Chapter CHAPTER 29: Abducted
Nagising si Alora na tila pinupukpok ang ulo sa sakit. Iginala niya ang kanyang paningin. Walang gamit sa paligid, ang mga dingding naman ay nagkukulay itim na. Tila dating may pintura ito dahil sa mababakas pa ang kulay puting tila naluma
na.
Sinubukan niyang gumalaw subalit naramdaman niya ang taling nakapulupot sa beywang niya gayundin ang kamay niyang nakatali sa likod ng kinauupuan niya.
"Good thing that you're awake."
Agad siyang napabaling sa pinagmulan ng tinig.
"Leina?" Bumalatay ang gulat sa mukha ni Alora.
"Yes my dear, it's me." Ngumisi ito sa kanya. Maya-maya lang ay lumapit si Richelle kay Leina at inaabot sa kanya ang isang baril. Nakaramdam ng pangangatog ng tuhod si Alora. "Anong ibig sabihin nito, Leina?"
"What's the meaning of this?" Ngumisi ito ng nakakaloko.
"Nakalimutan mo na ba, my dear? Sabi ko dati, All I want for you is a remarkable life."
"Bakit?" Hindi naitago ni Alora ang panginginig. Nagsimula na rin niyang maramdaman ang paghapdi ng kanyang mata.
"Akala ko ba hindi ka galit sa relasyon ko kay Zeke?"
"It's not about Zeke!" Tumalim ang titig nito sa kanya.
Naglakad-lakad ito palibot sa kanya. At sa bawat paglagutok ng suot nitong heels ay nadaragdagan ang kabog ng dibdib ni Alora.
"May kwento ako sa'yo." Dumukwang ito sa kanya." Listen carefully." Pinadausdos nito ang baril sa kanyang pisngi.
Muli itong humakbang patungo sa harap niya.
"Once upon a time, there's a one complete and happy family. Isang mapagmahal na ama at mapag-alagang ina sa kanilang only little girl." Tumingala ito sa kisame na parang nakikita ang isang magandang ganap. Nagniningning pa ang mga mata nito. "Everything was beautifully perfect until a witch came into the picture." Bumalik ang tingin nito kay Alora. At makikita sa mata nito ang panlilisik.
"Alam mo kung anong pangalan ng witch na 'yon?"
Hindi umimik si Alora. Sobra na siyang kinain ng takot.
"Amalia! Her name is Amalia!"
Napailing naman si Alora nang marinig niya ang pangalan ng kanyang ina.
"Alam mo kung anong ginawa ni Amalia the witch?" Sandali itong tumigil. "She put a spell on the little girl's father. Kaya naman ang happy family nasira."
Tuluyan ng nalaglag ang luha ni Alora dahil sa halo-halong emosyon. Ibang-iba ang Leinarie na kaharap niya ngayon.
"Alam mo ba kung anong nangyari sa little girl?" Tumulo ang luha sa pisngi ni Leinarie Melendrez. "Paulit-ulit. Paulit siyang ni-rape ng evil stepfather niya." Kumawala ang hikbi ni Leinarie.
Napahikbi na rin si Alora.
"Hindi iyon ginusto ni mama, Leina."
"Ginusto man o hindi, kasalanan pa rin niya!"
Pinunas nito ang kanyang luha.
"Pero dahil ako ang bida sa kwentong ito, hindi kita papatayin. Lulumpuhin lang kita hanggang sa hindi ka na makalakad. Sisirain ko din ang mukha mo. Gagawin kitang pangit, matatakot sayo ang lahat. Walang magmamahal sa'yo, Alora. At higit sa lahat pagsisisihan mong ipinanganak ka sa mundong ito."
Lalo namang bumuhos ang luha ni Alora.
"Please Leina, maawa ka sa'kin. May mga anak ako."
Ngunit hindi iyon pinakinggan ni Leina. Tumalikod ito at tinungo ang pinto. Sumunod rin si Richelle at hindi nila inintindi ang pag-iyak nito.
"Ano ba talagang plano mo kay Alora?" Usisa ni Richelle nang makakuha siya ng tiyempo.
"You heard it a while ago, right?" Tumaas pa isang kilay nito habang nakatingin sa kanya.
"So, ano? May plano ka pang buhayin siya?"
"Yes." Walang kagana-gana nitong sagot bago kinuha ang bote ng alak at nagsalin sa kanyang baso.
"Ba't 'di mo pa siya patayin?"
Muling namang bumaling sa kanya su kanya.
"I'm not a killer like you, Richelle."
Tumalim ang titig ni Richelle dahil sa tinuran ni Leinarie. Nagngitngit ang kanyang mga ngipin. At habang nakatingin siya kay Leinarie ay unti-unting bumalik ang nangyari, sampung taon na ang nakakaraan. Napakislot si Richelle nang humalik si Arnaldo sa kanyang batok. Tumaas ang kanyang balahibo sa mainit nitong hininga na tumama sa kanyang balat.
"Arnald, ano ba? Uuwi na ako." Lumayo ito sa lalaki ngunit agad siya nitong hinabol ng yakap.
"Baka biglang umuwi ang asawa mo." Pinilit niyang tinanggal ang kamay na nakapulupot sa kanyang beywang.
"Hindi niya tayo mahuhuli, darling." Muli dumapo ang halik nito sa kanyang leeg.
"Wala nga ako sa mood! Ano ba!" Marahas nitong tinanggal ang kanyang kamay at saka ito hinarap.
"Ayoko na, Arnaldo. Pagod na akong maging kabit mo lang."
"Ang dami mong arte."
"Totoong mahal kita. Pero ako, ano ba ako sa'yo? Parausan mo lang ba ako?"
"Ang dami mong sinasabi!" Tinulak niya si Richelle sa kama. Nang bumagsak roon si Richelle ay kaagad niya itong kinubabawan.
"Huwag na ng magpakipot!"
Ipininid nito ang mga kamay ni Richelle sa kamay at saka niya sinunggaban ng halik ang leeg nito.
"Ayoko! Please, ayoko!" Pilit pumalag si Richelle upang makawala sa pagkakahawak ni Arnaldo sa kanya.
"Magugustuhan mo 'to darling."
"Ayoko! Ayoko!" Lalo pa siyang gumalaw-galaw. Nagtagumpay siyang maalis ang kanyang kamay na hawak ni Arnaldo. Nagawa niyang maabot ang leeg niti
Nang mahirapang huminga si Arnaldo ay saka lamang niya ito binitiwan. Gumapang siya paalis ng kama ngunit bago pa siya makalayo ay nagawang hilain ng matandang lalaki ang kanyang paa. Pinilit ni Richelle na sipain si Arnaldo ngunit sadyang malakas ito.
Nagawang mahablot ni Richelle ang isang unang sa kama. Eksaktong nakuha niya iyon ng mahuli ni Arnaldo ang isa niyang kamay. Awtomatiko namang naitakip ni Richelle ang unan sa mukha ng lalaki. Ginamit niya ang kanyang lakas upang ipinid ito sa kama.
Baligtad na ngayon ang sitwasyon. Siya na ngayon ang nasa ibabaw ni Arnaldo.
Kumawag-kawag pa ang katawan ni Arnaldo tanda ng panlalaban.
"Sinamantala mo ang pagmamahal ko sayo, Arnald!" Lalo niyang idiniin ang unan na nakatakip sa mukha nito.
Maya-maya lang ay tumigil na sa paggalaw si Arnaldo.
Natigilan rin si Richelle. Nagsimulang kumabog ang kanyang dibdib.
Dahan-dahan niyang tinaas ang unan. Bumungad sa kanyang ang mukha ni Arnaldo na nakapikit.
Binalot ng katahimikan ang paligid. Lalo siyang binalot ng kaba.
"Napatay ko ba siya!" Naramdaman niya ang panghihina ng kanyang tuhod.
Bago pa siya makahuma ay narinig niya ang tunog ng pagbukas ng pinto.
Agad napalingon si Richelle sa pintuan ng silid. Bumungad sa kanya ang anak-anakan ni Arnaldo, si Leinarie Melendrez at ang isang lalaki.
"Oh my God!" Nanlalaki ang mata ni Leina. Gumuhit din ang shock sa mukha ng lalaking kasama nito.
Tumulo ang luha ni Richelle dahil sa reyalisasyon ng nagawa.
"Believe me, hindi ko sinasadya." Hindi niya naitago ang panginginig.
Hindi inalis ni Leinarie ang pagkakatitig sa kanya.
"Pinagtanggol ko lang ang sarili ko."
Luminga-linga si Leinarie sa labas ng kwarto. Maya-maya lang ay hinila niya papasok ang kasama nito sa loob. Isinara rin nito ang pintuan.
Napalunok pa ito bago unti-unting lumapit sa kanya.
"I-check mo kung humihinga pa."
Nanginginig niyang inilapit ang daliri nito sa ilong ni Arnaldo.
Lalong tumulo ang luha niya.
"Ayokong makulong."
Napakagat ng hintuturo si Leinarie. Gumalaw-galaw ang mata nito na animo'y nag-iisip ng gagawin.
"Tumayo ka na diyan!"
Naguguluhan namang tumingin sa kanya si Richelle.
"Dali! Kailangan nating linisin ang ebidensya." Hinila niya ito paalis ng kama. "Move now! Kung ayaw mong makulong!"
"Teka! Ayokong madamay dito." Turan ng lalaking kasama niya. Humakbang ito paalis ng silid ngunit agad din siyang hinabol ni Leina. Mabilis nitong humawak sa kanyang lalaki. "Just cooperate with us, Franc."
"Isa itong krimen, Leina." Tinanggal nito ang kamay ni Leina na nakahawak sa kanya.
"Please Franc, lahat ng gusto mo susundin ko."
Binigyan siya ni Franc ng mapanuring tingin.
"Lahat?"
Tumango si Leina.
"Bear my child, Leina."
"Okay. Sige na. Payag ako. Pero pwede bang magdali na tayo. Baka mahuli pa tayo"
Kaagad na humakbang si Leinarie at naghalungkat sa mga cabinet na naroon. Maya-maya lang ay kumuha siya ng white gloves at iniabot niya iyon sa kanila. Nang makita niyang nagsuot nito si Leinarie ay mabilis na rin niyang isinuot ang hawak niya. Gano'n rin ang ginawa ni Franc. "Aalisin natin ang bangkay sa kama." Pumuwesto si Leinarie sa paanan ng bangkay. Pumwesto naman si Franc sa ulunan ni Arnaldo. Nanginginig naman siyang lumapit at pumwesto sa bandang beywang nito. "Move faster kung ayaw mong mahuli tayo!" Pinanlakihan pa siya ng mata ni Leina.
Pinagtulungan nilang buhatin ang bangkay ni Arnaldo sa paalis ng kama. Nang mailagay nila ito sa lapag ay muling naghalungkat si Leinarie sa isa pang cabinet roon. Maya-maya lang ay lumapit itong may dalang laundry bags. "We need to change the beddings." Lumapit sila kama. Inilagay nila sa loob ng bag ang punda ng unan, bedshit at kumot. Matapos iyon ay pinalitan nila ang mga iyon ng bago. Nang maayos nila ang kama ay kumuha ng towel si Leinarie. "Lahat ng nahawakan mo dito sa loob, punasan mo para mawala ang finger print na naiwan."
Agad namang tumalima si Richelle.
Pinunasan niya ang mga gamit na natatandaan niyang hinawakan niya. Gano'n rin ang ginawa ni Leinarie at Franc. Maging ang bangkay ni Arnaldo ay pinunasan nila at pinalitan ng damit.
Napalunok si Richelle nang makita niyang kumuha si Leinarie ng tali.
"Anong gagawin mo diyan?" Hindi naitago ang panginginig ni Richelle.
Sandali siyang tinitigan ni Leinarie. Maya-maya lang ay walang kagahol-gahol niyang itinali iyon sa leeg ni Arnaldo.
Lalo lang tuloy nangatog ang tuhod ni Richelle.
"We will do it o mabubuko ka?" Ilang sandali siyang tinitigan nito ng mataman. "Ayaw mong makulong 'di ba?"
Wala nang nagawa si Richelle kundi pikit matang tumulong.
Pinagtulungan nilang buhatin ang mabigat na katawan ni Arnaldo.
Dinala nila iyon sa terrace. Nagkataon namang patay ang ilaw sa bahaging iyon.
Iginala ni Richelle ang paningin niya. Bukod sa madilim ay nasa bandang likod iyon ng mansiyon ng mga Melendrez. Tamang-tama sa pagtatago nila ng krimen dahil walang makakakita.
Itinali ni Leinarie ang dulo ng tali sa bakal na riles ng terrace. Matapos masigurong matibay ang pagkakatali ay sumenyas ito na buhatin nila ang bangkay.
Naluha na lang si Richelle nang buhatin nila ang bangkay ni Arnaldo.
Lumingon sa kanila si Leina, nang tumango ito sa kanila at sabay nilang inihulog ang bangkay.
Nangatog ang tuhod ni Richelle nang lumambitin na ang katawan ni Arnaldo sa terrace. Mula sa kinaroroonan nila ay tanaw nito ang ulo nitong nakayuko at ang katawan nitong mahinang umiindayog. "Tutunganga kana lang ba diyan?"
Kahit nanghihina ay sumunod si Richelle kina Leina at Franc. Nang makapasok sila sa silid ay binuhat ni Leina ang isang laundry bag na pinaglagyan ng mga ebidensya. Ipinabuhat naman niya kay Franc ang isa.
Sumilip muna sa labas ng pinto si Leina. Nang masiguro niyang walang tao ay kalmante itong naglakad sa pasilyo. Tinungo nila ang stock room at doon iniwan ni Leinarie ang laundry bag. Ito na rin ang kumuha sa hawak ni Franc at ibinato sa loob.
Matapos iyon ay kalmante nitong binaybay ang pasilyo palabas ng mansiyon.
Pinagpawisan ng malapot si Richelle nang makasalubong nila ang isang katulong.
"Magandang gabi po, ma'am. Umuwi po pala kayo."
"Obviously, yaya!" Mataray ang tono nito.
Napayuko na lang ang katulong, tila nahiya ito.
"Well, may dinaanan lang kami ng friend ko dito." Naging malumanay na ang boses nito. Hindi na niya hinintay na sumagot ang katulong, nagpatuloy sa paglalakad si Leina na parang walang nangyari.
Pumasok sa driver's seat si Franc. Pumasok naman sila ni Leina sa backseat. Ngunit kahit nakalabas na sila ng mansion ay hindi parin nawawala ang panginginig ni Richelle.
"Look at you! You look so suspicious." Ngumiwi pa ito bago umirap. "Just relax, okay? Itanim mo sa isip mo hindi mo siya napatay." "Salamat, Leina."
"No, Richelle." Makahulugan itong tumingin sa kanya. "May kapalit ang ginawa ko."
At ang unang naging kabayaran ay ang agawin ni Richelle si Kenneth kay Alora. At ang sumunod ay ang pag-a-apply nitong secretary ni Fuentares. Ang naging usapan ay matyagan lang niya si Alora ay Zeke ngunit sa tuwing pumapalpak ang plano ay pinag-iinitan siya si Leina.
Hanggang sa narating na ni Richelle ang hangganan ng kanyang pagtitiis. Pagod na pagod na siyang maging utusan ni Leinarie.
Isa lang ang nakikita niyang solusyon para lumaya. Iyon ay ang kamatayan ni Alora Andrada.