My Stranger Legal Wife

Chapter CHAPTER 30: The Past



Flashback....

"I now pronounce you, husband and wife. Congratulation Mister and Mrs. Belmonte."

Umirap pa si Leina matapos sabihin iyon ng judge. Si Richelle at ang driver ni Franc ang naging witness sa kasal.

"We'all keep it a secret for now." Tinalikuran ni Leina si Franc at nagpatuloy ito sa paglalakad. Naiiling na lang na sumunod rin sa kanya si Franc. "Huwag ka sanang atat. Bibigyan kita ng anak kapag ready na ako. Hindi ka naman talo dito, nagpakasal pa ako sa'yo."

"I know, bata ka pa. But I just want to remind you, hindi mo ako matatakasan."

Agad naman siyang liningon ni Leina.

"Siguro nga. Pero alam mong hindi mo ako kayang kontrolin na parang isang robot." Ngumisi ito sa kanya. "But don't worry, susunod ako sa usapan natin."

Umirap pa ito bago nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod lang naman sa kanya si Franc. Si Richelle at ang driver naman ni Franc ay sumakay sa kabilang kotse. Si Franc naman ang nag-drive sa kotseng sinakyan nila ni Leina. "Closed na pala ang kaso ni Tito Arnaldo. It's already declared as a case of suicide." Pambabasag ni Franc sa katahimikan.

"That's good."

"Buti na lang, hindi kinonsidera na ebidensya 'yong nakitang lipstick sa loob. Marami kasing nakitang dahilan para mag-commit ng suicide si Tito."

"Wala akong pakealam kay Arnaldo, kay mommy ako nag-aalala. Lagi siyang iyak ng iyak. I can't believe na gano'n niya kamahal ang demonyong 'yon."

Impit na napatili si Leina nang biglang prumeno si Franc.

"Damn you! Balak mo ba akong patayin!"

Hindi naman siya pinansin ni Franc ngunit nanatili ang nanlalaking mata nito sa kalsada.

"May nabangga yata tayo." Namuo ang butil ng pawis nito sa noo.

Awtomatikong napunta sa kalsada ang tingin ni Leina. Walang katao-tao sa paligid. Madilim rin at tanging liwanag lang mula sa malamlam na street light ang nagbibigay ng hindi pa sapat na liwanag. "Babain mo. Dali!"

Nag-aalangan namang bumaba si Franc. Unti-unti na ring binalot ng kaba si Leina.

Nang malapitan ito ni Franc ay agad na dinama nito ang pulso ng babae. Nang hindi na nakatiis si Leina ay bumaba na rin siya ng sasakyan.

"Patay na ba siya."

"Hindi. May pulso pa siya."

"Thanks, God!" Bulaslas nito. "Hurry up! Dalhin natin siya sa hospital."

Agad na binuhat ni Franc ang walang malay na babae. Isinakay niya ito sa backseat. Palingon-lingon pa si Leina sa babae habang nasa biyahe sila patungo sa hospital.

Nang maipasok sa emergency room ang babae ay hindi pa rin mapakali si Leina.

"What if napatay mo siya."

"It's an accident, Leina." Kalmante lamang itong nakaupo. "Kailangan nating malaman ang identity niya para makontak natin ang pamilya niya."

Hinalungkat ni Franc ang bag ng babae. May folder roon na may mga papeles na agad namang niyang pinagtuunan ng pansin.

"She is Alora Leigh Andrada." Nasa papeles parin ang tingin nito.

"Andrada?"

Tumango lamang si Franc bilang tugon. Nagpatuloy pa rin siya sa pagbabasa sa ibang laman ng folder.

Kumilos ang kamay ni Leinarie upang damputin ang wallet na nasa loob ng shoulder bag.

Hindi niya nagawang itago ang panginginig ng kamay nang buksan niya iyon.

At para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa nakita. Nabitawan niya ang hawak niyang wallet kasabay ng pagtulo ng luha niya. "Bakit?"

Lalo siyang napahikbi. Ang nakaraang ibinaon na niya sa limot ay bumalik sa kanyang diwa. Ang pag-iwan sa kanila ng kanyang Papa, ang pagdating ni Arnaldo sa buhay nila at ang paulit-ulit nitong panggagahasa sa kanya. "Bakit?" Muling tanong ni Franc.

"Anak siya ni Papa."

Agad na dinampot ni Franc ang nahulog na wallet. Bumungad sa kanya ang isang larawan, tila isang family picture. Mula roon ay makikita ang lalaki at babaeng nasa singkwenta ang edad. Sa gitna nila ay ang babaeng nakabangga nila. "Kapatid mo 'yong babae?"

"Wala akong kapatid, Franc!" Tumalikod ito at patakbong humakbang paalis. Agad naman siyang hinabol at pinigilan ni Franc.

"Sandali! Hindi natin siya pwedeng iwan."

"Maiwan ka kung gusto mo!" Marahas niyang tinanggal ang kamay ni Franc na nakahawak sa kanya.

"Sana nga mamatay na siya!"

"Huwag kang magsalita ng ganyan. Kapatid mo parin siya."

"Sinira nilang mag-ina ang pamilya namin. Sinira nila ang buhay ko!"

Kitang-kita ni Franc ang hinanakit sa mga mata nitong lumuluha bago ito tuluyang tumalikod para iwan siya.

Nang masigurong stable na ang lagay ni Alora ay saka lamang nagdesisyon umuwi muna si Franc. Naabutan niya si Leina na nakatagilid ng higa sa kama. Ramdam niyang gising pa ito kahit nakatalikod ito mula sa kinaroroonan niya. "Ulila na pala sa magulang ang kapatid mo. Namatay pala ang mama niya at ang papa niyo sa plane crush."

Hindi parin umimik si Leina.

"She's still studying college. Pero mukhang titigil na siya. Walang natira sa ari-arian nila. Napunta iyon sa pagpapalibing sa parents niya at sa mga utang."

Napabuntong-hininga na lamang si Franc nang hindi iyon pansinin ni Leinarie.

"Nakakaawa siya. Wala na siyang mapupuntahan."

Hindi parin ito umimik ngunit kumawala sa kanya ang hikbi.

Humiga si Franc sa tabi nito at binigyan niya ito ng mahigpit na yakap.

"Learn to forgive. Walang kasalanan ang kapatid mo sa nagawa ng papa niyo at ng mama niya."

Hindi kumibo si Leina ngunit tahimik itong umiyak hanggang sa makatulugan niya iyon.

Kinabukasan, namalayan na lamang niya ang sarili niyang patungo sa hospital. Hindi na rin niya alam kung paano niya napakakisamahan si Alora. Umakto siyang hindi niya ito kilala. Hindi lang iyon, nagawa pa niya itong alukin ng tulong. Inalok niya ito ng libreng pag-aaral kapalit ng pagtratrabaho nito sa kanya. Isa bagay na hindi maintindihan ni Franc.

"Umamin ka nga sa'kin. May plano ka bang pahirapan siya kaya inalok mo siya ng trabaho?"

"Anong tingin mo sa kanya, si Cinderella?" Umirap ito sa kanya. "Kung gaganti ako, hindi gano'n kasimple, Franc."

"Tandaan mo sanang kapatid mo parin siya, Leina."

"I told you before! Wala akong kapatid!" Pinanlisikan niya ito ng mata. "Pwede bang huwag mong ipaalala sa'kin 'yan. Marami akong problema ngayon!"

"Okay, I'm sorry." Umupo ito sa tapat niya.

"Kumusta nga pala si Tita?"

"She's not fine. Ipina-confine ko na sa mental hospital. Lagi siyang tulala tapos bigla na lang iiyak. Hindi ko siya makausap."

"She needs you, Leina."

"How can I do that? Tuwing makikita niya ako, para siyang takot sa'kin. Nagwawala siya tuwing lalapit ako."

Napakunot-noo si Franc dahil sa narinig.

"Ginagawa niya 'yon? Bakit?"

"Tingin mo, alam ko?" Nag-ikot ito ng mata. "You know what, walang kang kwentang kausap! Diyan ka na nga!"

Namalayan na lamang ni Leinarie ang sarili sa isang bar kasama nito si Richelle matapos niya itong i-text na puntahan siya nito.

"Look atthe man in blue suit." Napunta ang tingin ni Richelle sa direksiyon kung nasaan ang tingin ni Leinarie. "Bakit?"

"He looks hot..."Lalo nitong sinuri ng tingin ang lalaki. "and rich."

"He is Zeke Xavier Fuentares. One of the famous and youngest business man in Asia."

Agad napalingon sa kanya si Leina.

"You know him?"

"I only met him once in a party."

Muling ibinalik ni Leina ang tingin sa lalaki.

"Gusto mo ba siya?"

"What if I say yes?" Sumimsim ito sa kanyang kopita. "Gusto ko ng katawan niya. Gusto ko ng pera niya. Makakatulong siya para maisalba ang Melendrez Corp."

"Lugi na ang business niyo. Duda akong tutulungan niyang umangat ang Melendrez. Tandaan mo, isa siyang businessman. Hindi siya mag-i-invest sa negosyong palubog na." Sumimsim ng alak si Richelle bago muling nagsalita. "Kung gusto mo ng pera at katawan niya, mag-apply kang bedwarmer niya. Malay mo gusto niya."

Nagpakawala ng mahinang tawa si Richelle.

"Pero malabo, kasi ba't pa siya magbabayad ng babaeng ikakama kung meron namang libre. Ang mga businessman, wais 'yang mga 'yan."

Pinanlisikan niya ng mata si Richelle.

"You're not giving any help!"

Hindi naman nagpatinag si Richelle sa tingin niya.

"Nagsasabi lang ako ng totoo. Pwede siguro 'yang gusto mo kung pakakasalan mo siya."

"You know, it's imposible."

Mahinang napahalakhak si Richelle.

"Kasal ka na pala. Kundi hindi ikaw si Leinarie, pwede siguro."

Nag-vibrate ang cellphone ni Leina. Nang tumingin siya sa screen ng cellphone nito ay rumehistro ang pangalan ni Alora.

"Oh, my dearest sister is worrying for me." Agad itong nagtipa ng reply sa mensahe ni Alora. "Magpapasundo ako sa kanya para naman may silbi naman siya."

Sa mga sumunod na sandali, may mga lalaking nagtangkang lapitan sila ngunit sinungitan lamang sila ni Leina. Ang buong atensiyon nito ay nasa lalaking nagngangalang Zeke Fuenteres. Nag-aalangan lamang siyang lapitan ito dahil kitang- kita naman niya kung paano nito dedmahin ang mga babaeng lumapit at nagtangkang akitin siya.

"Sigurado ka bang hindi bakla 'yang Fuentares na 'yan."

"May mga babae namang na-link sa kanya noon. Sadyang pihikan lang siguro."

Maya-maya lang ay kitang-kita nila ang pagbaling nito ng tingin sa pintuan. Agad naman nila iyong sinundan ng tingin.

Agad ding bumalik ang tingin ni Leina kay Zeke ngunit nakatingin pa rin ito sa pintuan. Sa parte kung saan nakatayo ang bagong dating na si Alora.

"Infairness, napakaganda ng kapatid mo kahit simpleng-simple lang ang hitsura niya."

Sinamaan siya ng tingin ni Leina.

"Medyo hawig kayo. Nagmana siguro kayo sa papa niyo."

Inirapan siya ni Leina bago ibalik ang tingin nito kay Zeke. Subalit wala na ito sa upuan niya. Nang igala niya ang paningin niya ay nakita niya itong naglalakad. Ngunit ng sundan niya ng tingin ni Zeke, nakapukol ito sa pwesto kung saan naroon si Alora.

"Looks like, nabihag ng kapatid mo ang lalaking pangarap mo."

"Whatever!" Supladang turan pa ni Leina bago tumayo.

"I'm going home. Lumandi ka diyan mag isa mo!"

Humakbang ito palayo kay Richelle. Narinig pa niya ang pang-aasar nito ngunit hindi na niya iyon pinansin sa halip ay binilisan na lang niya ang hakbang patungo kay Alora.

Nang ilang hakbang na lang ang layo ni Zeke kay Alora ay nagtipa na siya sa kanyang phone upang tawagan si Alora. Nang sagutin ni Alora ang tawag ay nakita niya ang pagtigil ni Zeke Fuentares sa paghakbang. "Lalabas lang ako saglit, hindi kita marinig."

Nagmadali itong lumabas ng bar. Hindi naman kumilos si Zeke Fuentares sa halip ay sinundan lamang niya ito ng tingin.

Nang dumaan si Leinarie sa harap ni Zeke ay tila ba isa lang itong hangin sa kanya. Umusbong ang inis niya ngunit ang inis na iyon ay tila naging bombilya na sumindi sa utak niya.

Pumasok ang isang ideya kung paano mapapasakanya si Zeke Fuentares.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.