Chapter 50 Home Sweet Home
Alexis
Isang matinding paalam sa aming mag beshy huhu. Hindi babalik si Debbie nang Pilipinas at si Lara ay nauna ng lumipad sa amin papuntang Korea. Nakakalungkot naman. Pero ganito talaga eh, may kanya-kanya na kaming buhay.
Ang sa akin ay hindi ko alam kung may bukas ba o ano. May amnesia parin si Zac at pag-uwi namin ay pag-uusapan pa namin ang tungkol sa aming contract. Hindi ko alam kung ano ang aming mapag-uusapan pero alam ko naman na isa lang ang kalalabasan. Ang tuparin kung ano man ang nakasaad sa kontrata. Siguro, mabuti ng nagkahiwalay kami ni Rond before umabot sa ganitong sitwasyon.
Ang dating happy go lucky kong buhay ay biglang naging seryoso at mahiwaga.
Ako pa ba ang lukaret na si Alexis? Bakit feeling ko ibang tao na ang nasa loob ng katauhan ko?
"I will miss you Besh!" Iyak ni Debbie na siyang gumising sa aking pagmumuni-muni.
"Sama kana kasi at iwan si Hector haha." Biro ko pero naging seryoso naman ang mukha ni Debbie. "Luhh! Biro ko lang 'yon." Sabi ko.
"Alam ko, pero seriously. I will miss you Besh. Basta kahit anong mangyari sa future. Alam mo naman, that I will always be your friend no matter what." Umiiyak na si Debbie. I mean totohanan na!
"Hala Besh, huwag ka ng umiyak! Masama yan para sa baby. At ano ba ang pinagsasabi mo? Syempre, best friend forever tayo no!" Niyakap ko siya and patted her back. "Basta, huwag mo lang kalimutan Besh huhu." Sagot ni Debbie na umiiyak parin.
"Ewan ko sa'yo, Never ko talaga kakalimutan!" Umiiling na sagot ko.
"Let's go." Si Zac.
"Paano Besh, alis na kami. Mag-iingat ka dito ha. At ingatan din ang health para kay baby." Paalala ko.
"Mag-iingat ka rin Besh." At niyakap niya ako sa huling pagkakataon.
Medyo malungkot but this is life hayyy... Mag se-seryoso muna ang mga Lola ninyong Lukaret!
"Are you okay?" Tanong ni Zac.
"Oo naman, anytime pwede naman ako lumipad pabalik dito. But I'm more worried to my parents Zac." Nag-aalala kong sagot.
"They didn't reply to your messages?" Nakakunot noong tanong niya.
Malungkot akong umiling. Kahapon pa ako nag-aalala sa kanila.
"Don't worry, maybe they are busy. Try to contact them again when we arrive." Sabi ni Zac at niyakap ako papunta sa kanyang dibdib.
Pero mas comfortable ako sa kanyang kili-kili at doon ako ay lumipat at nakatulog.
And again! Tulo laway na naman ako habang tulog. Pero hindi na ako nahihiya. Wala rin naman pakialam si Zac hehe.
Kanina pa ako gising pero nahihiya ako. At gusto ko dito nalang forever sa kili-kili ni Zac haha.
But wait...
He is sleeping?
Then, it's time for me to wake up! Dahan-dahan akong umalis sa kili-kili niya at hindi ko maiwasan ang pagmasdan ang maamo niyang mukha. Hindi ko alam kung bakit niya inalis ang kanyang maskara. Pero alam ko naman na ibabalik niya rin makaya.
So Alexis, magsawa ka muna sa ka gwapuhan ng asawa mo. Habang tulog pa eh pagnasaan mo na!
Hoy brain, mag behave ka. Kung anu-ano 'yang iniisip mo ah!
Gusto mo naman.
At sumagot pa talaga. Grrr! Pero itong kamay ko na pasaway din ay hindi napigilan haplusin ang gwapong mukha ni Zac.
Ano na nag enjoy ka na? Umalis kana kamay!
Parang loka-loka na talaga ako for real. Pero gusto ko kasing makipag away sa sarili ko!
Naloka na talaga.
"Love what you see?" Tanong ni Zac na kanina pa pala gising!
At ang mga kamay ko ay nasa pisngi pa niya. Hinaplos ni Zac ang kamay ko na nasa kanyang mukha at hinalikan ito!
Bolta-Boltahe na naman ng kuryente ang nararamdaman ko. Hindi! Parang kidlat na. Nakakatakot ang ganitong pakiramdam.
Minsan na din akong na in love kay Rond but not this kind!
Wala masyadong spark pag nagkalapit ang balat namin.
But to Zac ay parang kidlat sa bilis! Sobra pa sa nginig. Earthquake to be exact. Ganyan ang impact ni Zac sa akin. Ang smooth, ang lambot ng mga labi niya! But what is this? I want to kiss him badly!
Ano ka Alexis, pigilan mo! Saway ko sa asking sarili.
Pero hindi napigilan mga besh haha.
Bigla siyang hinalikan. Smack lang naman but he pulled me again and kiss me passionately and gently.
Yong halik na in a slow motion na may pag-iingat at pagmamahal?
Mahal na ba ako ni Zac? Tanong ng munting tinig sa aking puso.
Pero may amnesia pa siya? Paano na kapag makaalala na siya?
Mamahalin ba niya ako o balik kami sa dating friends na cold sa isa't-isa?
Ewan! Mamaya ko na iisipin 'yan. Enjoy ko muna ang mga halik ni Zac na nagpapabaliw sa akin.
Naku, malala na ata ako!
Pagbaba namin ng plane ay naghihintay sa amin si Mom at Dad. Excited si Mom sa lagay na yan dahil sumigaw pa talaga kahit ang daming tao.
Naalala ko tuloy si Debbie...
"Alexis! Welcome home! Na miss Kita." Si Mom na agad akong niyakap.
Parang bagets lang si Mom eh. At ang ganda pa.
"I miss you too Mom." Nakangiti kong sagot.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Si Zac at Dad ay nauna na sa paglalakad.
"Ano na, buntis ka na ba?" Mahinang bulong ni Mom. At bigla akong napaubo ng malakas.
Napalingon si Zac at ngumiti ng nakakaloko. He heard it!
Jusko po! Kailan kaya titigil si Mom sa paghingi ng apo?
Alam ko hindi huhu. Gusto na talaga niya na may mga chikiting na little Zac and Alexis.
But I'm sorry Mom, hindi pa ata ngayon dahil may problema pa ako sa Family ko.
"Mom, wedding po nila Debbie at Hector ang ipinunta namin doon hindi honeymoon haha." Nakatawa kong sagot.
Biglang nalungkot si Mom at parang bata while pouting her lips.
"Ay, nag honeymoon na rin sana kayo para may mga apo na ako." Malungkot nitong sabi.
Parang gusto ko tuloy ma guilty eh. Pero paano nga ba? Ang hirap ng sitwasyon ko Mom kung alam mo lang. Hindi ko na muna sasabihin na buntis I Debbie baka mainggit lang siya.
"Don't worry Mom. Soon magkakaapo din kayo. Bili muna ako ng coffee, may ipapabili ka?" Tanong ko. Iiwas na muna ako. Nakakaloka palagi ang topic ni Mom.
"Sure, cappuccino ang sa akin." Nakangiti niyang sagot.
At kumaripas na ako ng takbo hehe.
Habang papunta sa cafe ay natapilok ang inyong Lola! May bumangga lang naman sa akin na pontio pilato. At tuloy-tuloy lang siya at hindi man lang nag sorry.
What the f! Hinabol ko siya ng lakad at naabutan ko naman kahit pilay ang kabila kong paa.
"Hey, You!" Tawag ko sa kanya at nakakunot noo lang siyang nakatingin sa akin.
"Yes me? Excuse me, but you are blocking my way!" Pilosopong sagot nito.
Huh! Walang modo na lalaki. Inalis ko ang aking mask sa ilong para makapagsalita ng maayos.
"Yes, you. Look at what you've done with my feet! At wala man lang sorry. You should pay for this." Syempre, I didn't mean na bayaran niya ako ng pera. Kahit simpleng sorry lang ay sapat na pero ang hambog ng lalaking ito. "You're pretty!"Nakangiting sagot niya. Kanina lang ay ang suplado. Ngayon ay ang bait?
Two face na walang modo!
"Don't divert the topic Mr. Can't you just say sorry?" Naiinis kong tanong.
Napakamot siya sa kanyang batok at ewan kung bakit napasunod ako sa kanyang kamay at nakita ang tattoo sa kanyang leeg.
It's Butterfly!
Ngayon ko lang naalala na may ganyan pala si Demonyita Annalise. So member din siya ng butterfly gang.
Mas lalo nasira ang araw ko! Buti nalang at hindi nila ako kilala.
Magpa tattoo kaya ako ng Dragon? At kainin 'yang maliit na butterfly na yan!
Kung anu-ano nalang ang naiisip ko.
Ka bwesit!
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Oh, I'm sorry pretty lady. Nagmamadali kasi ako. By the way, I'm Adrian Regalado." Nakangiti niyang pakilala at inilahad ang kanyang kamay.
Pero nag-init Bigla ang aking teynga ng marinig ang apelyedong REGALADO!
They are my mortal enemy. Why should I make friends with him!
Tiningnan ko lang ang kamay niya and give him my deadly smirk.
"Not interested!" Rolling my eyes then leave.
At iniwan ko siyang nakatulala. Ang taray ko hehe. Kahit pilay maglakad ay carry lang at least nakaisa ng butterfly gang!
Pero makulit ang isang 'to! Sinundan pa talaga ako sa Cafe.
"Hello, pretty lady. Care to give me your name? Pa cute niyang tanong with matching beautiful eyes pa.
In fairness, he is handsome. Pero hindi ako tanga na papatol sa isang kalaban. At he is not my type! Parang totoy bibo pa eh. Mama's boy ang dating sa akin. Baka naka diaper pa siya? Hehe. "You're blocking my way. Excuse me!" Ibinalik ko lang kung ano ang sinabi niya sa akin kanina!
At iniwan ko ulit siyang nagtataka at naiinis.
Kala mo ha! I'm not an easy girl baby boy. Inirapan ko lang siya ng aking mata at nakangiti parin ang gage!
Bahala ka diyan.
Natatanaw ko si Zac. Baka hinanap ako!
"What happened to your feet?" Nagtatakang tanong ni Zac.
"Okay lang ito. Natapilok ako habang bumibili ng kape." Nakangiti kong sagot.
"You're so careless!" Then binuhat niya ako bridal style. Ito talaga ang signature move ni Zac na may amenesia eh!
And I love it...
Kaya lang hindi ako makahawak sa kanyang balikat because of the coffee in my hand.
"Kailan pa kayo naging sweet? Give me that coffee Alexis at mag honeymoon na kayo!" Sigaw ni Mom.
Jusko nakakahiya! Napakapit nalang ako sa balikat ni Zac at nagtago sa kanyang dibdib.
"Let's honeymoon?" Bulong ni Zac sa akin.
Shems! Biglang nag-init at nag-apoy na naman ang buo kong katawan.
Ano ka ba naman Zac. Lagi mo ako pinapakilig huhu.
Hindi ako sumagot dahil wala akong masabi.
I'm not ready and he knows that!
Bakit kailangan pa ba maging ready pag nag s*x?
Magtigil ka brain! Ano yang pinagsasabi mo?
Naloka na talaga ako ng tuluyan huhu...