Hoy, Mr. Snatcher!

Chapter CHAPTER 31



Isla's POV

Nasaan ako? Nagmadali akong tumayo. Agad na nakita si Alon tinititigan ako.

"What the?"

"You skipped lunch. Nahimatay ka sa gutom," seryosong saad niya sa akin. Napabuntonghininga naman ako.

"Aalis na ako." Inilapag niya sa tabi ko ang maraming pagkain na pinagbibili niya.

"Kumain ka muna saka kita ihahatid," sabi niya sa akin. Tumango na lang din ako dahil nararamdaman ko na rin naman ang gutom. "Thanks," sabi ko ng matapos na akong kumain.

"You're done?" tanong niya sa akin na nakakunot ang noo.

"Busog na ako," sabi ko at tumayo na.

Nanlaki naman ang mga mata ko ng makitang ang daming missed call galing kina Alice. Agad ko naman 'tong tinawagan.

"Hoy, gaga ka! Nasaan ka? Kanina ka pa tinatawagan. Hindi ka ma-contact. Hinahanap ka ni Chief."

"Alright. Papunta na ako."

"Kung saan saan ka kasi nagpupupunta. Naloloka na ako sa 'yong babaita ka."

"Ito na, aalis na," sabi ko at maglalakad na sana paalis kaya lang ay nakasunod na pala sa akin si Alon na nakatingin ng masama sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin at napanguso na lang. Nang makarating kami sa tapat ng TeaNews nagulat ako ng pati si Alon ay bumaba. Nasa labas sina Alice pati na rin sina Janice.

"Salamat," sabi ko at tinataboy na ito dahil paniguradong lalapitan ito nina Janice. Nasa isip ko pa lang ay nasa tapat ko na agad ang mga ito.

"Mr. Rat!" malakas na sigaw ni Janice at hinawakan pa sa braso si Alon. Masamang tingin agad ang binaling ko kay Janice.

"Oh, hi?" Medyo nagulat sa kanya si Alon at napalayo pa ito.

"Pasok na tayo sa loob, Guys," sabi ko sa kanila at tutulak pa sana ang mga ito sa loob kaya lang ay nag-eenjoy pa ang mga ito na titigan si Alon. "Can I get your number, Alice?" tanong ni Alon kay Alice. Aba't ano 'to? Type niya na ang kaibigan ko? Ni hindi niya nga kinukuha ang number ko.

"Ms. Emperyo, tawag ka ni Chief!" sabi sa akin ng isa sa mga katrabaho ko. Napatango na lang din ako.

"Chief!" bati ko pa sa kanya nang nakangiti kahit na mukhang galit ito.

"How about the interview with Mr. Rat? Matagal-tagal na rin 'yan, ha? Humuhupa na ang issue," sabi niya sa akin.

"Malapit na, Chief," sabi ko na lang kahit hindi naman sigurado.

"Alright, ano nang nangyari sa interview about the food poisoning sa school?"

"Na-interview naman ho namin 'yong side ng cook," sabi ko at nag-explain pa ng ibang mga balita bago niya ako pinaalis.

Nang makabalik naman ako sa loob ng office namin. Nakatingin sa akin 'tong mga katrabaho ko at pinanliliitan ako ng mga mata.

"Si Alice pala ang bet!" natatawang saad nina Janice. Napatingin naman ako kay Alice. Agad naman siyang tumanggi.

"He was asking my number para balitaan siya kung kumakain ka ba nang tama. Nahimatay ka raw. Gaga ka! Mamaya arte mo lang 'yon, ha?!" sabi niya sa akin na pinanliliitan ako ng mga mata.

"Gaga, hindi, ah," sabi ko at inirapan siya.

"Engot ka kasi! Kanina ka pa niyayang kumain," sabi niya sa akin na kinurot pa ako sa tagiliran.

"Kainin mo raw 'to lahat," sabi niya at binigay 'yong mga pagkain na hindi ko naubos.

"Grabe, paano ka nakabingwit ng ganoon kagwapo, ha? Saka anong ginagawa mong panlalandi? Paano?" sunod-sunod na tanong ni Janice na lumapit pa sa akin. Napailing na lang ako sa kanya. Kung ano-ano pang mga tanong nila sa akin na hindi ko rin naman alam ang sagot.

But what I know is I won't really chase after Alon now. Hindi ko naman gawaing humarot lalo na kung may girlfriend na ito. Maybe, this is the sign for me to finally stop. Para na rin akong sinampal dahil do'n.

Kinausap ko na rin naman si Chief na hindi ko na ito itutuloy pa.

"Pasensiya na, Chief. Pero mukhang bigo talaga ako rito."

Tiwasan ko siya hanggang sa makakaya ko.

"It's okay. Ganoon talaga. Hindi naman lahat ay nakukuha natin," sabi niya sa akin na napakibit ng balikat. Yes, hindi lahat.

Binigyan niya na lang ako ng panibagomg assignment. Bagsak ang balikat naman akong pumasok sa loob ng office. "Malungkot ka na naman!" puna ni Janice.

"Ano na naman bang mayroon?" tanong naman ni Janine.

"Inom tayo," sabi ko sa kanila. Gulat naman ang mga itong napatingin sa akin. Hindi naman kasi ako madalas ba nagyayang uminom dahil kung may problema ako, susolusiyonan ko na agad pero iba naman kasi 'tong ngayon, walang sapat na solusiyon para makalimutan ko agad siya.

"Tama ba ako nang pagkakarinig, Janice?" tanong ni Janine sa kanyang kapatid.

"Binasted ka na ba, Friend?" tanong naman ni Janice na lumapit pa sa table ko.

"Ang dami niyo namang tanong. Bar tayo, libre ko na," sabi ko sa kanila at ngumisi.

"Seryoso ba 'to? May sakit ka ba?" tanong nila at kinapa kapa pa ako. Napailing na lang akong lumalayo sa kanila.

"Anong problema?" tanong ni Alice sa akin.

"Wala. Siguro masiyado lang akong umasa na may babalik pa," sabi ko sa kanya at ngumiti.

"Why? Is there something wrong? Pero akala ko ba okay kayo?"

"May girlfriend siya. Alam mo naman na kabisado ko kung paano ang dumistansiya."

"Maybe they're not--" Pinutol ko naman ang sasabihin ni Janice.

"And what if they are? Eh 'di nakasira ako ng relasiyon?" natatawa kong tanong.

"And I know that everything really change. Ang mga ngiti niya napalitan na nang pagkairita kapag nakikita ako. He hates my presence. Ramdam ko 'yon."

"But I'm trying to be okay, I'm going to be okay."

"Ako pa ba? Isla ata 'to."

Balak ko ring isama sina Francisco this night. Sinubukan ko namang tawagan sina Francisco kaya lang ay hindi ko 'to ma-contact. Punta na lang ako sa parlor niya mamaya.

Nang maghapon na ay dumeretso na agad ako sa parlor para puntahan si Francisco. Pinapunta ko na rin sina Neneng at Kakay para naman makasama ko rin ang mga ito. Atleast may mag-uuwi sa akin kapag lasing na lasing na ako. "Hey," bati ko nang makarating sa parlor. Pinanliitan naman ako ng mga mata ni Francisco.

"Anong meron? Bakit ka nandito?" tanong niya sa akin.

"Inom."

"Huh? Anong meron?" Nagkibit na lang ako ng balikat at naupo sa bakanteng upuan dito sa parlor niya.

"Bakit? Alam mo na ba?" tanong niya sa akin. Nagtataka naman akong napatingin sa kanya.

"Kaya ka ba nagyayaya dahil nabalitaan mo na rin ang tungkol sa girlfriend ni Alon?"

"Alam mo rin?"

"Nagpunta 'yon sa iskwater no'ng nakaraan. Mabuti nga'y hindi mo nakit."

"Ang ganda, Girl." Napangisi naman ako. So dinadala niya na rin pala 'yong girlfriend niya sa iskwater?

"Pero ubod ng arte! Nakakaloka! Tinitignan ko pa lang siya nas-stress na ako. Ang dami niyang gustong ipabago sa bahay para maging kumportable si Alon."

"Hindi ko nga lang alam kung alam ni Alon na bumisita 'yon dahil wala si Alon no'ng pumunta siya, umalis na rin kasi agad no'ng umalis ka." Asia. 'Yon ang pangalan ng babae. She's pretty. Sobra. Nakita ko ang kanilang mga litrato ni Alon sa ibang bansa. Natupad niya ang pangarap naming mag-travel kasama ito.

"Baka nga. Pero alam mo ba ayaw na ayaw sa kanya ng mga matatanda do'n dahil nga ang arte!"

"Magugustuhan din nila 'yon, matatanggap din nila. Dati nga ayaw niyo rin naman sa akin." Bahagya pa akong humalakhak dahil 'yon ang totoo. Nakaka-miss din talaga ang mga ito.

"Ayaw namin sayo noon dahil ang ganda mo! Insecure kami sa mas maganda, Te." Natawa naman ako sa kanila.

"Then you're just insecure lang din sa kanya ngayon. Masiyadong maganda 'yon. Kumpara sa akin, walang-wala ako."

"True, Beh," ani Francisco kaya napahalakhak ako. Ni hindi man lang pinagaan ang loob ko kahit kaunti.

"Hoy!" Pareho naman kaming napatingin nang makita sina Neneng at Kakay na papasok sa loob.

"Grabe, bonggang-bongga ka na talaga, Bakla. Ang laki-laki na nitong parlor mo."#

"I know right."

"At ikaw naman, Bakla, bakit ka naman nag-yayayang uminom? Broken ka ba?" natatawang tanong ni Kakay sa akin at umupo pa sa tapat ko.

"Imposible namang broken ka dahil wala ka namang nagiging jowa maliban sa ex mong si Kuya Alon."

"Gaga, kaya nga broken dahil may girlfriend na si Alon, 'di ba? Alam mo naman na 'yang si Isla, umaasa pa ring babalikan siya ng walang sabit," sabi niya sa amin. Napairap na lang ako. Totoo rin naman 'yon.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Nagawa pa akong ayusan ni Francisco habang chumichika. Ang inom na balak lang namin, napalitan ng boy hunting. Ang mga gagang 'to. Ang kapal pa ng make up na inilagay sa mukha ko. "Grabe, nagwo-work out ka ba? Ang sexy mo naman! May boobs na tapos mayroon pang booty, ikaw na talaga!" sabi ni Kakay na tinignan pa ang katawan ko at pinalo pa ako sa pwet. "Isa na lang kulang, "natatawang saad ni Francisco.

"Si Alon."sagot ko naman.

"Gaga! Kahit na wala si Alon kumpleto ka pa rin. Ito ang kulang!" sabi niya at pinakita ang isang necklace na mukhang replica lang.

"O pak! Ganda!" Napailing na lang ako sa kanya. Medyo napatagal din kaming nag-ayos.

Nang matapos ay tinatawagan na ako nina Alice na nandoon na raw sila. Magkakakilala naman ang mga ito kaya ayos lang din. Nang makarating kami'y sinalubong agad ako ng tingin nina Janice. "Wow! Hahanap ka talaga ng pamalit dito?" tanong niya sa akin na tinitignan pa ako mula ulo hanggang paa.

"Inuman na agad. Wala ng batian," natatawa kong saad at dumeretso na sa table. Um-order naman na sila ng mga alak. "Grabe, aga pa para malasing!" sabi sa akin ni Janice.

Tumawa lang ako at nagsimula nang uminom. Tinitignan lang naman nila ako.

"Akala ko ba hahanap muna tayo ng boylet? Mamaya ka na uminom!" sabi sa akin ni Kakay.

"Gaga. Kayo lang. Hindi ko pa kayang magdagdag ng sakit sa puso, Beh," natatawa kong sambit sa kanila.

"Fine, bahala ka." Napapailing na saad ng mga ito. Ilang oras kaming naroon habang nagchichikahan at kaunting tagay.

"Sayaw muna ako," sabi ni Janice na niyaya pa ang tatlong kaibigan kong sina Neneng, sumama rin sa kanya si Janine.

"Halika na. Sayaw na tayo, Isla," sabi sa akin ni Janice. Inilingan ko lang ito at sumenyas na pumunta na sila.

Napatingin naman ako kay Alice na nanatili sa tabi ko. Mukhang balak lang ako nitong bantayan.

"Iinom ka lang ba talaga? Let's just enjoy this party, Isla. Hindi 'yong magmumukmok ka riyan," sabi ni Alice sa akin. Natawa ko naman siyang inilingan.

"Kaya nga ako nagyaya para uminom."

Napanguso naman ako nang makita si Deo at Alice na naglalampungan na.

"Sana all!" malakas kong sigaw kaya naman natawa na lang sila sa akin.

Nang tamaan na ng alak, hindi ko na naman alam kung paano subukang huwag mag-text dito. Malabo na ang screen dahil sa mga luha komg hindi na napigilan pa.

Ako: Mshak pa ein kira.

Sinubukan ko pang tawagan ang numero niya katulad ng lagi kong ginagawa. Gusto kong sabihin lahat nang gustong sabihin gayong balak nang kalimutan ang nararamdaman para sa kanya. "Alon..." unti-unti akong natigilan nang may sumagot sa tawag.

"Hello.."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.