OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS

Chapter CHAPTER 18: DANCE PRACTICE



ΚΑΙ

I open my eyes nang wala kong makapa sa tabi ko. Kagigising ko lang at sobra kong nagtaka nang hindi ko masilayan ang aking asawa. Nauna na syang bumangon? I stand up and go downstairs. May narinig akong nagluluto sa kusina. Nagdiretsyo ako roon para kumpirmahin ang aking hinala.

Bumungad sa akin si Dasuri na masayang nagluluto ng almusal. Why do I feel like it already happens before? At mukhang hindi ko nagustuhan ang nangyari pagkatapos 'non?

Hmm. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya mula sa likod.

"Ay, negro!" bulalas nito nang maramdaman ang presensya ko.

"Bakit ka naman nanggugulat. Kita nang nagluluto 'yung tao e. Paano kung natapon 'to? Sayang naman 'yung effort ko." nakanguso nitong pahayag.

Mas hinigpitan ko lang ang yakap ko sa kanya. Ipinatong ko pa ang aking baba sa kanyang balikat, "Hmm. Mukhang masarap. Hindi naman na siguro maalat 'yang luto mo 'no? At wala na ring kasamang balat 'yung fried egg?" "Hindi kaya itlog niluto ko. Gumawa ko ng pancake para maiba naman. Hehe." Saad nito habang niluluto 'yung pancake na tinutukoy nya.

"Okay, excited na kong matikman ang nilutong almusal ng asawa ko." humiwalay na ko sa kanya at nagsimulang kumuha ng mga plato. Hahawakan ko pa lang ang mga 'yon nang bigla nya kong sawayin.

"O-oy! Wag mong hahawakan 'yan, ako na ang bahalang maghain." Binitawan nya 'yung hawak na swense at lumapit sa akin. Hinatak pa nya ko papalapit sa mga upuan.

"Basta maupo ka lang dito. Ako nang bahalang magsilbi sa'yo, asawa ko." kinindatan nya pa ko bago muling binalikan ang niluluto nya.

Trip nya talagang magpakaasawa ngayon? Haha.

"Okay, kain na tayo." pahayag nito matapos ihanda ang lahat ng pagkain.

Nilagyan pa nya nang syrup 'yung pancake na nasa harapan ko. Pagkatapos ay umupo naman 'to sa upuan sa tapat ko. Kinuha ko 'yung fork and knife at nagsimulang kumain. "Hmm, not bad." Komento ko pagkatikim 'don.

"Talaga? Yehey! Next time susubukan kong magluto ng Korean dish. Hehe." Masigla nitong sambit.

"I'm looking forward to it, wifey." Ngumiti pa ko ko habang sinasabi 'yon.

Nagsimula na rin naman 'to sa pagkain. Makalipas ang ilang minutong katahamikan, naulinigan ko syang magbukas ng usapan.

"Uh, hubby, what time ka pala aalis ngayon?" tanong nito habang sumusubo ng pagkain. Huminto ko sandali at hinarap sya. "Pinapaalis mo na ba ko?"

Bigla syang nabilookan dahil sa sinabi ko. Palihim akong napangiti habang inaabutan sya ng tubig. She's so silly.

"O' tubig," Inabot naman nya 'yon at agad-agad ininom.

"Hindi 'no! Nagtatanong lang naman ako, masama ba 'yon?" defensive nitong tugon.

Yumuko ako at bahagyang ginalaw ang pagkain ko, "You don't have classes for today, right? Wala rin akong schedule. I guess, we will have a great day today."

"ANO?! Bakit wala?" medyo napataas pa ang boses nya habang sinasabi nyo.

"You sound disappointed." Puna ko rito. Agad-agad naman itong umiling habang pilit akong pinapaniwala sa sinasabi nya.

"H-Hindi 'no. Bakit naman ako madi-dissapoint? Makakasama kita buong maghapon? Masaya kaya 'yon. Ha-ha." then gave me a fake smile.

Napansin ko pa ang palingon nito sa gilid sabay bulong, "Patay, pano na 'yung practice namin ni L. joe ngayon?"

Umiling-iling ako, "Masyado syang obvious."

DASURI

Time check. 8:34 am. Gosh. Paano na 'to?

Dapat nakaayos na ko kanina pa. Alas-otso kasi ng umaga ang usapan namin ni L. joe. Dito pa naman kami sa bahay magpa-practice. Hindi ko naman kasi akalain na sa dami-rami ng araw, ngayon pa talaga walang alis si Kai? Bakit kasi galit na galit sya kay L. joe? Ako tuloy napapahirapan ngayon.

Kailangan pa naman talaga naming magpractice. Bukas na 'yung audition. Hindi pwedeng hindi kami matanggap. Magugunaw ang earth pag nagkaganon. Huhu.

Kakatapos ko lang maglinis sa kusina habang si Kai nasa sala at naunuod ng tv. Tinanggal ko na 'yung apron sa harap ko at dahan-dahang lumapit sa kanya. Kapag sinabi ko kaya sa kanya ang totoo, papayagan na nya si L. joe na pumunta dito sa bahay?

Geez. Nakakakaba naman 'to.

Lumapit pa ko sa kanya at niyakap sya mula sa likod habang nakaupo at nakasandal sya sa sofa.

"O' wifey, tapos kana?" bungad nitong tanong sa'kin. Tumango-tango naman ako.

"Maupo ka dito sa tabi ko," sabay tapik nya sa pwesto sa tabi nya. Nagtanong muna ko bago sya sundin,

"Hubby, pwede ba kong manlambing sa'yo ngayon?" pagbabakasakali ko.

"Sure, ano ba 'yon?" Tinanggal ko na ang pagkakayakap ko sa kanya at tumabi na sa kanya. Ipinatong ko pa ang ulo ko sa balikat nya habang nakapulupot ang kamay ko sa bewang nya.

"Ano kasi, may sasalihan akong club sa school. Required kasi 'yon. Ngayon meron akong kapartner, kailangan namin magpraktis ng sayaw. Kaya sabi ko, sige doon na lang tayo sa bahay namin. E' akala ko kasi talaga busy ka ngayong araw kaya sinabi ko 'yon. Okay lang ba kung papuntahin ko na dito 'yung classmate ko?"

"Promise, ako magliligpit ng kalat namin pag-alis nya. " pagmamakaawa ko rito. Sana pumayag sya, sana...

Iniangat naman nya ang kanyang kanang braso at inilagay 'to sa balikat ko. Ngumiti pa 'to bago sumagot.

"Sure, no problem. Mas mapapanatag nga ko kung dito kayo sa bahay kaysa sa ibang lugar."

"Yehey! Thank you, hubby. I love you na talaga." Niyakap ko sya nang mahigpit at hinalikan sa pisngi.

"Paano, magbibihis lang ako tapos susunduin ko na 'yung classmate ko." humiwalay ako sa kanya at nagmamadaling tumakbo paakyat nang hagdan.

Kailangan kong bilisan baka bigla pang magbago isip nito e. Mahirap na, Haha.

"Watch your steps baka madapa ka. Gusto mo ba samahan pa kita kapag sinundo 'yung classmate mo?" I faced him and answered,

"Hindi na. Kaya ko na naman."

Baka mamaya sipain mo na 'yon palayo pagkakita mo pa lang sa kanya. Then give him an assuring smile.

Ilang minuto rin ang nakalipas bago ko muling makababa sa sala. Nagsuot lang ako ng jumper skirt at saka pink sleeveless at black top sa loob. Tapos trinintas ko rin 'yung buhok ko with a cap.

Habang pababa ko ng hagdan napansin ko na may kausap si Kai sa phone nya. Pinakinggan ko 'yung usapan nila.

"What? Pero bakit ko naman gagawin 'yon? No. Let her do what she wants pero hindi ako pupunta dyan." Matigas nitong pahayag.

Sino kaya 'yung tinutukoy nya?

"May mga security guard dyan, kaya na nilang i-handle 'yan. Gumamit kayo ng pwersa kung kinakailangan. Wala kong pakialam." Mukhang naiinis nga talaga si hubby. Dumidiin 'yung hawak nya sa cellphone e. "Aish. Fine,"

"Pupunta na ko dyan and kick her personally." Binaba na nya 'yung cellphone atsaka ko nilingon.

"Aalis lang ako sandali. Babalik din ako agad." Sabay akyat nya sa taas para magpalit.

Hindi na lang ako nangulit pa, baka ako ang masipa nang wala sa oras. Hinintay ko yung pagbaba nya at saka sumabay sa kanya sa paglabas.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Are you sure hindi ka sasabay sa akin? Pwede naman kitang ihatid muna, hindi naman ako nagmamadali." Tanong nya habang nasa loob na sya ng kotse.

Umiling-iling naman ako, "Okay lang talaga ko. Ingat ka na lang. Bye~" kaway ko pa rito habang nakatayo sa gilid ng kotse nya.

"Sige, bye." Itinaas na nya 'yung salamin ng kotse at pinaandar 'to. Pinagbuksan ko pa sya nang gate para makalabas. Nang medyo malayo na sya kinuha ko 'yung cellphone ko sa bulsa at nagdial dito. "Hello? Nasaan kana?" tanong ko kay L. joe.

"Turn around." sinunod ko naman sya at pinagmasdan ang paligid.

Hindi naman nagtagal at nakita ko sya sa likod ko. Naksandal sa motorsiklo nyang black and white. As usual, pang gangster na naman ang porma nito. Ibinaba ko na 'yung phone bago sya lapitan. "Kanina ka pa?" tanong ko. Tumalim naman ang tingin nya.

"What do you think? You said I should come here at exactly 8:00 am but look? It's already 9:51. Thanks for wasting my time." Sarkastiko nitong sabi matapos ipakita ang oras sa cellphone nya. I smirked. "Nilambing ko pa 'yung asawa ko. Ikaw kasi, ginalit mo sya kahapon. Ako tuloy naiipit sa inyong dalawa." Reklamo ko pa dito.

"Then let's call it a day. Bye, Dasuri. Good luck on your SOLO audition tomorrow." Umakto pa 'tong sasakay muli sa motor nya para umalis.

Grabe.

Porket ako 'yung may kailangan sa kanya kaya ganyan sya umasta. Nakakabanas na talaga. Arrrrrgghhh!!! Inagaw ko 'yung helmet nya sabay hatak sa kanya papasok sa bahay namin.

"H'wag ka ngang mag-inarte mokong. Pagkatapos lang talaga nito who you ka na sa akin." Saad ko habang hila-hila sya papasok.

Pagdating namin sa sala, hinubad nya muna 'yung sapatos nya at saka iginala sa paligid ang kanyang mga mata. Hinayaan ko naman sya 'don at inayos 'yung laptop na gagamitin namin para mamaya.

"So, this is yours and your husband's house? Do you have any maids here?" tanong nya habang patuloy parin sa pag-usisa ng bahay.

"Wala, kaming dalawa na lang 'yung nandito. Pero dati nagkaroon kami bago kami maghiwalay," sagot ko habang hindi tinatanggal 'yung mata sa screen nung laptop.

"Hiwalay? Did you get divorced before?!" gulat nitong tanong. Tumango-tango naman ako.

"Yup, pero hindi na mauulit 'yon 'no. Hiningi lang kasi ng pagkakataon. And that was the worst decision I have done in my entire life. Gotcha!" naset-up ko na rin 'yung mga kakailanganin namin. Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Ano ba 'yung tinitignan mo dyan?" nakatayo kasi sya sa tapat ng wedding photo namin ni Kai na nakasabit sa sala. May kakaiba ba 'don na hindi ko napapansin?

"You look good on a wedding gown." Saad nya habang nakatitig roon. Napanganga naman ako sabay dampi ng palad ko sa noo nya.

"Wow. May sakit ka ba? Himala at pinuri mo ko?" pang-aasar ko rito.

Hinawi naman nya 'yon. "I said 'good' not 'beautiful', idiot." Sabi na e. Imposible talaga 'yung narinig ko. Psh.

"Tara na nga, magsimula na tayo sa practice." Aya ko rito.

Pumunta na kami sa tapat nung sofa. May space pa naman 'don para magkapagsayaw kami 'don dalawa. Inopen ko 'yung laptop at pinakita sa kanya 'yung mga niresearched ko.

"Oo nga pala, nakalimutan kong i-mention sa text ko kagabi. Nung pinasa ko 'yung application form natin, pinabunot nila ko para malaman kung anong genre ng sayaw ang ipe-perform natin. Tapos 'yung nabunot ko ay Tango," masigla kong wika.

"Base sa aking pananaliksik ang Tango ay sinasayaw both in modern and traditional styles. It is often described as a passionate dance, because of the close connection partners can have, the character of the music and also relating to some of the dance history." Basa ko 'dun sa sinaved kong article. Nakikinig lang naman 'yung lalaking nasa tabi ko.

"Para mas madali nating maintindihan kumuha ko ng video'ng pwede nating gayahin." I played the said video. Sabay naman namin 'yung pinanood.

Tumayo si L. joe pagkatapos 'non. Sumalampak sya sa sofa at maangas na naupo, "I won't do that. Find another partner." Halos bumagsak ang panga ko pagkarinig 'non. Tumayo ako't pumunta sa harapan nya.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Anong sabi mo? Pumayag kanang maging kapareha ko tapos ngayong magpa-praktis na tayo, aayaw ka na lang bigla? Ha." napapabuga pa ko ng hangin sa ere habang nakapamewang dahil sa sobrang inis.

"Gusto mo na bang mamatay HA?!" singhal ko rito. Nakalimutan nya atang nasa pamamahay ko sya. Kaya once na gilitan ko sya ng leeg magagawa kong pagtakpan 'yon nang ganon kadali. Ha.

He shrugged his shoulder, "Do it, I'm not scared." Nakuha pa nitong ngumiti sa harap ko.

"Arrrrrrgh!" nagpapadyak ako sa inis. Pinupuno talaga ko ng mokong na 'to. Naiiyak na ko sa inis!

Huminto ko sa pagpadyak at hinawakan ang kamay nya. "Please naman h'wag mong gawin sa'kin 'to. Ikaw na lang talaga ang pag-asa ko e. Tulungan mo ko hanggang dulo. Please..... Please....." lumuhod pa ko sa gilid nya habang nakaupo sya sa sofa. Mukhang nagulat naman sya sa ginawa ko.

"What the heck are you doing? I never told you to kneeled down, stupid."

Gulantang nitong reaksyon. Umiling-iling ako, "Hindi! Mananatili akong nakaluhod hangga't hindi ka nangangakong hindi na aayaw pang muli." Binigyan ko sya nang determinadong mukha. Mukhang gumana naman sa kanya 'yon. Nagbago kasi 'yung reaksyon ng mukha nya, mukhang nagawa kong baguhin ang desisyon nya, "Fine, Now, stand up." Utos nito.

"Teka, magpinky-promise ka muna." Habol ko sabay pakita nang hinliliit ko.

"Do I really need to do that? So childish." hindi makapaniwalang tanong nito. Tumango-tango naman ako bilang sagot. Napakamot na lang sya sa batok nya sabay pinky promise. Ayiee. Haha. "Sya si L. joe na nangangakong hinding-hindi na aayaw sa practice nila ni Dasuri Kim. Kahit ang isipin ay hindi nya 'yon gagawin. Mananatili sya tabi ni Dasuri hanggang dulo. Pinky promise?" "Pinky promise." Naiilang nitong tugon.

"Cross your heart?"

"Cross my heart."

"Hope to die?"

"Yeah, hope to die. Satisfied?" masungit nitong tanong. Tumayo na ko't hinarap sya nang masaya.

"Alright! Start na tayo"

Maglalakad na sana ko papunta sa laptop para pagaralan 'yung sayaw nang pigilan nya ko. "Wait," nilingon ko sya.

"Ano na naman?!" kinakabahan kong tanong. Mag-iinarte na naman ba sya? Tss.

"I want to be assured too." Nakatayo na 'to habang hawak-hawak ang braso ko.

"I want to know if you are good enough to be my partner or we need to forget everything."

"Ano?! Akala ko ba----fine! Gusto mo lang naman malaman kung marunong ba kong sumayaw o hindi right?" Pinupuno talaga ko nang lalaking 'to. Tinanggal na nya 'yung kamay nya atsaka sumagot. "Exactly,"

"Ipapakita ko sa'yo ang hinahanap mo. Magaling kaya kong magcover ng mga sayaw ng idols. Makikita mo mapapanganga ka sa gagawin ko." buong kumapyansa kong pahayag.

Umupo naman syang muli sa sofa. Nagdikwatro at hinimas-himas 'yung baba nya para ipakitang naghihintay sya.

"Show me what you've got, Dasuri." panghahamon pa nyang pahayag. Tsss!


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.