Chapter k a b a n a t a 15
Farris' POV
Tinanaw ko ang buong paligid. Halos lahat ng kasosyo namin ay nandito. Lumapit sila sa gawi namin ni Aki at nakipagkamay sa amin.
"Sorry for yours lose, Farris. Your father is a good friend to us. Hindi lamang kasosyo ang turin niya sa amin. We are more than a family to him," sabi ni Mister Salvador. "Daddy is a good man. I know that. Thankyou for coming," sabi ko.
Binisita ko ang ibang mga tao sa lamay ni Daddy. Nakiramdam ako pero wala ni isa sa kanila ang kaduda-duda. Hindi ko kayang pagbintangan ang mga negosyanteng ito. I am sure that Daddy treasures them.
Iba mangalaga ng mga investors si Daddy. Kung puwede na helehin niya ang mga ito ay gagawin niya. Sayang siya. Sayang ang galing niyang magpatakbo ng negosyo.
I envy him because of his strategy in business. I envy my Daddy because I cannot be him. Sa kabila ng kakulangan ko bilang anak at negosyante ay hindi ko narinig kay Daddy ang mga salitang 'wala kang kuwenta' at 'wala kang alam sa pakikipagnegosasyon.'
Ang paulit-ulit niya lang sinasabi sa akin ay magaling ako at ako na ang pinakamasunuring anak na nakilala niya.
I have him as my best friend. Losing him means losing someone who would choose to understand me even though I am are a failure to others. Losing my Daddy means losing my sanity as a man and as a businessman. Hindi ko maabot ang katanyagan kong ito kung wala ang ama ko.
Napalingon ako sa aking asawa na humawak sa aking braso. Sinandal niya ang kaniyang ulo sa aking braso. I enveloped her in my arms. Napabuntung-hininga na lang ako ng malalim nang maramdaman ko ang init ng katawan niya. "He left me," saad ko.
"Hindi ka namin iiwan ng magiging anak natin, Farris."
Ngumiti ako at hinigpit pa ang mga ginawad kong yakap.
"Wala na nga akong Mommy. Wala pa akong Daddy. Kawawa naman ako," sambit ko.
Gumapang ang mga daliri ni Aki at binalot nito ang mga braso ko.
"Ganoon talaga ang buhay, Farris. Pero isipin mo na kapag may aalis ay may darating. Aalagaan ko ang anak natin para may kaagapay ka sa negosyo natin at para hindi ka na magiging malungkot. Tandaan mo lang palagi, Farris, lagi kang may kasama. Lagi akong nandito para sa iyo. Sasamahan kita kahit na ano ang mangyari," sabi niya.
Hinalikan ko ang tuktok ng kaniyang ulo.
"Monsieur Bennett, Our Lady is sending her sympathy. She said, she's sorry for your lose." Humiwalay ako kay Aki at humarap ako sa lalaking nagsalita.
He is with a formal suit. Nakayuko pa rin siya. He is well-mannered. Kinilatis ko ang lalaki.
"Who is she?" tanong ko.
"The owner of Armano Corp. My Lady Albana Armano," sabi niya.
Napalunok ako sa sinabi niya.
"She's our investor right?" sabat na tanong ni Aki.
Inangat ng lalaki ang titig niya sa asawa ko. "Yes, Madame Bennett."
"She's so mysterious. Lahat yata ng investors namin ay nandito, maliban na lang sa kaniya," anang Aki kaya ay napatingin ako sa kaniya.
Ngumiti ang lalaki.
"That's why she sent me here, Madame. She also asked me to bring these flowers to your Father-in-law's funeral."
Tumingin sa bandang likuran niya ang lalaki. Napalunok na lang ako nang umusad ang lalaki. Tinulak ng dalawang lalaki ang naglalakihang kumpol ng mga bulaklak. Nasa 6 feet ang taas nito. The flowers are also scented with a strong fragrance of a perfume.
"Hindi na ako magtatagal, Monsieur Bennett. Kailangan ko na rin asikasuhin ang flight ni My Lady Albana pabalik sa bansa. She said, she might be back before the burial of your father. Bilang pagbigay respeto ay baka dadalo siya sa libing ng Daddy mo," aniya.
Yumuko ang lalaki. Narinig ko kanina na mula sa France ang mga Armano. The old woman of the Armano turned her position and all her possessions to her granddaughter, Albana. Everyone is eager to see that mysterious woman. Bigla na lang daw kasing inanunsiyo ng matanda ang pagpapahinga niya bilang Presidente ng Armano Corp.
"Tell her that we are very much touched because of her sympathetic act. Ipaabot mo rin sa kaniya na kahit wala na ang ama ko ay ipagpapatuloy namin ang pakikipagnegosasyon. Wala na ang Daddy ko pero nandito ako. Ipagpapatuloy namin ang nasimulan nila ni Daddy," ani ko.
Tumango ang lalaki at nilahad niya ang kaniyang kamay.
"I have to go, Monsieur Bennett." Nagkamay kami. Tumingin siya kay Aki at tumango na lamang.
Bigla akong iniwan ni Aki kahit hindi pa nakaalis ang tauhan ni Albana. Pinaalis ko muna ang tauhan ni Albana bago ko slhinanap si Aki dahil nag-aalala ako. Buntis pa naman siya.
Natagpuan ko siya sa gitna ng garden. May hawak siyang goblet na may lamang alak. Ano ang biglang naging problema ni Aki? She suddenly left me without words and now she's having a drink alone.
Agad akong lumapit sa kaniya at akmang aagawin ang hawak niyang kupita. Mabilis niyang naiwasan ang kamay ko.
"Bakit bigla ka na lang nang-iiwan? Hindi ka man lang nagpaalam ng maayos," sabi ko.
Tinaasan niya ako ng kilay.
"Ano'ng gusto mong gawin ko, tumunganga at makinig kung paano mo ka-gustong makita ang babaeng iyon?" She sounded jealous.
"Baby, huwag ka na ngang uminom. Makakasama iyan sa bata," masuyo kong sabi. He faked her laugh.
"Everyone is drinking. Hindi naman siguro masama kung iinom ako ng kaunti. Right, Farris?"
I saw bitterness on her face. Hahawakan ko sana ang kaniyang pisngi pero umiwas siyang muli.
"Nagseselos ka. I know that, Baby. Huwag ka naman magselos. Isang taon na nga ang lumipas noong pinasa ng matandang Armano ang posisyon niya sa babaeng 'yon pero ni isang litrato niya ay wala tayong nakita," sabi ko sa kaniya. "Tiyak akong pangit iyon. You must be confident because you have my heart, Baby. Hindi mo lang ito naangkin, pagmamay-ari mo talaga ito mula pa noon," sabi ko.
Huminga siya ng malalim. I saw her making a slight smile. Kinabig ko ang katawan niya. Ngayon ay wala na siyang magawa kun'di hayaan akong yakapin siya.
"Paano kung maganda siya? Paano na lang ako kapag nahulog ka sa kaniya? She can be anything I am not, Farris," she mumbled when I jailed her inside my arms.
Nakatalikod siya sa akin kaya'y malaya kong naaamoy ang kaniyang halimuyak. Para siyang bulaklak na nahahanginan kaya'y kumakalat sa buong paligid ang pabango niya.
Kinuha ko mula sa kamay niya ang hawak niyang kupita. Hindi niya na iniwas sa akin ang kupita. Ininom ko ang alak na laman nito bago ko nilapag sa ibabaw ng bilog na lamesa sa gitna ng hardin ang kupita. "Ahm. May mas maganda pa ba sa Baby ko?"
Hinalikan ko ang gilid ng leeg niya. Napapikit siya dahil sa sensasyong naidulot ng munting halik na ginawad ko.
"Huwag kang bolero, Farris. Humanda ka talaga kapag nalaman ko na ginagago mo ako. Tandaan mo na hindi ako mabait. Kahit sino ay kaya kong patumbahin para lang matiyak na akin ka lang," aniya.
Ngumiti ako bago ko siya pinaharap sa akin. I gently kissed her lips. Lumaban siya sa aming halikan kaya naman ay mas ginalingan ko pa ang paghalik sa kaniya.
"Matulog ka na," sabi ko sa kaniya nang bumitiw ako mula sa pagyayakapan namin.
"Samahan mo ako, Farris, hindi ko kayang itiklop ang mga talukap ng mga mata ko. Natatakot ako," aniya.
Sinamahan ko si Aki sa taas. Sinigurado ko munang nakatulog na siya bago ako bumaba upang asikasuhin ang mga bisita.
"Bilib talaga ako sa Daddy mo, Farris. Armanos are very hard to get. Pero nabalitaan na lang namin na ang mismong CEO pa talaga ng Armano Corp ang siyang nag-offer na maging investor ng Bennett Group of Company!" sabi ni Ninong Lukas, isa sa mga kaibigan ni Daddy.
"Kaya nga po, Ninong. People are grieving for his saddened death. Iba talaga ang Daddy pagdating sa pamimingwit," puno ng panghihinayang kong sabi. "I Can't imagine that he's no longer here with us anymore. I-It's making me hard to face the net mornings."
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Napayuko ako. Ayaw kong nagiging emosyonal sa harap ng ibang tao kaya pilit kong iniwasan ang pagtitig kay Ninong, namumuo na kasi ang mga luha sa gilid ng mga mata ko. Walang-takas kay Ninong ang mga luhang pumatak mula sa aking mga mata. Ninong made his steps towards me. Tumabi siya sa akin at inakbayan niya ako. He tapped my shoulder and through that, I felt that my Daddy did it. Matalik na kaibigan ni Daddy si Ninong kaya siguro pakiramdam ko na si Daddy ang nakaakbay sa akin ngayon. But still, my Daddy is always my Daddy. Iba pa rin siya. He is incomparable.
After Mommy's death, palagi kong sinusunod ang kagustuhan ni Daddy. Ayaw ko kasi na madismaya siya at maging dahilan ng kaniyang pagkakasakit. Kaya kahit na ayaw ko sa mga pinagagawa niya ay sinusunod ko pa rin siya. Akala ko, kung magiging mabuting anak ako sa kaniya ay hindi niya ako iiwan. Palagi kong tinatanim sa isip ko na dapat maging mabait ako kay Daddy at masunurin para hindi siya mawala sa akin. Akala ko kung gagawin ko ang lahat ng gusto niya ay hindi niya ako iiwan. Nagkamali ako dahil wala na si Daddy. He really left me.
"Ninong will always be here for you, Anak. Alam ko na hindi ko kayang pantayan ang pag-mamahal ni Henry bilang ama mo pero kaya kong maging ama mo kung kailangan mo nito," anang Ninong. "My arms are widely open for you if you need a father's embrace."
"Salamat, 'Nong."
Dumako ang titig ko sa mga bulaklak sa tabi ni Daddi. Halos matakpan na ang kabaong n'ya dahil sa naglalakihang kumpol ng mga ito. The flowers are beautifully arranged. "Narinig ko kanina na galing sa mga Armano ang mga bulaklak na iyan, Farris," wika ni Ninong.
Mula sa pagkakatitig ko sa mga bulaklak ay tumitig ako kay Ninong Lukas. Tumango ako bilang tanda ng pagbibigay kumpirmasiyon sa kaniyang sabi.
"Alagaan mo ang mga Armano, Farris. Kung kailangan nila ng hele mo ay ibigay mo. Malaking isda ang nabingwit ng Daddy mo. Henry called me last time, maraming investments na binili si Albana. Halos kalahati na ng kompanya ay hawak na niya. Kahit mawala ang lahat ay huwag lang si Albana," sabi ni Ninong.
Kakaiba talaga ang mga Armano. Pinag-aagawan ang kanilang apelyido. Kapag nalaman ng mga tao na kaalyado mo ang Armano Corp ay hindi sila matatakot na sumugal sa negosyo mo.
"If there's a need to sing a lullaby for her, I will do that, Ninong, para manatili lamang siya sa himbing ng pagkakatulog niya bilang investor ng BGC," sabi ko kay Ninong.
"Make her as your most favorite investor, Farris. Hindi puwedeng magpull-out ng shares and investment si Albana. Kapag ginawa niya iyon ay manganganib ang pinaghirapan ng Daddy mo. And Henry will never want that," aniya. "Me either, Ninong. That's why I will take all the risks to make her stay with us and to make her one with the BGC!"
Pinag-usapan namin ni Ninong ang Armano Corp. Kung gaano kaingay ang achievements nila sa pagtaas ng sales ay ganoon rin naman katahimik ang impormasyon kung paano nila ginawa ito. They are sitting on the most powerful seats above all companies. Kahit na kilala rin ang BGC ay hindi nito mapapantayan ang Armano Corp. Armano Corp owns the highest rank in Entrepreneurship.
Ilang araw ang lumipas. Palaging tumatakbo sa isipan ko kung paano alagaan ang kompanya ng pamilya namin. Higit sa lahat ay kung paano alagaan si Albana Armano upang maging mas maamo pa siya sa akin.
Taming the woman you haven't seen is quite challenging and difficult. Pero pinapangako ko sa Daddy ko na hindi ko hahayaang dumulas pa sa mga palad ko si Albana Armano. She will be sleeping tight in the middle of my palm. Nakasulyap lang ako kung paano unti-unting pinuwesto ng maayos ng mga tauhan namin ang kabaong ni Daddy.
Lahat kami ay nandito sa libingan niya. The green grasses are blissfully welcoming us. Inisip ko na baka ang saya ni Mommy ngayon dahil muli na naman silang magkasama ni Daddy. They were separated for too long. Alam ko na sa pagkakataong ito ay hindi na nila hahayaan pa na paghihiwalayin sila ng tadhana. The two of them collided again. Sana gabayan nila ako mula sa taas. Sana bigyan nila ako ng lakas ng loob para mas maging matatag pa ako sa pag-aalaga ng kompanya namin.
Inalalayan ko ang asawa kong buntis patungo sa kabaong ni Daddy. My Daddy is as handsome as none. Kahit na ako na anak niya'y hindi mapapantayan ang kaguwapuhan niya.
This is the hardest thing I have to do. "D-Daddy, kailangan na kitang palayain. Kailangan ko na talagang tanggapin na w-wala ka na," wika ko.
My hand is slowly caressing the top of his coffin. My eyes focused on his face.
"Lalabas din ang totoo, Daddy. Kung kinitil mo man ang sarili mong buhay o hindi ay malalaman ko. Sinisiguro ko na magbabayad ang taong umudyok na gawin mo ito, if you really did it yourself, Daddy," ani ko.
Walang kahit na anong salita ang sinambit ni Aki. Tanging paghagod lamang sa aking likod ang ginawa niya. Kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko dahil sa palad ni Aki. "Pula? Bakit siya nakapula?"
"Who is she?"
"It's a burial day and she's wearing red!?"
Unti-unti kong ginalaw ang katawan ko upang makaharap ako sa taong pinag-uusapan at pinagtitinginan ng marami.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
She's really wearing a red gown. Nakatabon nang kulay de-gatas na sumbrero ang mukha niya. Nakashades din siya kaya'y hindi maaninag ng mabuti ang kaniyang mukha.
Uminit ang dugo ko nang papalapit sa gawi namin ni Aki ang babae.
Is she insulting the burial of my father?
"Condoléances, Monsieur Bennett," mahinang sambit niya.
Nawala ang insultong naramdaman ko nang hinubad niya ang kaniyang puting guwantes. Nakatitig lang ako sa maputi niyang kamay. Ang haba ng kaniyang mga daliri at ang mga kuko niya ay nakabalot ng pulang pinta. Inabot ko ang kamay niya at mahigput ko itong hinawakan. Her hand is as soft as a cotton.
"T-Thankyou," nauutal kong sabi.
Para akong binabalot ng tsokolate dahil sa amoy niya. Napakamamahalin ng kaniyang halimuyak na para bang kaya ka nitong lasingin sa bango.
Ang init ng kaniyang palad ay nagdulot ng kuriyente sa aking katawan. Hindi ko tuloy maiwasang pisilin at masahiin ang kaniyang kamay.
Gusto kong makita ang kaniyang mukha subalit masyadong malaki ang kaniyang sumbrero na tanging mga labi na lamang niya at ilong niya ang nasilayan ko.
"Your heartache is mine, Monsieur Bennett. Hindi ko inakala na mangyayari ito sa taong kusa kong pinili upang maging kasosyo," sabi niya sa pamamagitan ng kaniyang French accent na nakakapanghalina. Nang sinabi niya ang mga lintaya niya ay roon ko natiyak na ang kausap ko ngayon ay si Albana Armano.
"Ehem!" Aki cleared her throat.
Inagaw niya ang aking kamay sa babaeng nasa harapan ko.
"I'm sorry for offending you, Madame Bennett. I did not mean to kept on holding your husband's hand." Muling sinuot ni Albana ang kaniyang guwantes. "Ayaw kong mabastos ang asawa mo. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay. Sa katunayan nga'y gumaan ang pakiramdam ko dahil sa mumuting pisil na inalay niya," aniya. "Sa tingin ko'y nakakabastos naman kung kukunin ko ang kamay ko kung gayo'y nagpapakasasa pa sa paghawak ang asawa mo. Ayaw kong mabastos ang mga kasosyo ko. I let them enjoy what they want, Madame,” dagdag pa niya.
Tumingin ako kay Aki na umiba ang timpla ng ekspresiyon. Magsasalita na sana siya subalit kinabig ko siya papalapit sa akin.
"She's our guest. Let us talk later," bulong ko sa asawa ko.
"Albana, it's my pleasure to make you feel better," sabi ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ginawang pagngiti ni Albana. Hindi ko mawari kung ano ang dahilan bakit ako nauhaw bigla. Nakita ko lang naman ang mapuputi niyang mga ngipin na inikutan ng mapula niyang mga labi. "Watch your words, Monsieur Bennett. Your wife is having a hard time digesting it," aniya bago siya tumalikod. "Huwag mong ipa-overthink ang asawa mo,” dagdag niya pa bago niya ako tinalikuran.
Lumapit siya sa kabaong ni Daddy. Saglit lamang siyang nakatitig sa mukha ng ama ko at agad din siyang umalis.
"Sa muli, Monsieur Bennett, nakikiramay ako," sabi niya at agad na lumisan.
"Siya pala ang CEO ng Armano Corp."
"Damn! She's gorgeous!"
Marahan akong nagpakawala ng malalim na paghinga.
Hanggang sa maratnan ni Albana ang kaniyang kumikinang na sasakyan ay nanatili pa rin akong nakatitig sa kaniya.
Alam kong nagagalit si Aki pero hindi ko kayang iiwas ang titig ko sa mala-diyosang babae na iyon.
To say she's gorgeous is an understatement.