Chapter k a b a n a t a 30
Albana's POV
Napa-buga ako ng hangin dahil sa ginawa ni Carli. Parang aatakihin ako sa puso dahil sa gulat nang hinawakan niya akong bigla sa aking pulso. "What!? You startled me! Gusto mo akong mamatay?" naiinis kong tanong.
Hinila niya ako palabas mula sa madilim na silid kung saan ko nakitang tumungo si Farris.
"Ano ba kasi ang ginagawa mo rito? They are starting the bidding already. Nakikipagkumpitensiya na sa pataasan ng presyo ang best friend mo," sabi niya. "Hindi ako puwedeng pumasok doon kung wala si Farris Bennett sa loob. Alam mo naman na may plano ako, hindi ba?"
Nandito na kami sa entrance ng event hall.
"Ano ang pinagsasabi mo? Nasa loob po si Farris at kasama niya ang kaniyang asawa, My Lady," aniya.
Kumunot ang aking noo dahil sa sinabi ni Carli. Hindi ako nagkakamali na si Farris ang nakita ko sa labas ng restroom kanina.
"Really?" punong-pagtataka kong tanong kay Carli.
"Oo, My Lady! Hindi lumabas si Farris."
"B-But I saw him earlier. He is with a different suit. Tinakbuhan niya ako. I ran after him but then I lost him inside that dark room," paliwanag ko. Tumawa si Carli.
"Alam mo, baka in love ka na ulit kay Farris! Kung saan-saan mo na lang kasi siya nakikita!" She even tsked a few times.
Bumuga ulit ako ng hangin. Dumako ang titig ko sa mga taong nakaupo sa harap ng entablado.
"You told me the bidding already started," inis kong sabi sa kaniya.
"Ayaw mo noon? Nandiyan ka na kahit hindi pa nagsisimula ang bidding?"
Umiling ako. Bigla akong tumigil sa aking paglalakad. Parang may hindi tama sa nangyayari ngayon.
"I can't be wrong. Si Farris talaga ang nakita ko. He even looked at me," sabi ko.
"Ewan ko sa iyo, My Lady. If you don't believe me. See it yourself," sabi niya at agad akong iniwan.
Pumunta na ako sa silyang nakareserba para sa akin. Nasa tapat ko si Farris at Jackielou.
Parang linta itong si Jackielou na panay ang pag-dikit sa asawa niya. Para lang sabihin ko na hindi ko na kailangang akitin ang asawa niya. I can have him in just one snap if I want to. Ayaw ko lang talaga ng boring na laro. Baka kasi 'pag kinuha ko sa kaniya si Farris ay ikamatay niya ito nang biglaan.
"Ladies and gentlemen, una sa lahat ay gustong kong batiin ang lahat nang napakagandang gabi! This night is one of the biggest night not just for us but for our dear future congressman, Mister Farris Bennett!"
Tumayo si Farris at tulad nang inaasahan ay naki-tayo na rin ang asawa niyang linta. Kahit na kinasal na sila ay ako pa rin ang totoong asawa ni Farris. Kapag lalabas ako at sasabihin na ako si Jenissa ay mawawala ang saysay ng kasal nila. "Sir, say your words," anang host.
Tumikhim si Farris at niligaw niya ang kaniyang titig sa mga taong naririto.
Siya ba talaga iyong nakita ko kanina?
"Well, good evening. All I can say is thank you for coming. Salamat din sa suporta niyo sa charity event na ito. Ang lahat po na malilikom natin sa event na ito ay mapupunta sa tatlong charity centers ng ating lugar," aniya na pinalakpakan naman ng mga taong naririto.
"Yes! Ang bait naman ng aming future congressman! And now, let us not take it long dahil handa na ang ating unang item."
Kanina pa nakapuwesto ang kumikinang na kuwintas na nasa loob ng isang transparent na lalagyan.
"That is very amazing. Tiyak ako na si Jackie na naman ang makakakuha niyan."
"Huwag tayong pakasiguro. Don't you see that woman? She is Albana Armano. Armanos are the richest people in the whole world. Baka nga ay barya niya lang ang pera ni Jackie," sabi ng isang babae na nakasuot ng maraming palamuti. Lumingon ako sa kanila kaya naman ay natahimik sila.
"Tingnan na lang natin. Kanina pa nagkakabangayan ang dalawang iyan. Hindi kasi magkasundo."
"Sounds funny but I noticed how intrigued and insecure Jackielou is to Albana," sabi naman ng baklang nasa likuran ko.
"Hindi hamak na mas maganda at classy si Albana kumpara kay Jackielou. Albana is maldita with a class and I like it," sabi naman ng kausap ng bakla.
Tinuon ko na lang ang pansin ko sa kuwintas na nakadisplay sa harapan namin.
Iba talaga kapag kumikinang, umaagaw talaga ng atensiyon. Parang ako lang. Kahit na hindi ako nagsasalita ay napapansin ako ng marami.
"This design is purely made with the mixture of gold and diamond. The pendant symbolizes fame. Now, who will open up the bidding and start it? Oh! Someone is raising his flag," sabi ng host. Lumingon ako sa baklang nagwagayway ng watawat niya.
"50K!"
"100K!"
"150K!"
Parang gusto ko na lang matulog habang pinakikinggan ang mga taong nagpapataasan ng bid gamit ang kanilang mga barya.
"300K!"
"Oh, Madame Jackie is raising her flag!"
Tinaasan ako ni Jackie ng kilay niya.
"500K!" sabi niya.
"Wala na talaga. Si Jackielou na naman talaga ang maraming maiuuwing item sa gabing ito," reklamo ng isa.
"Anyone?" tanong ng host.
"Masyado na talagang malaki ang 500K para ma-beat! Hay naku! I really want to have that necklace!"
"Then, this item-"
Saglit na tumigil sa pagbubulungan ang mga tao nang tinaas ko ang aking watawat.
Tumingin ako kay Jackie at ngumiti ako. Pinaramdam ko sa kaniya na hindi niya ako kayang talunin. I have everything and I am the richest woman on Earth!
"1 Million," pasimple kong sabi.
Kumunot ang noo ni Jackielou. Nagsisimula pa lang kami pero pinawisan na siya.
"Wow! That is so high! Miss Albana has the highest bid," sabi ng host.
Muli na namang nagbulungan ang mga tao sa paligid.
"What the hell!?"
"Parang barya lang kung sabihin ni Albana ang amount na iyon!"
"Nakakainggit talaga siya!"
"1. 3 Million," titig na titig sa akin na saad ni Jackielou.
Napapamangha talaga ako nitong si Jackielou. Gagastos talaga siya ng malaki para lang talunin niya ako.
"Wow! Parang bidding between our two ladies only! Sino kaya ang maraming maiuuwing item!? Is it Jackie or Albana?"
"1. 5 Million."
"1. 8 Million!" diing sabi ni Jackielou.
Ngumiti ako at tumayo. I raised my flag in the sexiest way I could.
"Look at her! She is stunningly gorgeous!" puri ng isang hindi pamilyar na businessman sa akin.
"3 Million. Want to raise a flag, Madame Bennett?" tanong ko sa kaniya.
Lumunok na lang siya at tumahik. She is very annoyed.
"W-Well... y-yes," sabi niya.
Humakbang ako papalapit sa kanila ni Farris.
"Woah!" halos sabay na daing ng mga tao.
"What? Tatapatan mo pa si Albana?" pabulong na tanong ni Farris kay Jackie.
Tumitig si Jackie kay Farris.
"Of course! Hindi ako magpapatalo sa babaeng iyan. Hindi lang siya ang makakatalo sa akin. I closed a lot of bidding last year and it make sense if I will do that again," ngumingiting sabi ni Jackie. Binaling ni Jackie ang titig niya sa akin. She is slowly raising her flag.
"3. 5 Million!"
"Something is going on here."
Tumango ako at tumingin ako sa host. Kumibit-balikat ako bilang pagpapahiwatig na hindi ko na lalamangan ang amount na niraise ni Jackie.
"The bidding is officially closed with the price of 3. 5 Million. Palakpakan naman natin si Madame Bennett!" pasigaw na sabi ng host.
Umakyat siya sa stage at agad siyang kinuhaan ng litrato habang hawak-hawak niya ang kuwintas.
Bumaba siya mula sa entablado. Sa halip na dumiretso sa kinauupuan niya ay tumigil siya sa tapat ko.
Dinampi niya ang kaniyang pisngi sa aking pisngi.
"I told you before that no one can ever turn me down," bulong niya sa akin.
Mahina akong tumawa at tinapik ko ang kaniyang likod. Kung titingnan kami sa malayo ay para kaming tunay na magkaibigan. Ang hindi alam ng marami ay nagkakaliyaban na pala kaming dalawa dahil sa init ng dugo namin sa isa't isa. "It's alright," mahinahon kong sabi sa kaniya.
Tinapik niya rin ang likod ko. She even hummed like she really took something from me. Ang hindi niya alam ay patibong ko lang iyon para pagsisihan niya ang kaniyang paglalayon na matalo ako.
"Ganiyan ang gusto ko, Albana. Marunong ka naman palang tumanggap ng pagkatalo. Well, sanayin mo ang sarili mo dahil tatalunin pa kita sa maraming mga bagay at pagkakataon," aniya na para bang taob na taob ako dahil sa ginawa niya. I hummed like I was echoing her.
"Alam mo, hindi ako talo sa'yo dahil nakuha mo ang bagay na iyan. Ikaw ang talo rito, Madame Bennett," pabulong akong humalakhak malapit sa tainga niya.
"Stupida," aniya.
Huminga ako nang malalim. "Well, not as stupid as you. Nakakatawa ka kanina dahil nakakita ka lang ng makinang akala mo ay mataas na ang halaga nito. Alam mo ba na 2 Carat gold lang talaga ang nasa kuwintas na iyan? Nilagyan lang iyan ng pampakinang para masilaw ka at para maakit ka. So, tell me, sino ang talo? Ako ba o ikaw?" sabi ko sa kaniya. "Huwag masyadong magpasilaw sa mga bagay na kumikinang, Jackielou. Huwag,” dagdag ko pa.
Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay batid ko na nawala ang ngiti sa kaniyang nga labi. Pati nga ang puso niya ay halos sasabog na dahil sa mabilis at malakas na tibok nito dulot ng mga impormasyong binulong ko sa kaniya. "W-What!?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Nanginginig na naman siya dahil sa inis niya sa akin.
"Congratulations, that stunning, sparkling, dazzling and gorgeous cheap gold fooled you," sabi ko sa kaniya bago ko siya iniwang nakatayo sa gitna.
She fakes a smile while she is looking at the crowd. Maaaring kaya niyang lokohin ang mga taong nasa paligid namin at kaya niyang itago sa kanila ang inis na nararamdaman niya ngayon pero hindi sa akin. Alam ko na nasasayangan na siya sa perang tinapon niya para lang matalo ako. Hindi na niya puwedeng bawiin ang pera niya. Mawawalan ng respeto ang mga tao sa kanilang mag-asawa kapag ginawa niya iyon. Kilala ko silang dalawa. Kaya nilang makipagplastikan sa mga tao para lang makuha nila ang loob ng mga ito.
"Grabe! Ang galing talaga ni Madame Benett. Akala ko ay matatalo na siya sa bidding. Kinabahan ako sa tapatan nila ni Madame Albana!"
Napailing na lang ako.
Lumabas ako at saglit na hinanap si Carli. Natagpuan ko siya na nakatayo sa labas at may kausap sa kaniyang smartphone.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Carli," tawag ko sa kaniya.
Lumapit siya sa akin at agad niyang binigay sa akin ang smartphone niya.
"Hello?"
"Mag-usap tayo bukas. May sasabihin ako sa iyo," sabi niya.
"Nakakainis! Saan niya ba nakuha ang numero ko?" inis na tanong ni Carli.
Binalik ko na kay Carli ang smartphone niya.
"I don't know," tugon ko.
"Ano ang sabi niya?"
Huminga muna ako nang malalim. Umirap pa ako. Humalukipkip ako patitig sa malayo.
"Mag-usap daw kami."
"Kausapin mo," sabi ni Carli.
Nagtitigan lang kami ni Carli nang dumaan ang ilang mga investor ng BGC. Nakuha ni Carli ang ibig-ipahiwatig ng mga sulyap ko kaya naman ay agad na siyang lumisan para sundan ang mga ito.
Wala pa akong ganang pumasok sa loob. Wala rin kasing mga kuwenta ang mga item sa auction na ito. Hindi naman sa madamot ako sa mga charity. Sa katunayan nga ay bumibigay ako kahit na walang kapalit. Ayaw ko rin kasing manatili sa lugar na iyon dahil nauumay ako.
Halos isang oras ang lumipas bago ako bumalik. Dahil wala na akong mauupuan sa puwesto ko kanina ay lumipat ako sa tabi ni Jackielou.
"Where have you been, Mademoiselle?" tanong ni Farris sa akin kaya naman ay umirap si Jackielou.
Umiling ako.
"Kinausap ko lang si Carli. Gusto ko na kasing umuwi," sabi ko.
"Okay ka na ba talaga?"
Tumango ako at pasimpleng ngumiti.
"And for the last item---What!?"
Tinawanan ng madla ang host dahil tumatalon ito sa entablado.
"Parang pati ako ay gagastos para sa last item na ito ha!" sabi ng host.
"Item reveal!" natatawang sigaw ng mga tao.
Ito ang pinakaaabangan kong pagkakataon. Nabuhayan ng loob ang matamlay kong katawan dahil nga'y dumating na kami sa puntong ito.
"Our last item is not expected but I guess this will make the women invest for this! Kahit ako ay willing na maglaan ng malaking halaga para lang makasama ng isang buong gabi si Mister Farris Bennett!" tili ng mga tao. "What!?" sabay na tanong ni Farris at Jackie.
Tatayo na sana si Farris upang tumutol pero agad ko siyang pinigilan.
"Pretend that you planned it. Hindi ka puwedeng umayaw," sabi ko kay Farris.
Inalis ni Jackie ang kamay kong nakahawak sa braso ng asawa niya. Nasa gitna namin ni Farris si Jackielou kaya naman ay madali lang para sa kaniya ang paghiwalay ng kamay ko sa braso ni Farris.
"Nag-iisip ka ba? Gusto mong pagpustahan ng mga taong ito si Farris? Hindi ako papayag! Hindi ko ibebenta ang asawa ko kahit isang gabi lang," diin niyang sabi.
"Come on, Jackie, hindi ka na bata! But if you are certain about turning this down, then, do it. Gawin mo at ang lahat ng mga taong nakikita mo ngayon ay mawawala sa inyo," sabi ko. "This one is a secret auction. Lahat dito ay hindi magsasalita tungkol sa last item. Alam nila na kapag matatalo si Farris ay mapupunta sa wala ang lahat ng investment nila. Believe me, hindi ito makakalabas sa publiko."
Nakita ko paano lumunok si Farris. Magiging bayaran siya sa gabing ito. Pagpupustahan siya ng mga tao.
Tataya sila para lang makuha ka, Farris. Pero lahat ng taya nila ay balewala lang sa halaga ng pera na itataya ko para iparamdam sa iyo ang naramdaman ko noon. Tumayo si Farris kaya naman ay nagsigawan ang mga bakla at mga babae. Halos mabingi ka na dahil sa tili ng mga tao sa loob ng event hall.
"Mister Bennett, ano ang tumulak sa iyo na gawing last item ang isang gabi na kapiling ka?" namumulang tanong ng host kay Farris.
"Well, to make something different and special," sabi ni Farris.
"Okay lang ba ito sa asawa mo?"
"Oo naman," diretsong tugon ni Farris.
Tinapik ko ang nanginginig na si Jackielou.
"Bakit ka nanginginig?"
Galit siyang nakatitig sa akin.
"Kahit na hindi mo sabihin ay alam ko na pakana mo ang bagay na ito, Albana! Wala ka na bang makita na ibang lalaki bukod sa asawa ko?" gigil na tanong ni Jackielou sa akin. Sumenyas ako habang umiiling.
"Oops! Masama ang mambintang, Jackielou." Humalakhak ako. "By the way, kung gusto mo na hindi ibang tao ang mananalo edi mag-invest ka! Raise the highest fund to save that night with your husband," sabi ko sa kaniya. "You closed a lot of bidding earlier. Siguro ay ubos na ang pera mo para sa mga naunang item," sabi ko pa.
"Shut up," aniya.
"You can just actually go home and sleep. Ako na lang ang magliligtas kay Farris," sabi ko sabay kindat.
"M-Marami akong pera kaya ay tinitiyak ko na sa akin mapupunta ang asawa ko," sabi niya.
I smiled.
"Tingnan natin, Jackielou. Kapag ako ang nakapag-close ng bidding ay susulitin ko ang gabing kasama ko siya. Pasasayadin ko ang dila ko sa buong katawan niya. Papaligayahin ko siya at ipapatikim sa kaniya ang langit na dala ni Albana Armano," bulong ko kay Jackielou.
Tumitig ako sa mga kamay na niyukom ni Jackie dahil sa galit. Wala pa akong ginawa pero naluha na agad si Jackielou.
Ako na mismo ang pumahid ng luha niya. "Don't cry, pinahahalata mong talunan ka," sabi ko sa kaniya.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Binalik ko ang aking atensyon kay Farris na nasa ibabaw ng entablado. He is trying to smile to fake how he feels.
Tumingin siya sa akin kaya ay agad ko siyang kinindatan.
"Magbabayad ka, Albana," rinig kong banta ni Jackielou sa akin.
Nilingon ko siya dahil natatawa ako sa gasgas niyang linya.
"Ang may mga utang lang ang dapat na magbayad, Jackielou. I am indebted to no one."
Sinimulan nila ang bidding.
"5 Million!" sigaw mula sa likuran namin.
"5. 5 Million," anang Jackielou.
Ngumiti na lang ako at hinayaan siyang makipag-taasan ng bid para sa asawa niya.
"6. 2 Million," anas ng isang matandang biyuda.
Tigang na tigang ang mga taong ito. Hayuk na hayuk din silang matikman si Farris Bennett.
"7 Million!" diing sabi ni Jackielou.
Nanginginig ang mga kamay niya at panay lunok siya ng laway. Bakas sa mukha niya ang pagka-bahala sa susunod na presyong imumutawi ng mga kaagaw niya.
"10 Million!" sabi ng matandang biyuda na talaga namang masyadong halata na gusto niya si Farris.
"Madame, may itataas pa ba ang bid mo?" tanong ng host patingin kay Jackielou.
Pumikit si Jackielou at agad siyang umiling.
"The one night with Mister Farris Bennett goes to, Ma-"
Tumingala si Jackielou sa akin at nakatiim-bagang siyang sinusumpa ako gamit ang kaniyang mga titig.
Tumayo ako at winagayway ang watawat na hawak ko.
"Panoorin mo ako kung paano ko ililigtas ang asawa mo," sabi ko.
"Go back to hell, Albana!"
"Hindi ako babalik doon habang nandito ka pa. Boring ang impyerno kapag walang Jackielou."
Nilabanan ko ang mga titig ni Jackielou. Ilang saglit pa kaming naglaban-laban ng titig bago ko pinukol kay Farris ang aking mga sulyap.
Wala na akong pakialam kung pag-uusapan ako ng mga tao at sasabihan nila akong malandi. If this is the way to ruin their relationship and put Jackie to hell, then, I will do it.
"2 Billion, kapalit ng isang gabi na kapiling si Monsieur Bennett!"
"What!?" halos sabay-sabay na tanong ng madla.
"2 Billion? Ang laking halaga na nito," anas ng isang biyudang babae.
Tumitig ako sa mga taong daig pa ang bubuyog dahil sa sandamakmak nilang hinaing matapos kong bigyan ng presyo si Farris.
Hindi ko sila pinansin. Tumungo ako sa entablado at agad na dumukot ng cheque mula sa aking bag. Kumuha rin ako ng ballpen at agad ko itong pinirmahan.
"I gave the amount. Now, let me claim my price!" sabi ko at agad na hinila si Farris pababa mula sa entablado.
Napatingin ako sa gawi ni Jackielou. Her eyes show how affected she is. Well, it serves her right.
Tinanaw ko paano siya tumakbo palabas mula sa event hall.
"That ends our auction tonight!" sigaw ng host.
Hinintay ko na makaalis ang lahat ng mga tao. I texted Carli to go home first.
Nanatili akong nakahawak sa kamay ni Farris na walang imik at para bang ang baba ng kaniyang tingin sa sarili niya.
Sinubukan niyang itago ang mukha niya subalit huli na ito. Nakita ko paano gumulong mula sa mga mata niya ang naglulusugang mga luha.
Cry. Sob. I don't care.
Binabalik ko lang sa iyo kung ano ang ginawa niyo sa akin sa simula pa lang. Ginawa niyong impyerno ang buhay ko matapos akong naging asawa mo kapalit ng utang ni Daddy, Farris. Ngayon ay nararamdaman mo na siguro kung gaano kasakit ang ipinagpalit sa pera.
"Why are you crying? Ayaw mo ba nito? Ako na nga ang gumagawa ng paraan upang magkasama tayo, Monsieur. Why is it like you don't appreciate my effort?"
Hinila niya ang kaniyang kamay at tumalikod siya sa akin.
"Damn," anas niya. "G-Ginawa mo akong bayaran sa mata ng mga taong tinitingala ako," dagdag niya. "Y-You stepped on my ego," sabi niya.
Lumunok ako. Pumunta ako sa harapan niya.
"You can just tell me that you want to have sex with me and we will do that. You are ruining the name I built," sabi niya.
Nabulunan ako dahil sa sinabi niya.
"H-Hindi ganoon, M-Monsiuer," sabi ko.
Umiling siya. Nakita ko ang sakit sa mga mata niya. Muli siyang tumalikod sa akin.
"Monsieur," pigil ko sa kaniya pero hinarang niya ang kaniyang kamay.
"Babalikan kita at ibibigay ko kung ano ang gusto mo. Isang gabi? Ang katawan ko? Sige! Sa'yong-sayo ako mamaya, Mademoiselle. Solohin mo ako upang matugma ang 2 Billion na ginastos mo upang pahiyain ako sa harap ng maraming
tao," sabi
niya.
Hinayaan ko siyang umalis.
Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko marahil sa sinabi niya.
Hindi ba ay dapat na matuwa ako ngayon dahil nakita ko siyang lumuluha marahil natapakan ang pride niya?