Melancholic Wife

Chapter k a b a n a t a 21



Farris' POV

Mahigpit kong niyakap si Aki. Kinapa ko na rin ang kaniyang tiyan at marahan itong hinaplos. Yumuko ako upang mahalikan ang tiyan niya.

"Tinatawag na kayo. Lilipad na raw ang eroplanong sasakyan niyo." Tumuwid ako ng tayo at hinalikan siya sa kaniyang mga labi. "I will be missing you and our baby, Baby!" ani ko.

Yumakap siyang muli sa akin kaya'y napayakap na rin ako sa kaniya. Hinawakan niya ang aking mga pisngi sabay halik sa akin. Hindi na namin inisip na maraming nakatingin sa amin. Halik na kung halik ang aming inalay sa labi ng isa't isa. "I have to go, Farris. Tandaan mo na kahit nasaan ako ay mahal kita! Babalik din ako agad," aniya nang humiwalay siya sa akin dahil muli na namang tinawag ang kanilang batch.

Kumuway kami sa isa't isa. Hinintay ko na makapasok na siya bago ako umalis.

Habang naglalakad ako palabas mula sa airport ay bigla kong naalalang tawagan si Aki.

"Namiss mo na agad ako?" tanong niya.

"Baka titingin-tingin ka sa mga lalaki roon, Aki. Don't you dare," paalala ko sa kaniya. Tumawa siya dahil sa sinabi ko.

"I'm pretty serious, Aki. Don't you dare," ulit ko pa.

"Stop it, Mister Jealous! Masyado ka namang possessive!" pigil-kilig niyang sambit. "I love you. Ikaw lang naman ang lalaking gusto kong tingnan, Farris. Wala ng iba pa! O siya, kailangan ko na mag-airplane mode. Goodbye, Farris!" sabi niya. Tumango ako na para bang nakikita niya ako. "Goodbye, Aki," wika ko.

Binaba ko ang aking smartphone at sinuksok ito sa aking bulsa. Inaamin ko na madalas akong nagloloko pero natatakot akong maloko ng iba. Nagagalit ako at gusto kong pumatay kapag nakita ko ang pagmamay-ari ko na inaangkin ng iba. Naalala ko ang gabing hinatid ng lalaki si Jenissa. Pasalamat lang talaga siya dahil hindi ko nakita ang lalaking humatid sa kaniya noon. If I saw that man, I will make sure to beat him to death.

Mabilis kong tinungo ang sasakyan ko at binuksan ko ito. Habang pinandar ko ang makina ay tumunog ang aking smartphone kaya'y dinukot ko ito mula sa aking bulsa at sinagot ang tawag. "Farris Bennett is speaking, CEO of BGC. What's the matter? Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo--?"

Kumunot ang noo ko nang marinig ang boses ng isang babae na hindi pamilyar sa akin.

"Sino ka!?" agad kong tanong.

Imbes na sagutin ang tanong ko ay iba pa ang sinabi niya.

"Farris. Farris. Farris. Isang taon pa lang ang nakalipas matapos na mangyari iyon pero hindi mo na agad matandaan ang boses ko. Ang sama mo namang kanegosasyon, Farris Bennett!" Lumunok ako dahil sa inis. Balas kasi sa boses ng babae na hindi maganda ang hangarin niya.

"Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo, Bitch! Kaya kung ayaw mong malintikan ay magpakilala ka agad nang sa ganoon ay matapos na ang pag-uusap na ito!" pasigaw kong sabi sa kaniya. Uminit ang mukha ko dahil sa inis. Kumukibot na rin ang mga ugat ko habang galit na galit akong nakatitig sa unahan. Tumiyempo pa talaga ang kaniyang pagtawag sa aking pagmamaneho.

"Oh, My Dear, hindi ka pa rin talaga nagbago, Farris. Isa ka pa ring marahas at palaging mataas ang blood pressure. Kumalma ka naman," aniya na may mapaglarong tono.

"Hindi ako nakikipag-gaguhan sa iyo! Kaya kung sino ka man ay huwag kang-!"

"Gusto mo talagang malaman kung sino ako? Meet me at Drew's Coffee shop," aniya.

Bahagya akong napabitaw ng satkastikang pagtawa.

"Baliw ka ba? Alam mo, hindi ako nakikipagkita sa mga taong hindi ko kilala. Kaya kung ako sa iyo ay-!"

"Madali akong kausap, Farris Bennett. Kung ayaw mo talagang makipagkita sa akin ay magsasalita na ako tungkol sa totoong nangyari kay Jenissa," sabi niya.

Kumunot ang noo ko nang marinig ko paano niya banggitin ang pangalan ni Jenissa.

"Ano ba ang alam mo?"

"Marami. Sasabihin ko iyon sa publiko para masira ang imahe mo. Alam ko na marami ka na talagang nagasatos sa kampanya mo, Farris. Kaya tandaan mo, kapag nagsalita ako ay mapupunta sa wala ang lahat," banta niya. Ayaw kong mapunta sa wala ang pinaghirapan namin ni Aki. I worked hard for it. Kahit nga buntis ang asawa ko ay nagsasakripisyo siya para samahan at tulungan ako sa aking pangangampanya. "H-Hintayin mo ako sa coffee shop," ani ko.

Nataranta ako sa mga pagbabanta niya kaya agad akong nagmaneho papunta sa coffee shop na ito.

Iniwan ko sa likod ng shop ang aking sasakyan bago ako tumungo rito. Hinanap ng mga mata ko ang taong posible kong nakausap kanina.

Lumingon sa akin ang isang mukha na minsan ko nang nakita. Lihim akong napamura sa isip ko. Ito na naman ang mukhang pera na ito. Hindi pa ba sapat ang binigay namin sa kaniya noon? "Umupo ka, Farris. Umorder na ako nang kape para sa atin," sabi niya at tinuro pa ang mga kape na umuusok pa.

Diretso akong umupo sa tapat niya. I leaned forward and looked at her face with anger.

"Ano na naman ang kailangan mo?" tanong ko sa kaniya.

Umiiling siya habang inaasar ako ng mga ngiti niya.

"Ikaw may kailangan sa akin, Mister Bennett." Tinaas niya ang kaniyang kaliwang kilay.

"Wala akong kailangan sa iyo," pabalang kong sagot.

Nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. Naging seryuso rin ang titig niya sa akin.

"Talaga, Farris? Baka nakakalimutan mo na alam ko ang nangyari. Isang salita ko lang sa media ay matutuldukan ang pantasya mo na maging congressman." Sumandal siya at naghalukipkip pa. "Alam namin na bago pa man namatay si Jenissa ay may alitan sila ni Jackielou. Nagmadaling umuwi si Jenissa at kinaumagahan ay nalaman namin na wala na siya. Hindi ba iyong araw na iyon din matapos mabalita ang pagkawala niya ay ang parehong araw na iyon nang pagpunta niyo sa amin."

Kinuha niya ang kaniyang bag na nakapatong sa ibabaw ng mesa.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"The public will ask themselves how it happened right? Sino ang pumatay kay Jenissa? Ang kandidato ba nila para pagka-congressman, Farris? Ang dating asawa ba ng kawawang si Jenissa? Well, they will seek answers to you. At kapag sasagot ka ng pawang kasinungalibgan ay wala ng maniniwala sa iyo. Doon tataob ka na," sabi niya pa at akmang tatayo.

Mabilis ko siyang hinawakan sa kaniyang pulsuhan at hinila ko siya pababa. Namumuo ang mga bala ng sawis sa aking noo.

"Magkano ang kailangan mo, Maitha De Villa?" tanong ko sa kaniya.

Hinila niya ang kamay niya at sinamaan ako ng titig.

"Take off your filthy hands from me," aniya.

"Huwag kang magmalinis, Maitha. Pares nating alam na may nagawa ka ring mali kay Jen," sabi ko.

She tsked. "Mas malala pa ang ginawa mo sa kaniya, Farris. Pinatay mo siya. Pinatay niyo ni Jackielou si Jenissa na walang alam gawin kun'di ang mahalin ka kahit nasasaktan na siya," sabi niya. "Sampung Milyon, kapalit ng pananahimik ko." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Naglolokohan ba tayo, Maitha? Napakalaking halaga ng hinihingi mo sa akin!"

"Kung ayaw mo ay okay lang. Pero tandaan mo, kapag sinabi ni Maitha ay gagawin ni Maitha," isang mapang-asar na ngiti ang ginutin ng mga labi niya habang abala sa paglalaro ng ilang hibla ng buhok niyang nakahilera sa gilid ng kaniyang mukha ang kaniyang hintuturo.

"Limang Milyon, Maitha!"

Umiling siya at lumapit siya sa akin.

"Ang Sampung Milyon ay hindi kailanman magiging Lima lang. Kung hindi mo maibibigay ang gusto ko ay wala akong magagawa, Farris," aniya.

Nanigas ang mga panga ko dahil sa inis ko kay Maitha. Iba talaga ang kapal ng mukha niya pagdating sa pera.

"Fine! Ipapasok ko na lang sa account mo!" ani ko.

"Am I late?"

Sabay kaming lumingon ni Maitha sa babaeng dumating. Napapikit ako dahil sa inis na naramdaman ko. Kulang na lang ay sasabog na ako sa loob ng coffee shop. "Nandito ka rin pala?" Tumingin ang babae kay Maitha.

"Kinausap ko lang itong magiging congressman natin. Nagugustuhan ko kasi ang platform niya, Ma'am Shiva Nieves. I have to go."

Tumayo si Maitha at pumalit naman sa kaniya si Shiva. Nakilala ko ang mga ito dahil katrabaho ito nina Aki at Jen. Pareho silang mukhang pera at wala akong magawa kun'di ibigay sa kanila ang gusto nila para lang maprotektahan ang pangalan ko at ang imahe ko.

"Shiva, magkano ang gusto mo?" direkta kong tanong sa kaniya dahil alam ko naman kung ano ang sadya niya.

"Iyan ang gusto ko sa iyo, Farris. Pagdating sa pagtago ng sikreto ay handa ka talagang sumugal kahit ilang. Sampung Milyon ang hinihingi ko," tugon niya.

Tumango na lang ako. "Ihuhulog ko sa account mo," sabi ko.

Tumayo na ako agad at bi ayaran ang bill. Iniwan ko si Shiva.

Nanatili ako sa loob ng kotse. Sumipa ako sa ibabang bahagi nito at pinagsusuntok ko ang manibela. Napakalaking halaga ng hinihingi nila sa akin. Kung hindi ko naman iyon ibibigay ay tiyak akong matatapos na ang pangalan ko. I am running for the position of a congressman and I am the CEO of BGC. Hindi puwedeng magkaroon ng dumi ang pangalan ko dahil nakasalalay rito ang tagumpay na inaasam ko.

Umuwi ako sa bahay matapos. Kumuha ako ng isang bote ng alak at agad akong tumungo sa veranda.

Nakatitig ako sa langit. Napakalaking halaga ng nawala sa akin sa araw na ito.

Hindi na ko na tinagay ang alak sa kupita. Diretso na ako sa pag-inom sa bote. I want to get drunk and unconscious.

Alam ko na magtatanong ang board dahil sa nawawalang pera. Nalilito ako paano ko ilulusot ang bagay na ito. Kinapa ko ang aking smartphone at inawagan ko si Albana. Mabuti na lang dahil agad niya itong sinagot. "Mademoiselle?"

"Monsieur? Ano ang nangyari sa iyo? Umiinom ka ba?" tanong niya.

"I do. Kailangan ko ng kausap ngayon, Mademoiselle. I need you. Kausapin mo ako. Pumunta ka rito," sumamo ko.

Huminga siya ng malalim.

"Monsieur, gusto rin naman kitang makita pero natatakot na baka mahuli nila tayo. Ayaw kong magkagulo angblahat dahil sa maling pag-iibigan natin," aniya.

Naiintindihan ko siya pero sabik na sabik akong makita siya.

"Gusto kong makalimot kahit na sandali lang, Mademoiselle. Itakas mo ako sa realidad ng buhay. Maawa ka sa akin. Gulong-gulo na ang utak ko. I need you so much," pagmamakaawa ko.

"Monsieur, ang asawa mo ang iniisip ko. Pares din tayong may pinangangalagaang imahe at pangalan. Alam ko na kung ayaw ko rin mangyari iyon ay mas ayaw mo. You are running for the position of congressman, Monsieur. I can't stand watching you fall because of my wrong love for you," sabi niya.

Napasandal ako sa mga rehas at marahang dumausdos hanggang sa makaupo na ako.

Ito na ang kinatatakutan ko. Kaya ako natatakot na iwan ni Daddy dahil alam ko na hindi ko jayang pangalagaan mag-isa ang kompanya namin. Napakalaking halaga ng Dalawampung Milyong Piso na ninakaw ko mula sa sarili kong kompanya para lang matakpan ang bahong tinatago ko.

"P-Please," parang bata kong pagmamakaawa sa kaniya.

Hindi ko puwedeng kausapin si Aki tungkol dito. Ayaw ko na mabigla siya at baka mapaano pa ang dinadala niyang tao. Wala na rin si Daddy para isumbong ko sa kaniya ang ginawa ko. I am alone now. Wala na akong malapitan bukod kay Albana.

"W-Wala rito si Aki, Mademoiselle. Kailangan kita. Kailangan ko ng nakausap dahil mababaliw na ako. I am losing my mind now, M-Mademoiselle," pag-amin ko sa kaniya.

"Fine, Monsieur. Sana mag-iingat tayo. Pupuntahan kita. Gusto rin naman kitang makita. Nasasabik na akong makita ka. Ihahanda ko lang ang sarili ko," sabi niya.

"I will wait for you, Mademoiselle. Thankyou," ani ko.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.