Chapter k a b a n a t a 26
Albana's POV
I'm walking in the middle of the hallway and my long-black-dress is sweeping the floor. Kung may alikabok lang talaga ang sahig sa hallway ay nadala na ito malamang ng aking kamison. Lahat ng mga taong nakatayo sa gilid ng hallway patungo sa conference room ng BGC ay nakatingin sa aking gawi. Tiyak ako na ako ang sentro ng atraksiyon sa espasyong ito.
Kahit na bihira akong pumunta noon sa kompanyang ito ay alam ko na kilala ako ng mga impleyadong tumagal dito noon. Kaya rin sila nakatunganga habang nakatitig sa akin ay dahil sa aking mukha. "Namamalik mata ba ako?" tanong ng isang impleyado.
Bakas sa mga mukha nila ang pagkagulat nang makita nila ako. Itim ang kolorete sa aking labi at ang mga mata ko ay napalibutan din ng itim na eyeliner. Gayunpaman ay hindi ko maikaila na namumukhaan pa rin nila ako. Sino rin kasi ang hindi makakakilala kay Jenissa? Si Jenissa na kawawang asawa ni Farris Bennett.
"Multo ba ang nakikita ko o totoong si Jenissa ito?" Tanong ang tinugon nito sa kasama.
Dahan-dahan lamang ang paghakbang ko para makita ng lahat ang mukhang ito. Ito ang magmumulto sa lahat at palagi nitong ipapaalala sa kanila na minsang may Jenissa Reillen Sarosa-Bennett na lumitaw sa nakaraan nila. Now that I am Albana Armano, I must fear none.
Tumigil ako sa tapat ng mga impleyadong nagbubulungan. Tiningnan ko sila isa-isa.
"Binabayaran ba kayo ni Monsieur Bennett para lang makipagtsismisan sa kapwa niyo impleyado?" tanong ko sa kanila.
"S-Sorry po. K-Kamukha ka lang kasi ng dating asawa ni Sir Farris. Pasensiya na po," sabi ng isa sa kanila.
I gave them a half smile. Habang umiiling ako ay unti-unting naglalaho ang ngiting binigay ko sa kanila.
"Don't you dare compare me to someone who is weak, too sensitive and useless. Alam ko ang background ng babaeng 'yon that's why I hate it when people are comparing me to her." Lumunok ako. "She is nothing compared to me. Isa pa, huwag niyong buhayin ang patay na, baka multuhin kayo ng kaluluwa niya," asik ko.
Yumuko sila at humingi ng tawad.
Dumiretso ako sa tapat ng pinto ng conference room. Nakita ko ang orasan sa itaas na bahagi ng pinto. Blangko kong tinitigan kung saan nakaturo ang galamay ng orasan. Sakto ang pagpunta ko, late na ako at mas gusto ko ito. Naisip ko na naman ang turan ni Daddy. Pumasok sa isip ko si Henry. Kaya pala iba ang mga haplos niya sa akin noon. He was acting flirtatious towards me. Hayop sila ni Farris. Ginawa nila akong parausan. Mas kumulo ang dugo ko dahil alam ko na alam ni Farris ang ginawa ng ama niya sa akin pero hindi niya man lang ito sinabi sa akin. He is as bullshit as his father.
Ang Jenissa noon ang sinisisi ko sa mga nangyari. Nagpakatanga siya at patuloy na umasa na mamahalin siya ng asawa niya. Puno siya ng pagtitiis dahil patuloy niyang sinasabi sa sarili niya na darating ang umaga na mamahalin siya ng isang Farris Bennett. But she was wrong about that.
Mahigpit na kumuyom ang kamao ko dahil sa galit ko sa mga Bennett.
I forced to shook my head in order to return to my senses to its functions. Hindi ako puwedeng magpahari sa galit ko. Pumikit ako saglit at agad na sinwipe ang aking VIP card upang makapasok ako sa conference room.
As the frame of the door became my open gate, the light from the room rested on my face. I gave everyone a smile that caused them become troubled.
Nasaksihan ko paano nagkagulo ang lahat maliban sa lalaking nakaharap sa unahan.
"Am I seeing a ghost?" gulantang na tanong ng isang Australiano.
"She is alive!" deklerasyon pa ng isa sa kanila.
Blangko ang tingin na hinagis ko sa mga taong nagkakagulo na nakapaligid sa long table.
"Ano ang nagyayari, Panginoon?"
"I don't believe in miracles but I think this is true, buhay siya."
Gumawa ng ingay ang aking takong. Muling nagbulungan ang mga tao sa loob. Sa pagkakataong ito ay mas lumakas pa ang bulungan nila.
"Siya si Albana?"
"Hindi kaya ay si Jenissa talaga ito at nagpanggap lang na si Albana?"
"In fairness, ang ganda nito. Jenissa is always frowning and she was always afraid to look on people's eyes. This one is different, she is lively, strong and powerful," sabi ng isang investor ng BGC.
Inangat ko ang tingin ko sa lalaking nagsalita. Kilala ko ang taong ito. Siya ang Ninong Lukas ni Farris.
Tinanod ko paano lumingon sa aking gawi si Farris. Ngumiti siya sa akin na para bang walang epekto sa kaniya ang aking pagpapakita ng aking mukha.
Lumapit siya sa akin at agad kaming nag-shakehands. Hindi man lang nanlamig ang kaniyang kamay. May landi ang kaniyang paghawak sa aking kamay.
Kahit na nagtatanong ang isip ko kung bakit ganito ang ekspresyon ni Farris ay hindi ako nagpahalata sa kaniya. Ginantihan ko ng mapanuksong haplos ang kamay si Farris.
"Thankyou for coming in this such important conference, Mademoiselle."
"Bakit parang kilala na nila ang isa't isa?" narinig kong tanong ng isang lalaki.
"Wala man lang talagang nakakabahalang ekspresyon si Farris?" Pareho ang tanong namin ng taong ito. Bakit kaya?
"Magkamukhang-magkamukha sila ni Jenissa."
Tuso si Farris. Hindi ako magpapahulog sa bitag niyang ito. I know that his mind is working in silence, lalo na ngayon na nakita na niya ang aking mukha.
Binawi ko ang kamay ko at binato ko ang titig ko sa babaeng nagsalita.
"I guess we are all here to talk about the missing fund in the BGC's account. Bakit parang mas interesado kayong pag-usapan ang tungkol sa pagiging magkahawig namin ng namayapang asawa ni Monsieur Bennett? Isn't it absurd to talk about that in front of Monsieur Bennett?"
Halos lahat ay napalagat-labi na lamang sa aking sabi.
Tinanod ko si Farris habang humahakbang pabalik sa kaniyang upuan.
Wala na silang imik tungkol sa akin pero ang kanilang mga mata ay nakaw akong kinikilatis. Imbes na si Farris ang gusto kong mataranta at magkaroon ng katanunangan sa isip ay itong mga taong ito pa ang puno ng kyursusidad tungkol sa aking pagkatao.
I hate the fact that he is not even bothered after seeing me. Nakatutok siya ng maigi sa laptop niya. Maya't maya ay lumabas na sa projector ang mga litrato sa kaniyang laptop.
Nakinig ako sa kaniyang mga sabi. Natatawa ako sa isipan ko marahil sa katotohanang alam ko kung ano ang nangyayari.
"I will make sure to return all the fund that has been lost in our account. Just give me time," sabi niya.
Tumayo si Monsieur McFadden.
"How can we make it certain that you will be able to return the missing fund? I know that you promised us you will return it, but I'm sorry for asking, did you use it for your personal matter?"
Tumango ang ibang investors at nakipagtalastasan pa sa mga katabi nila. Nakita ko sa mukha ng mga tao rito ang takot na baka malugi ang kompyanyang ininvestahan nila ng malaking halaga ng pera. Ang hindi nila alam ay ako na ang nagmamay-ari ng kalahating porsyento ng kompanyang ito.
"I-I didn't..."
Tinaas ko ang aking kanang kamay.
"May I speak?" tanong ko.
Natahimik ang lahat matapos akong nagsalita. Kahit na kontrolin ko ang French Accent ko ay kusa talaga itong lumalabas.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Sure, Mademoiselle," anang Farris.
All their eyes were focused on me.
"Let us not become harsh on him. Alam ko na hindi niya magagawa ang bagay na iyon. There are problems that we cannot explain how it happened," sabi niya. "May tiwala ako sa mga Bennett. Bennetts are trustworthy and honest. Right, Monsieur Bennett?"
His eyes can't almost stare at me.
"Y-Yes, of course," he agreed.
"Bago pa lang ako and I invested almost a half of money I have but I am not questioning him on what's happening because I put my trust in him," sabi ko. "I believe that Monsieur Bennett won't going to destroy the trust I built on him," dagdag ko.
Tumitig ako kay Farris na nakayuko. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong may kaba na siyang nararamdaman ngayon.
"Hindi niya tayo lolokohin, 'di ba, Monsieur Bennett?" tanong ko sa kaniya.
He swallowed. Namutil ang mga pawis sa kaniyang noo.
"Y-Yes," aniya.
"You can adjourn the meeting."
Binato niya sa akin ang kaniyang titig kaya naman ay tumango ako. He faced the body.
"Adjourn," aniya.
Tahimik na lumabas ang mga negosyateng takot malugi. Sinulyapan ko si Farris na nakaupo na. Lumapit sa kaniya si Lukas at hinagod nito saglit ang likod ni Farris. I made a smile.
He is near in his fall and I am slowly getting the best thing I want. When he falls, I will rejoice.
Lumabas si Lukas kaya'y tumayo ako at humakbang papalabas ng conference room.
Nagulat ako nang pinigilan niya ako. He locked the door. Hinila niya ako paharap sa kaniya. Malakas niya akong tinulak hanggang sa madikit ang likod ko sa pinto. Mahigpit niya akong hinawakan sa aking magkabilang braso habang ang mga tingin niya ay para akong nilalamon.
Nakipagtitigan ako sa kaniya. Walang sinuman sa amin ang nais magpatalo sa aming titigan. Hindi ko mabasa kung ano ang gustong sabihin ng mga titig niya. "Jenissa? Albana? Sino ka sa kanila, Mademoiselle?" he asked out of anger.
Mas humigpit ang kaniyang pagkakahawak. He is threatening me with his shit-like stares but fuck him, I am not frightened anymore.
Tinulak ko siya. Ilang beses kong ginawa iyon bago niya ako pinakawalan.
Bubuksan ko sana ang pintuan subalit muli niya akong hinila. Napaharap ako sa kaniya at agad ko siyang tinitigan sa mga mata niya.
"Bakit nagkakaganiyan ka? Akala ko ba, patay na ang asawa mo? Hindi ba sumabog ang sasakyang minaneho niya mula noong gabing na iyon?" tanong ko sa kaniya. Nanginig ang kaniyang mga kamay. Ang mga mata niya ay nanlaki. Ang kaniyang mga pawis ay paisa-isa na itong pumapatak.
"Are you hiding something from the people? Pinatay mo ba ang asawa mo?" matapang kong tanong sa kaniya.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Napapaatras ako habang umaabante siya. Muli na naman akong nadikit sa pinto. He is so angry right now. Magalit na siya kung magalit pero hindi ko siya uurungan. Hindi rin uurong ang dila ko dahil sa galit niya. Tapos na akong magpa- under sa kaniya. I will be the one to dominate over him. Hindi siya ang magdedesisyon kung ano ang sasabihin ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang sinuntok ang bandang taas ng pinto. I swallowed many times to calm my temper.
"Wala akong pinatay," he said like he is sure.
"Bakit ka natatakot kung wala ka naman talagang ginawa noong gabing iyon? Isn't it quite questionable? Jenissa died and there is no further investigation how that accident killed her."
Umiling siya. Saglit na ngumiti si Farris.
"Sino ka ba para alamin ang bagay na iyan, Mademoiselle?"
"I am just your mistress with many questions about you and your past, Monsieur."
Kumalma siya at agad siyang tumalikod sa akin. Huminga siya ng malalim hanggang sa tuluyan na nga siyang bunalik sa neutral niyang pagkatao.
"I am missing her even more because of you, Mademoiselle. P-Pareho kayo ng amoy. My eyes was eager to see your face if you look like her. Ngayong nakita ko ang mukha mo at hindi ako nagkamali sa hinala ko ay lubos akong nababalisa. I am troubled because of your face," aniya.
Ngumiti ako dahil sa sinabi niya. He must be troubled, tulad ng gusto kong mangyari. I want to see him troubled and mad of the memories that will haunt him. Hindi ko siya patutulugin sa gabi at palagi ko siyang gagambalain sa umaga. "Then tell me the truth. Interesado ka ba sa akin dahil naaalala mo sa katauhan ko ang dati mong asawa?" Lumingon siya sa akin.
"Yes."
Lumapit ako sa kaniya at minabuti kong yakapin siya. Titig na titig ako sa likod niya. Gumapang ang aking mga daliri upang mapulupot ang mga bisig ko sa katawan niya. Hinimlay ko sa likod niya ang pisngi ko. "Enough thinking about your late wife, Monsieur. I am your woman now."
If he was telling me that he misses Jenissa because of his conscience. Then, damn that conscience. Huli na ang lahat para maging marupok ako at patawarin siya. Paiikutin ko sa mga kamay ko si Farris hanggang sa makuha ko ang gusto ko. Pumiglas siya at humarap sa akin. Gumanti siya ng yakap. His eyes burst in to tears.
"I am troubled, Mademoiselle. Patawarin mo ako sa ginawa ko sa iyo kanina. I am just shocked because of your face. Magkamukha talaga kayo ni Jen. I am sorry," aniya.
Hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya.
"Naiintindihan kita, Monsieur. Alam kong nasaktan ka at namimiss mo ang asawa mo pero wala na siya. Kalimutan mo na siya at ako na lang ang mahalin mo," puno ng pang-aakit kong wika.
I can still recall how I hoped for him to love me back. I really dreamt of having that not so perfect relationship with him before. Umasa ako nang palihim kahit na imposible. I dreamt about the Farris being on top of his women. Inisip ko na sana ako na lang ang mga babaeng iyon upang maramdaman ang kaniyang mapusong haplos. Minsan ko ring inisip ang posibilidad na hindi niya ako dinroga at totoo ang pagmamahal niyang 'yon.
Ang lahat ng gusto kong mangyari ay hindi nangyari. Nanatiling pangarap ang mga 'yon hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng planong umasa.
Nilimot ko ang katotohanang minsan akong umasa. Binaon ko na rin ang paglalayong mangyari ang mga bagay na imposible.
Presko pa sa isipan ko ang mga sampal na ginawad ng kamay niya, mga suntok na binigay ng kamao niya at mga salitang higit pa sa panaksak ang epekto sa aking puso na minutawi ng kaniyang matalim na dila.
Inangat niya ang aking mukha. I saw how those scattered waters atop of his eyeballs become bullet of tears. I gently wiped his wet face with my thumbs.
"Kapag nasasaktan ka, nandito lang ako... para sa'yo," wika ko.
It's too late for me to step backward. Nakaalalay ang kaniyang kamay sa likod nang aking ulo na naging dahilan nang pagtigas ng katawan ko. The way his lips brushed against mine made me hypnotized.