Chapter CHAPTER 5
Isla's POV
"Hoy, tulala ka," sabi sa akin ni Nonong nang makitang nakatulala nanaman ako sa isang tabi.
"Huh? Hindi, ah," sabi ko na lang at napaiwas ng tingin. Paano ba naman kasi hindi ko na naman makalimutan ang snatcher na 'yon. Halos araw-araw ko atang naaalala ang pagmumukha niya. Hindi ko rin makalimutan ang pagtulong niya sa akin noong nakaraan. Napasimangot na lang ako habang inaalala ang sugat niya. Ayos na kaya ang mukha no'n? Ni hindi kami bumili ng gamot.
"Kita mo. Tulala ka na naman, Isla. May bumibili, oh," sabi ni Nonong. Napakamot naman ako sa ulo ko at pinagbentahan ang bumibili.
"Gusto mo, ako ang mag-deliver ng mga uling ngayon?" tanong ko sa kaniya dahil nandito naman si Aling Linda ngayon. Napatingin pa ako sa kaniya na pinanliliitan ako ng mata. "Nakita mo si Alon, 'no?"
"Kilala mo 'yon?" hindi ko maiwasang itanong.
"Oo naman. Mabait 'yon kaya pinagkakaguluhan ng mga kababaihan sa isawan," natatawang sambit ni Nonong. Mabait? Sus!
"Mabait din naman ako," sabi niya pa at napailing. Hindi ko alam kung matatawa ako roon o ano.
"Siguro dahil may asawa na ako," sabi niya pa at napailing. Maski ako ay napailing sa kakapalan ng mukha nito.
"Kayong dalawa riyan! Balik sa trabaho."
"Nonong, maghatid ka na ng uling."
"Aling Linda! Ako na lang po," sabi ko kay Aling Linda. Pinagkunutan niya naman ako ng noo.
"Tigil-tigilan mo ako diyan sa pagtakas mo sa trabaho, Isla," sabi niya sa akin na napairap pa. Napanguso naman ako.
"Oo siya't sige na nga, ikaw na ang mag-deliver," sabi niya. Palihim naman akong nagpunyagi.
Nagsimula na akong mag-deliver ng mga uling. Hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid nang makarating ako sa isawan.
Bakit nga ba ako nandito? Hindi ko naman na siya kailangang singilin dahil nabilhan niya na ako ng cellphone at kung si Aling Weng naman ang idadahilan ko, nakabayad na rin ito sa utang niya sa akin. "Nandito ka na naman," sabi ni Aling Weng sa akin. Tinaas niya pa ang isang linyang kilay niya.
Hindi ko naman siya pinansin at inilibot na lang ang aking mga mata.
"Hindi ka papatulan niyon," sabi niya sa akin. Inilapag ko na lang ang uling sa kaniya para matahimik na ito.
Naglahad din ako ng kamay para sa bayad niya. Napasimangot pa itong kumuha sa nabentahan niya. Sumakay na ako sa service ko. Nadismaya rin dahil hindi ko nakita si Alon sa paligid. Nagulat naman agad ako nang may sumakay sa likod ng motor.
"Omy! Bumalik ka rito, Alon," malakas na sigaw ng isang baklang nasa medyo malayo. Tumatakbo na rin ito.
"Alis na, dali," bulong nitong nasa likod ko. Nataranta naman ako at pinaandar ang motor.
"Pucha, kidnap ba 'to?"
"Kung hindi snatcher, tingin mo sa akin holdaper, at ngayon naman kidnapper?" Naramdam ko ang pagkairita mula sa boses nito.
"Saka ikaw kaya 'tong nagdadrive," sabi niya pa.
"Ibaba na kita rito."
"Doon mo na lang ako ibaba," sabi niya at nagturo ng pagbabaan ko sa kaniya.
"Aba, demanding ka pa," bulong ko ngunit sinunod din naman siya. Nang makarating kami roon ay bumaba na siya kaya lang ay hinila niya ako para sumama sa kaniya.
"Ano? Kidnap ba 'to?" tanong ko sa kaniya na pinanliitan siya ng mga mata.
"Paano kita kikidnap-in, wala ka namang ipambabayad," sabi niya at napailing pa. Pumasok kami sa isang kainan.
"Libre muna kita rito, pasasalamat," sabi niya at ngumiti sa akin.
Natulala naman ako saglit sa kaniya ngunit agad ding nagising dahil nagsalita 'yong tindera.
"Pogi! Mabuti't nandito ka. Akala ko'y hindi ka na ulit babalik," sabi nito kay Alon na ngumiti rin sa kaniya.
"Ang sarap po kaya ng pancit niyo. Kada linggo na nga lang po ako nakakapunta rito," nakangiting saad nito sa tindera.
"Sino 'yang kasam mo? Girlfriend mo ba 'yan?"
"Ah. Hindi po, hindi ako papatulan niyan," sabi niya at napailing pa. Paano niya naman nasabi? Oh, bakit, Isla? May balak kang patulan, ha?
"Dalawa pong order ng pancit. Hintayin na lang po namin doon," sabi ni Alon sa kaniya at tinuro ang upuan mula sa malapit. Nagtungo naman kami roon.
"Bakit ka ba kasi tumatakbo?" kunot noong tanong ko sa kaniya. Binasag ang katahimikan naming dalawa. Hindi ko alam kung paano ko nagagawang sumama rito. "Siguro ninakawan mo 'yong bakla, 'no?"
"Hindi! Grabe ka naman! Isang beses ko lang namang sinubukan 'yon at ang malas ko pa dahil ikaw ang nanakawan ko," sabi niya at napasimangot pa. "Wow, bakit parang kasalanan ko?"
"Bakit ka hinahabol?" tanong ko naman sa kaniya.
"Gusto akong kunin sa gay bar niya. Macho dancer daw. Pero baka gawin lang akong prostitute do'n," sabi niya kaya halos mabilaukan ako sa sarili kong laway.
"Oh bakit? Trabaho rin naman 'yon, ah?" Nagulat naman siya sa sagot ko. Pinagkunutan ko naman siya ng noo ngunit umiling lang siya sa akin.
"Hindi ko gusto ang ganoong klase ng trabaho," sabi niya at umiling pa.
"Pero ang pagnanakaw gusto mo?" tanong ko naman pabalik sa kaniya. Napakamot naman siya sa kaniyang ulo at inis na tinignan ako.
"Isang beses nga lang 'yon!" nakanguso niyang saad.
"Mapaisa o ilang beses pa 'yan, nagnakaw ka pa rin," sabi ko sa kaniya.
"Alam ko kaya nga kinakain ng konsensiya." Magsasalita na sana ako ngunit dumating na ang order niyang pancit.
"Huwag mong subukang pagbayarin dito dahil wala akong pera," ani ko.
"Hindi naman talaga," sabi niya at kumain na. Pinagmasdan ko lang naman siya habang kumakain. Ang inosente-inosente nitong tignan ngunit hindi ako maaring magpadala sa itsura nito. "Bakit?" tanong niya nang mapansin ang pagkatitig ko. Mas lalo ko naman siyang tinitigan.
"Gwapo ka sana kaso pangit ng pagkikita nating dalawa," sabi niya sa akin. Napangiti naman siya roon.
"Type sana kita," sabi ko pa kaya napatigil siya sa pagkain. Napatingin pa siya sa akin at natawa.
"Gwapo pa rin," sabi niya at napakibit ng balikat.
"Edi pagandahin natin!" sabi niya nang nakangiti. Tumayo siya sa kaniyang pagkakaupo at naglakad palayo sa akin. Napatawa naman ako nang maglakad ulit siya pabalik. "Hi, Miss."
"Hi?" tanong ko naman na sinasakyan ang gusto nito kahit na gusto nang humagalpak ng tawa.
"Pwede bang hingin ang number mo?" tanong niya sa akin at inilabas ang keypad niyang cellphone.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Napangiti naman ako doon. Kinuha ko 'yon at nilagay talaga ang cellphone number ko. Hindi ko alam kung dahil ba umaatake ang kalandian ko o ano.
"Alfonso Pacifico nga pala, Alon for short." Naglahad pa )siya ng kamay, infairness ang linis-linis ng kuko nito at ang ugat ng kamay.
"Isabel Lara, Isla na lang," sabi ko at tinanggap ang kamay nito kahit natatawa na talaga sa pinaggawa namin.
"Pangalan pa lang bagay na tayo."
"Bobo, tao tayo," sabi ko sa kaniya kaya agad siyang napasimangot.
"Hirap mo namang landiin," nakasimangot na nitong saad na napabalik sa pagkakaupo. Napatawa naman ako sa kaniya.
"Baka gusto mong ikaw ang banatan ko, Pacifico," natatawang saad ko. Napailing na lang siya ngunit tumawa rin sa akin. "Ganda ng mga mata mo," hindi ko mapigilang sambitin sa kaniya.
"Contact lense ba 'yan, ha?"
"Pangkain nga wala ako," aniya na napatawa pa nang mahina.
"Curious ka naman ata masiyado sa akin? Interesadong-interesado, ha?" natatawang tanong niya.
"Gusto mo ako?"
"Kapal mo," sabi ko at nginiwian siya.
"Ikaw kasi type ko," sabi niya na nagpatuloy sa pagkain. Natulala nanaman ako sa kaniya kaya tinawanan niya ako. Landi ang pucha!
"Alis na ako, may racket pa ako," sabi niya nang matapos kaming kumain.
"Mangs-snatch ka na naman?" tanong ko ngunit sinamaan niya ako ng tingin.
"Hindi, 'no!" sabi niya na napailing pa.
Bumalik naman ako sa shop na kabang-kaba na dahil lagot na naman ako kay Aling Linda. Paniguradong galit na galit na 'yon dahil ilang oras na akong nawala.
Katulad nga ng inaasahan ko, pagkadating ko roon ay nagwawala na si Drakula pero bakit hindi ko magawang magsisi na sumama ako kay Alon.
"Ano? Huwag mo akong gamitan ng mga dahilan mo riyan, Isla," panenermon niya sa akin. Tahimik lang naman ako. Maski tuloy si Nonong na nanahimik sa isang tabi ay mas lalo pang natahimik ngayon dahil sa galit ni Drakula. "Wala kang sahod ngayon!" galit niyang sambit. Magrereklamo na sana ako kaya lang ay agad itong nagsalita.
"Kung gusto mo naman ay huwag ka na lang bumalik dito at maghahanap na lang ako ng kapalit mo," sabi niya sa akin. Mas lalo naman akong napatahimik.
Natapos ang trabaho na buong araw na sinermonan ni Aling Linda dahil sa kapalpakan ko.
Pauwi na ako sa bahay ngunit agad natigilan nang makita si Alice na nasa tapat ng shop.
"Hoy, bakit?" tanong ko kay Alice.
"Hi!" nakangiti niyang saad.
"Problema mo?" kunot noong tanong ko dahil saka lang naman ito pumupunta rito kapag ganitong may problema siya.
"Bar tayo?" tanong niya.
"Boba, wala tayong pera," natatawa kong saad.
"Inom na lang sa apartment mo."
"Boba, kung 'yang pang-iinom natin, ipinambayad ko na lang sa apartment ko, 'di ba?" natatawa kong saad.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Wala ka talagang kwenta!" inis niyang sambit na inirapan pa ako. Tinawanan ko lang siya at nagpatuloy na lang sa paglalakad patungo sa apartment.
"Ano na naman bang problema mo?"
"Paano 'yong tatay ko nahuli na naman namin ni Mama na may kabit tapos ngayon si Mama naman itong nagwawala sa bahay. Nakakapagod, pucha," inis niyang sambit. "Tapos saka ka magyayayang uminom, kung kinausap mo si Tita? Paniguradong masama ang loob no'n," sabi ko na napailing pa.
"Sa akin nga binubuntong lahat ng galit, ako ka ba ang may kabit, ha?" tanong niya na napailing.
Napalingon naman kaming dalawa nang may bumusina sa gilid.
"Hey!" bati ni Randy.
"Akala namin namamalikmata lang kami. Kayo nga talaga 'yan."
"Sama kayo? Papunta na kami sa bahay nina Deo."
"May alak ba, ha?" tanong ni Alice na nilingon ako.
"Meron naman pero syempre pakonti-konti lang," sabi ni Randy na tila ba alam nila na kung may alak ay hindi kami sasama. "Tara, libre naman 'yon," bulong sa akin ni Alice.
"Magpapahinga na ako."
"Sige na. Pagbigyan mo naman na ako, ikaw mag-uuwi sa akin kapag nalasing ako," sabi niya pa sa akin.
"Boba, paano kita iuuwi baka pagkapasok ko pa lang ay may dala-dala ng itak si Tita," hindi ko mapigilang sambitin.
"Sige na, please," sabi niya pa at nagpaawa sa akin.
"Oo na," inis kong saad at napatango.
"Sasama kayo? Talaga? Tara na!" nakangiting saad nila. Ayos naman kahit paano ang suot ko dahil kakapalit ko lang din ng t-shirt.
Sumakay naman kami sa likod. Wala sina Deo at si Seven. Siguro'y nandoon na.
"Sayang, wala crush mo," bulong ni Alice sa akin. Natawa naman ako dahil ang ingay niya. Mamaya malaman pa nilang patay na patay ako roon. Aba, mahirap na. "Hello, Seven? Saan ka?" tanong ni Randy na nasa tabi namin. Naka-loud speaker 'yon.
"Sa bahay." Halos namamaos pang saad ni Seven mula sa kabilang linya. Pucha? Ang gwapo naman pati tinig boses nito.
"Hindi ka ba pupunta sa party ni Deo?"
"Hindi, busy ako," sabi ni Seven.
"Grabe ka naman kay Deo, Tol. Hindi mo ba siya love, ha?"
"We already celebrated his birthday, after party na lang 'yan." Nakikita ko na agad ang nakasimangot nitong mukha.
"Awwe, sayang naman. Nandito pa naman sina Alice at Isla," sabi ni Randy.
"Shut up, I know you're lying." Sinenyasan naman ako ni Randy na kausapin. Pinagkunutan ko siya ng noo na tila tinatanong kung bakit ako.
"Hi," bati ko ngunit walang sumasagot. Ilang segundo pang ganoon bago ako nagsalita muli.
"Seven?" Ibinalik ko na lang ang cellphone kay Randy dahil walang sumasagot.
"Gago, pinatayan ako?" natatawang saad ni Randy.