading lady lang kita, hindi kita girlfriend at mas lalong hindi kita asawa. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit inuubos mo 'yung panahon mo kakahabol sa-------" Pinutol ko ang litanya nya sa pamamagitan ng pagsampal ko rito.
Napahawak pa sya sa pisngi nya dahil sa sobrang lakas nito. Wala kong masabing kahit anong salita. Nakatitig lang ako sa mukha nya habang hindi makapaniwala. Ramdam ko ang panginginig nang buo kong katawan.
Pakiramdam ko nakahandusay ako sa putikan habang umuulan nang malakas. Maraming tao ang nagdaraan at nakakakita sa'kin, pero kahit isa 'don walang gumustong tulungan ako. I feel pissed and humiliated at the same time. Lalong-lalo na nang makita ko ang halo-halong emosyon sa mukha ni Kai.
Inis? Pagkalito? At PAGKAAWA?!
Pero bakit? Para saan? Para sa akin? Bakit naman nya ko kakaawaan? Sinabi ko bang gusto ko sya?! Sinabi ko bang may nararamdaman na ko para sa kanya?! HINDI NAMAN DIBA?! WALA KONG SINABING GANON!! Pero kahit paanong pagtanggi ang gawin ko. Kahit pilit kong itanggi sa sarili ko. Bakit ang bigat-bigat ng dibdib ko? Bakit parang gustong tumulo ng mga luha ko? Ang lakas namang makatanga ng ganito. "Why you need to be so brutally honest to me? Bakit?" pinunasan ko ang mga luhang tumutulo na pala mula sa aking mga mata. I hate this feeling. 'Yung pakiramdam na kinakaawaan ka?
Yumuko naman si Kai at mukhang natauhan dahil sa ginawa kong pag-iyak, "I'm sorry, I didn't mean to hurt you. But I hope na sana nga tama ka, Hyena. Sana, hindi mo nga ko gusto. Dahil ayaw kong dumating 'yung panahon na makitang nasasaktan kita." Buong sinseridad nitong pahayag.
I composed myself and flustered a smile on my face. Huminga ko nang malalim bago lumapit dito. Pinigilan ko ang sarili kong umiyak muli. Pinagmasdan ko ang mukha nya habang hinahaplos ang bahagi ng pisngi nyang nasampal ko. "I'm happy to hear that. Kaya lang Kai, you're too late. You already did." I gave him a peck on his lips and left.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Too bad. Gusto na kasi kita.
L. JOE
"Ready kana?" Dasuri asked me habang nakatayo sya sa harap ko. I asked her to perform a dance for me pero ilang minuto na ang lumipas hindi parin sya nagsisimula. Pinagmasdan ko ang itsura nya ngayon. She wears jumper skirt and caps that makes her looks like a teenager.
The last time I check she's already on her twenties so bakit ganyan pa rin sya manamit? So silly.
"Yeah," I answered.
She plays the song and dance on it. No no no of Apink? That's the title of the song I have read on her laptop's screen.
Wala pa sya sa kalagitnaan ng kanta ay pinatigil ko na agad ito.
"Stop, Stop," I blurted out.
She stops and looks at me with a confused face, "Bakit? Bakit mo hininto 'yung tugtog?" reklamo pa nya.
"I don't like cute things. Dance another." I commanded. Mukhang hindi sya sang-ayon sa gusto ko pero she doesn't have any choice but to follow me. I smiled secretly. This is so interesting.
"Hay, naku! Masyadong demanding. O' sige. Etong Ice cream cake na lang ng Red velvet. Mas mahirap 'to kaysa sa No no no." pagpapaliwang nya.
"Whatever, just do what makes you please." Walang gana kong pahayag. She rolled her eyes and plays the music.
"ANO NA NAMAN?!" she blurted out pagkatapos kong sumenyas ng stop.
You can really see how disappointed she is. Halos magdugtong na nga ang kanyang dalawang kilay sa sobrang pagkakunot ng noo nito. I managed myself not to laugh. Kailangang hindi ko ipahalatang pinagti-tripan ko lang sya. "Still, cute concept. Can't you show me a mature one? Something that can suit our age. Sexy I guess?" let see how determined she is. Makakaya nya bang gawin ang isang bagay na mukha namang hindi nya nakasanayan. Nagpapadyak na naman ito sa harap ko. Bakit ba lagi na lang nyang ginagawa 'yan? Para s'yang tanga.
"Kung akala mong susuko ako nang ganon-ganon lang. Pwes nagkakamali ka. Sexy pala a' pwes ito ang panoorin mo."
Hinawi nya ang kanyang buhok papunta sa isang side at saka umupo sa sahig. Napaayos ako ng upo. What she will do? I don't have any idea kung ano ba 'yung tinutukoy nya hanggang sa may marinig akong music. I was mesmerized nang magsimula na syang gumalaw. Iniikot nya ang kanyang ulo with full of gracefulness. I got chills nang pagtagpuin nya ang aming mga mata.
*Don't you look into my eyes and lie again
I'm sick of being alone
Drop it!*
Literal namang lumuwa ang aking mga mata nang makitang she slightly spread her legs and slowly crawls. Holy Sh*t! She's giving me the feels.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Hindi na ko mapakali. Ramdam ko ang pamamawis ng mga kamay ko. Her moves, her facial expression, everything on her. I can't help but to be under her spell. Hihimatayin ako kapag ipinagpatuloy ko pa ang panonood sa kanya. Damn it! She even does lip biting. Arrggh. I need to do SOMETHING before I'll die. Kinuha ko 'yung unan sa tabi at binato sa kanya. Sakto naman 'yon sa mukha nya. Tumayo na rin ako at mabilis na pinatay 'yung tugtog. "Woah!" Nagulat si Dasuri at napahinto sa pagsasayaw.
Nilingon ko sya at tinanong, "Where's the bathroom?"
"Ha?" mukhang hindi pa sya nakakamove-one sa ginawa kong pagbato ko sa mukha nya ng unan.
"I SAID WHERE'S THE BATHROOM?!"
Dahan-dahan naman nyang itinuro kung nasaan 'yon. I didn't bother her reaction and go to that direction. Fvck! She really got me there. Pagpasok ko sa loob ng cr, ini-lock ko agad 'yung pinto.
I open the faucet and wash my face. Ipinikit ko pa ang mga mata ko at pinakalma ang sarili. Damn it! How can she look so appealing while dancing? Halos ayaw matanggal nang mukha nya sa utak ko habang ginagawa 'yon. Paulit-ulit lang itong nagpe-play roon na parang pinaglalaruan ako. I shook my head.
No L. joe, get back on your nerves. She's already a wife of someone, so control yourself.
Pinatay ko na 'yung gripo at pinunasan ang mukha ko. Heto na nga ba ang kinatatakutan ko. Bakit pa kasi ako pumayag sa gusto nya.
Stupid asshole!
ΚΑΙ
I heaved a sigh habang nasa loob ng kotse. Isang oras na rin ang nakakalipas matapos ang naging usapan namin ni Hyena. Pero kahit ganon naiisip ko parin ang naging reaksyon nya. Tama ba talaga ang naging desisyon ko? O baka naman nagpadala ko sa init ng ulo? Aish.
"I'm happy to hear that. Kaya lang Kai, you're too late. You already did."
Kanina ko lang nakita ang ganoong reaksyon ng mukha niya. Dati naman kasi, kahit ilang beses ko syang sungitan. Nagagawa parin nitong ngumiti sa'kin at kausapin akong muli. Kaya lang kanina, nakangiti nga sya pero ang mga mata nya? Puno 'yon ng lungkot.
I shook my head. Nagawa ko na, ngayon pa ba ko magsisisi? Binuksan ko 'yung makina ng kotse at nagsimulang paandarin 'to. Mabuti pa, bumalik na lang ako sa bahay. Pagkarating ko sa tapat ng gate napansin ko ang isang motorsiklo sa gilid nito. Base sa disenyo nito, lalaki ang nagmamay-ari 'non. Bigla kong napaisip. Lalaki 'yung kaklaseng tinutukoy ni Dasuri?
Ipinasok ko na 'yung kotse at ipinark 'to nang maayos. Sa ganitong pagkakataon, sa tuwing maririnig nya ang tunog ng makina ko lumalabas agad sya ng bahay para salubungin ako. But this time mukhang kakaiba ata. Lalo akong nagdududa kung anong meron sa loob ng bahay. Lumabas na ko ng kotse at nagdire-diretsyo sa loob.
"Nandito na ko," bulalas ko pagkasarado ng pinto. Binagalan ko pa ang pagtanggal ng sapatos para tignan kung sasalubungin ba ako ng asawa ko. But still, walang Dasuri ang sumulpot.
Nagdire-diretsyo ako sa sala at napamura sa aking nakita. Halos sumabog ang mga ugat ko sa ulo nang maabutang nakahiga sa sofa ang walangyang kaklase ni Dasuri na si L. joe habang nasa ibabaw naman nya ang asawa ko.
It looks like hindi nila sinasadya ang mapunta sa ganoong posisyon. Pero kahit anong gawin ko, hindi parin 'yon matanggap ng utak ko. Ang lakas ng loob nyang gumawa ng kalokohan sa mismong pamamahay ko?! Dali-dali akong lumapit sa kanila at hinila si Dasuri patayo. Halos lumuwa naman ang mga mata nya nang makita ko.
"Uhh, h-hubby, sandali. Chill ka lang. M-Mali 'yung iniisip mo. Magpapaliwanag ako." Mautal-utal pa nitong saad. Hindi ko na napigilan 'yung inis at sumigaw.
"WHAT THE FVCK ARE YOU DOING HERE?!!!"