Melancholic Wife

Chapter k a b a n a t a 20



Albana's POV

Ang sarap naman sa pakiramdam dahil nauuto ko si Farris Bennett. Hindi ko malimutan ang kaniyang tono ng kaniyang boses habang nilalandi ko siya. Alam ko na nababaliw na siya ngayon. Iyon naman talaga dapat ang mangyari, 'yong mabaliw siya sa babaeng kinamumuhian niya at inaalipusta niya noon. Crazy Farris! Ano na lang kaya ang magiging reaksiyon niya kapag na laman niya na ang babaeng pinapantasya niya ay ang mabaho at nakakadiri niyang asawa noon? Isn't it exciting? Of course, it is!

"Dalhin mo sila rito. Kanina pa ako naghihintay," sabi ko sa kausap ko mula sa kabilang linya habang sinindi ko ang sigarilyong hawak ko.

Nandito ako ngayon sa isang napaka-memorableng lugar sa buhay ko. Dito ako nagiging ako ng ng ilang taon. Dito sa paaralang ito ako nakakahinga ng maayos. Well, akala ko rin kasi na ang Daycare Center na ito ay ang lugar kung saan malaya akong makagalaw at mag-salita. Ang hindi ko alam ay kulungan rin ito ni Farris at Jackielou.

Kinulong nila ako sa pagpapakitang tao ni Jackielou. Pinaasa niya ako na siya ang tunay na nagmamalasakit sa akin. I was wrong. I was bitten by a snake named Jackielou and she was my fake best friend. Sa likod pala ng kaniyang pagiging mabait ay siya ring ka-demonyohan niya. Sa likod ng kaniyang pinapakitang kabutihan ay nakahimlay ang tunay niyang pagkatao. She is as evil as none. And I am here bringing on the devil they created in me. It's a battle between evils. Samu't saring emosyon ang naramdaman ko nang pumasok ako kanina sa classroom na ito. Dito sa loob ng classroom na ito ako nagtuturo. Isa sa mga estudyante ko ang batang si Shon, ang anak ni Rev. That child is kind but he is gone now. Dahil sa pag-aalala ni Rev sa akin kaya niya iniwan ang anak niya. Walang ibang puwedeng sisihin dito kun'di ang dahilan ng lahat, si Jackielou at si Farris. Oo, sinisisi ko ang sarili ko dahil sa pagkawala ni Shon. Pero sila ang dahilan bakit nakasunod sa akin si Rev noong gabing iyon. They were the ones who are accountable to this!

Gumulong ang luha ng poot mula sa aking mga mata. Agad kong inalis ang bakas ng mga luha nang makarinig ako ng yabag ng mga paa.

"Pasok!" anang tauhan ko at sabay na tinulak ang dalawang taong gusto kong makita sa mga oras na ito.

Lumingon ako sa kanila. Nanlaki ang mga mata nila at nakaawang ang kanilang mga bibig na agad namang tinakpan ng mga kamay nila.

"Para kayong nakakita ng multo. Kumusta na pala kayo? Balita ko, ang sasarap ng mga buhay niyo," ani ko.

Wala pa ring makapag-salita sa kanilang dalawa. Humakbang ako papalapit sa kanila at agad akong humigop ng usok mula sa aking sigarilyo.

Binuga ko ang usok na nalikom ng bibig ko sa pagmumukha nila kaya naman ay napa-iling sila habang umuubo.

"B-Buhay ka!?" gulantang na tanong ni Ma'am Nieves.

Ngumiti ako tinitigan siya direkta sa kaniyang mga mata.

"Nagulat ka?"

"J-Jen, buhay ka nga," anang Ma'am De Villa.

Binaling ko sa kaniya ang aking mga tingin kaya'y napalunok siya nang wala sa oras.

"Kumusta, Ma'am Devilla? Na-enjoy mo ba ang perang binayad ni Jackielou sa iyo para gumawa ng kasinungalingan?"

Nanginginig ang kaniyang mga labi. Napaatras siya nang hinugot ko mula sa aking bag ang pistola. Maigi ko itong tinutok sa kanila kaya nama'y nanginig sila sa sindak.

Kung akala nila na hindi ko inalam ang mga nangyari matapos wakasan nina Farris at Jackie ang buhay ni Jenissa ay mali sila. Nalaman ko na binayaran ni Farris at Jackie ang mga taong nandoon sa resort ni Rev na pinag-outingan namin upang lang hindi magsumbong tungkol sa eskandalong nangyari bago ako umalis mula sa resort.

Sa una ay hindi ko naintindihan si Rev at pinagtaniman ko pa siya ng galit. Ang hindi ko alam ay tinutukan pala siya ni Jackielou ng baril kaya'y hindi na siya nag-salita pa.

"J-Jenissa, pinagbayaran ko na ang bagay na iyon. Nawala na sa akin ang halos lahat ng pamilya ko matapos akong nagpakasasa sa perang suhol ni J-Jackielou sa akin," pag-amin ni Ma'am Nieves. Lumuluha silang dalawa ngayon sa harapan ko.

"Maawa ka sa amin. T-Tulad rin nang nangyari kay Ma'am Nieves ay nawalan ako ng asawa. Sumabog ang eroplanong sinakyan ng asawa ko papuntang California. Inisip ko na iyon ang kabayaran ng kasalanan kong pagtanggap ng pera mula kay Jackielou. A-Ang perang iyon kasi ang ginamit namin pambili ng ticket niya," anang Ma'am De Villa.

Binalik ko sa bag ang pistola ko. Hinagis ko na rin sa sahig ang sigarilyo kong nagiging upos na lamang. Tinapakan ko ng maigi ang sigarilyo ko habang matalim akong nakatitig sa kanila.

"Patawarin mo kami, Jenissa. Patawarin mo kami," pagmamakaawa nila.

Ngumiti ako sa kanila sabay halakhak.

"Hindi ko lubos maisip na marunong pala kayong humingi ng tawad. Hindi naman ako ganoon kasama kaya'y pinapatawad ko na kayong dalawa."

"Sala-"

Hinarang ko ang aking kanang kamay nang akma silang lalapit sa akin.

"Sa isang kondisyon," wika ko.

Nagtitigan sila bago sila tumingin sa aking gawi. Tumango sila ng walang pag-aalinlangan.

"H-Handa kami sa kahit na ano'ng kondisyon na gusto mo, Jen," sabi ni Nieves.

"Oo, Jenissa. Kahit ano, gagawin namin," sang-ayon ni De Villa.

Tumango ako. Kinilatis ko silang mabuti. Simple na lamang ang mga kasuotan nila. Malamang ay kapos na sila sa pinansiyal na bagay.

Utang ko rin naman sa kanila ang lahat ng mayroon ako ngayon. Kung hindi dahil sa matatabil nilang mga dila ay hindi ko naabot ang kinalalagyan ko ngayon. Tiyak rin ako na kung hindi makati ang mga dila nila ay hindi ko nalaman na ginagago pala ako ng taong tinurin kong kapatid.

"Ano ang mga trabaho niyo ngayon?"

"Wala na akong trabaho, Jen. Lahat ng ari-arian na binigay ng lover ko ay nawala na dahil binenta ko na silang lahat."

"Tumigil na ako sa pagvo-volunteer, Jen. Wala na ring natira sa akin. Mas mahirap na ako sa daga ngayon."

Lumunok ako. Pumikit ako bago marahang bumuga ng hangin. Sumikip ang dibdib ko dahil sa sinapit nilang dalawa. Kahit papaano ay nakonsensya ako.

"Magtrabaho kayo para sa akin. Doon kayo titira sa condong bibilhin ko para sa inyo. All you have to do is to ask for money from Jackielou and Farris. Pagbantaan niyo sila na kapag hindi sila magbibigay ng pera ay magsusumbong kayo sa mga pulis. Marami na akong koneksiyon sa mga kapulisan dito sa atin. Alam ko ang mga sikreto nila kaya'y hindi nila ako kakalabanin. Isa pa, ako ang pinakamalaking magbigay ng dinasyon sa mga prisinto," simula ko. "Ubusin niyo ang pera ng mga Bennett hanggang gumapang sila sa hirap at maubos ang kahit na katiting na perang mayroon sila. Gagawin kong impyerno ang mga buhay nila sa paraang hindi nila magugustuhan. Panahon na para singilin sila!" Tumingin ako sa kanilang gawi.

"Jenissa, gagawin namin iyon at na kailangang bumili ka pa ng condo para sa amin," kontra ni Nieves. Umiling ako.

"Gusto kong masiguro na ginagawa niyo ang trabaho niyo. Bukod pa roon ay gusto kong masiguro na ligtas kayo. Simula ngayon ay ako na ang amo niyo. Susundin niyo ako at huwag na huwag niyo akong lolokohin. Dahil kapag nalaman kong niloko niyo ako ay kabaong ang kahihimlayan niyo. Nakuha niyo?" tanong ko sa kanila. "Paalala lang din sa inyong dalawa, huwag niyo akong tatawaging Jenissa. Dahil ako na si Albana Armano! Itatak niyo sa kokote niyo na patay na si Jenissa. "

Tumango lang sila. Bakas sa mga mukha nila ang pagkamangha sa sinabi ko.

"Ihatid mo sila sa condo nila. Ikaw na ang bahalang pumili. Sabihin mo kay Abuela na mga kaibigan ko sila kapag dadaan kayo sa mansion. Tiyak ako na magtatanong iyon. Tell the maids to clean the rooms for them. Iyong malaki at komportableng condo ang piliin mo para sa kanila. Tratuhin niyo sila kung paano niyo ako itrato," sabi ko.

Tumango lang ang lalaki at agad na inalalayan ang dalawa palabas ng classroom. Magpapasalamat sana sila kaso pinutol ko ang kanilang linya sa pamamagitan ng pagsenyas. Sumenyas ako na umalis na sila kaya tanging pagtango na lamang ang kanilang ginawa.

Nagmamaneho ako ngayon papunta sa kung saan. Gusto ko lang magmaneho ng magmaneho at wala na akong pakialam kung saan ako dadalhin ng mga gulong at manibela ng sasakyan.

Nasa akin na ang lahat ng gusto ko. Nasa akin na ang kayamanan at kapangyarihan pero wala pa ring kapayapaan sa puso ko. Gusto ko silang pahirapan ng pahirapan upang makamit ko ang hustisya na dapat ay para sa akin.

Tinigil ko ang aking pagmamaneho nang masilayan ko ang isang lalaking nakatayo ibabaw ng rehas ng tulay.

Pinarada ko ang sasakyan ko sa tabi at tumakbo ako ng tumakbo papunta sa lalaking gustong kitilin ang kaniyang buhay.

Hindi ko na ininda ang pagod.

"Stop!" sigaw ko.

Sa halip na tumalon ang lalaki ay natumba na lamang siya sa aking gawi. Malamang ay nagulat siya dahil sa aking pagsigaw.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Why are you trying to kill yourself? Maraming tao ang nasa hospital ngayon at gustong mabuhay pero ikaw gusto mong magpatiwakal? Come on, Uncle! Alam ko na mahirap ang buhay but you have to be strong no matter how hard life is! Hindi pagpapakamatay ang solusyon sa mga problema natin. Live and enjoy life while you have it. Dahil kahit na hindi mo asamin ang mamatay ay darating ka rin doon. We will die but not in our own accord," sigaw ko. Nadala ako sa aking emosyon. Naalala ko paano ako humingi ng pagkakataon para hayaan akong mabuhay ni Jackie at Farris. Sa halip na pabayaan akong mabuhay ay tinuloy pa rin nila ang kahayupang ginawa nila sa akin. Naiinis ako sa mamang ito dahil naalala ko paano ako nagmakaawa upang mabuhay habang siya ay desidido sa gusto niyang gawin na pagpapakamatay.

Lumapit ako sa lalaki. Nakita kong umaangat at pumapaibaba ng kusa ang mga balikat niya. I am sure that he is crying so hard.

"I don't deserve life. Marami akong kasalanan. Alam ko na hindi ako mapapatawad ng asawa ko sa ginawa ko sa prinsesa namin. N-Namatay ang anak ko dahil sa akin! Hindi sila ang pumatay sa kaniya kun'di ako. Hinayaan ko silang alipustahin ang anak ko hanggang sa pinatay nila ito! Sana hinayaan mo n-na lang akong mamatay!" sigaw niya nang tumingin siya sa akin. Puno ng dumi ang kaniyang mukha. Gusot na gusot, puno ng mantsa at maraming punit ang suot niyang pantalon at puting T-shirt. Napahawak ako sa aking bibig nang makita ang mga mata niyang puno ng luha, luha ng pagsisisi at luha ng pangungulila.

"K-Kasalanan ko kung bakit wala na ang anak ko. Hinayaan ko silang kunin siya sa puder ko bilang kabayaran ng utang ko sa kanila! Nag-makaawa ako sa kaniya na ako na lang ang pahirapan niya pero hindi siya pumayag! Gusto niya ang anak ko! Pinagnanasaan niya ang anak ko! Hayop na Henry iyon!" iyak niya.

Nakinig ako ng mabuti sa sasabihin niya. Alam ko na may mali sa mga pinaniniwalaan kong katotohanan noon.

Pinigil ko ang pag-gawa ng ingay dulot ng aking hikbi. Nanatili akong nakatanaw sa hitsura ni Daddy. Ang layo niya sa niya noon. Kung may taong mas mahirap pa sa daga ay hindi si Nieves at De Villa iyon kun'di ang Daddy ko. "Halos ikamatay ko noong pinakita ni Henry sa akin ang video paano niya ginahasa ang anak ko! He is the son of a bitch!"

My eyes widened when I heard what he said.

Hindi si Farris ang bumiyak sa akin?

Hindi si Farris ang nakauna sa akin?

"Binaboy niya ang anak ko! Hindi iyon ang buhay na pinangarap ko para sa anak kong si Jenissa! Matayog ang pangarap ko para sa anak ko. J-Jeeeen, patawarin mo ang Daddy mo!"

Nagimbal ang aking isip sa nalaman ko. Halos hindi ko na maibuka ang aking bibig dahil nanigas ang magkabila kong panga dulot ng gulat na namayani sa akin. All of this time, akala ko ay si Farris ang nakauna sa akin.

Hayop na Henry iyon. Siya pala ang bumaboy sa akin? Napakawalang-hiya niya! Ngayon ay mas hindi ko pinagsisihan ang ginawa kong pagpatay sa kaniya. Ngayon ay mas nandidiri ako sa kaniya. Ngayon ay mas isinusumpa ko ang pangalang Henry Bennett! Ginahasa niya ako at pinagsamantalahan matapos niya akong turukin ng droga at pampatulog. Napakababoy niya!

Huwag lang kaming magkakasalubong sa impyerno dahil baka mapatay ko siya ulit sa mismong harapan ni Satanas!

Tinuyo ko ang mga mata ko nang makitang bumalik na naman si Daddy sa ibabaw ng rehas ng tulay. Desididong desidido siya sa kaniyang gustong gawin.

Tumingala si Daddy sa langit. Nakita ko paano gumulong sa marumi niyang pisngi ang malulusog na butil ng mga luha.

"Anak, magkikita na tayo ng Mommy mo! Magiging i-isa at b-buong pamilya na ulit tayo, My Princess!"

Sumikip ang dibdib ko at humagulgol ako sa pag-iyak dahil sa narinig ko mula kay Daddy.

Bakit ngayon ko lang nalaman na gusto niyang siya na lang ang maghirap at hindi ako?

Naging masama ang tingin ko sa Daddy ko kahit na ang gusto niya pala ay matiwasay na buhay para sa akin. Patuloy ako sa paghagulgol ng iyak habang nakatanaw ako sa kaniya.

"N-Naging masama ako sa anak ko dahil alam kong iyon ang dahilan para isumpa niya ako. Gusto kong sisihin niya ako at kamuhian. M-Matagal na nilang gustong kunin ang kawawang anak ko sa akin pero humingi ako ng palugit hanggang sa hindi na nila ako binigyan pa ng panahon. I-I want to save my daughter but that Henry is evil! Hindi siya namatay sa kamay ko kaya'y magpapakamatay ako para makita ko siya sa impyerno at doon ko siya papatayin!" Kaya pala bigla na lang nagbago ang turin ni Daddy sa akin. Iyon pala ang gusto niyang maramdaman ko. I am so stupid to hate my Daddy.

"Paalam-"

"Stop!"

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Tumingala ako sa langit. Paisa-isa ang kurap na isinagawa ng mga bituing nakatitig sa akin. Tumingin ako sa kaliwang banda, wala si Daddy.

Napabuntung-hininga ako nang sa kanang banda naman ako lumingon. He was there, lying and crying while looking at me.

"Daddy?" tawag ko sa kaniya.

"J-Jenissa, anak ko!" aniya.

May mga ngiti sa kaniyang mga labi subalit mas nangibabaw ang kaniyang pag-iyak.

Halos sabay kaming umahon. Sinalubong ko si Daddy at agad ko siyang niyakap ng kay higpit.

Nawala ang galit ko sa kaniya matapos kong marinig ang lahat.

"Jenissa, My Princess! Ikaw ba talaga ito, Anak ko!?" hindi niya makapaniwalang saad.

Tumango lang ako ng tumango marahil hindi ko magawang magsalita.

"Jenissa, patawarin mo ang Daddy! Patawarin mo ang Daddy mo, Anak. Ginawa ko ang lahat para mailigtas ka pero hindi na nila a-ako binigyan pa ng palugit," iyak ni Daddy.

"Ako ang dapat na humingi ng tawad sa iyo, Daddy. Pinag-isipan kita ng masama dahil akala ko sinadya mo akong ibigay sa kanila at hindi mo man lang ako ipinaglaban. Nagkamali ako, Daddy. Nagkamali ako. Patawarin mo ako, Daddy," sabi ko sa kaniya.

Humiwalay ako kay Daddy at dinala ko siya sa aking sasakyan. Lumiwanag kasi ang buwan kaya'y nabahala ako na baka may makakita sa aming dalawa. "Gusto kong patayin si Henry noon, Anak, pero masyado siyang makapangyarihan," pag-amin ni Daddy.

"D-Daddy," mutawi ko nang pinakita niya sa akin ang kaniyang mga darili na putol ang hintuturo. "Sino ang gumawa sa iyo nito?"

"Si Farris, Anak. Pinahuli nila ako sa mga tauhan nila at pinabugbog. Nakita ko si Farris na tumungo sa aking gawi. Nagmakaawa ako na huwag niyang gawin ang bagay na iyon pero hindi siya nakinig. Pinutol niya ang aking hintuturo. Simula noon ay naging palaboy ako. Naubos ang pera natin. Pati nga ang ating mansion ay naibenta ko na sa maliit na halaga lang para lamang may maunti-unti akong igastos. Sa kasamaang palad ay ninakaw sa akin ang kita ko sa pagbebenta ng mansion. Tumira ako sa kalsada at kumain ng tira-tira at panis na p-pagkain," kuwento ni Daddy.

"Lumapit ako sa mga kaibigan ko pero wala niisa sa kanila ang tumulong sa akin. Pinagtawanan nila ako at pinagtabuyan. Hindi nila ako tinuring kaibigan at kinalimutan nila na naging mabuti akong tao sa kanila," aniya pa. Patuloy lang sa pagpatak ang mga luha ko habang pinakikinggan ko si Daddy na kinukuwento ang napagdaanan niya.

Hayop na mga Bennett iyan. Hindi lang pala ako ang pinahirapan nila. Pati pala ang Daddy ko. Inalipusta at kinawawa nila si Daddy. Dahil dito ay mas lumiliyab ang galit sa puso ko.

"Isang tao lang ang dumadalaw sa akin, Anak. Revron ang pangalan niya. Ang sabi niya sa akin ay kaibigan ka niya. Kinukuwento niya sa akin gaano ka niya minamahal base sa kuwento ng kaniyang anak na si Shon." Napakabuting tao ni Rev. Mabuti pa siya at nagawa niyang tulungan ang Daddy ko kahit na hindi niya naman ito kaano-ano.

"Isang araw ay tumigil si Rev sa pagdalaw sa akin. Hinihintay ko siya sa ilalim ng kahoy saan ako namamalagi pero hindi na siya dumating. Narinig ko na lang sa balita na napariwala na siya. Mula noon ay hindi ko na siya muling nasilayan pa, Anak."

I moved closer to my Daddy and I gave him a hug.

"Hayaan mo, Daddy. Dahil sa nalaman ko ay mas pahihirapan ko silang lahat. Wala na si Henry na bumaboy sa akin pero buhay pa ang anak niya na siyang aani ng kahayupang pinunla ng ama niya. I will give them the most regrettable harvest of their lives!" Nakatitig ako sa labas ng kotse.

"Hindi ko sila hahayaang maging masaya. Ipagkakait ko sa kanila ang ligayang kinuha nila sa akin, Daddy. Malapit na akong magpakita sa kanila ng harap-harapan."

Huminga ako ng napakalalim.

"Magsisimula na ang tunay na giyerang ibibigay ko sa kanilang lahat! Kaya ay humanda sila!"


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.