Chapter CHAPTER 27
Isla's POV
"Hi!" mas masigla ko ng saad. Maaga akong nandito ngayon, mas maraming enerhiya kumpara kagabi. Aba't sa sobrang taranta ko kagabi ay binigay ko lang 'yong pasta na in-order ko at umalis na agad. Ngayon naman ay mukhang kakagising niya lang ulit.
"Good morning." nakangiti ko pang bati sa kanya. Dapat lang. Halos buong gabi akong nag-practice kung paano siya ngingitian.
"What are you doing here early in the morning?" tanong niya sa akin na napapahikab pa.
"Well, may dala akong coffee at breakfast!" sabi ko sa kanya at tinaas ang mga pagkain na dala ko. Tinulak ko pa siya para makapasok sa loob. Hindi naman siya nagmatigas kaya nakapasok agad ako. "Let's eat," sabi ko pa sa kanya nang nakangiti. Pinagtaasan niya naman ako ng kilay bago sumunod sa akin sa lamesa.
"Here," sabi ko at iniabot pa sa kanya at binili kong breakfast. Wala na kasi akong oras dahil nagpunta muna ako sa office para malaman nilang pumasok nga talaga ako. Tumikhim naman ako nang makitang nagtataka siya sa akin. Sino ba naman kasing hindi magtataka kung nandito 'yong ex mo ngayon sa bahay mo at pinagdadalhan ka pa ng kung ano-ano?
"Hi, I'm Isabel Lara Emperyo from TeaNews. I would like to have an interview with you, Sir," sabi ko sa kanya na nakangiti pa. Ang nagtataka nitong mukha ay napalitan ngayon nang seryosong mukha.
"So, you're here because of that?" tanong niya na walang kangiti-ngiti ang mukha.
"Yes?" sagot ko na hindi rin sigurado. Ngumiti pa rin ako sa kanya.
"You can go now. Hindi ako nagpapa-interview," masungit na sambit niya at umalis sa lamesa.
"Wait!" malakas kong sigaw sa kanya at agad siyang hinila pabalik.
"Ang rude mo naman kung hindi mo kakainin 'yong binili ko para sa 'yo," sabi ko sa kanya at napanguso. Seryoso niya lang naman akong tinignan.
"Masamang tumanggi sa grasiya," sabi ko sa kanya na tinitignan pa ang mga mata nitong mukhang may galit sa akin. Mabuti nga'y hindi ako nanginig sa takot habang nakatingin sa kanya. "Kumain ka na muna." Kahit mukhang iritado, wala naman siyang nagawa kung hindi bumalik sa pagkakaupo dahil siya kaya itong nagsabi sa akin noon na masamang tumanggi sa grasiya. "Kumain ka na rin," simple niyang sambit at iniabot sa akin ang ibang pagkain na dala ko para sa kanya. Iniabot niya pa ang pan cake. Pinigilan ko naman ang mapangiti roon. Luh. Pa-fall. "Hindi, ayos lang. Diet ako. Makita ka lang na busog, busog na rin ako," sabi ko pa sa kanya dahil 'yon ang madalas niyang linya. Tinignan niya naman ako ng nakakunot ang noo.
Sa paraan ng tingin niya'y parang magpapalayas kung sakalaing tatanggian mo kaya napangusp na lang ako bago sumubo. Gutom na rin naman talaga ako.
Napatitig naman ako sa kanya habang tahimik lang siyang kumakain, salubong pa rin ang makakapal nitong kilay.
"What? You want this?" tanong niya sa akin at tinuro ang kinakain niya. Agad naman akong napailing at nginitian lang siya. Nakangiti lang ako habang nakatingin sa kanya.
"Then why are you looking at me like that?"
"Wala? You just look different."
"Don't you have work?" tanong niya sa akin na pinagkunutan pa ako ng noo.
"Ikaw," sabi ko at ngumiti sa kanya. Kita ko naman ang pag-irap niya doon. "Just a little interview won't hurt you, you know," sabi ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot at tumayo na dahil tapos na siyang kumain.
"Papasok ka na ba?" tanong ko sa kanya ng tumayo ito at didiretso na sa cr.
"Lock my door kung aalis ka na." Napanguso naman ako roon. Parang gusto na ako nitong palayasin sa bahay niya. Sino bang hindi? Sino bang tangang magpapapasok sa ex niya?
Inunahan ko siya sa pagpasok sa cr para tignan kung may tubig ba do'n. Wala laman ang drum kaya agad akong napangisi.
"Walang tubig ang drum mo! Ipag-iigib kita," sabi ko sa kanya at nginitian siya.
"No, Ako na," masungit niyang saad ngunit agad kong kinuha ang timba. Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa suot ko. Nakapantalon nga pala ako at nakaheels pa. Matibay-tibay naman 'tong heels ko kaya ayos lang. Napangisi naman akong nakipag-unahan pa sa kaniya patungo sa bombahan.
"Wow, ganyan ang outfit mo pero pag-iigibin ka lang ng ex mo?" tanong sa akin ni Peter. Napatingin naman ako kay Alon na nakasimangot na tingin sa akin.
"Mag-iigib din pala ang balik bayan natin," pangangantiyaw nila sa kanya ngunit hindi man lang ito ngumiti dahil nanatili ang masamang tingin niya sa akin.
"Ako na," sabi niya at aagawin pa ang timba ngunit agad ko siyang nginitian ng malapad at ako nag-igib. May dala-dala naman siyang timba. Kung makakapatay lang ang tingin, siguradong patay na ako ngayon. Medyo nahirapan ako sa pagbubuhat lalo na dahil sa heels at bako-bakong daan. Gaga ka talaga, Isla. Kung ano-anong pinapasok mo.
Nagmamadali naman akong dalhin 'yon sa cr dahil ang bilis lang ni Alon kung magbuhat ng timba. Sinamaan niya ako ng tingin nang babalik na ulit sa poso.
"Kulit," masungit niyang saad sa akin. Hindi naman ako nagsalita dahil mukhang napipikon na siya sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya at nagtuloy-tuloy pa rin sa paglalakad patungo sa bombahan.
Sa pangalawang beses kong sinubukang magbuhat. Hindi ko naman inaasahan na matatapilok ako at halos mabuhos sa akin ang laman ng buhat kong timba lalo na't natumba pa ako dahil sa heels ko. "Tangina." Narinig kong sambit ni Alon nang makita ako. Agad niya akong nilapitan.
"Bakit ba kasi ang kulit mo?" Mukhang galit na talaga ngayon.
Napatingin naman ako sa kamay ko na namumula na dahil pinang tukod ko. Inalalayan niya akong makatayo. Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa pantalon kong basang-basa na ngayon.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Ilan ang nahuli mong palaka, Isla?" natatawang nilang tanong.
"Ayos lang ako. Wala lang 'to," natatawa kong saad at kusa ng tumayo. Seryoso lang naman ang mukha niya na tila hindi na natutuwa sa akin. Bakit nga naman siya matutuwa sayo, Isla? Ang kulit mo. "Huwag mo akong alalahanin. Sige na! Maligo ka na," sabi ko sa kanya at ngumiti pa na tila walang nangyari sa akin.
"Baka malate ka pa sa trabaho, "vsabi ko sa kanya.
"Change your clothes first tutal ay mukhang hindi mo pa naman kinukuha ang mga gamit mo sa bahay." Mukha pa siyang galit sa pagkakasabi niya no'n. Galit ba siyang tumira ako sa bahay niya?
Nauna na siyang naglakad patungo sa bahay niya. Napasunod na lang ako lang ako habang nakanguso.
Agad naman akong tumakbo at ininda ang sakit ng paa. Tinignan niya naman ako kaya ngumiti ulit ako sa kanya.
"I'll take a bath. Change your clothes at bumalik ka na sa trabaho," masungit niyang saad at pumasok na sa cr. Napanguso na lang ako.
"Edi babalik ako sa 'yo?" natatawa kong bulong sa sarili dahil siya naman 'tong trabaho ko ngayon.
Nagpalit na lang ako ng damit na iniwan ko roto. Napangisi na lang ako nang mapansing hindi niya naman inalis ang mga gamit ko drto sa bahay niya. Napatingin pa ako sa dinisplay kong picture naming dalawa. Nakita niya rin kaya 'to?
Tinignan ko naman ang nag-iisang sapatos na nandito sa lapag. Agad ko 'yon kinuha at sinubukang linisin. Napangiti naman ako ng mapakintab ko 'yon.
Ayaw ko pang umalis kaya tinignan ko ang coat na nakasabit sa gilid. Agad ko rin namang kinuha at sinubukang plantiyahin. Napangisi naman ako at agad na nilapag nang matapos. Nilapag ko na 'yon sa mini bed na binili ko.
Nagligpit-ligpit pa muna ako. Balak pa siyang abangan sa paglabas. Agad ko naman siyang tinignan nang lumabas siya sa cr. Nakatapis lang siya ng tuwalya. Ngumiti ako sa kanya ngunit gulat na gulat itong tinignan ako. Akala ata'y umalis na ako sa sobrang tagal niyang maligo.
Nakatingin lang naman ako sa katawan nito, mas lalo pa siyang naging phisically fit at ang abs nito'y nandiyan pa rin.
"What the? Pinagnanasaan mo ba ako?" tanong niya na tinakpan pa ang katawan. Sa tagal naming magkasama sa tuwing umaga, lagi ko na 'yan nakikita. Ngayon pa siya nahiya.
"Grabe ka naman! Hindi, 'no!" natatawa kong saad sa kanya. Inirapan niya lang ako. Inalis niya na ang pagkakatakip at prente pang naglakad sa gilid ko.
Napatigil naman siya nang makitang nakaayos na ang coat nito maski ang sapatos ay nakashine na rin. Tinignan niya naman ako kaya ngumiti ako ng malapad sa kanya.
"Hindi 'to ang susuotin ko," masungit niyang saad at kumuha ng hoodie sa loob. Init-init dito sa pilipinas.
"Hindi ka ba lalabas?" tanong niya sa akin. Napatikhim naman ako dahil nakatayo lang ako sa gilid niya.
"Don't tell me you also want to see me nake?" tanong niya sa akin nang hindi pa rin ako umaalis.
"Ah." Nagmamadaling lumabas ng bahay niya.
Hindi pa rin naman ako umaalis at nanatili pa rin dito sa labas. Diniligan ko na lang ang mga halaman na nilagay ko dito.
"Pinalabas ka ba, Isla?" natatawang tanong ni Aling Pasing sa akin. Natatawa na lang akong tumango. Expected ko naman na ito. Expected pa nga na galit siya sa akin lalo sa mga ginawa ko noon. Naghintay lang ako sa kanyang paglabas kahit na tinatawagan na ako nina Alice. Hindi naman ako nabigo.
"Hi!" bati ko pa ulit sa kanya.
"Ano pang ginagawa mo rito?" tanong niya sa akin. Agad ko namang iniabot sa kanya 'yong chuckie na may note.
"Please do the interview with us :))"
"Think about it," sabi ko na nginitian pa ulit siya.
"Sige na, aalis na ako. Pasok muna. Babalikan naman kita."
"Sumabay ka na. Ihahatid na kita," wala kangiti-ngiting saad niya.
"Talaga?" masaya kong tanong at nagpunyagi ng palihim.
"Tara na," sabi ko sa kanya at ngumiti pa dito. Napatingin naman sa amin ang mga kapitbahay niya lalo na nang makitang magkasabay kaming naglalakad palabas ng eskinita.
"Kayo na ba ulit, Isla, Alon?" tanong nila.
"Nako! Hindi po!" natataranta kong saad dahil baka biglang magalit 'tong si Alon.
Inis na inis na nga siya sa akin, dadagdagan ko pa ba? Napatingin naman ako sa kanya, nakasimangot na 'to ngayon. 'Yan na nga ba ang sinasabi ko. Mas lalo pa ata itong nairita ng dahil sa akin.
"Pasensiya ka na, chismosa talaga mga kapitbahay mo," natatawa kong biro kahit na hindi naman siya natatawa sa mga sinasabi ko.
Hindi naman siya nagsalita at pinagbuksan lang ako ng pintuan ng kotse'ng nasa gilid. Nanlaki naman ang mata ko. Kotse niya ito?
Agad naman akong napatitig sa kanya, mayaman na nga talaga ito. Parang ang hirap niya tuloy abutin bigla pero ngayon pa ba ako susuko kung kailang tatlong taon ko siyang hinintay?
"Yaman mo na pala," sabi ko sa kanya at ngumiti ngunit hindi ko pa rin maiwasang maging malungkot para sa sarili. Pakiramdam ko kasi hindi ako karapat-dapat na balikan siya. No'ng wala siyang pera, iniwan ko siya.
"Congrats." Hindi ko alam ang sasabihin kaya 'yon na lang ang lumabas sa aking bibig. Seryoso naman niya akong tinignan, nananantiya. Ngumiti lang ako sa kanya.
Nang makarating kami sa tapat ng station, agad akong nagpasalamat sa kanya.
"Thank you. Ingat ka sa trabaho," sabi ko na nginitian siya nang malapad. Bumaba na rin agad ako ng sasakyan niya. Hindi ko mapigilang mapangiti na lang ng malungkot sa sarili. Hindi na alam kung tama pa ba ang ginagawa. Katulad noon, I'm still not worthy. Pakiramdam ko'y hindi ako kailanman magiging karapat-dapat sa kaniya.