Hoy, Mr. Snatcher!

Chapter CHAPTER 30



Isla's POV

Nagising ako dahil sa mabangong amoy mula sa kusina. Napatingin naman ako sa paligid, prinoproseso kung nasaan ako. Nasa mini bed ako ni Alon. Tumayo na ako nang makita si Alon na nasa kusina, mukhang nagluluto ito. Napatitig naman ako sa likod nito, likod pa lang ulam na. Topless na naman ang mokong. Hindi ko maiwasang mapangiti, hindi ko maiwasang mamiss 'yong mga ganitong pangyayari, 'yong normal lang na gawain namin tuwing umaga. "You're already awake?" tanong niya at nilingon ako.

"Hindi, tulog pa ako," pagbibiro ko sa kanya. Sinimangutan niya naman ako. Masaya naman akong lumapit sa kanya at tumabi pa rito habang tinitignan ang sinasangag niya.

Napangisi naman ako nang makitang walang garlic 'yong niluluto niya, ayaw ko kasi 'yon. Kapag ako ang nagluluto nilalagyan ko dahil kabaliktaran ko naman, gustong-gusto niya 'yon.

"Ang bango naman." Nilapit ko pa ang mukha kaya medyo napalapit sa kanya. Napatingin tuloy siya sa akin kaya nagmadali akong umalis sa tabi niya sa pagkataranta. Sa isang iglap dumoble ang paglakas ng tibok ng puso. "Nakatulog pala ako," sabi ko na lang at napaiwas pa ng tingin at umupo na lang sa lamesa.

"Yeah, naghihilik ka pa," sabi niya sa akin. Nag-make face na lang ako sa kanya dahil alam ko naman na hindi ko gawaing maghilik.

Nilapag niya naman ang sinangag na may kasamang itlog, bacon at hatdog. Napangisi naman ako at excited na kumain. Ngayon lang ulit ako makakakain ng luto nito kaya susulitin ko na baka hindi na maulit. Hindi ko na siya pinansin pa at nagpatuloy na lang sa pagkain.

Nang matapos ay inihatid ako nito sa apartment kahit na sinabi kong hindi na dahil may pasok pa rin naman siya.

"Thank you, see you later," sabi ko at agad na ngumiti. Agad naman kumunot ang noo nito, balak ko kasi ulit maghatid ng lunch para sa kanya mamaya.

"Hahatiran kita ng lunch!" sabi ko at kumaway pa sa kanya. Tinignan niya naman ako ng matagal bago umalis.

"Hey, Isla," nakangiting bati sa akin ni Mike. Hindi ko siya pinansin. Masiyadong maganda ang araw ko para sirain 'yon.

Ngiting-ngiti akong pumasok sa opisina ngunit mukhang bawal atang ngumiti dahil halos lahat sila'y nakatingin sa akin. Nailing na lang ako sa kanila at dumeretso sa desk ko.

Nakangiti kong nilabas ang mga hinuha ko sa mga report na inaasikaso ngunit agad akong napatingin kina Alice nang sabay-sabay silang lumapit sa akin at pinalibutan ako. "Anong mga problema niyo?" nagtataka kong tanong.

"Nagkakamabutihan na ba kayo ng ex mo?" tanong nila sa akin na mga nakataas pa ng kilay. Kinunutan ko naman sila ng noo. Halos gusto na nga akong palayasin no'n pagnagkikita kami, nagkakamabutihan pa kaya. "Huh?" naguguluhan na ako sa kanila. Kinuha naman ni Alice ang laptop niya. Nilapag niya 'yon sa harapan ko.

"Yong ex mo, may girlfriend na," sabi niya sa akin na napailing pa. Napatingin naman ako sa screen ng laptop nito, may news tungkol kay Alon at isang CEO. CEO no'ng kompanya nila. Tuluyan naman akong nahinto roon. Is that real? Hindi ba talaga nila ako hahayaang sumaya kahit ngayong araw lang?

"Where's the facts about that news though?"

"Here. Dahil nga na-reveal na 'yong mukha ni Alon, mas marami ngayong naging interesado sa private life niya at tignan mo 'to, ang daming litrato na magkasama silang dalawa," sabi niya sa akin. "May official statement ba?" kuryoso kong tanong.

"Hindi ka pa rin ba naniniwala? Tanungin mo na lang kaya 'yong ex mo kung totoo?" tanong ni Janice.

"Gaga, baka akalain no'n, kinukuhanan lang siya ng impormasiyon ng ex niya para ibigay sa TeaNews. Ikaw ba namang may ex na reporter," natatawang saad ni Janine. Napangisi na lang ako.

"Alam niyo ang nenega niyo, saka kaya ko lang naman siya nilalapitan para sa interview, 'di ba? Ano naman tingin niyo? Makikipagbalikan ako sa ex ko?" natatawa kong tanong.

"Pwede rin," sabi ko pa at humagalpak ng tawa. Nginiwian nila ako sabay-sabay na napaalis sa pwesto ko. Natatawa na lang akong lumingon sa laptop na nakaharap pa rin sa akin. I'd better ask him. Wala akong balak maging kabit kahit na gustong-gusto ko pa 'to.

"Hoy, ano?" tanong ni Alice na hindi pa rin pala umaalis sa tapat ko. Kinunutan ko naman siya ng noo.

"Bakit?" natatawa kong tanong. Tinignan niya naman ako na tila nag-aalala sa akin.

"Paano nga kung totoong girlfriend niya 'yon?" tanong niya sa akin.

"Edi titigil na. Desperada lang ako pero hindi ako kabit," natatawa kong saad.

"Nandiyan ka rin naman kung olats na," sabi ko at ngumiti pa.

Napangiti na lang ako sa sarili. Ayos nga lang ba? Galing mo talagang lokohin ang sarili mo, Isla.

Nang mag-aalas diez pa lang ay umuwi na ako sa bahay para lang maghanda ng lunch para kay Alon. Napangisi ako sa sarili habang nilalagyan 'yon ng note.

Masamang tumanggi sa interview pero mas masamang paghintayin ang pagkain :(

-TeaNews

"Perfect!" nakangiti kong saad sa sarili at agad ng tumayo.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Abot tenga ang ngiti ko nang papunta na sa Imango. Pero kalakip din niyon ang kaba mula sa akin. Nag-commute lang ako. Napatingin naman ako sa katabing babae. Napanguso naman ako nang makitang binabasa niya 'yong article tungkol kay Alon at do'n sa CEO. Napaiwas na lang ako ng tingin. Pakalmahin mo ang sarili, Isla.

Binalik ko na lang sa normal ang mukha ang nakangiting bumaba sa Imango. Nakangiti ako ngunit agad nawala ang ngiti nang halos mabunggo na ako ng isang magarang sasakyan. Niluwa no'n ang isang magandang babae, mukhang mamahalin ang lahat ng gamit. Napatitig ako sa mukha niya, siya 'yong sinasabing girlfriend ni Alon, napatikhim ako dahil do'n at napaiwas ng tingin.

Kutis nitong mukhang porselana sa sobrang kinis at ganda. May chinitang mga mata at ang kanyang damit ay halatang may pagkamahal-mahal na tila hindi mo pwedeng basta-basta na lang hawakan. Kahit ako magugustuhan ito. Ganiyan ba naman kaganda.

Tinitignan ko pa lang ito'y tila kinakain ko na lahat ng sinabi ko kanina. Kahit hindi i-confirm ni Alon, pakiramdam ko na magugustuhan niya ito, baka nga sila talaga. Ang ganda ganda nito, gwapo si Alon, hindi malabo. Napaiwas na lang ako ng tingin dahil kung patuloy ko pa itong titignan patuloy lang din akong masasaktan. Tinignan ko naman ang sarili ko, ibang-iba sa itsura nito.

Kung ang damit nito'y eleganteng elegante, walang-wala naman ang akin. Napangiti ako sa sarili. Hindi pa nagsisimula ang laban, olats na agad. Mayaman 'yan, mukhang matalino at maganda. Gusto kong kurutin ang sarili dahil kinakain na naman ako ng inggit.

Wala naman ako sa sariling umalis na lang. Hindi na tumuloy, masiyado nang natakot sa CEO nila.

"Anong nangyari sa 'yo?" tanong nila sa akin.

"Bakit ganyan ang itsura mo?" tanong pa ni Janice.

"Did something happened?" tanong naman ni Janine.

"Anong nangyari? Bakit may dala-dala ka ring lunch? Para sa amin ba 'yan?" tanong ni Alice. Umiling lang ako at hindi pa rin naman binibitawan ang paper bag na hawak. Tuloy-tuloy lang ako sa pag-upo sa desk ko.

"Maglu-lunch na kami, sabay ka na sa amin," sabi sa akin ni Alice.

"Kayo na lang, may tatapusin pa ako," sabi ko at nginitian na lang sila.

"Anong nangyari? Akala ko ba'y galing ka kay Alon?" tanong ni Alice na hindi ako tinatantanan. Inilingan ko na lang siya, nilubyan naman na rin ako nito ng magutom.

Sinubsob ko naman ang sarili sa trabaho. Ni hindi na namamalayan ang oras. Mag-aalas dos na at hindi pa rin ako naglalunch.

"Isla, hindi ka talaga magla-lunch?" tanong sa akin ni Janice.

"Tapusin ko lang 'to," sabi ko at ngumiti.

"Kanina mo pa 'yan sinasabi."sabi niya sa akin ngunit ngumiti lang ako.

Napatingin naman ako sa lunch na ibibigay ko dapat kay Alon. Kumain na kaya ito? Hindi namn siguro ako nito hihintayin, 'di ba? Iritado nga siya sa akin, 'di ba? Pero paano kung hindi pa 'yon kumakain? Paano kung hinihintay nga talaga niya ako?

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Edi puntahan mo na," sabi ni Alice.

"Huh?" tanong ko. Hindi ko na ata namamalayan na lumalabas na sa bibig ang dapat na sa utak lang.

"Puntahan mo na. Atleast nagpunta ka," sabi niya at nginitian ako. Napatikhim naman ako at tumango. Kinuha ko na ulit 'yong lunch na dapat ay para kay Alon.

Katulad kanina ay nag-commute na ulit ako. Dapat ko na atang unahing bilhin ang sasakyan na kailangan ko. Napabuntonghininga ako habang tinitignan ang lunch na hawak. Dire-diretso naman ako sa pagpasok sa loob ngunit agad akong natigil nang makita ko si Alon sa may lobby kausap niya 'yong CEO nila. Nagtatawanan pa silang dalawa.

Hindi ko mapigilang pagmasdan silang dalawa. They looked good together, bagay nga talaga sila. Mukhang huli na talaga ako. Mukhang tama na 'tong pagiging desperada ko. Napangisi na lang ako sa sarili, ano nga bang ineexpect mo, Isla? Na after 3 years ikaw pa rin? Na after 3 years kayo pa rin? After 3 years mahal ka pa rin?

Ako lang naman 'tong bobong sa loob ng tatlong taon. Hindi nasubukang kalimutan siya. Hanoon siya kalupit. Tatlong taon pero mahal ko pa rin, sa kanya ko lang naman kasi naramdaman 'yong mga bagay na hindi ko kailanman nararamdaman sa ibang tao pero siguro nga tama na. Sapat na 'yong tatlong taon na 'yon.

I don't have the courage to ask. Wala pa akong lakas ng loob na sukuan ang nararamdaman ko para rito. But I won't be on their way. Wala akong planong manira ng relasiyon.

Tumalikod na ako at hindi na ulit sana tutuloy kaya lang ay agad akong nagulat nang makita ko 'tong Sed.

"Hindi ka tutuloy, Miss Emperyo?" tanong niya sa akin.

"You know me?" gulat kong tanong.

"Oo naman. Galing mo kaya," sabi niya sa akin at nginitian pa ako.

"Oh, thanks," sabi ko at nginitian siya. Napatingin naman siya sa hawak kong lunch box. Napatikhim naman ako.

"You can have this," sabi ko at nginitian siya. Naestatwa naman siya sa kinatatayuan at napatingin sa likod ko.

"Maybe I should go, Ms. Emperyo. See you around!" sabi niya at tumakbo na papasok sa loob. Didiretso na sana ako sa paglalakad nang hindi lumilingon sa likod tila alam na kung sino 'yon. Amoy pa lang nito'y kabisado ko na. Napatigil lang ako sa paglalakad nang magsalita si Alon mula sa likod.

"It's mine, right? Why are you giving my lunch to others?" malamig ang boses nito at mukhang seryosong-seryoso pa. Napahigpit tuloy ako sa pagkakahawak sa paper bag. Hindi ko pa rin siya nililingon.

"Hmm, tapos na ang lunch, baka hindi mo na kainin. Sayang lang," sabi ko at napapikit. Rinig ko naman ang yapak nito papalapit sa akin. Seryoso ang mukha nito at malamig akong tinignan. Plastik akong ngumiti sa kanya. "Alis na ako. Busy ako," sabi ko sa kanya at maglalakad na sana palabas ng Imango kaya lang ay nahawakan niya ako sa palapulsuhan.

"My lunch?" Inilahad pa nito ang kamay sa akin. Walang kangiti-ngiti ko naman 'tong iniabot. Parang hindi ko na kayang ngumiti pa sa kanya gayong nanlalambot na at gusto nang bumigay. Nagingilid na rin ang luha ko. "Have you eaten?" seryosong tanong niya sa akin.

"Oo naman. Bakit naman hindi?" Sinungaling.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.