Chapter CHAPTER 6
Isla's POV
Nang makarating kami sa party ni Deo, gulat na gulat ito nang makita kami.
"Happy birthday," bati namin sa kanya.
"Thanks. How?" Naguguluhan niya pa kaming tinignan kaya naman tinawanan lang namin siya.
"Kain muna kayo," sabi niya nang makabawi at iginiya kami sa isang lamesa.
Nakatingin sa amin ang iba niyang kaibigan, hindi naman kasi kami 'yong tipo ni Alice na dumadalo sa mga ganitong klaseng party pero hindi naman ibig sabihin no'n wala na kaming kaibigan na mayaman. Marami kaso hindi lang talaga kami sumasabay pagdating sa mga kainan nila. Paano 'yong allowance nila ng isang araw, allowance na namin sa buong buwan at puwede na sa apartment ko 'yon.
"Hey!" bati sa amin ni Wendy.
"Oh my gosh! Akala ko hindi kayo pupunta," nakangiti nitong saad. Mabait naman 'to. We just talk for a while hanggang sa napagpasiyahan niya na ring makipagchikahan sa ilang kaibigan niya.
Nandito na rin naman kami, sulit-sulitin na namin ang pagkain.
"Iba talaga kapag mayaman, 'no?" tanong ni Alice nang natatawa.
"Kaya sulit na natin ang pagkain," sabi ko sa kanya at nagsimula ng lumamon.
"Boba, huwag kang kakain nang marami, ako lang pwede. Maglalasing ka, 'di ba?" Napanguso naman siyang napatango.
"Parang gusto ko na lang kumain." Natawa naman ako sa turan nito dahil nakita niya ang mga masasarap na pagkain.
"Bahala ka," sabi ko at nagkibit na lang ng balikat sa kanya.
"Do'n na lang kaya kayo sa table namin, Isla, Alice," sabi ni Randy kasama ang girlfiend niya. Talagang nakapulupot na ang braso nito rito. "Huh? Hindi na, ayos na kami rito," ani ko na nginitian sila.
Napatingin naman ako sa mga regalo sa gilid. Saka ko lang naalala na ni isang regalo wala kaming dala. Medyo nahiya naman tuloy ako. "Hey, pasensiya ka na wala kaming regalo."
"Tanga, binigyan ko siya ng t-shirt na galing sa palengke," bulong ni Alice.
"Boba, akala mo naman hindi niya 'yon mahahalata. Tingin pa lang alam na agad ng mga 'yan ang branded sa hindi."
"Hoy, grabe ka naman, Isla," sabi sa akin ni Deo na narinig ata ang bulong ko kay Alice.
"Ang ganda nga ng regalo ni Alice e. Thank you, Alice, ha?" nakangiting saad ni Deo.
"Sus, mga plastik," sabi ko at napairap. Tinawanan lang nila ako. Itong Alice na 'to ang sabi ay wala siyang balak pumunta.
"Kailan mo ibinigay?"
"Noong mismong birthday niya. Sabi ko pambawi dahil hindi tayo pupunta," sabi nito at napakibit ng balikat.
"Hey." Napatingin naman kami nang makita si Seven na kakarating lang. Mukhang ang bango-bango pa nito dahil fresh from bathroom pa. Nakasuot lang ito ng long sleeve at pants na black. Halos basang-basa pa rin ang buhok. "Hoy, Pare, sabi mo ay hindi ka pupunta," ani Randy at binati itong si Seven. Sinamaan lang siya nito ng tingin.
"Gwapo naman," hindi ko mapigilang sambitin. Napatingin tuloy sila sa akin dahil dito. Kinurot ako sa tagiliran ni Alice ngunit natatawa rin akong inilingan.
"Huh?" nagtataka nilang tanong na nagulat sa akin. Tinuro ko na lang kunwari ang isang blue eyes na may dala-dalang alak, may iilang babaeng kumakausap dito. Blue eyes?! Si Alon!
Nanlaki ang mga mata ko lalo na nang makitang napatingin siya sa gawi ko. Kinawayan ako nito at ngumiti pa ng malapad sa akin. Gulat na gulat akong napabalik sa pagkain.
Napatingin naman ako sa mga tropa ni Seven nang nagsihagalpakan sila ng tawa, lalo na't nang makitang nakasimangot si Seven.
"Lumayas na nga kayo rito at hindi kami makakain nang maayos," hindi ko mapigilang sambitin.
"Yes, Boss, pasensiya na," natatawa nilang saad na napaalis na sa tabi ko. Napailing na lang ako na nagtuloy-tuloy sa pagkain.
Nilibot ko naman ang paningin nang makitang wala na si Alice sa tabi ko. Kasama na niya si Deo na nakikipag-usap sa kabilang table. Aba't ang gaga iniwan ako rito. Ni hindi pa nga ako tapos kumain. Nagpatuloy na lang ako. "Kumain ka na?" tanong ko kay Seven na inaayos ng sleeve. Hindi pa pala uumaalis sa tabi ko.
"Hindi pa," sabi niya at umiling.
"Ayaw mo ba akong kausap?" natatawang tanong ko dahil kanina'y pinatayan niya ako ng tawag.
"Mukhang baliktad ata," sabi niya na ngumiti pa.
"Binabaan mo nga ako ng tawag kanina," sabi ko nang natatawa sa kanya. Napaiwas naman siya ng tingin sa akin.
"Pasensiya na, kagigising ko lang."
"Ano namang connect?" natatawang tanong ko. Napahagod lang siya sa buhok at hindi alam ang isasagot.
"Upo ka," pagyaya ko. Tumango naman siya at umupo sa tabi ko.
"Kain ka na." Hindi ko alam pero parang ayos naman na sa akin kung magiging kaibigan ko itong si Seven. Okay lang magkaroon ng kaibigan na kamukha ni Leonardo Dicaprio no'ng mga batang-bata ito. Medyo nakakahiya lang. "Wow, parang birthday ko lang, ha?" natatawang saad ko.
"Ano? Gusto mo?" tanong ko dahil nakatitig siya sa akin.
"Hindi na, busog pa naman ako."
"Sige ayos lang kung ayaw mo akong kasabay," pagbibiro ko. Mukhang narinig niya 'yon kaya naman kumuha na rin siya ng pagkain.
Tahimik lang kaming kumain dalawa ngunit napapatingin ako kapag nakikita kong may tumatawag sa kanya. Ang gwapo niya pa. Parang anghel ampucha. Required ba na dapat kapag kumakain, gwapo pa rin? Napatikhim naman ako nang mapatingin siya sa akin. Agad akong napaiwas ng tingin. Wait lang naman. Bakit kahit saan ako lumingon ay may paborito ng Diyos?
Napapabaling ang atensiyon ko sa isang lalaking hindi alam kung saan dadalhin ang mga wine na nasa tray dahil tinatawag siya ng mga babae sa kani-kanilang pwesto. Napangisi na lang ako.
Wow, lakas talaga ng mokong na 'yon. Ano bang ginagawa niyan dito? Ito ba ang racket na sinasabi niya kanina?
"Tawag ka sa kabilang table," saad ko kay Seven nang napatingin sa amin si Randy at sinesenyasan si Seven.
"Hayaan mo sila," sabi niya na nagpatuloy lang sa pagkain.
"Sige na, pumunta ka na. Kung inaalala mo na baka mag-isa lang ako, ayos lang ako. Babalik din 'yang si Alice maya-maya rito," sabi ko at nginitian siya. "Dito muna ako," simpleng saad niya na tila hindi rin pinakinggan ang sinabi ko.
"Akala ko ba busy ka?"
"Hindi na," sabi niya at nag-iwas ng tingin. Mayamaya ay may lumapit sa amin na pamilyar na mukha, ito ata 'yong nanalong Miss Tourism no'ng nakaraan. Kinakausap niya si Seven kaya nagpatuloy na ako sa pagkain.
"Hi, Ms. Isla, puwede ko bang hiramin?" tanong niya sa akin.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Sure, sige lang," ani ko na tumango at ngumiti pa rito. Hinila niya naman na si Seven na nakasimangot lang na sumunod.
Napanguso ako dahil ang ganda talaga ni Ms. Tourism. Bagay sila ni Seven. Kahit ako'y magkaka-crush sa isang 'yon. Sinundan ko lang sila ng tingin bago nagpatuloy sa pagkain. Napataas ako ng kilay nang makita ko si Alon na siyang nasa tapat ko na ngayon.
"Wine, Miss," nakangiti niyang sambit sa akin.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Racket, Miss."
"Wow, Anong klaseng racket 'to, ha? Magnanakaw ba kayo rito?" Agad naman nawala ang ngiti niya at sinimangutan ako.
"Oo na, biro lang naman," sabi ko at napanguso pero ano bang malay ko.
"Mayaman ka naman pala. Bakit sinisingil mo pa ako do'n sa cellphone?" tanong niya sa akin dahil nakita nga ako sa party ng mga mayayaman.
"Hindi, nakikipalanit lang para hindi na kakain hanggang bukas," natatawa kong saad. Inilingan niya naman ako na napatawa rin sa sinasabi ko.
"Saka naghahanap ng libre alak 'yong kaibigan ko," sabi ko at tinuro pa si Alice na nasa tapat na ng bartender at nagsisimula ng uminom. Katabi niya pa rin si Deo. Gusto nitong si Deo ang kaibigan ko, sure na ako. "Ikaw? Hindi ka iinom?"
"Hindi, kailangan kong subaybayan ang babaeng 'yan at baka magwala na lang bigla rito."
"Ilaw? Busy ka ata masiyado. Daming chix dito, 'no?"
"Pwede na rin," sabi niya at napakibit nang balikat. Pinanliitan ko naman siya ng mga mata. "Wow, choosy pa." Sabagay, gwapo naman, wala nga lang money. Napatingin naman ako sa suot nito, nakapang-waiter itong damit. "Sino 'yong kausap mo kanina? Boyfriend mo?" he asked inoccently.
"Hindi nga, eh, sayang." Tinignan niya naman ako na naiiling sa sinabi ko.
"Hey, Alon. Can I get another wine, please?" anang isang batchmate namin sa kanya. Napatalon naman siya sa gulat nang humawak pa ito sa braso niya. Mukhang lasing na. Hindi na siya lugi. Ang pretty kaya nito.
"Sure, Ma'am," sabi ni Alon at binigyan niya ng wine. Umalis naman 'yong babae. Nanlaki naman ang mata ko nang makita ko si Mike na kinukwelyuhan itong katapat ko, mukhang lasing na ito. Pucha?
"Gago ka? Pinopormahan mo ba 'tong si Isla, ha?" tanong niya kay Alon na nagtataka lang siyang tinignan. Tumingin naman pabalik sa akin si Alon na tila tinatanong kung boyfriend ko ba itong si Mike. Agad naman akong napailing. "Pre, easy ka lang." Dinaluhan na siya ng ilang mga kaibigan.
Shet, nakakahiya kay Deo kapag nagdala ito ng gulo. Napalingon pa ako kay Deo na tila wala namang pakialam sa nangyayari dahil nakikipag-inuman kay Alice.
"Tangina, huwag dito, Mike," inis kong sambit sa kanya.
"Hindi! Pinopormahan ka nitong gagong ito!" galit niyang sambit na gigil na gigil kay Alon.
"Ano mo ba 'to, Isla?" natatawang tanong ni Alon na nakatingin sa akin.
"Aba't alam mo pa ang pangalan? Gago ka ba, ha? Saka 'di hamak na waiter ka lang naman dito ha?!" malakas niyang sigaw at tinulak sa pool si Alon.
"Anong maipagmamayabang mo? Isang 'di hamak na hampas lupa ka lang naman sa lipunan!" galit pang sigaw ni Mike.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Putangina!" malakas kong sigaw at napatalon sa pool para lang tulungan si Alon nang matagal siyang hindi lumitaw.
"Baliw, marunong naman akong lumangoy saka mababaw lang 'to," natatawang saad niya nang makaakyat kami sa taas.
"Sorry," bulong ko. Gulat na gulat naman sila sa pangyayari. Hindi ko ininda ang lamig at pagkabasa ng buong katawan ko. Dumeretso ako kay Mike na siyang natulala lang dahil sa ginawa. "Bobo ka ba?" tanong ko sa kanya. Nakatulala lang siya sa akin.
"Ano naman kung waiter siya? Hampas lupa ng lipunan ba?" Napatawa ako ng sarkastiko roon.
"Galing talaga sa mayamang walang ginawa kung hindi humingi lang ng luho sa magulang 'yon? Kung hampas lupa siya, ano namang tawag sa 'yo?" tanong ko nang nakangisi sa kanya.
"Ang baba naman din pala ng tingin mo sa akin. Waiter lang naman ako at taga deliver ng uling na nakatira sa isang sira-sirang apartment, ano? Hampas lupa ba?"nakangisi kong tanong. Sigurado naman ako na alam ng lahat 'yon at wala akong pakialam sa iisipin nila.
"Hindi naman sa ganoon. Pasensiya na talaga, Isla, nagselos lang naman ako."
"Tangina mo, hindi naman ako sa 'yo," inis kong saad na wala ng pakialam sa lahat ng nakatingin.
"Panggulo ng party ang pucha. Paalisin niyo na nga 'yan dito," sabi ni Randy.
"Huwag kang mag-aalala, aalis naman na talaga ako," iritado kong sambit.
"Hoy, gagi. Hindi ikaw, Isla! Paalisin niyo na nga 'yang si Mike!" aniya na napanguso pa sa akin.
"Hala, hindi talaga para sa 'yo 'yon." Tumawa na lang ako nang mahina dahil mukha siyang guilty.
"Ayos ka lang?" tanong ko kay Alon.
"Tapang. Wala namang pera," natatawa niyang sambit sa akin.
"Gago." Napatawa naman ako ng mahina dahil do'n.
"Pasensiya na."
"Aggressive naman masiyado ng manliligaw mo."
"Spell aggressive?" tanong ko nang natatawa.
"Puwede bang bukas na lang?" Napatawa lang ako roon at tumayo na. Inalis muna ang sapatos. Nagulat naman ako ng may polong nailagay sa balikat ko.
"Thank you, Seven," sabi ko ng nakangiti sa kanya.
"Walang anuman," sabi niya na ngumiti rin pabalik.
"Iwan muna kita, lasing na ata kaibigan ko," sabi ko kay Alon. Tinanguan lang ako nito.
"Seven, salamat, ha? Pasensiya na sa panggugulo ng party ni Deo."
"Not your fault. Mike is just an asshole." Nginitian niya pa ako at sumama sa akin sa pagpunta sa pwesto ni Alice at Deo na halos pareho ng lasing, hindi namamalayan ang paligid.
"Tangina ng buhay ko, 'no? Putangina lang ng lahat." Narinig ko pang sambit ni Alice. Napangisi naman ako nang makitang nakikinig lang si Deo sa kanya at sumasang-ayon sa sinasabi nito. Nakakatuwang hindi niya tinake advantage ito para may gawing masama sa kaibigan kong lasing na lasing na.
"Ihahatid ko na kayo," sabi sa akin ni Seven.
"Hindi na, kaya ko naman."
"Kung inaalala mong nakainom ako, hindi ako uminom. Ihahatid ko na kayo," sabi niya at ngumiti pa sa akin. Bakit ang bait? Puwede bang ibulsa ko na siya?