Chapter k a b a n a t a 29
Albana's POV
Halos ikamatay ni Jackielou ang pinagawa ko sa kaniya. Magaling talagang mag-tago ng baho niya ang babaeng ito noong magkasama kami sa Center. Akala mo talaga ay napakabait niyang kaibigan at walang arte sa katawan. But, then, here she is, isa pala siyang spoiled brat na puno ng kaselanan. Akala niya siguro na siya na ang pinaka-maldita sa lahat. Little did she know, nandito na ako. Puputulin ko ang sungay niya.
Habang bumihis si Jackie ay dinala naman ako ni Farris sa hindi ma-taong bahagi ng event hall.
"Ano ang ginagawa mo?" tanong niya sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya. Ang sarap talaga makitang nagkakanda-sira-sira ang mukha ni Farris dahil sa pag-aalala na mahuli siya sa kalokohan niya.
"Don't you see?" Umirap ako. "Tinuruan ko lang naman ng leksiyon ang asawa mo. That's it and nothing more!"
Huminga siya ng malalim.
"Please, Albana, huwag ka namang gumawa ng eksena rito sa event na ito. Akala ko ba ay inaalagaan mo ang pangalan mo? Why are you acting like this? Mahahalata tayo nito," halos maiyak na sabi niya.
Kumibit-balikat ako. Lumapit ako sa kaniyang tainga habang ang kaliwang kamay ko ay sinuksok ko sa loob ng kaniyang tuxedo.
Alam ko na gusto ni Farris na hinihilot-hilot ang parteng ibaba ng kaniyang likod.
"I am protecting my name while destroying your wife's," tugon ko.
Napansin ko paano namula ang mga tainga ni Farris. Dinikit ko ang katawan ko sa kaniya. His stuff is turning up. Hilot pa nga lang ang ginawa ko pero halatang nalilibugan na siya. Well, I am not doubting his stuff when it comes to women. Mabilis talagang patayuin ang alaga niya.
"Stop," utos niya.
Gumapang ang kamay ko patungo sa kaniyang tiyan. Hinawakan niya ang kamay ko upang pigilin ito sa kung ano man ang gagawin ko.
"Why? Isn't it you are owning me? Kapag inangkin ako ng tao ay gusto ko na akin lang din siya. Ayaw mo noon? I'm giving in to you already, Monsieur."
Hinalikan ko ang gilid ng kaniyang leeg kaya naman ay umatras siya at kaunting dumistansiya mula sa akin.
"Please," aniya.
"Monsieur, malinis akong trumabaho. I'm wearing matte lipstick. So, don't worry because I won't leave a trace. Wait, look down, namamasa ang pantalon mo. Ikaw yata ang gustong mahuli tayo," ani ko. Humalakhak akong iniwan siya.
Pumunta agad ako kung saan nagkumpulan ang mga taong kilala sa larangan ng business industry.
"Albana, akala ko ay hindi mo na ako papansinin," sabi ni Miss Ann.
Miss Ann is a famous businesswoman and a designer of her own branded bags. Hindi siya basta-basta. She is the most well-known designer in Italy.
"How can I neglect the presence of a beautiful lady like you, Miss Ann?"
"Honestly, you are more gorgeous than me. In case you want to become my model, you can contact me. Alam ko naman na may numero ako sa Abuela mo."
"What!?" Sabay kaming lumingon ni Miss Ann sa taong nagsalita mula sa likuran namin.
Tumingin ako kay Miss Ann at agad akong ngumiti nang nakakaloka.
"Why? Wala naman sigurong problema kung papalitan kita hindi ba?" tanong ni Miss Ann kay Jackielou.
Jackielou is the latest and long-time model and ambassadress of Miss Ann's bags. Napapansin ko rin na puro lumang pictures na lang ang ginagamit nila sa pagpromote at pag-endorse ng mga design ni Miss Ann.
"Hindi puwede! Ang tagal-tagal ko na sa trabaho ko. Nang dahil sa akin ay tumaas ang sales at mas dumadami na ang tumatangkilik sa mga bag mo," halos pasigaw na sabi ni Jackielou.
Umiling si Miss Ann at dahil doon ay sinamaan siya ng titig ni Jackielou.
"Well, you're right, Jackie. But as of now, bumaba ang sales ko at naiitsapwera na ang designs ko. Ni hindi na nga tayo nagrerelease ng mga bagong litrato upang may magamit tayo sa pag-endorse. Nawawalan na ng saysay ang mga bagong designs ko dahil hindi man lang tayo nakakapag-shoot ng maayos." Humalukipkip si Miss Ann bago siya huminga ng malalim. "Lumalaos ka na at iyon ang rason bakit pinipigilan ko na magkaroon ng shooting para sa commercial at photo commercial ng Ann's Masterpiece dahil alam kong malulugi lang ako. I'm sorry but I am taking good care of my brand. Sa pinakita mong ugali kanina ay nawalan na ako ng interes para makipagtrabaho pa sa iyo," sabi ni Miss Ann. Jackie looks exhausted. Napapahalakhak naman ang puso ko dahil sa nakikita kong balisang mukha ni Jackie.
"Papayag akong papalitan niyo ako pero sana naman ay huwag ang babaeng ito ang ipalit niyo sa akin," wika niya habang galit akong tinitigan.
Nilapitan siya ni Miss Ann. Tumingin saglit sa akin si Miss Ann bago niya binalik ang atensiyon niya kay Jackielou na nakataas ang kabilang kilay.
"Why not? Albana is beautiful. Albana has a body. She is great. At alam ko na kaya niyang bigyan ng hustisya ang mga design ko. To be honest, she is more suitable than you," wika ni Miss Ann.
Nanginginig na naman ang mga panga ni Jackielou dahil sa galit.
"Sisirain ko ang pangalan mo, Miss Ann. I will tell my connections not to purchase your damn bags," sabi niya.
Aalis na sana siya pero naabutan ko siya. Hinila ko siya sa kaniyang braso kaya'y napalingon siyang muli.
"Subukan mo lang galawin si Miss Ann. Ako ang makakatapat mo. Tandaan mo na ang pera mo ay barya ko lang. Kaya kung ako ikaw ay hindi ko na susubukin na kalabanin ako!" Tinaasan ko siya ng kabilang kilay. "Baka mas mauna akong sirain iyang mukha mo bago mo pa masira si Miss Ann?"
Binawi niya ang kaniyang braso mula sa pagkakapiga ko rito nang mahigpit.
"Huwag mo akong pagbantaan, Albana," sabi niya.
Humalakhak ako. Umiling ako matapos akong humalakhak.
"Hindi kita pinagbabantaan. Sinasabi ko sa iyo kung ano ang matatamo mo kapag ginalaw mo si Miss Ann at ang image niya," tugon ko sa kaniyang sabi.
Iba rin talaga ang kapal ng kalyo ni Jackielou. Hindi man lang siya natauhan sa ginawa ko sa kaniya kanina. Kung sabagay ay mas gusto ko ang mga kalaban na palaban. Mas challenging kapag palaban ang kalaban. "Let us see, Albana," aniya.
"Suntukin ko kaya ang mukha mo para may ma-see ka talaga?" suhestiyon ko at agad ko siyang nilapitan.
Hinigit ako ni Miss Ann kaya naman ay nakaalis si Jackielou na hindi ko man lang nasuntok ang mukha niya. Tumataas ang dugo ko kapag nakikipag-usap ako kay Jackielou.
Kung nasuntok ko lang siya kanina ay tiyak akong hindi na siya makakabalik dito. Pasalamat siya dahil damit niya ang napuntirya ko kanina. Kung mukha niya lang iyon ay wala na talaga siyang kumpyansa na humarap pa sa mga tao rito. "Hayaan mo na siya. Ano, tatanggapin mo ang offer ko?"
"Well, if that will make her anxious, then, okay. Tatanggapin ko po," sabi ko.
Kukunin ko talaga ang lahat ng mga bagay na mayroon siya. Pati ang asawa niyang pinagdadamot niya sa akin ay kukunin ko rin. Wawasakin ko silang pareho.
Iniwan ko si Miss Ann at agad kong hinanap kung nasaan si Farris.
Ngumiti ako nang makita ko siyang nakatingin sa akin.
Lumapit ako sa kaniya. Bigla na namang dumating si Jackielou at niyakap niya si Farris.
Umirap ako dahil sa kaartehan ni Jackie.
"Babe, Farris?"
Kung umasta naman itong babaeng ito ay parang ilang centuries na silang hindi nagkita ni Farris.
"Are you ready for later?" tanong ni Farris kay Jackielou.
"Oo naman. Sinisiguro ko na ako ang may pinaka-maraming maii-close na bidding," kumpiyansang sabi niya.
Gusto kong matawa dahil sa sinabi niya. Siguro, kaya hindi niya napapansin na unti-unting nauubos ang pera ni Farris ay dahil may pera rin siya. Ayon sa mga impormasyong binigay ng mga tauhan ko ay isa rin sa mga pinakamayamang tao sa buong mundo ang pamilya ni Jackie. Well, isa lang naman sila roon. Habang ako naman ay ang pinakamayamang tao sa buong mundo. Wala sila sa kalingkingan ko.
"Mademoiselle, are you alright?" tanong ni Farris sa akin.
Nakita ni Farris paano ako humawak sa ulo ko. Nahilo ako kaya naman ay humiwalay si Farris kay Jackielou at tumalima siya upang lapitan ako. Inalalayan ako ni Farris. Sumandal ako sa kaniya dahil hinang-hina ako. "Nahihilo ako, Monsieur," ani ko.
"Tatawag tayo ng medic?" aniya.
Umiling ako. Humarap ako kay Farris at yumakap ako sa kaniya.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"M-Monsieur, ang sakit ng u-ulo ko."
Nilublob ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib. Lihim kong sinilip si Jackielou. Hindi siya mapakali dahil sa ginawa ko. Huwag niya ako subukang paselosin dahil mas alam ko ang gawaing iyon.
"Farris, ano ba? Bitawan mo nga ang babaeng iyan. Lumayo ka sa kaniya dahil umaarte lang siya," galit na sabi ni Jackielou.
Hinila niya pa ang braso ni Farris at tinutulak niya ako palayo sa asawa niya.
Bumalikwas si Farris at sinaman ng tingin si Jackielou.
"Nakikita mo na nga na hindi okay ang lagay ng tao pero pag-seselos pa rin ang pinaiiral mo. Whether you like the thought or not, I will take care of Albana because she is my obligation. Obligasyon kong matiyak ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga investor ko. Excuse us," sabi niya sa asawa niya at agad niya akong binuhat.
Pinakita ko kay Jackielou ang mukha ko na inaasar siya. Nainis siya kaya naman ay hinabol niya kami.
"Fa-"
"Please, Aki!"
Napa-pikit na lang dahil sa galit si Jackielou. Ang sarap talagang inisin ni Jackielou. Parang gusto kong pasalamatan ang biglaang pananakit ng ulo ko dahil kasi rito ay nainis ko na naman ang kaaway ko.
Dinala ako ni Farris sa isang kuwarto. Hindi ko alam kung saang banda ito dahil pinikit ko ang mga mata ko habang binubuhat niya ako papunta rito. Bukod kasi sa sakit ng ulo ko ay parang hinehele ako ng amoy ni Farris. I cannot deny the fact that he smells good. Simula pa naman talaga noon ay napakabango niya na.
Tinulungan niya akong makahiga sa ibabaw ng kama.
Paano kaya kung si Albana na talaga ako mula noon? Naranasan ko kaya itong pagiging maalaga ni Farris ngayon? Just what if, I am Albana from the very beginning?
"Are you alright?" tanong niya sa akin bago siya umupo sa gilid ng kama ko.
Tumango ako at pilit na ngumiti.
"Nahihilo ako until now," pag-amin ko.
Tumayo siya at tinalikuran niya ako. Inabot ko ang kamay niya at pinigilan ko siya.
Matapos akong makulong sa isang silid noon habang nagpapagaling ako ay bigla na lang akong natakot sa masisikip na lugar. Wala akong makausap noon nang matino dahil matagal na panahon pa ang lumipas bago ako nakapag-salita ng maayos. Minsan lang din akong dinadalaw ng nurse ko noon kaya naman ay na-trauma na akong maiwan mag-isa na hindi maayos ang kalagayan.
"Don't go, Monsieur. Please," pag-mamakaawa ko.
Ngumiti siya at agad siyang lumapit sa akin. He is caressing my face while his eyes looks at mine seriously. Nakita ko sa mga mata niya na tunay nga siyang nag-aalala sa akin. I hate my heart for skipping its beats when Farris kissed me on my forehead.
"Hahanap lang ako ng gamot. Hindi ako aalis sa room na ito hanggang hindi ka nagiging okay, Mademoiselle," sabi niya sa akin bago siya muling tumayo.
Inabot ko ang aking noo at pinakiramdamam ito. Hindi naman ako masyadong mainit. Nahilo lang siguro ako dahil hindi ako nakatulog hanggang madaling araw. Hinintay ko kasi ang gabing ito. Inaabangan ko ang event na ito kung saan ay ipapamukha ko kay Jackielou na kaya kong kunin sa kaniya ang lahat ng bagay na mayroon siya.
"Salamat," wika ko at tinanggap ang gamot at tubig na binigay niya.
Iinumin ko na sana ito pero bigla kong naisip ang ginawa niya sa akin noon. He drugged me before. Hindi ko na hahayaang maulit pa iyon. Sinamaan ko siya ng titig pero ngumiti lamang siya at umiiling-iling pa. Parang alam niya kung ano ang tinutukoy ng mga titig ko.
"Don't worry, wala akong balak gumawa ng kalokohan ngayong gabi, Mademoiselle. Take it, nang sa ganoon ay makabalik na tayo," sabi niya. Tumango ako at agad na ininom ang gamot. Binalik ko sa kaniya ang baso nang matapos akong uminom ng gamot.
Nakatayo siya patalikod sa akin. Traydor na puso ito! Bigla akong nasabik sa mga yakap ni Farris. Hindi ko makontrol ang sarili ko kaya ay pinilit ko ang sarili kong tumayo. Hindi ko naiintindihan ang sarili ko. Sa simpleng bagay lang na ginawa niya ay na-appreciate ko siya bigla.
Kahit na sinabi ko na hindi ko na siya mahal at si Rev na ang mahal ko ay hindi ko pa rin maitanggi sa sarili ko na na-appreciate ko siya ngayong gabing ito. He is a gentleman tonight. Inisip niya ako at ang kalagayan ko.
Puwersa akong umiling at agad akong umupo sa kama nang halos balutin siya ng mga braso ko. Kinontra ko ang sarili ko. Hindi ako puwedeng magpadala sa mga aksyon na pinapakita niya sa akin. He is a gamer and a businessman. Lahat ay gagawin niya para lang manalo siya. Isusugal niya ang lahat ng mayroon siya kapag nalaman niyang may laban ang baraha niya. Pipigilan ko ang sarili kong maawa at hindi ko siya puwedeng pakitaan ng kahinaan ko. I will not fail at this moment. Tama na iyong talong-talo ako noon. Hindi na puwedeng maulit pa iyon.
Tumikhim ako kaya'y napalingon siya sa akin.
"I'm good now. Bumalik na tayo sa event hall at baka ano na naman ang iniisip ng asawa mong napaka-selosa," sabi ko habang tumatayo.
Nilagpasan ko siya subalit ay hinigit niya ako palapit sa kaniya.
Lumunok ako habang nakatitig ako sa mga mata niyang nangungusap.
"Sino ka talaga, Albana?" tanong niya sa akin. "Bakit ang lakas ng kutob ko na ikaw ang asawa ko?"
Tinanggal ko ang mga kamay niyang nakahawak sa aking braso.
"Monsieur, ano na naman ba ito? Nag-usap na tayo 'di ba? Kung ano man ang nararamdaman mo kapag kasama mo ako ay nararamdaman mo iyon dahil ako si Albana. Hindi ako si Jenissa kaya naman ay huwag mong iparamdam sa akin na inaalagaan mo ako at gusto mo akong makasama lagi marahil nakikita mo siya sa akin," sabi ko.
"S-Sorry, Mademoiselle," pag-hingi niya ng tawad.
Huminga ako nang malalim. Tumitig ako sa kaniya nang seryuso.
"Ito na sana ang huling pagkakataon na tatanungin mo ako kung sino talaga ako, Monsieur. Baka mapilitan akong putulin ang lihim nating relasyon," sabi ko sa kaniya.
Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"Don't do that, Mademoiselle. H-Hindi na kita tatanungin pa t-tungkol doon," sabi niya.
"Mabuti kung ganoon. Tara na at baka sisimulan na ang auction," sabi ko sa kaniya.
Humiwalay siya sa akin.
Sinabihan ko siyang umuna siyang pumasok sa event hall dahil didiretso muna ako sa banyo. Umokay naman siya sa turan ko.
Nginitian ko ang aking repleksiyon bago ako lumabas mula sa restroom.
Nang makapasok ako sa event hall ay nakita ko na nakaupo na ang lahat at handa na ang unang item para sa bidding. It is a beautiful and dazzling necklace with a diamond pendant on it.
"Damn," inis kong bulong sa sarili nang maalala na naiwan ko pala sa restroom ang bag ko.
Lumabas ako sa event hall at nag-madali akong tumungo sa restroom.
Huminga ako nang malalim nang makita ko ang aking bag na nakasandal sa salamin. Kinuha ko ito at agad akong humakbang palabas.
Kumunot ang noo ko nang makita ko si Farris.
"Monsieur," nagtataka kong sabi.
Puwersa akong umiling ng ilang beses upang matiyak na siya nga ang nakikita ko. It should not be him. Nasa loob siya kanina at kasama niya si Jackielou. Jackielou is even holding Farris' arms as if that people will steal him from her. Kinusot ko ang mga mata ko. Ilang beses ko itong ginawa. It's really him.
Ano kaya ang ginagawa niya rito sa labas?
Nakapagtataka dahil iba ang kasuotan niya.
Is it really him?
Lumakad siya palihis sa event hall kaya naman ay agad akong tumakbo para habulin siya. Hindi niya puwedeng iwanan ang event. I am planning something and he is the main character. Mapupunta sa wala ang plano ko kapag aalis siya. "Monsieur, stop!"
Saglit siyang lumingon pero muli rin siyang naglakad nang mabilis.
Nakita ko ang likod niya kaya ay hinabol ko pa rin siya ng hinabol. Pumasok siya sa isang madilim na silid.
Sumunod ako sa kaniya. Luminga-linga ako para hanapin siya subalit wala akong nakitang Farris sa loob ng madilim na silid na ito.
"Damn it!"
Someone grabbed my wrist and my eyes widened when I saw the face of this person.