Chapter k a b a n a t a 25
Albana's POV
Kinaumagahan nang pagkikita ni Carli at Farris ay agad akong tumungo sa Canada kasama si Carli. Wala na akong sinuot pa na malalaking headdress upang takpan ang aking mukha. I am ready to make them foolish and sick about the facts they want to know. I have this beautiful face of Jenissa and the bold and indestructible character of Albana. Ako pa rin naman ito, si Jenissa. Wala ring nagbago, ginawa lang akong demonyo ng nakaraan ko.
Nandito ako ngayon sa isang mall ng Armano Corps. Marami talagang dumadayo rito araw-araw. Kaya hindi talaga maubos-ubos ang pera ni Abuela marahil maraming mga tao ang gumagastos para lang sa mga negosyo niya. Nanatiling normal ang aking ekspresyon kahit na ang totoo ay kinakabahan ako. Ngayon ko lamang ginawa ang lantarang paglalakad sa gitna ng maraming tao na lantad sa mga mata nila ang aking mukha. Walang masyadong nakakakilala sa akin rito pero ang tindi ng tibok ng puso ko.
Pinakalma ko ang sarili at huminga ako ng malalim sa ilang ulit na pagkakataon. Nang bumalik na sa normal ang ritmo ng aking puso ay tumitig ako kay Carli at nginitian ko siya. "Kaya ko na talaga, Carli," sabi ko.
Medyo naluha ako dahil sa tuwa na nararamdaman ko. Malaya na ako mula sa takot na baka mapapahamak ako kapag ginawa ko ang bagay na ito. Hindi na ako masisindak pang ilantad ang mukha ni Jenissa lalo na kung ang pangalan na aking dala ay Albana Armano.
"I knew it. Sa simula pa lang nitong laban mo ay alam kong kakayanin mo na harapin ang mga taong nag-alipusta sa inyo noon na hindi ka na matatakot. Mahirap sa simula pero kinaya mo, My Lady," sabi niya at niyakap ako ng mahigpit. "Maraming salamat, Carli. Hindi ako nagkamali na pagkatiwalaan ka," sabi ko nang humiwalay ako sa kaniya.
Ang ganda talaga ni Carli. Siya ang tipo ng maganda na hindi pagsasawaang tingnan. Bukod sa ang ganda niya ay ang bait niya pa. She is now wearing a formal dress but still looking gorgeous. Ako naman ay nakasuot ng pulang bestida. Ang pula ay kulay ng pakikidigma o paghihimagsik kaya ito ang naging paborito kong kulay ula nang mabuhay ako bilang si Albana Armano. Nilalarawan kasi nito ang aking sadya sa mundong ibabaw, ang maningil sa mga nagkasala sa akin. "Saan ka pupunta?" tanong ni Carli na nakasunod sa akin.
Binilisan ko ang aking paghakbang habang tinatanod ng tingin ko ang isang pamilyar na mukha.
"Sorry," sabi ko sa lalaking nabangga ko.
Pinulot ko ang bagay na nalaglag ng lalaki kaya naman ay nawala na sa paningin ko ang taong sinusundan ko.
"Nasaan na iyon?" palinga-linga kong tanong.
"Sino?"
"Si Jackielou. Alam ko na siya iyon. Hindi ko na siya nakita dahil may pinulot ako."
Hinila ako ni Carli sa isang tabi.
"Ano ang gagawin mo kapag nakita mo siya? Kakausapin mo siya? Magpapakita ka sa kaniya na ganiyan ang hitsura?" May pag-aalala sa kaniyang boses. "Bigla akong kinabahan, My Lady," aniya.
"Wala na ang takot ko na harapin sila gamit ang mukhang ito, Carli. Mumultuhin ko sila sa pamamagitan ng mga alaalang dadalhin ng mukha ni Jenissa Reillen Sarosa sa kanila. Hindi naman nila malalaman kung wala akong sasabihin sa kanila. Still, I am Albana in their eyes," wika ko.
"My Lady, nakita ko siyang pumasok sa binebentahan ng mga bag. Dali!"
Hinila ako ni Carli papunta sa lugar kung saan niya nakita si Jackielou. Nilangoy namin ang sandamakmak na tao para lang makapunta sa bahaging ito ng mall.
"Nasaan siya?" tanong ko kay Carli.
Kumibit-balikat ang loka. Kanina ay atat na atat siyang pumunta rito. Wala naman pala si Jackielou rito.
Lalabas na sana ako pero kusang tumigil ang aking mga paa sa pag-likha ng hakbang dahil nakita ko sa salamin ang repleksiyon ni Jackielou na abala habang pumipili ng bag.
"Bakit, My Lady?" pabulong na tanong ni Carli.
Ngumiti ako at sinenyasan siyang tumingin siya sa kaliwang banda.
"Gosh! She is really here, My Lady," sabi ni Carli.
"Yes, Carli. Siya nga at wala ng iba. My killer is here," wika ko.
"Sasama ba ako?"
"Malamang, PA kita!"
"Wow! Instant PA? On the spot ang promotion? From yaya to PA ni My Lady Albana?"
"Ang dami mong dada! Tara na at sisimulan ko na ang pangmayaman kong paghihiganti laban kay Jackielou!"
Nagkunwari kaming namimili ng bag ni Carli. Sinesenyasan niya ako na umatras pa. Plano ko kasi na aakma sa isang bag ang atensiyon namin ni Jackie at aagawin ko sa kaniya ang bag na gusto niyang maangkin. Tinitiyak ko ang bag na 'yon ay ang bag na pag-mamay-ari ko.
Nabasa ko agad kung alin ang bag na natipuhan niya. Sabay kaming napahawak sa bag na pinuwesto ni Carli sa tapat ni Jackielou habang abala siya kanina sa pagkilatis ng ibang bag.
"Excuse me, Madame, ako ang nauna sa bag na ito kaya pakikuha ng kamay mo," sabi niya.
Napatunayan ko na wala talagang respeto itong si Jackielou. Kahit na noon pa ay hindi talaga siya nagpapaawat. Gusto niya na palagi siyang nasusunod. Lahat rin ng natipuhan niya ay dapat mapasakaniya. But not now because everything she wants will be mine.
Aagawin ko ang lahat sa kaniya.
"Pardon?"
Lumingon ako sa kaniya kaya ay halos bumagsak siya sa sahig. Kusa rin niyang nabitawan ang bag na gusto niyang mapasakaniya. "J-Je-"
"Madame Bennett!" ani ko.
Nanginginig ang kaniyang mga labi. Alam ko rin na pati ang mga tuhod niya ay nanginginig dahil sa gulat.
Lumapit ako sa kaniya at dinampi ang pisngi ko sa kaniyang mga pisngi.
"W-Why are you h-here?" nauutal niyang tanong.
Nangingilid ang mga luha sa kaniyang mga mata. Hinihingal siya kahit na nakatayo lang siya. Ilang beses din siyang lumunok. Tiyak akong nanunuyot ang kaniyang lalamunan.
"This is me. Hello! Come on, Jackielou, hindi mo talaga ako nakikilala?"
"S-Sino ka ba?" tanong niya.
Tama itong ginagawa ko. Siya mismo ang magiging rason nang kaniyang kabaliwan. Sariling kalawang niya ang sisira sa kaniya.
"It's me. Armano Corp's CEO! Si Albana! Don't you know?" tanong ko sa kaniya.
She's trying her best to calm herself. Iniwas niya ang kaniyang mga tingin sa aking mukha. Ganoon na lang ba kasilaw ang aking mukha kaya hindi siya makatitig sa akin? O nasisilawan siya ng mga alaala na tiyak na guguluhin siyang muli mula sa araw na ito?
"I-Ikaw?" hindi makapaniwalang sambit ni Jackielou. "Ikaw si Albana Armano?" puno ng pagdududa niyang sabi.
Narinig kong tumikhim si Carli. Pumagitna siya at humalukipkip siya sa harapan ni Jackielou.
"Madame Bennett, bakit parang gulat na gulat ka nang makita mo si My Lady? Does her face reminds you of someone?" tanong ni Carli sa kaniya.
"Well, she reminds me of someone I really hate. But I guess I don't have to be bothered, siya naman pala ito, si Albana, an investor of BGC," aniya.
Ngumiti ako sa kaniya. Hindi ko pinahalata na naiinis ako sa sinabi niya. Kung kami lang dalawa ang tao ngayon ay sinampal ko na siya at sinabunutan nang sa ganoon ay tumanda na siya.
Nauna na ang pinakita niyang pagkasindak nang makita ako. Hindi niya ako mauuto sa pagbabalat-kayo niyang matapang at hindi apektado. She is afraid of Jenissa now. Iyan ang nakikita ko sa kaniyang mga mata. Eyes don't lie. "Yes, of course! Wala kang dapat ika-bahala. By the way, your husband told me that he missed you," sabi ko.
Kumunot ang noo niya. Namula siya dahil sa sinabi ko.
"W-What!? N-Nagkikita kayo ng asawa ko?" tanong niya sa akin.
Humawak ako sa aking dibdib. Nagkunwari akong nagulat sa tanong niya.
"Akala ko alam mo?" tanong ko sa kaniya. "Sinisikreto pala ni Farris ang pagkikita namin?" pabulong kong tanong sa sarili ko pero sinadya ko na marinig ito ni Jackielou. Gusto ko siyang mangisay sa galit.
Puno ng pang-iinis ang ekspresyon ko at tono ng pananalita ko. Bakas sa mukha niya kung paano niya ako gustong sabunutan sa mga oras na ito.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Ano ang alam ko!?" nanggigigil niyang tanong.
Humalakhak ako habang palinga-linga ako.
"So he didn't asked permission from you? Gosh! Si Farris talaga, pumayag ako na pumunta sa bahay niya para i-comfort ko siya dahil sinabi niya na nagpaalam siya sa'yo," wika ko. "A-Ano ang pinagsasabi mo!?"
"Madame Bennett, malinaw ang sabi ng My Lady ko na pumunta siya sa bahay niyo para i-comfort ang asawa mo," sabat ni Carli.
Nanlaki ang mga butas ng kaniyang ilong. Ang sarap naman makitang balisa ang babaeng ito. Gusto ko tuloy kumain ng popcorn habang pinagmamasdan ko siyang naiiyak dahil sa galit niya sa akin. "Ano ang ginawa niyo?"
"What do you mean? We did, what?" pilya kong tanong.
"Bakit ka pumunta sa bahay kung alam mo na wala ako? You should have called me before you went there. Inapakan mo ang karapatan ko bilang asawa," wika niya.
Lumapit ako sa kaniya. Nawala ang ngiti ko. I moved my lips near her ear.
"We just talked, Jackielou. Next time, kapag ayaw mong may ibang nagco-comfort sa asawa mo ay gawin mo ng maayos ang obligasyon mo bilang asawa. Huwag kang mapraning dahil wala akong balak na agawin sa iyo ang laos mong asawa. Kung mayroon man ay hindi ko na kailangang mag-effort pa. Your husband is calling me frequently. Aminin niya man o hindi ay tiyak akong hinahabol niya ako."
Umatras ako. Tinitigan ko ang kaniyang mukha na puno ng galit. Nagsalpukan ang mga kilay niya at naninigas ang mga panga niya.
"Kukunin mo ang bag?" tanong ko sa kaniya. "Mahal ito," sabi ko at pinasayad ang mga daliri ko sa bag.
"Kukunin ko. Kahit ilang milyon pa iyan ay kukunin ko. I can afford it," sabi niya.
Kinuha niya ang bag at akmang aalis na. Hinila ko ang bag kaya'y natigilan ni Jackielou sa paghakbang niya.
"Let go of my bag, Albana," sabi niya.
Umiling ako.
"Paano kung ayaw ko? Makikipag tug-of-war ka ba sa akin? Agawan tayo ng bag?" alok ko sa kaniya.
She forced a smile.
"Simula noong una nating pagkikita ay hindi na kita pinagkakatiwalaan, Albana Armano. Bilang asawa ay alam kong iba ang pakay mo sa asawa ko," aniya.
"What a conclusion, Madame Bennett. Sa tono ng pananalita mo ay para bang sinasabi mo na hindi kaibigan ang tingin mo sa akin." I tsked many times. "Ganiyan ba mag-alaga ng investors ang mga Bennett. Kaya pala ay palubog na ang kompanya niyo."
"That's not true, Albana."
"Wala ka sa Pilipinas kaya hindi mo alam kung ano ang nangyayari, Madame Bennett. Ilang milyones ang nawala at walang may alam bakit iyon nangyayari. Kahit ako ay napapatanong sa ere, bakit kaya paubos na ang pera niyo? Sino kaya ang nagnanakaw nito? O baka naman ay may binabayaran kayo?"
Hinila niya ang bag kaya halos madapa ako. Mabuti na lang dahil napahawak ako kay Carli.
"Albana, huwag na huwag mo akong susubukan sa mga paandar mo. Hindi mo ako kilala. Kung ako sa iyo ay matakot kang kalabanin ako," banta niya.
Tinawanan ko ang mga sabi niya. Napatingin sa akin ang mga tao sa loob ng bentahan ng bag.
"Marami na akong napagdaanan, Madame Bennett. Alam ko ang takbo ng utak ng mga taong katulad mo. Dahas? Alam ko na iyan ang panlaban mo sa mga taong kinakaya mo. It seems that you want war. Puwes ibibigay ko sa iyo ang gusto mo," sabi ko. "Let us have the war that you want!"
Hindi ko siya kakaibiganin bago ko siya pahirapan at multuhin gamit ang kasalanang ginawa niya. Ayaw ko ng plastik kaya ihaharap ko sa kaniya ang tunay na ako.
"Kung ako sa iyo ay humanda ka na, Albana. Marami na akong napaluhod," sabi niya.
Umiling ako. Binitawan ko ang bag na pinag-aagawan namin.
"Luluhod ako sa santo pero hindi sa tulad mo. Tingnan natin kung sino ang luluhod at mag-mamakaawa sa bandang huli, Jackielou. This war is endless! And you will be defeated endlessly, iyan ang pinapangako ko sa'yo. Kung napapaluhod mo ang iba puwes ibahin mo ako. Dahil ako ang niluluhuran." I made an evil laugh. "Itanong mo pa sa asawa mo." Bigla akong ngumiti matapos kong sabihin ang huling mga salita sa aking linya.
She is obsess over her husband. Guguluhin ko ang pagsasama nila ni Farris. Humanda siyang maghirap sa mga kamay ko. Masyado na siyang feeling asawa. Baka bigla ko siyang sampalin ng mga papeles na nagpapatunay na kasal kami ni Farris.
"Umalis ka sa harapan ko habang nagtitimpi pa ako. Baka makalimutan ko na investor ka sa kompanya namin ng asawa ko," aniya. Binibigyang diin niya talaga ang salitang asawa.
"If that is what you want then give me my bag nang makaalis na ako, Jackielou," nakangiti kong sabi.
"Ganoon ka na lang ba talaga ka disperada, Albana? Bag ko 'to. Ako ang unang humawak nito kaya akin ito," sabi niya. "Mang-aagaw ka talaga," ani pa niya.
Hindi niya alam na habang namimili kami ni Carli kanina ay siningit ni Carli ang bag ko sa puwestong mapapansin ito ni Jackielou. Mahilig sa mamahaling bag si Jackielou at lalo na kapag tunay na maganda ang bag. Regalo ni Abuela sa akin ang bag na ito noong dumating siya mula Spain.
"Bukod sa pagiging obsess sa asawa mo ay inaangkin mo rin pala ang gamit ng iba? Why don't you see it yourself, nang maniwala ka na akin ang bag na 'yan," utos ko sa kaniya. "Nang sa ganoon ay malaman natin kung sino ang desperada at mang-aagaw, Jaclielou Bennett!"
Bumaba ang tingin niya patungo sa bag. Sakto pa talagang tumunog ang smartphone ko kaya naman ay napalunok na lang siya dahil sa hiya.
Hinila ko mula sa kaniyang pagkakahawak ang aking bag. Galit na galit siyang tumingin sa akin.
"Next time, don't own things that is not yours. Kung ibang tao lang ako ay pagkakamalan kitang nymphomaniac. Good thing, may pinagsamahan kami ng asawa mo, an intimate partnership."
Binangga ko siya bago ako lumabas mula sa mall.
Dumiretso kami ni Carli sa hotel kung saan kami chumeck in.
Nang sumapit ang gabi ay inayos ko ang mga gamit ko dahil uuwi kami sa Pilipinas ngayon.
Napatutok ako sa mga binili kong advance news tungkol sa nalalapit na election. Napangiti ako habang pinakikinggan ko ang mga lintaya ni Rev. Kahit hindi niya sabihin ay alam ko na ginagawa niya ito para rin sa akin. "My Lady?"
Tumingin ako kay Carli.
"He is the man I keep on telling you."
"Grabe naman ang beauty mo, My Lady! Ang guwapo naman niya! Sa tingin ko may laban siya kay Farris. Base sa mga sinasabi niya ay sadya niyang tumakbo para kalabanin ang dati mong asawa," sabi ni Carli. Tumango ako. Biglang gumuhit ng ngiti ang aking mga labi.
"Naghihiganti siya para sa akin at para sa anak niya. Ginagawa ito ni Rev dahil alam niyang ito ang paraan para malaman ng lahat kung gaano ka-hayop ang Farris na iyon. Hindi lang siya tatakbo para kalabanin si Farris kun' di tatakbo siya para talunin ang lalaking 'yon."
"Ibang level ang love niya for you, My Lady! Gusto ko tuloy na kayo ang endgame!" tili ni Carli.
Dahil sa nalaman ko ngayon ay mas lumakas ang loob ko para singilin si Farris at Jackielou. Lumakas lalo ang loob ko dahil natitiyak ko na may karamay ako at may kakampi ako. Si Rev ang taong tinutukoy ko.
Tinigil ko ang pinanood kong balita at agad kong tinawagan si Maitha. Mabuti na lang dahil agad niya itong sinagot.
"My Lady?"
Tumuwid ako ng pagkakatayo.
"Maitha, tulungan niyo si Rev sa mga kampaniya niya. Make him the next congressman!" ani ko.
"Sure, My Lady! Gagawin namin iyon para tuluyang mabaliw si Farris Bennett!" wika ni Maitha mula sa kabilang linya. "My Lady, kailangan mong mag madali dahil baka magpapatawag ng emergency meeting ang board. Bumabagsak na ang mga Bennett, My Lady!"
Pumikit ako at huminga ako ng malalim. My heart is at ease now. Bumabagsak na talaga ang mga Bennett. Malapit na silang gagapang patungo sa akin.
"Good to hear that, Maitha. Gawin niyo lang kung ano ang dapat niyon gawin. Help Rev win the election and I want to see how Farris fall!"
Titingnan namin ni Jackielou kung sino ang luluhod para magmakaawa na iligtas ang kompanya nila. Definitely, it's not me. Dahil sila ang luluhod para magmakaawa sa akin.
Binaba ko ang aking smartphone at tumitig ako sa isang sulok.
"Manginig ka na sa takot, Farris. You will fall soon!"