Chapter k a b a n a t a 16
Albana's POV
My shoulders slumped as I got into my car. I glanced at myself in the mirror. Tears flowed down both my cheeks caused by looking at the faces of the people who tried to kill me.
Lumingon sa akin ang aking driver nang makita akong nahihirapang huminga. I chase after my breathe dahil binabalik ako ng isip ko sa masalimoot na gabing iyon. Nakikita ko pa paano nila ako pahirapan bago ako binaril ni Jackielou ng ilang beses. Pakiramdam ko ay natrauma na ako sa mga mukha nila. Kapag tumititig ako sa kanila ay parang si Satanas ang kaharap ko. "My Lady, are you fine?"
"Y-Yes. Ideretso mo na lang ako sa mansion," sabi ko.
Inabot ko ang bote ng tubig at agad itong binuksan. Hindi ako nauubusan ng tubig sa sasakyan. Bihira lang kasi akong bumaba kaya'y tiniyak ko na may imbak ng mga pangunahing kailangan sa aking sasakyan.
I took off my hat and took off my shades next after I drank. I dug into my bag for my mirror that I bought in Spain last week. I saw how my lipstick was smeared so I better remove it. My cheeks also turned black because of how my mascara was ruined because of the tears I shed.
I put on a little lipstick and foundation to make my face look nice after wiping the unpleasant dirt on my face. Kahit papaano ay bumalik sa pagiging maaliwalas ang aking mukha.
Nang makarating kami sa mansion ay pumasok na ako agad. Nakita kong nasa sala si Abuela at abala ito sa pagbabasa.
Inangat niya ang kaniyang titig nang makita niya ako. Tiniklop niya na rin ang kaniyang libro at tinanggal niya ang kaniyang salamin at pinatong ito sa ibabaw ng libro.
Hindi ko kinaya ang kabuwesitang naramdaman ko kanina noong makita si Jackielou at Farris. Tumakbo ako patungo kay Abuela at agad akong yumakap sa kaniya. Umiyak ako ng umiyak.
"What happened, Mihija?" tanong niya sa akin habang patuloy siya sa paghagod ng aking likod.
"Akala ko ay hindi na ako matatakot na harapin sila, Abuela. The fear of experiencing that tremendous tragedy reigned over my soul!"
"I told you not to go there, Albana. But you avoided it. Mihija, there is a perfect time to turn your plans to action. Huwag mong madaliin ang lahat ng bagay, Mihija. Mapapahamak ka kapag ganoon ang ginawa mo," paalala niya sa akin. Kapag binabanggit ni Abuela ang tawag niya sa akin ay gumagaan ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko nasa safe place ako kapag tinatawag niya akong Mihija. I know that's a Spanish term for daughter. Iyan ang tawag niya sa akin kahit apo naman ang pagpapakilala niya sa akin. She told me that I reminded her someone she treated as a daughter. Mas mahilig si Abuela sa mga Spanish terms kumpara sa mga salita ng kung ano ang lahi niya.
"I kept on imagining our confrontation, Abuela. Hindi 'yon ang gusto ko. Ayaw ko na nagmumukha akong talunan sa kanila. They made me suffer before. I want to show them that I am different but I guess I failed to do so," ani ko.
She tapped my back gently. Isang taon pa lang akong namumuhay bilang apo ni Abuela pero daig ko pa ang tunay na Armano dahil sa pagmamahal at pag-aaruga na inalay niya sa akin. Sa kaniya lang ako nakaramdam ng pagmamahal ng isang tunay na pamilya bukod kay Mommy noong buhay pa siya.
"Enough, Albana. Sa tingin mo ba ay alam nila na ikaw si Jenissa?"
Napahiwalay ako kay Abuela dahil sa sinabi niya. Tinuyo ko ang aking mga mata.
"Sa tingin ko, you are only overreacting to it," aniya. "Abuela?"
"You covered your face the way I told you. You didn't?"
"I did, Abuela!"
"Then stop acting that way. Stop acting like you did a wrong move. Alam ko na hindi ka nila nakilala. Kung nakilala ka nila at alam nila na ikaw si Jenissa ay tiyak akong nagkagulo na sa libing ng ama ni Farris," ani Abuela. Tanging pag-hinga na lamang ng malalim ang nagawa ko nang matauhan ako. She was right. Abuela was right about that. Akala ko ay hindi ko na maisasagawa ang plano ko.
Tumayo ako at tumawa na parang baliw.
"Totoo kayang pinatay ni Henry ang kaniyang sarili?"
Ako ay natigilan sa tanong ni Abuela. Hindi niya alam na ako ang gumawa noon at hindi ko maaaring sabihin sa kaniya ang totoo. Ang alam lang kasi ni Abuela tungkol sa akin ay inaalipusta ako ng asawa ko at niloko ako ng matalik kong kaibigan.
I can't tell her that I killed Henry because she won't gonna forgive me. Oo, hinahayaan niya akong maghiganti pero sinabihan niya ako na dapat alam ko kung ano ang limitasyon ng paghihiganti ko. I know what she's trying to say. Ayaw niyang pumatay ako dahil sa poot na nasa puso ko.
"Abuela, hindi natin alam kung totoo iyon o hindi. Pero ang sabi kasi ng mga tao ay may hawak siyang baril at nasa kandungan niya pa ang kutsilyong pinanglaslas niya."
"His death was too unbelievable. Ang tao kapag nagpakamatay ay hindi niya lalaslasin ang pulso niya kung may plano siyang barilin ang sarili." Tumingin sa aking gawi si Abuela. "Isn't his death is questionable, Mihija?" May paghihinala sa mga titig ni Abuela.
Lumunok ako. Bumilis ang takbo ng ideya sa aking utak. Gumalaw ako at umupo akong muli sa tabi ni Abuela.
"Iyong iba nga'y naglalaslas tapos ibibitay rin ang sarili." Yumakap ako sa kaniya. "Abuela must not think about them. Inaayos ko na nga ang kompanya mo, tapos nagpapakastress ka lang sa kaiisip sa mga tao sa paligid mo?" Lihim akong napa-ismid nang kumawala si Abuela mula sa mga bisig ko. Tumayo siya at tinalikuran ako.
"Hindi kaya'y pinatay mo siya, Albana?" Puno ng pagbibintang ang kaniyang boses.
Tumitig ako sa isang banda at piniling hindi kumibo. Kailangan kong mapaniwala si Abuela na hindi ako ang pumatay kay Henry.
Tumulo ang mga luha ko. Kunwari ay umiiyak ako dahil nasaktan ako sa pagbibintang niya sa akin.
"Albana, bakit ka umiiyak?" tanong niya sa akin nang humarap siya sa gawi ko.
Suminghot ako at tumayo.
"Masyado l-lang masakit, Abuela. Pinagbibintangan niyo ako sa kasalanang hindi ko ginawa." Ginalingan ko sa pag-arte para tuluyang mawala ang pagdududa niya sa akin. "Galit ako sa kanila. G-Galit na galit. I lost everything I have because of them. P-Pati ang pagkatao ko ay nawala buhat nang pinatay nila si Jenissa. N-Nadamay pati ang magiging anak ko. Pero hindi ko kayang pumatay! Hindi ko magagawa ang binibintang mo sa akin. Oo, nagagalit ako! Himagsik ang sigaw ng puso ko, Abuela. Pero hindi ko 'yon magagawa. Kay Farris at Jackielou lang ako may malalim na galit."
Umiyak ako ng umiyak. Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. Inalalayan niya ako hanggang sa sabay kaming napaupo sa ibabaw ng sofa.
Dama ko paano hinaplos ni Abuela ang hinlalaki niya sa aking pisngi.
"I'm sorry, Mihija. Hindi ko sinasadya ang pagbintangan ka." Lumunok siya. "Ayaw ko lang na madungisan ang apelyido natin. Armano ang dala mo at ikakapahamak ng Armano Corp kapag nalaman nila na ang Presidente ng kompanya ay isang kriminal. Ikaw lang din ang iniisip. Matanda na ako, Albana. Hindi ko alam kung sa susunod na bagong taon ay makakasama mo pa ako. I am just worried for you, Mihija. Patawarin mo ang Abuela," aniya.
Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa kabila kong pisngi. I drew near her and gave her a hug.
Ngumiti ako dahil nagtagumpay ako. Pasensiya na Abuela pero hindi ko hahayaan na may taong pipigil sa mga planong nakaukit sa aking puso. Kulang pa ang patayin sila ng ilang beses para lamang masatisfy ako. Marami silang inagaw at pinagkait sa akin.
No one can ever stop Albana. Ako ang batas na maglilitis sa kanila. Nasa kamay ko ang kaparusahang nababagay sa kanilang lahat. Inuulit ko, walang sinuman ang makakapigil sa akin. Kahit na ikaw, Abuela.
"Pasensiya na rin po kung nasigawan ko po kayo, Abuela. That was not my intention. I'm so sorry! Ayaw ko na nagkakaganito tayo. Ayaw ko na nagkakaroon tayo ng pinagtatalunan, Abuela. Nasasaktan ako," kunwa'y naapektuhan ako sa kaniyang sinabi.
Hahamakin ko ang lahat para lang maisagawa ko ng paunti-unti ang mga plano ko. Ito ang tanging paraan para makontrol ko ang lahat ng mga taong nakapaligid sa akin. Lilinlangin ko ang kahit na sino para sa pagihiganting hindi nila makakayanan.
"Mihija," wika niya nang dumistansya s'ya sa akin. "Sa tingin ko ay kailangan mo na munang magpahinga. Masyado kang napagod kaiisip sa mga bagay-bagay. You go upstairs and take a rest, Albana."
"Thankyou, Abuela. Aakyat na muna ako," paalam ko na sinang-ayunan niya naman.
Humarap ako sa malaking salamin sa aking kuwarto. Nasa mga labi ko ang ngiting demonyo na kanina ko pa gustong iguhit rito.
Albana is unstoppable.
"Iba ka talaga, Albana!" sabi ko sabay tawa ng malakas.
Minabuti kong ayusin ang aking sarili. Nagbihis ako at nagpahinga na. Nang sumapit ang gabi ay bumihis ako.
I have to visit a place where someone important to me is.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Nag-paalam ako kay Abuela at sinabi ko na may aasikasuhin akong importanteng bagay. Sinabihan niya ako na mag-ingat. Nakokonsensya ako sa ginagawa kong paglihim sa kaniya. Hindi ko kasi puwedeng ipaalam sa kaniya ang totoo. She might stop me from all of this kapag nalaman niya na ako ang kumitil sa buhay ni Henry at hindi talaga ito nagpakamatay.
Nandito ako ngayon sa pakay kong lugar. Tulad pa rin ng huling gabi akong nandito, ang ginagawa n'ya ay ganoon pa rin. He is drinking a lot. Hindi rin siya umiba ng table. Nakita ko ang ilang lalaki na lumapit sa gawi niya. Kumidlat ako sa pag-galaw upang makalapit sa gawi nila. Para kasing may hindi sila kaaya-ayang gawin sa kaniya. "Dude, puwede ba magpalit tayo ng puwesto? Tatlo kami at mag-isa ka lang, masyado namang maluwag ang puwestong ito para sa iyo," sabi ng lalaking semi-kalbo. Hindi umimik si Rev. Pinagpatuloy niya lang ang pagtagay sa sarili niya. Kinalabit na siya ng lalaking may piece sa ilong pero hindi pa rin siya kumibo.
"Pare, ano ba!? Kinakausap ka namin ng maayos. Puwede ba umalis ka na diyan? Nakakagago ka na!"
Lumapit sa kaniya ang pangatlong lalaki. Sasampalin niya sana si Rev pero nasalo ni Rev ang kamao nito.
"Tangina," bulyas ng lalaki.
Pasayaw-sayaw na tumayo si Rev at agad niyang sinuntok ang lalaki na naging dahilan nang pagbagsak ng katunggali niya sa sahig.
Sumigaw ang mga taong nakasaksi sa eksena. Walang salitang sinabi si Rev. Nakipagsuntukan lang siya sa mga lalaki.
Napahawak na lang ako sa aking mga labi nang makita ko paano siya hinampasan ng bote ng beer sa kaniyang batok.
"Damn!" tanging nasabi ko.
Aatake na sana silang muli pero agad akong pumagitna.
"Stop! Kasama ko siya!" Naawang ang bibig ko nang makita kong unti-unting bumagsak si Rev.
"Alisin mo na iyan sa harap namin. Baka mapatay pa namin iyan!" sabi ng semi-kalbo.
Lumuhod ako sa gilid niya.
"Totoo ba 'tong nakikita ko?" aniya.
Halos hindi na niya mabuksan ang kaniyang mga mata dahil sa ginawa ng mga lalaki sa kaniya. Nakadagdag rin ng mas paniningkit ng mga mata niya ang dami ng alak na nainom niya.
"Am I dreaming?" Ngumiti siya. Bumilis ang tibok ng puso ko nang muli kong nakita ang ngiti niyang ito.
"T-Tara na. Dadalhin kita sa hospital," sabi ko sa kaniya at agad siyang inalalayan patayo.
Humingi ako ng tulong sa dalawang bouncer sa bar. Mabuti na lang at tinulungan nila ako para madala ko siya sa aking kotse.
Napagod ako dahil sa kalikutan niya. Pinipilit niyang umahon kahit hindi niya na kaya.
"Can you please tell me if it is a dream or not?" lumuluha niyang tanong.
Damang-dama ko ang pangungulila niya sa akin. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Ginawa ko ang bagay na dapat noong isang gabi ko pa ginawa.
Yumakap ako sa kaniya at binaon ko sa leeg niya ang aking mukha. I missed him so much.
"Ikaw nga, Jen! B-Bakit ngayon ka lang nagpakita sa panaginip ko? Matagal kitang hinintay. I love you, Jen," bulong niya sa akin.
Ngumiti ako habang pinagpatuloy ko ang pagyakap sa kaniya. Naisipan kong tingnan ang kaniyang mukha. Nothing really changed. Nagkaroon lang siya ng bigote at umitim ang ilalim ng kaniyang mga mata, marahil siguro sa kaniyang pagpupuyat gabi-gabi. Kahit na may pagbabago sa kaniyang mukha ay hindi pa rin maikakaila na ang guwapo niya.
"Sana hindi na ako magising kung panaginip lang ang lahat ng ito," aniya.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! Hinawakan ko ang kaniyang mukha. Pilit kong inaalis ang mga luha sa kaniyang mga mata pero hindi maubos-ubos ang mga ito.
"Gusto ko, palagi kitang napapanaginipan. Miss na miss kita, Jen!" Humagulgol siya sa pag-iyak.
Napaluha ako nang inangat niya ang kaniyang kamay. The warmth of his palm never changed. The gentle touch he gave reminds me how we spend the night a year before. Alam ko na kahit isang gabi lang iyon ay puno iyon ng sinsiridad at pagmamahal.
Higit isang taon ko na siyang hindi nakita. Ang huling gabi na nakita ko siya ay ang tulay ng pagpapatawad ko sa kaniya at sa sarili kong nagkamali ng akala. "R-Rev," sambit ko.
"Jen, sana alagaan mo ang anak ko sa heaven ha? Mommy ka na niya, Jen. Ikaw lang naman ang gusto niyang maging Mommy at wala ng iba. M-Miss na miss ko na rin siya. Miss na miss ko si Shon, Jen. Miss na miss ko ang anak ko," iyak niya. "Tell him na mahal na mahal ko siya. Tell him that I am so sorry dahil hinayaan ko siyang mawala,” dagdag niya pang sabi.
Napayuko ako at mas sumidhi pa ang sakit na naramdaman ng puso ko. Parang pinipiga ang puso ko habang pinakikinggan ko siya.
I kept on nodding in every word he was saying.
"Tell Shon that his Daddy is missing him so bad. Sabihan mo siya na palagi niya akong bantayan at gabayan, Jen. I want to see Shon, Jen. Gusto k-ko na rin yakapin ang anak ko. K-Kahit sa panaginip lang, tulad nito," sumbong niya.
"Oo, Rev. Sasabihin ko kay S-Shon lahat ng sinabi mo. Mahal na mahal ka rin niya, Rev. Alam ko na palagi ka niyang ginagabayan kaya naman huwag mong gawin ito sa sarili mo. Babalikan kita kapag maayos na ang lahat at kapag handa na ako," sabi ko sa kaniya. "Wala na si Shon pero ako ay nasa paligid mo lang. Nakatanaw lang ako palagi mula sa malayo, Rev. Pinagmamasdan kita at inaasam na ligtas ka palagi. Rev, miss na miss na rin kita!"
Muli ko siyang niyakap. Humagulgol ako ng iyak sa kaniyang dibdib.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kaniyang puting long sleeve na puno ng dugo. At saka ko lang naalala na hinampasan pala siya ng binasag na bote kanina.
"R-Rev!? Rev, wake up!" sinampal-sampal ko ng marahan ang kaniyang pisngi upang magising siya subalit hindi 'yon nangyari.
"Damn it, Rev, hold on!" ani ko.
Minabuti kong ginapos ang seatbelt sa katawan niya bago ko minaneho ang sasakyan ko. Hindi ko na naisip na baka maaksidente kami dahil sa bilis ng pagpapatakbo ko. Huminto ako sa tapat ng ospital at agad akong humingi ng tulong. Walang tigil pa rin ang pagdurugo ng sugat ni Rev.
Umupo ako sa waiting area sa labas ng ER habang hinihintay ang balita mula sa loob.
Tumayo ako at sinalubong ang doktor na umasikaso kay Rev.
"Doc, how is he?"
"Well, he bleeds a lot pero okay na siya. May mga bubog lang na naiwan kanina pero tinanggal na namin. He is in good condition now." Nagpasalamat ako sa Diyos dahil sa narinig ko. Nag-alala ako ng todo dahil akala ko ay napaano na si Rev.
"Bakit hindi pa siya nagigising?" puno ng pag-aalala kong tanong.
"Nasa ilalim pa rin siya ng impluwensiya ng alak. Huwag kang masyadong mag-aalala sa asawa mo, Misis. Ligtas na siya," sabi ng doktor. "Umuna ka na sa RVIP 003. Dadalhin na namin siya roon," aniya. Tulad nga ng sinabi niya ay umuna na ako sa room. Tumayo ako nang pinasok nila si Rev at binuhat upang e-transfer sa kama.
Umupo ako sa tabi niya nang maiwan kaming dalawa.
"Pasensya na, Rev, kung hindi kita masasamahan dito. Hindi pa ito ang tamang pagkakataon na malaman mong buhay pa ako. Balang araw ay magkikita tayong muli," wika ko.
Yumuko ako at agad na hinalikan ang kaniyang noo bago ko siya iniwan.