My Old Billionaire Husband

Chapter 51 Intentionally or Coincidentally?



Third Person POV

Napawi ang pag-aalala ni Alexis when finally her Mommy contacted her. There was a big black out all over the Italy. At walang signal halos lahat ng Telecommunication Company.

At ang may kagagawan ay walang iba kundi ang Butterfly Gang.

Na contact lang ni Alexis sandali at nag black out ulit. Ang mahalaga sa kanya ay okay ang pamilya niya doon.

Nagyaya ang Mom ni Zac na mag mall sila ni Alexis. Bored na daw siya sa bahay. Hindi sumama si Zac dahil busy sa trabaho.

It's a bonding of mother in law and daughter in law. Kung saan-saan nagpupunta ang Mom ni Zac at and mas makulit pa ito kay Alexis. Ang last section na kanilang pinuntahan ay sa babies section! Gusto bumili ng Mom ni Zac ng mga baby clothes at gamit ng babies. Baka magbuntis daw si Alexis within this year.

Wala naman magawa si Alexis kundi pagbigyan ang Mom ni Zac. Nakakahiya lang pero no choice siya.

In fairness ang cute ng mga baby clothes kaya nalibang na rin si Alexis.

SA DI KALAYUAN...

"Confirmed, she is the daughter of the Blue Dragon Queen! Our mission is to kill her."sambit ng isang lalaki na naka cap at hindi makita ang mukha. Nakahawak siya sa earphone sa kanyang teynga at may kausap. "Copy!" Sagot ng isang lalaki na malapit lang sa babies section kung nasaan sina Alexis at Mom ni Zac.

Palabas na sila Alexis at nilabas din ng dalawang lalaki ang kanilang baril pointing at Alexis direction.

But somebody familiar arrive at ibinaba nila ang kanilang mga baril.

"Look who's here. Hello Miss pretty lady!" Bati ni Adrian kay Alexis.

Abot hanggang teynga ang ngiti nito habang si Alexis ay hindi maipinta ang mukha pagkakita sa kanya. Parang sinasadya ng pagkakataon at nakita niya ulit si Adrian.

"Wait, Do you know her?" Nagtatakang tanong ng Mom ni Zac.

"Yes, Madam. And I like her!" Walang prenong sagot ni Adrian.

Inirapan lang siya ni Alexis. Sa isipan niya ay ito ang boy version ng mga lukaret! Kung anu-ano ang pinagsasabi makasira lang ng araw!

Pero ang Mom ni Zac ay hindi natuwa sa pinagsasabi ni Adrian.

At mas lalong hindi natuwa ang dalawang assassin na nakarinig sa sinabi ni Adrian.

Nagtataka sila kung bakit nandito si Adrian of all places na pwede niyang mapuntahan!

"Boss, itutuloy ba natin ang mission?"Nagdadalawang isip na tanong ng isa na malapit sa kanila ni Alexis.

"Abort the mission and let's report it to our Boss!" Seryosong sabi ng lalaking nasa di kalayuan.

"How dare you! Do you know that my daughter in-law is already married? How could you!" Ang naiinis na sigaw ng Mom ni Zac.

Nanlaki naman ang mga mata ni Adrian. Hindi niya akalain na may asawa na pala si Alexis?

Napakamot siya sa kanyang batok at napangisi na parang bata. Pero na love at first sight siya ng makita si Alexis sa airport. Tapos may asawa na pala! Napangiti nalang siya sa kanyang sarili.

Lukaret talaga! Naiinis na sambit ni Alexis. Walang magawa sa buhay! Dagdag pa niya sa kanyang isipan. Hinding-hindi siya makikipaglapit sa mortal niyang kaaway!

"Sorry Madam. I didn't know! but even so, crush ko parin ang daughter in-law mo hehe." Nakangising sagot ni Adrian.

"Get out of our sight! Walang modo kang bata ka. Doon ka magkagusto sa walang asawa!" Nanginginig na sigaw ng Mom ni Zac.

"Mom, calm down. Just don't believe this crazy guy in here. Let's go, kumain na muna tayo."Sambit ni Alexis at iniwan nila si Adrian na nakatawa lang.

"Miss pretty lady. See you again!" Pahabol na sigaw ni Adrian na kinasimangot ni Alexis.

Humabol pa talaga ng pang-iinis!

"Don't mind him Mom. Lalo ka lang ma stress." Si Alexis habang hawak ang Mom ni Zac.

"Bastos na bata! Ano na ang nangyayari sa mundo ngayon." Napailing na sagot ng Mom ni Zac habang hawak ang kanyang ulo.

Na stress siya ng slight kay Adrian.

REGALADO'S MANSION

"What? Who told you to abort the mission?" Umuusok ang ilong sa galit na sigaw ng King Of Butterfly Gang na si Alarcon Regalado. The Father of Adrian.

Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ng dalawang assasin. Pero hindi man lang sila nagpatinag at patuloy lang sa pagluhod in front of their ruthless King!

"Andu'n po si Sir Adrian Boss." Maikling sagot ng isa.

Pero nakatanggap lang ulit siya ng malutong na sampal.

"Inutil! Ano naman ngayon? Mag focus kayo sa target. Hayaan niyo ang walang kwentang bata na 'yan!" Sigaw niya na galit na galit parin.

"Bumalik kayo and continue the mission! This time wala ng palpak. I want that daughter of the Queen of the Dragon dead! Do you understand? Dead!" Nanlaki pa ang mga mata nito na nagmukhang demonyo.

Nasa Pilipinas sila to gather some ally to the War that he declared. Dahil sa kasakiman ay hindi pa siya nakuntento! Hawak na niya ang Italy pero matatahimik lang siya pag napatay niya na ang buong angkan ng Blue Dragon Group of Anonymous Mafia Association. Walang makakaligtas sa kanya. He is determined to eliminate all the clan and successor of the Blue Dragon.

"Pero-" Hindi naituloy ang sasabihin ng assasin ng makatikim ulit ito nang nakakahilong sampal!

"What? That's an order! Bring more men with you! Baka may back up ang babaeng yan sa tabi-tabi." Utos niya.

At kumaripas na ng takbo ang dalawang assasin. Nakadami na ng sampal ang kanilang Boss at namumula na ang kanilang mukha.

Samantalang sila Alexis at Mom ni Zac ay kakatapos lang kumain at papunta na sa parking lot kung saan naghihintay ang kanilang driver.

Masaya pa silang nag-uusap ng biglang may dumating na mga pangit na goons at pinalibutan sila. Parang Deja vu lang ito kay Alexis, pero nag-aalala siya para sa Mommy ni Zac!

"Alexis!" Nahintakutang tawag ng Mom ni Zac sa kanya.

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay nito na nanginginig na sa takot.

"Don't worry Mom. I will protect you!" Matapang niyang sambit.

Sawa na siyang magtago at matakot! Kahit anong gawin niya ay nasa likuran niya palagi ang panganib. Nasa dugo niya ang pagiging Mafia at hindi talaga siya lulubayan nito. Para saan pa at natuto siya ng kung fu. Isang pamatay flying kick lang ang katapat ng mga pangit na goons.

Pero yon lang, hindi siya marunong gumamit ng baril! Medyo mahihirapan siya dahil andiyan ang Mom ni Zac.

Ayaw din naman niyang mamatay nang hindi lumalaban.

"Aim for the target!" Sigaw ng isang goons.

At lahat ng baril nila ay nakatutok kay Alexis. Natakot ang Mom ni Zac pero matapang parin ito na nagsalita.

"No, You can't kill her!" Matapang na iniharang nito ang kanyang sarili kay Alexis.

Na touch si Alexis sa ginawa ng Mom niya. Pero hindi niya kayang mamatay ito sa kanyang harapan! Ayaw niya ng may magbuwis at magsakripisyo ng buhay para sa kanya. "Mom, it's okay. Pag sinabi kung tumakbo ka, run for your life. Ako lang naman ang gusto nilang patayin." Seryosong sabi ni Alexis.

"Are you crazy? Mas mabuti ng ako ang mamatay. Matanda na ako!" Determinadong sambit ng Mom ni Zac.

Napangiti nalang si Alexis. She really appreciate her love and concern.

Itinulak niya ng mahina ang Mommy ni Zac at napunta ito sa kanyang likuran.

"Alexis!" Natatakot na sigaw ng Mom ni Zac.

"Run Mom!" Ang sagot ni Alexis.

Pero hindi magawang tumakbo ng Mom ni Zac. Hindi niya kayang iwanan si Alexis ng mag-isa!

Bago paman makakilos ang mga pangit na goons ay natumba ang isa sa kanila at lumabas ang tatlong bodyguards ni Zac na sekretong nakabantay kina Alexis.

"Tumakbo na po kayo Ma'am Alexis!" Sigaw ng isa bago ito malagutan ng hininga.

Napasigaw ang Mom ni Zac at hinila na ito ni Alexis. Medyo na kunsensiya siya sa sinapit ng bodyguard. At sa pamilya nitong naghihintay sa kanya. Pero kailangan muna niya mag focus at tumakas. Lalo na at takot na takot na ang Mom ni Zac. Malayo na ang kanilang natakbo pero hindi parin nila makita ang exit. Napakalaki ng Mall kaya napakalaki rin ng parking lot nito.

"Where do you think you're going?" Nakangising tanong ng pinaka-leader nila habang nakatutok ang baril sa kanila.

It's a do or die para kay Alexis. Binigyan niya ng napakalakas na flying kick at lumipad ito.

Her Kung Fu will never let her down.

Nakarinig sila ng putok ng baril at sumigaw ang leader ng mga goons dahil natamaan ang kanyang kamay at nahulog ang kanyang baril.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Are you okay Mom?" Nag-aalalang tanong ni Alexis.

"I'm okay." Nanginginig na sagot ng Mom ni Zac.

At sabay silang napalingon ng marinig ang boses ng nagligtas sa kanila.

Si Adrian lang pala!

"Are you okay, Pretty Lady?" Nakangising tanong nito.

Hindi sumagot si Alexis at inirapan lang siya.

"Sir Adrian. Bakit?" Tanong ng leader.

Pero pinaputukan lang siya ni Adrian sa kabilang braso at napasigaw siya sa sakit.

"Why? It's just simple. No one is ever allowed to hurt my possession!" Seryosong sagot nito.

"Pero-" Hindi na niya naituloy ang sasabihin ng tutukan siya nang baril ni Adrian sa kanyang sentido.

"Talk or die." Bored na sambit nito.

Hindi na makapagsalita sa takot ang Mom ni Zac. Tahimik nalang ito sa isang sulok and Nathalie is not happy for what she heard.

At kailan pa siya naging pagmamay-ari nito?

Inis siyang tumayo at nakapameywang na hinarap si Adrian.

"And who is your so called possession? Let me tell you this Mr. Adrian Regalado. Hindi ako nakikipag-kaibigan sa mortal kung kaaway!" Galit na sigaw ni Alexis. "What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Adrian.

"Sir Adrian. Anak siya ng Queen of Blue Dragon!" Kahit nahihirapan ay nagsalita parin ang leader ng mga goons.

At tuluyan ng pinatahimik ni Adrian ang leader ng mga goons. Nang barilin niya ito sa ulo.

Napasigaw ang Mom ni Zac sa takot at niyakap ito ni Alexis.

"It's okay Mom. Relax baka kung mapaano ka." Sambit ni Alexis habang hinahagod ang kanyang likuran.

Nahintakutan ang isang goons pagkakita sa nangyari. Agad siyang umalis sa pinagtataguan at tumakbo papalayo pero nakita siya ni Adrian at binaril.

Pinuntahan ni Adrian ang parking lot at pinagbabaril ang lahat ng tauhan ng kanyang ama at binalikan sila Alexis.

"Paano 'yan. You owe your life to me." Nakangising sambit niya.

Galit na napatingin si Alexis sa kanya pero nakita niyang may nakatutok na baril sa likuran nito.

At ang may hawak ng baril ay walang iba kundi si....

"Zac!" Sigaw ni Alexis.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.